Share

Chapter 6

VIENNA'S POV

Hindi ako pumasok kinabukasan hindi dahil sa umiiwas ako kundi dahil sa magpa-practice ako buong araw. After nung nangyari, hindi na 'ko nagtagal pa sa university, umuwi na 'ko agad before lunch. Kumalat na sa social media ang litrato namin ni Sebastian at naging usap-usapan na rin ito sa university.

Nandito lang ako ngayon sa kwarto, nagpa-practice. Kabisado ko naman na kaso inuulit ko para maging perfect. Kasama ko rin ngayon si kuya, mamayang 1 pm pa ang practice niya tapos si mom at tito nasa trabaho na.

"Vienna.." Napalingon naman ako nang biglang bumukas ang pinto, si kuya.

"Yes?" sagot ko na lang.

"Kakain na, nakahanda na ang lunch sa baba," sabi niya pero umiling ako, 'di pa naman ako nagugutom.

"Hindi ka pupunta ng university?" tanong niya at umiling na naman ako bilang sagot.

"Vienna iwasan mo nga si Sebastian." Nilingon ko naman siya at nagtatakang napatingin sa kaniya.

"Why? wala namang ginawang masama sa 'kin yung tao, bakit ko iiwasan?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya. I'm just telling the truth, hindi naman masamang tao si Sebastian para iwasan ko.

"Wala nga pero dahil sa kaniya nai-issue ka sa university, alam mo naman na sikat 'yun at habulin ng babae. Kabago-bago mo ro'n pero pangalawang beses ka nang pinag-uusapan ng mga estudyante," sagot niya. Napatayo na 'ko at napahalukipkip sa harapan niya.

"So bakit hinahayaan mo 'kong makalapit sa kaibigan mo? diba nang dahil sa kaniya na-issue din ako? Dapat ko rin ba siyang iwasan ha? kuya? Habulin din naman ng babae ang kaibigan mo ah, siya kaya ang sabihan mo na iwasan ako," kunot-noong tugon ko. Hindi na nakasagot si kuya. Lumabas na siya ng kwarto ko, sinara ko naman ang pinto at napaupo sa kama. Bakit kaya may mga gano'ng tao sa mundo? mga malisyoso't malisyosa, judgementals! sinisira lang nila ang dignidad ng isang tao.

BRITT'S POV

Katatapos lang ng soccer practice namin, nagpapahinga kami ngayong tatlo sa isang bench sa harap ng field. Ngayong araw hindi ko nakita si Vienna, hindi kaya siya pumasok? sa tingin ko umiiwas siya na pag-usapan ng lahat. Kainis ba naman kasi ang mga fans ni Sebastian, mga selosa!

"May hinahanap ka pre?" tanong ni Enzo.

"Si Vienna, nakita mo ba siya?" tanong ko pero umiling naman siya bilang sagot.

"Kabago-bago niya rito sa university tapos ginagawan na siya nang issue na hindi naman totoo. Hindi naman 'yun manhid para hindi masaktan o maapektuhan," sagot ni Enzo. 

"Mga fans mo ba naman kasi pre ang tindi magselos, konti na lang sakalin na nila si Vienna," dugtong pa ni Enzo na ikinatawa ko.

"Wala akong pakialam sa kanila, hayaan niyo silang magselos, mapapagod din ang mga 'yan," sagot ni Sebastian.

"Pinagalitan mo raw si Therese kahapon, bakit mo naman daw ginawa 'yon? an'dami tuloy niyang tanong sa'min," saad ni Enzo. Kahit ako curious din kagaya niya. Kilala namin si Sebastian, walong taon na kaming magkakaibigan. Nasa ugali niya na ang pagiging sweet at maalaga, pinaparamdam niya 'yun sa lahat ng babae before lalo na kay Vienna.

"Concern ka ba kay Vienna pre?" tanong ko. Napabuntong-hininga naman siya agad na ipinagtaka naming dalawa ni Enzo.

"Yes, I am," sagot niya. Tama nga ako concerned siya kay Vienna. Hangga't maaga pa kailangan na naming malaman kung si Vienna ba talaga ang Vienna Malvar na minahal niya 3 years ago.

