Share

CHAPTER 2

"Bakla na naman yan." Sabay nilang sabi.

"Tsk di kaya sigurado akong lalaki si Mr. Sungit no!" Naiinis kong sabi.

"Pfft lalaki? O lalaki rin ang gusto." Natatawang saad ni ate cheska kaya binato ko sakanya ang kutsarang hawak hawak ko kumakain kasi kami ngayon.

"Arayy! Mama si Leah oh!" Sumbong nya.

"Aray! Mama si Leah oh!" Panggagaya ko sakanya OA talaga.

*Kinabukasan

"Ehem ehem!" Paubo kong sabi.

Alangan naman kasi si Sofia ang kapal ng mukha umupo ba naman sa upuan ko tapos nag uusap pa sila ni Mr. Sungit!

Tumingin naman silang dalawa sakin.

"May problena ba Leah?" Ngiti nyang tanong peke naman yung ngiti sirain ko yang ngipin mo dyan eh!

"Upuan mo yan?" Taas kilay kong tanong.

"Hindi." Tipid nyang sagot.

"Hindi pala sayo e' bat ka umupo dyan!" saad ko 'para makipag landian malamang' dapat yan ang isagot mo.

"Dito ka ba naka upo." Bobo bato hindi namn talaga ako m*****a sadyang umiinit ang dugo ko pag nakikita ko ang pag mumukha ni sofia, Wala akong natatandaan na makakalimutan pala itong Sofia nato!?

"Hindi ba halata." Sarkastic kong saad take pa bait baitan pa eh alam ko namn yung tunay nyang ugali.

"Okay, ahmm Josh sabay tayong kumain mamaya ah."

"Okay." tipid na sabi ni Mr. Sungit.

'Okay!' pumapayag ba sya na makasabay na namn nyang kumain ang babaeng 'to arggg nakakainis dapat inunahan ko na sya eh.

Padabog ko namang nilagay ang libro sa tablet--- ayss bakit ba tablet ang nasasabi ko.

"Mabulunan sana kayo!" nagpaparinig kong sabi tinignan nya namn ako.

"Ano!?"

"Wala sabi ko ang gwapo-gwapo mo talaga." nakangiting sabi ko.

"Tsk."

"Oyy" sabay palo ko sa braso nya heheh ang tigas namn gusto ko tuloy ulit paluin yong braso nya.

"Sa amin ka nalang sumabay sa pag kain mamaya," pakiusap ko sakanya.

"It's a big NO." May malaki ba na no?

"Ayy ang sungit talaga tsee." Bulong ko sa sarili dahil sa inis sinipa ko yung upuan.

"Awwwch!" D***g ko.

Peste naman ang sakit ah, puteek na upuan nato ibabalibag kita mamaya humanda ka!

"Stupid." Dinig kong may nag salita.

Stapeyd? Anong stapeyd? Sinong nag sabi nun? Tinignan ko si Mr. Sungit na busy sa pagbabasa ng libro.

Ano ba kasi yang stapeyd nayan? Maganda ba ibig sabihin non? Tss, nebermayd.

*Cafeteria

kasabay ko paring kumain si Cedric, Hannah at Alvin si kras naman at yong tanginang Sofia the first kumakain rin pero sa ibang table sila hmmp..

Naka talikod ako sa kanila rinig na rinig ko yong usapan nila.

"Ahm Josh may gf kana?" boses yon ni sofia sana wala pa.

"Meron," Agad naman akong nabulunan sa sagot ni Mr. Sungit.

"Tu..b..i..g."

Agad naman akong binigyan ni Hannah nang tubig huhu may gf na pala sya? Puteek kong minamalas ka nga namn pero okay lang yan leah fighter lang ay este fighting mas maganda ngayon diba! Challenging!

Na alala ko tuloy yung pinanood kong movie na inagaw nung babae ang jowa nang best friends nya hmm, pero anong connection non eh? Hindi ko namn bff yung gf nya duhh! Nahahawaan na tuloy ako sa kabobohan ni Sofia at ateyy cheska..

"Anong pangalan nya?" Rinig kung tanong ni Sofia.

"R-Roxanne." Naibuga ko naman yung tubig na ininom ko sa mukha ni Cedric at Alvin kaharap ko kasi sila tapos si Hannah naman katabi ko. Pareho kami nang pangalan nang gf nya ayy second name ko lang pala yun.

"What the f....! Leah kadiri ka!" Sabi ni Cedric na nandidiri.

