Share

His first love
His first love
Author: Pseudonym

CHAPTER 1

"Leah!" Tawag ni Hannah sakin. Napahinto naman ako sa pagbabasa ng dictionary. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Oh, ano na naman ba?" Naiirita kong tanong sakanya.

"Alam mo bang may bagong transferee at classmate pa natin??"

"Ay don't ker eh, sarry." Walang gana kong saad sakanya at binaling na ulit ang tingin sa dictionary na hawak ko.

"Wow, english yun Leah ah! Yong pagka pronounce mo lang sobrang mali." Natatawa nyang sabi.

"Nag pa-practice ako kaya wag kang ano dyan!!"

"Owws, bahala ka gwapo pa naman yong bago nating kaklase." Napahinto ako sa pagbabasa at binaling ang tingin sakanya.

"Ahm, talaga gwapo?"

"Akala ko ba ay don't ker!?"

"Heheh, nagbibiro lang naman ako eh!" Sabay nilagay ko ang libro sa table.

Agad akong napalunok ng may pumasok na lalaki sa classroom namin...

Napakunot naman and noo ko.

Yan ba yong transferee? Akala ko ba gwapo! Tsk, nag expectations pa naman ako hayst!

"Yan ba yung sinasabi mong transpere ha?" Bagot kong tanong.

"Transferee Leah, hindi transpere." Pagtatama pa nito sakin.

"Pareho lang naman yon, tsk!"

"Sow, asan na nga? Akala ko ba gwapo?! Yang etsura na 'yan..." sabay turo don sa lalaki na kakapasok lang sa room nami.

"Yan na ba ang gwapo para sayo?"

"Tanga ka talaga Leah, hindi naman yan ang tinutukoy ko!" Bulyaw nya sakin.

"Aba kong maka sabi ka ng tanga sakin wagas ah!" Sigaw ko din sakany. Yong mga kaklase naman namin ay napatingin sa gawi namin saglit at nagsi balikan rin sa mga ginagawa nila.

Sanay na sila samin dito dahil kami lang naman ang maingay, ayy si Hannah lang pala yong maingay, tahimik kaya akong tao nowss!

"Ano gusto mo away o gulo? Away nalang para may gulo!" Paghahamon ko sakanya.

"Ayan ohh!"

Aba iniiba pa ang usapan!

Sinundan ko naman yong kamay nya, para tignan kung anong tinuturo-turo nya sa may pintuan... Napanganga naman ako sa nakita ko...

"Pakkshit..." Bulong ko at unti-unting napanganga.

Gwapo nga ehehe, gusto ko syang maging kaibigan tapos maiinlove sya sakin, liligawan nya ako, ipapakilala ko sya sa pamilya ko, ipapakilala nya rin ako sa pamilya nya, tapos magpapakasal kami, magkaka anak at higit sa lahat tatanda kaming magkasam--- agad akong napailing sa naiisip ko. Medyo sumubra yata ako ahhh...

"Ano nag i-imagine ka na magiging bf mo sya?"

"Ano naman ngayon kong in-i-imagation ko sya?" Panira talaga 'tong si Hannah, wala syang sinabi pero napatampal sya sa noo niya.

Baliw na yata siya.

"Gosh ampogi nya!"

"Ang gwapo nya diba?"

"Ang sarap nya siguro." Ang lalandi naman. Mga pakyu kayo akin yan woy! Aagawan nyo pa ako ng pagkain este ng lovelife pala! Baka gusto nyong ilibing ko kayo ng buhay dyan!

Binato ko ng libro si Sofia, siya yong nag sabi na 'Ang sarap nya siguro' tangina mas masarap kong masasampal ko yang pagmumukha mo!

"Ouchhh!" Anong awtts? Baka awwts jeje ambobo nito.

Napatingin silang lahat sakin kaya medyo nagtaka ako... hmm, bakit kaya?

"Oopps sarry, nadulas lang yong kamay ko." Saad ko at nag pace assignment? Pace sight? Pace signature? Uhm, peaceful?

Hayst, bahala na nga! Pake ko ba sa speyleng o pronouncing nyan!!