"Sinasabi ko na nga ba, kaso pre hindi pa tayo sigurado kung siya nga 'yun. Akala ko ba iiwasan mo siya?" may bahid ng inis ang tono ng boses ni Enzo. Alam kong concern lang siya kay Sebastian, saksi kaming dalawa sa mga panahong lugmok at sobrang nasasaktan ang kaibigan namin dahil sa pag-iwan sa kaniya ni Vienna.

"Hindi ako gano'n kasama para hindi siya tulungan. Pinipilit ko naman eh kaso yung kahapon, alam ko sa sarili ko na kailangan niya 'ko. Pero sa oras na malaman kong siya nga, iiwasan ko siya at pipilitin kong iwasan siya," seryosong tugon ni Sebastian.

Halata sa boses niya na nasasaktan pa rin siya at halata rin sa kaniya na mahal niya pa si Vienna. Sino ka ba kasi talaga Vienna Malvar? ginugulo mo ang isip namin. 

Hahanap na talaga kami ng paraan para malaman kung siya nga ang kaibigan ko at ang nag-iisang babaeng minahal ni Sebastian 3 years ago.

VIENNA'S POV

Ilang beses na kaya akong napahikab? lima? sampu? pero once na humiga ako hindi naman ako makatulog. 2pm na ng hapon at kay bilis lang ng oras. Kanina panay practice lang ako tapos kapag napagod, kakain. Hayssss.. ano ba ang pwede kong gawin? maghahanda para bukas? eh ready naman na 'ko. Ang gulo ko rin, kumusta na kaya sa university? kumusta kaya si Tine?

It's already 2:30 pm, nakabihis ako ngayon dahil pupunta ako ng orphanage. Gusto kong bisitahin ang mga bata lalo na sina sister. Matagal ko na rin silang hindi nabisita mga halos isang taon na yata.

Pagkalabas ko ng bahay, sumakay na rin naman ako sa sasakyan ko. Pupunta muna akong supermarket, bibilhan ko lang ng pasalubong ang mga bata. After mga 30 minutes nakarating din naman ako, pagkatapos kong maiparada ang kotse pumasok na lang din ako sa loob para makabili na.

Nakapili na rin naman ako ng ipapasalubong ko sa kanila, tatlong packs ng candy at limang packs ng biscuits. 'Yung iba juice at bottled water, siguro magkakasiya na rin naman na 'to sa kanilang lahat.

"Vienna?" Napalingon naman ako, si Tine.

"Bakit ka nandito?" takang tanong ko at napatingin sa tuhod niya. Band aid na lang ang nakalagay, siguro gumagaling na.

"Ano ba ang ginagawa sa supermarket?" pilosopong tugon niya. Kairita talaga ang lalaking 'to, namimilosopo pa.

"Biro lang, inutusan ako ng mom ko na bumili ng groceries at bilhan ng laruan ang kapatid kong kambal." May kapatid siya? nakakagulat naman non.

"Ahh I see, by the way kumusta na 'yang tuhod at binti mo?" tanong ko.

"Medyo okay na siya, nakakalakad na rin ako nang maayos," sagot din naman niya.

"Mabuti naman, pero ang sabi ng nurse hindi ka makakalaro muna at 'yun ang bilin niya sa 'kin," sabi ko, tumango naman siya bilang sagot at ngumiti.

"O sya nagmamadali ako, see you bukas," sabi ko at hindi ko na hinintay pa na makasagot siya. Gustong-gusto ko na kasing makita ang mga bata lalo na sina sisters.

Pumila rin naman na 'ko at nagbayad na, after nun lumabas na rin ako ng supermarket. Pero nakita ko si Tine na parang may hinihintay, sino naman kaya?

"Tine? may hinihintay ka?" tanong ko nang makarating ako sa puwesto niya. Napatingin naman siya sa 'kin at agad kinuha ang dalawang plastic na bitbit ko.

"Oy sandali Tine, kaya ko na," sabi ko nang magsimula na siyang maglakad.

"Naandito nga ako para tulungan ka kaya naghintay ako sa 'yo rito sa labas. Ako na at kaya ko naman, don't worry," nakangiting sagot niya. Ang tigas din ng ulo nito.

"Saan kotse mo?" Tinuro ko naman ang kotse ko nang makarating kami sa pinagparkingan ko. Nilagay niya rin naman sa loob ng compartment ang mga binili ko. Nakapagtataka naman ang mga kinikilos niya.