"Yukkss, eww!" Isa patong si maarteng bakla nato si Alvin ang tinutukoy ko tama bakla sya at alam nyo ba ex ko ang baklang to na naging kaibigan ko na ngayon ang sama nga nya ginamit pa ako!

Niligawan lang naman nya ako para may ipakilala sya sa mga magulang nya dahil may hinala ang papa nya na bakla sya pero bakla naman talaga sya.

'Ayy hindi nya pala ako niligawan kasi hindi pa sya naliligaw non eh, sinagot ko na sya kaagad'

Kaya ayon ginawa akong panakip butas sa animal pero nalaman din nila ang totoo dahil ako mismo ang nakatuklas ng totoo nyang kasarian. Sabi nga nila 'walang lihim ang hindi nabubunyagan' kayo na umintindi kong tama ba ang sinabi ko o mali basta yon na yon! Kwento ko nalang sa into nest taym kung pano kami nag hiwalay nung bakla.

Nabaling ang tingin ko kay Hannah na panay lang ang tawa.

"Arte nyo namn tubig lang naman yan eh!" walang gana kung sabi.

‘'Tubig nga may kasama namang laway!"

"Grabe Leah ang baho!" Mariin kong pinikit ang mata ko at padabog na tumayo.

"Waaa hiyang hiya naman ako sa inyo nag toothbrush ako mga gago kayo... makapag kadiri kadiri kayo eh pag naghahalikan ba kayo ng mga jowa nyo sagol pa yung mga laway nyo hindi ba yun nakakadiri!’’ Bulyaw ko sakanila.

"Oops wala ka palang jowa kaya hindi ka sali si Cedric nalang." asar kung sabi sa baklang si Alvin.

"Leah nakaka hiya ka."

Tiningnan ko ang buong paligid at halos lahat nang estudyante naka tingin sa akin? Nginitian ko lang sila.

Hinila ako ni Hannah pa upo 'anong nakakahiya dun?'

"Hindi talaga sya nahihiyang sumigaw sa harapan nang mariming tao."

"Oo nga parang ang boring nga nang araw ko kung hindi ko naririnig ang boses ni Leah."

"Pero mukha talaga syang m*****a pag ibabasi mo lang sa mukha."

"But mabait naman talaga madaldal lang."

Rinig kung bulong-bulungan nila tsk bulong bayun rinig na rinig ko namn eh pero ehemm kilalang kilalang talaga ako sa school namin maganda kasi ako kaya mainggit kayo.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa room.

"Mr. Sungit?" Tawag ko sa kanya pero di ako pinansin.

"May sasabihin ako sayo." dagdag ko pa.

"What? Make it faster!"

Faster? Teka parang nabasa ko nayan ah.l-- pamilyar sya? Parang yong kasunod nya eh, faster harde-- ehehe diko nalang itutuloy.

"Can you be my girl---boyfriend pala?" ngiting sabi ko wala akong pake kong may gf na sya pero hooo!! Muntik ko nang masabi na girlfriend tsk tsk mabuti nalang at mabilis ako.

Napa pawt namn ako sa sagot nya.

"NO!"

"Then can you be my husba---"

Ano bayan di man lang ako pinatapos mag salita.

"STILL NO!!"

"Be my kabit nalang gusto mo heheh?"

"Are you crazy!!"

"Yes I'm crazy! Crazy for you yieeee!"  Saad ko sabay sundot sundot sa tagiliran nya.

"STUPID!!" Sabi nya hmp! Ang bad nya di ba nya alam na pinaghandaan ko tong araw nato--

Ah kahapon lang pala ako nag handa, pero kahit na nag puyat pako ka gabi ang laki nga nang eyebags ko ngayon at ni reserch ko pa sa g****e kong tama ba yung english ko Huhuh parang ma nonosebleed na nga ako

Pero kahit malaki yung eye bags ko ngayon maganda parin ako duh!

Bai da wey I’m Leah Roxanne Salvador hindi namn ako stupid... Ahmm, siguro kunti lang pero ano nga ba yong stupid? Kyut bayun? Kong oo totoo namn talaga na kyut ako hahah sary namn confidiant lang. Wag na kayong umangal sa Ingles ko expect-- expertttt kaya ako.

"Pfftt HAHAHA!" Tiningnan ko kung sino yung tumawa nanlaki ang mata ko.

Wala nang iba kundi si Mr. Sungit anong problema nito bigla nalang tumawa may sayad na yata to sa utak pero goshhe any gwapo nya para tuloy huminto ang paligid habang titignan ko syang pigil na pigil sa pag tawa

nabaling namn ang tingin ko sa pisngi nya.

