Share

CHAPTER 9

Dalawang linggo, sa loob ng dalawang linggo ay hindi umuwi si Kurt sa bahay. He stayed at the company. Kung uuwi naman siya ay sa unit niya siya tumutuloy.

Hindi ko alam kung bakit biglang nagkaganoon. Ni hindi siya nagsabi sa akin na hindi siya makakauwi. I waited for him everyday.

Sa unang linggo ay maayos pa akong nag-aantay sa kanya pero ng sumunod na linggo ay nagkasakit na ako. Nagsusuka sa umaga at nahihilo. Isang beses pa ay nawalan ako ng malay. Dahil sa sobrang takot ko ay nagpacheck up ako agad.

"Mrs. Maze, base on the results ay wala ka namang sakit. Iyang nararamdaman mo ay normal lang dahil sa pagbubuntis mo." tila nabingi ako sa paliwanag ng doktor.

Ako? Buntis? Hindi ako makapaniwala.

Mula sa monitor ay itinuro niya sa akin ang anak ko. Anak namin ni Kurt.

"You're two weeks and 4 days pregnant Mrs. Maze. Healthy naman si baby. Just avoud stress dahil medyo maselan ka pa dahil first baby mo ito. I'll just give you vitamins para sa baby."

Matapos ng check up na iyon ay dali-dali akong nagpunta sa opisina ni Kurt.

"Is Kurt there?" tanong ko sa sekretarya niya.

Nang sinabing naroon ay agad akong pumasok. Nadatnan ko siyang nakatutok sa laptop niya. Pansin ko ang pagkapayat nito. May mga tumubo na ring bigote. Marahil ay hindi niya naaahit.

Umupo ako sa tapat nito.

"Kurt, bakit hindi ka umuuwi?" panimula ko. "I waited for you everyday."

"Get out of my office. I don't wanna see you." Pagtaboy niya sa akin na siyang ikinagulat ko. Tatayo na sana ako pero naalala ko ang dahilan kung abkit ako nagpunta rito. Inilapag ko sa lamesa niya ang isang puting bagay na nagpapatunay na buntis ako at ang larawan ng utrasound.

"I'm pregnant Kurt, two weeks pregnant." Masayang sambit ko sa kanya.

"I don't want that child. Ipalaglag mo yan." sambit nito na nakapagpaguho ng mundo ko.

He don't want the child? He wants me to abort the child inside my womb. Akala ko magiging masaya siya dahil napag-usapan na namin ito. Pero bakit ngayon narito na ay iba na ang dating?

Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin?

"K-kurt." I cried.

"Kahit kaylan hindi ko kikilalaning anak ang anak nyo ng lalaki mo." Hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya. Lalaki ko? Wala akong ibang lalaki. Siya lang.

"Lalaki ko? What the?! Kurt sayo ang batang ito. Wala akong lalaki." hindi ko na napgilang humagulgol.

"Walang lalaki? Si Aaron? Lalaki mo sya diba?" nakangising sambit nito sa akin.

"No! He's not."

He laughed sarcastically. "Really? You can't fool me again Colline. Once is enough."

"Wala kaming relasyon."

"Quit fooling me Colline. I know you now. You're a flirt! A whore! A golddigger! Walang relasyon pero iba ang nakita ko! I saw you! With my own eyes! So don't you dare to fool me again!"

My eyes widened when he burst out his anger.

"It's not what you think Kurt." Umiiyak na sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan.

"Shut up! Just shut the fuck up! Fine! You can keep that child alive pero paglabas nya ayoko syang makikitang nasa bahay. I don't want to see that child with you. And I'm not divorcing you. Get yourself ready. I'll make your life miserable." Pabagsak  niyang isinara ang pintuan ng opisina niya .

I was left here crying.

Nang gabing iyon ay umuwi na sa bahay si Kurt. Umasa ako na maayos na siya pag-uwi pero mali ako. Ang laki na ng pinagbago niya.

He's not the sweet husband I loved. Hindi na siya ngumingiti sa akin. Bagkus ay sinisigawan na niya ako. Ilang linggo ang lumipas pero ganun pa rin siya.

Patuloy pa rin siya sa pagpapahirap sa akin. He even hurt me physically. Hanggang isang araw ay aksidente niya akong naitulak sa kusina. Bumagsak ako sa sahig.

Hindi ko alam kung paano nangyari pero bigla akong namilipit sa sakit. Until I saw my self sitting on my own blood. Gulat akong napahawak sa tiyan ko.

"My baby..." mahinang usal ko. Umiyak ako habang hawak ko ang masakit kong tiyan, habang si Kurt naman ay nagulat sa nangyari. "Help me please. My baby.."

Dali-dali niya akong binuhat at dinala sa ospital. Bago pa makarating sa ospital ay nawala na agad ako ng malay. Nang magising ako ay wala na ang sakit na nararamdaman ko.

Nasa loob na rin ng kuwarto ko ang mga magulang ko. Dahan-dahan akong umupo. Agad na lumapit sa aking ang aking ina.

"Mommy, my baby? How's my baby? Is she okay?" tanong ko rito.

"She's okay." tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi nito.

"He hurt you, did he?" Nagulat ako sa tanong ng ama ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung magsisinungaling ba ako o hindi. Pero alam ko ang ugali ni Dad. Hindi siya magsasalita ng ganiyan kung wala siyang alam.

"It's just a simple misunderstanding Dad. Kaya ko na ito." mabuti na lang at napakiusapan ko si Dad na huwang akong kunin kay Kurt.

Nang makalabas ako ng ospital ay sa bahay pa rin namin ako ni Kurt tumutuloy. Habang siya naman ay hindi umuuwi sa bahay. Batid kong nakonsensya siya sa nangyari noong araw na iyon  kaya hindi siya umuuwi.

Lumipas ang mga araw at nakapangangak na ako. Tulad ng inaasahan ay babae ang anak ko. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang pagkawala ni Kurt sa sandaling ito.

Noong pinaplano pa lang namin ito ay gusto niyang makasama ako sa panganganak. Pero ngayon ay wala siya. Ni anino niya ay hindi ko makita.

Kurtline Angel Ramirez ang ipinangalan ko sa kanya. Ramirez dahil wala si Kurt para sa kanya ko ipaapilyedo ang bata. Kurtline ay katumbas ng pinagsamang pangalan namin ni Kurt. At Angel, dahil siya ang anghel na nagbigay liwanag sa nandilim kong mundo.

Nang mag-isang taon si Kurtline ay kinuha na siya nila Mommy at Daddy, dahil sila mula ang mag-aalaga sa kanya. Ayaw kasi ni Kurt na makita si Kurtline at ayaw niya rin akong malawa sa tabi niya.

Pinarusahan niya ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Nabulag siya sa selos at nga bagay na gumugulo sa isipan niya. Kaya ang naging resulta ay ang pagkakasira ng pamilya namin.

Wala siyang binigay na pagkakataon para magpaliwanag ako sa kanya. Nagmakaawa ako na pakinggan niya ako pero hindi niya nagbigay ni isang segundo para pakinggan lahat ng paliwanag ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status