"By the way, saan ang punta mo?" tanong niya nang maipasok niya na lahat.

"Sa orphanage, dadalawin ko lang ang mga bata at sina sister. Alis na 'ko ah? ingat ka sa pag-uwi," sagot ko at papasok na sana sa kotse nang pinigilan niya 'ko sa braso.

"Pwedeng sumama?" tanong niya.

************

Kasalukuyan na 'kong bumabiyahe papuntang orphanage, kasama 'tong si Tine. Ayoko naman sana siyang isama kaso nga lang nagpumilit kaya ayun napilitan na 'kong isama siya.

"Paano yung mga pinamili mo?" tanong ko. Hindi niya naman sinagot ang tanong ko at parang nagbibingi-bingihan lang ang loko.

"Kasama ko naman ang family driver namin kanina, siya na ang bahala sa mga 'yun," sagot niya at nilingon ako. Hindi na 'ko nagsalita, in-open ko na lang ang stereo at nakinig ng music.

"Sabi ng kuya mo sa'min, mag-au-audition ka raw sa Music Club bukas?" tanong niya, tumango naman ako bilang sagot.

"Manunuod kami sa 'yo, susuportahan ka namin," dugtong niya. Tumahimik na rin naman na siya pagkatapos, 'di na rin ako nagsalita. Gusto ko kasi na tahimik dito sa loob ng kotse ko.

Mga halos 45 minutes na biyahe nakarating din naman kami sa orphanage. Walang alam sina sister na bibisita ako, gusto ko rin kasi silang sorpresahin.

Bitbit ni Tine ang mga pinamili ko, mukhang 'di pa napapansin nina sister ang presensya naming dalawa. Kasalukuyan kasi silang nag-uusap habang yung mga bata naglalaro sa damuhan. I really miss them!

Buti na lang lumingon si sister Fiona sa direksyon namin, nagulat siya nang makita ako at napatakip pa siya nang bibig niya.

"Sisters, si Vienna," naiusal niya. Dahil sa sinabi niya, nagsilingon na rin ang ibang mga madre sa direksyon ko. Napangiti naman ako, lumingon na rin sa 'kin ang mga bata.

"ATE VIENNAAAAA!!!" sigaw ng mga bata. Nagsitakbo naman silang lahat patungo sa direksyon ko at niyakap ako agad. Napangiti naman ako dahil sa sobrang higpit ng mga yakap nila.

"Ate Vienna, namiss ka namin."

"Bakit ngayon lang po kayo bumisita?"

"Matagal na po namin kayong hinihintay."

"Ate araw-araw na ba kayong bibisita rito?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na pisilin ang mga pisnge nila dahil sa mga sinabi at tanong nila sa akin. Sina sister nakangiti lang pero parang gusto na nilang pigilan ang mga bata.

"Mga bata may pasalubong sa inyo ang ate Vienna niyo, here," biglang sabi ni Tine sabay abot niya kay Alicia, ang mas nakakatanda sa lahat ng bata dito sa orphanage.

"Salamat ate Vienna, salamat din po kuya," nakangiting sagot ni Alicia.

"You're welcome," sagot naman ni Tine sabay gulo ng buhok nito.

"Kuya ano po ang pangalan niyo?"

"Boyfriend po ba kayo ni ate?"

"Bagay po kayong dalawa."

Jusko naman! ang mga batang 'to, grabe rin kung mag-isip. Ang lawak ng kanilang pag-iisip at imahinasyon.

"Ako nga pala si Tine, kaibigan ng ate Vienna niyo," pakilala ni Tine. Nalungkot naman ang mukha nilang lahat dahil sa sinagot niya. Nag-e-expect silang lahat na boyfriend ko ang nilalang na 'to.

"Mga bata pagsaluhan niyo ang pasalubong na bigay ng ate Vienna niyo, huwag mag-aaway maliwanag?" wika ni sister Elizabeth. Sumunod naman ang mga bata sa sinabi ni sister at pagkaalis nila napayakap na 'ko kina sister, sobrang namiss ko sila.

"Namiss ko po kayong lahat," sabi ko.

"Namiss ka rin namin anak, isang taon din tayong hindi nagkita. Sana tumawag ka man lang para nakapaghanda kami ng pagkain," sagot ni sister Fely. Siya ang mother superior nitong orphanage at pinakamatanda sa lahat ng madre rito.