"May dimple ka pala hehe mas lalo kang gumagwapo Mr.Sungit" Saad ko habang nakangiting nakatitig sakanya and swerte ko namn nakita kung tumawa si Mr. Sungit ngayon ko lang sya nakitang tumawa.

Wetey ngayon ko lang napansin Joswa? Joswa and pangalan nya? Hmm parang may kapangalan sya na kilala ko dati pero di ko ma aalala ang apelyedo nya.

*isip *isip

Aha! Alam ko na yong chabey na lalaki yung may kras sakin, yung batang lalaki na palagi ako sinusundan binigyan nang bulaklak, yung palaging nakatitig sakin...

Nahinto namn ako sa pag iisip nang biglang tumikhim go Mr. Sungit tiningnan ko naman sya at sumeryoso na ang mukha.

Bakit parang pakiramdam ko may tumutulo sa ilong ko? Sinisipon ba ako? Baka kulangot pero di namn tumulo yun diba bahala na nga!

"Your nose is bleeding stupid!" sabi nya tumayo namn ako at tiningnan ko yung sa bandang pwetan ko baka may tagos ako hindi ko namn mantily period ngayon ah!

Nakahinga namn ako ng maluwag ng wala namn akong nakitang tagos patanong ko syang tiningnan.

'Bakit ba parati nya akong sinasabihan nang kyut eh, alam ko naman yon'

"Hays stupid talaga! Yong ilong mo dumudugo!!" Parang naiinis na nyang sabi teka tagalog yun ah marunong pala syang mag tagalog? Pakshit pinahiran pa nya akong mag Ingles, tatadyakan ko  sya talaga!

Ay putangina nag tagalog nga pala sya nong nag uusap sila ni Sofia the first bat ngayong ko lang napagtanto yon?

Diko tuloy masyadong naintindihan ang sinabi nya kasi ang bilis nyang mag salita.

"Hoyy bingi? kaba sabi ko yong ilong mo dumudugo!!"

hinawakan ko naman yung ilong ko at tinignan ang kamay ko dumudugo nga mangiyakngiyak ko namn syang tinignan.

"Huhu pakyu ka kasalanan mo to eh."

"At bakit ko naman naging kasalanan?!" Seryoso nyang tanong sakin.

owwo ang gwapo nya parin kahit nagagalit pero mas lalo syang gwapo pag naka ngiti.

"Puro ka kasi Ingles ng Ingles marunong ka namn palang mag tagalog!Pinahirapan mo pa ako!" Sigaw ko sa kanya ang sama nya marunong namn palang mag tagalog tapos nag I-Ingles pa habang kinakausap ako!

"Sino bang nagsabi sayo na mag english ka ha!!" Sigaw nya rin sakin huhuh gusto ko nang umiyak sa mga oras nato talaga fromise.

Nakatingin lang samin yung mga kaklase namin pero hays nakaka inis na sya umalis nalang ako at pumunta sa banyo.

Pagka tapos at bumalik nadin kaagad ako sa room at umupo na hindi ko pinansin Si Mr. Sungit hmmp masungut sya diba kong ganon mag susungit den ako.

Kala mo ikaw lang marunong ha.

"Good afternoon ma'am."

Tayming talaga ang dating ko dahil ilang minuto lang eh dumating na ang sabject tetcher namin.

"Okay pili kayo nang partner nyo para sa sayaw ngayon…paki lagay nalang ng mga upuan sa gilid para mas malawak yung paligid." Wika ni ma'am.

"BTW dapat yong mga babae…lalaki ang partner, understand.’’ Dagdag pa ni maam.

'hate ko talaga ang MAPEH! Hindi namn ako marunong mag sayaw tapos ipapasayaw ka baka mapahiya lang ako, ah tama makapal pala 'tong pace ko'

Bigla na namang lumapit si sofia the first kay Mr. Sungit.

"Josh partner tayo." Aya nya napailing iling nalang ako.

"Malandi talaga." bulong ko sa sarili.

"I have my partner already." sagot ni Mr. Sungit pero wala namn akong maintindihan.

"Sino?" tanong ni Sofia the first sinong sino? Ang tinutukoy nito? Tinignan ko si Mr. Sungit na nilinga linga nya ang paningin nya hanggang sa nag tagpo ang mga mata namin.

"S-Si L-Leah," ohh teka bakit nasangkot ang pangalan ko dyan sa usapan nila? Sinisiraan ba ako ni Sofia the first kay Mr. Sungit!!