"Gusto ko po kasi talaga kayong sorpresahin kaya hindi na 'ko nag-abala pang tumawag," wika ko.

"Na sorpresa mo nga kami Vienna, salamat sa pagbisita mo rito," nakangiting sambit ni sister Fiona, ang pinakabata sa lahat ng madre rito sa orphanage. Maganda siya kaso gusto niya talagang maglingkod sa panginoon.

"Hijo, ikaw si Tine diba?" tanong ni sister Celia. Muntikan ko pang makalimutan na kasama ko pala si Tine.

"Opo, Tine Alvarez po sister," sagot din naman niya.

"Anong nangyari riyan sa tuhod mo?" nag-aalalang tanong ni sister Elizabeth. Si Tine halatang nahihiya, sina sister kasi nakatingin na sa tuhod niya.

"Wala ho 'to sister, gumagaling na po siya, nadapa lang sa soccer practice," sagot niya.

"Sa susunod mag-iingat ka." Napangiti naman si Tine sa sinabi ni sister Elizabeth.

"Mabuti naman at may sinama kang kaibigan mo rito, hindi na kami mag-aalala sa tuwing aalis ka pauwi sa inyo," wika ni sister Louisa. Nag-aalala lang kasi sila sa 'kin, alam ko naman kung bakit.

"Hijo, pakibantayan nga itong si Vienna at iiwas mo siya sa ano mang disgrasya." Si Tine tumango naman at ngumiti bilang sagot kay sister Fely.

"Opo sister, akong bahala sa kaniya," sagot naman ni Tine.

"Pumasok na muna kayo sa loob para makapagpahinga," aya ni sister Celia ngunit umiling ako.

"Sister 'di na kami magtatagal, gustuhin ko man kaso may kailangan pa po kasi akong gawin. Pasensiya na po kayo, pangako po babalik ho ulit ako rito," sagot ko, niyakap din naman ako ni sister Celia.

"Okay lang anak, bumisita ka kahit anong oras hihintayin ka namin. Mag-iingat ka, kayo ni Tine.. namiss ka namin anak," wika ni sister Celia. Niyakap naman ako agad ni sister Elizabeth at napayakap na rin sa 'kin sina sister Fely. Mamimiss ko silang lahat lalo na ang mga bata, sana makabisita ulit ako rito.

***********

Nasa biyahe na kami ngayon ni Tine. After ng mga nangyari kanina sobra ang saya na nararamdaman ko. Parang halos lahat ng problemang iniisip ko nawala dahil sa yakap nina sister at ng mga bata.

"Halatang ang saya mo," biglang sabi ni Tine. Nilingon ko naman siya at nakangiti ang loko.

"Napakaimportante siguro nina sister at ng mga bata sa buhay mo," dugtong pa niya. I suddenly remembered what happened 3 years ago. Sobra akong nagpapasalamat sa tulong nina sister at ng mga bata para lang maka-recover ako from the accident. Kung hindi dahil sa tulong nila baka wala na talaga akong ni isang naaalala ngayon.

"Vienna ayos ka lang?" Napalingon ako ulit kay Tine, nakikita ko sa mga mata niya ang pag-alala.

"Yeah, okay lang ako.. may naalala lang," sagot ko.

"Care to share? willing akong makinig. Malayo pa naman ang bahay ko tiyaka medyo traffic pa." Should I trust him? Nakikita ko naman ang sincerity sa mga mata niya pero ayokong ikuwento sa kaniya ang nangyari sa 'kin 3 years ago. Only Michelle knows my story at ayoko nang ibahagi 'to sa iba.

"Tumira kasi ako for almost 1 year sa orphanage then after that bumalik ako ng US at do'n na tumira. Umuuwi lang ako rito sa Pilipinas every first day of the month para bisitahin sina mom." I didn't tell him the whole story, ayoko naman na malaman niya lahat.

"Kaya naman pala napamahal ka na sa kanila at kaya rin pala hindi kita na-meet before kahit na palagi akong sinasama ng kuya mo sa bahay niyo. 'Yun pala sa orphanage at sa US ka tumira, kinuwento naman sa 'kin ni Vince bakit ka sa amerika tumira pero hindi niya sa 'kin naikuwento ang tungkol sa orphanage." Kinukwento pala ako ni kuya sa kaniya, pero never naman nagkwento sa 'kin si kuya tungkol sa kaniya. Hindi ko pa naman na-meet si Tine before kasi nga sa orphanage ako tumira.