Tinignan ko si Sofia na ang sama sama nang tingin nya sakin tinaasan ko lang sya nang kilay.

"Sofia tayo nalang mag partner." Pang aaya ni Alvin Da Gay sa kanya wala namn syang choice eh sino name any gustong pumartner sakanya pwera nalang kay Alvin siguro kung hindi bakla si Alvin iisipin ko talaga na may gusto sya kay Sofia the first.

Hmm pano ko masabi? Napapansin ko kasi na palagi syang nakatingin kay Sofia o baka namn na papangitan lang sya pfft tumawa kayo na jowjoke kaya ako.

"Magsimula na tayo." Ma'am.

H-Huh? Simula na puteek wala panga akong partner eh, atat naman ata ni ma'am, narinig ko namang nag salita si Mr. Sungit pero diko yun pinansin napagakat nalang ako sa kuko ko pano ba namn parang ako nalang yata ang walang---

Napatingin ako kay Mr. Sungit ahh wala rin syang partner, nilinga-linga ko ulit yong paningin ko.

"Oyy stupid!!" Diko sya pinansin nabigla ako nang hinila nya ang kamay ko kaya napasubsub tuloy ako sa matitino nyang dibdib heheh sige na nga bati na tayo.

Inilagay nya ang kamay ko sa balikat nya at yung kamay namn nya nakahawak na sa bewang ko, partner pala kami bat di ako na inporm.

"Okay na ba yang ilong mo?" Cold nyang tanong alam nyo ba yung cold? Yung ays--- ay meyn yong icey na hinahalo sa tubig heheh di ko talaga alam nababasa ko lang namn yon sa--- sa ayy ewan di ko na matandaan.

"Ayieee nag aalala kana ba sakin." Pang aasar ko tiningnan nya naman ako nang masama.

"Ang kyut mo kahit galit ka." Namula naman ang tenga nya, ganyan ba sya pag kinilig? Heheh mas lalo tuloy syang naging kyut.

Hindi ko alam na gusto pala akong maging paytner ni Mr. Sungit sana sinabi nya kaagad dapat hindi na sya mahiya sakin.

'Dapat makapal rin mukha nya para bagay na bagay na talaga kami'

"Ang daldal mo, alam mo ba yun!!"

"Syempre alam ko! Kilalang-kilala ko kaya yung sarili ko no."

"Tsk..."

'Text? Gusto nya ba mag text-text kami? Eh, wala nga akong namber nya'

"Alam mo di ako mapapagod na mahalin ka." Bulong ko sa tenga nya

Inilapit nya yong bibig nya sa tenga ko at bumulong rin.

"BALIW KA, ALAM MO BA YON!!’’ akala ko pa namn kung ano ang iibubulong nya yun lang pala nakakainis, na sad tuloy ako diniin nya pa talaga bawat letra ng sinabi nya.

'Her her ting may peelings'

Is sofer sakit way is dat? Ar U naiintindihan mey?

_

Sabado ngayon at andito lang ako sa bahay naka upo sa sofa habang nag lalaro nang my toking twetty ay Angelina-- Angeline? Angela pala.

"Angela,"

"Angela," Panggagaya nung pusang si angela na nasa phone ko.

"Gusto ba ako ni Joswa?"

"Gusto ba ako ni Joswa?"

Nako po, bobong pusa bakit ba nila inembento ang larong to? Syempre para laruin ano pa nga ba? Sariling tanong sariling sagot ka Leah.

"Ambobo ng pusang 'to, dapat oo ang sasabihin mo!" Pinindot-pindot ko yong screen bubugbugin kita ngayong pusa ka bwahaha!

'Sana pwede ring patayin si Angela sa larong 'to!'

"Sabihin mo mahal ako ni Mr. Sungit."

"Hindi ka nya mahal."

"Anong sabi m--"

lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si ate cheska! Animal nasisira talaga ang araw ko kapag nakikita ko ang pagmumukha nya.

"Umalis ka nga!’’ naiinis kong saad pinatay ko muna yung ceypey ko.

"Mama may bagong bf na naman si

Leah!’’ sumbong ni ate kay mama

ang laki talaga ng bunganga nitong  si ate cheska pasukan ko kaya ito nang mais.

"Kawawa ka namn puro nalang bakla yong nagiging bf mo.’’ Dagdag pa nya tinignan ko sya ng masama.

"Arayy!’’ D***g nya ng sinipa ko sya sa paa.

"Hindi ko pa sya boyfriend no! At pano ka namn nakakasiguro na bakla si Joshua aber!?’’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status