"Tine thank you nga pala sa pagsama sa 'kin," sabi ko na ikinagulat niya.

"You're welcome Vienna, salamat ulit sa pagtulong mo sa 'kin at sorry ulit sa nagawa ko."

"It's fine Tine, no need to say sorry ayos lang," sabi ko at nginitian siya, he smile in return.

After ng isang oras na biyahe naihatid ko na rin si Tine sa bahay nila, ako pa talaga ang naghatid diba? HAHAHAHA anyways malaki ang bahay nila tapos may malawak na garden, ang dami ring nakatanim na bulaklak. Ayoko naman na sanang pumasok sa bahay niya kasi 6:30 pm na kaso nagpumilit siya, kaya 'di na ko nakahindi.

"Mom, I'm home," sabi niya pagkapasok namin sa loob ng bahay nila. Ang ganda ng loob, ang daming picture na naka-display, vases, chandeliers at ang ganda rin ng pagkakadesign ng bahay. Meron silang tatlong kasambahay na abala sa paghahanda ng mga pagkain sa mesa.

"Finally nakauwi ka na." Napatingin naman ako sa isang babaeng pababa ng hagdan na nasa edad 30 to 35 years old. Siguro ito na ang mom niya kasunod nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay dad niya.

"Good evening po," bati ko bilang paggalang at napatingin din naman silang dalawa sa 'kin. Ang mama niya, agad ngumiti sa 'kin ng pagkatamis gano'n din ang dad niya.

"Hindi mo naman sinabi anak na may kasama ka pala. Hi hija good evening too, anong pangalan mo? girlfriend ka ba ni Tine?" nakangiting wika niya. Sinasabi ko na nga ba, 'yan agad ang iisipin nila. Siguro wala pang ni isang babae na dinala rito si Tine, ang gwapo pero walang girlfriend.

"Mom she's not my girlfriend, kapatid siya ni Vince," iritadong sagot ni Tine. Parang gusto ko tuloy tumawa dahil sa reaksiyon niya.

"Oh I'm sorry hija, hindi man lang kita nakilala gumanda ka kasi lalo ngayon. Kumusta ka na? ang tagal din nating hindi nagkita, taon na yata? tama ako diba?" Nagtataka akong napatingin sa kaniya. Na-meet ko na siya before? bakit hindi ko siya naaalala? hindi man lang siya naikuwento sa 'kin ni mom o 'di kaya ni kuya.

"Nagkakilala na ho tayo before?" takang tanong ko na ikinagulat ng mom ni Tine lalo na ang dad niya.

"Akala ko nagsisinungaling lang sila, so it's true. I'm Victoria Tine's mom and this is Timothy my husband, Tine's father. Na-meet na kita before, 13th birthday ng kuya mo nun," sagot niya na lalo kong ipinagtaka. Hindi ko talaga siya matandaan at hindi ko na rin matandaan kung ano ang mga nangyari sa birthday ni kuya.

"Ahmm let's eat, nasa mesa na ang mga pagkain. Vienna hija, dito ka na maghapunan, sumabay ka na sa'min," wika ng dad ni Tine nang 'di na ako nakasagot sa sinabi ni tita.

Pagkaupo ko sa silya, still iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Kahit si Tine napansin kong nag-iisip din, siguro nagtataka rin siya.

Nagsimula na rin naman na kaming kumain, tahimik ang hapag pero napapansin kong napapatingin sa 'kin ang mom ni Tine.

"Vienna hija, ayos ka na ba ngayon?" biglang tanong ng dad ni Tine, nagtaka tuloy ako.

"Opo tito, ayos na po ako," tanging sagot ko.

"Good to her that, be careful okay? umiwas ka na sa disgrasya. And by the way ikamusta mo na lang kami sa mom at tito Lucas mo," wika ni tito, tumango naman ako bilang sagot. 

How come na hindi ko sila nakilala at naalala if kilala nila si mom at tito Lucas? Wala ba silang alam sa nangyari sa 'kin 3 years ago? hindi kaya sila sinabihan? how come? Masyado na ba talagang nasira 'tong utak ko kaya pati sila nakalimutan ko na?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cristina Macol Brian
pa unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status