"Class may bago kayong kaklase." Wika ni Ma'am Reyes.

Maygad ma'am, alam namin. Alangan namang bagong teacher diba...

"Can you please introduce yourself ijo."

Inuutusan nya ba yong bago naming kaklase? Kapal ng mukha ni ma'am ah!

"Hello, good day everyone! I'm Joshua Madrigal, 17 years old." Pagpapakilala nito.

Joswa pala pangalan nya bagay-bagay sa napaka gwapo nyang mukha.

Nilinga-linga ko ang paningin ko

nakita ko namang may isang bakanting upuan pero sa tabi yon ni Sofia puteek!

Di ako papayag na sila magkatabi, malandi pa naman yang Sofia na yan... dapat sakin sya tumabi kase mas malandi ako charr!

OPERATION! Ilipat si Hannah sa bakanting upuan na 'yon!

Bwahahah corrects na 'yong ingles ko yeheyyy!

"Oyy Hannah lipat ka ng upuan dali!" Bulong ko habang niyuyugyog ang balikat nya.

"Baliw kaba, permanent seat na natin to woyy! Baka mapagalitan pa ako ni ma'am nyan. Pag napagalita ako kasalanan mo talaga!"

"Ako ang bahala sayo pag aangal si ma'am sasapakin ko yan! Saka malabo ang mata ni ma'am kaya hindi nya makikita, kaya nga sya nakasalamin diba?"

"Gusto mo lang makatabi si Joshua eh." Pang aasar nya, sinamaan ko naman sya ng tingin.

Alam nya pala eh, bakit ayaw pa nyang lumipat.

"Tulungan mo naman itong napakaganda mong kaibigan na magka lovelife okey? I'm so loneliness, mabuti ka pa may Cedric ka!"

Mahina syang tumawa sabay umiling-iling.

"Lilipat ka o lilipat ka?!"

"Lilipat ako, basta't manglilibre ka." Sabi nya at kinurap-kurap pa ang mata.

"Oo na!!"

Agad ko naman akong napatakip ng bibig dahil napatingin silang lahat sakin, pati narin si Joswa. Napalakas siguro yong boses ko ano?

Nakakahiya naman--- ano bayan! Bakit ka mahihiya Leah makapal kaya yang mukha mo.

Ayy sarry selp nakalimutan ko lang, wag ka namang magalit kaagad.

"Leah may problema ba?" Tanong ni ma'am at umiling lang ako. Sinenyasan ko si Hannah na lumipat na ng upuan.

"Miss Hannah san ka pupunta?’’

Napakagat ako sa mga kuku ko.

Hoy gagu ka Hannah mag-isip ka ng palusot!

"B-Balik sa upuan ko po…?" Patanong nyang sabi sabay nagkamot ng ulo. Napaghahalata kang hindi ka sigurado sa sagot mo, hayst!

"Ilang beses ko na bang sinabi na bawal magpalipat-lipat ng upuan! Sige na umupo ka na." Ang bilis namang mag bago ng moody ni ma'am.

Umupo na si Hannah sa tabi ni Sofia. Yeys access...sukses pala! Mabuti nalang talaga at makakalimutin si ma'am.

"Maam... hmm"

Napatingin ako sa gawi ni Hannah, nakita ko syang tinatakpan ang bibig ni Sofia. Nag thumbs up naman ako kay Hannah.

Binalingan ako ng tingin ni Sofia at sinamaan nya ako ng tingin. Nginitian ko sya para lalo syang magalit at maasar sakin.

Hakhak buti nga sayo, madaldal ka kasi kaya tama lang na takpan yang bibig mo!

Pinaupo na ni ma'am si Joswa, lumapad naman ang ngiti ko dahil katabi ko sya.

Heheh, ang sarap sa pakiramdam kapag pogi katabi mo.

"Hi, Mr. Pogi!" Ngiti kong bati ng makaupo na siya sa tabi ko.

Hindi nya manlang ako pinansin  gwapo sana suplado ngalang, kong hindi ko lang 'to gusto, sinapak ko na siguro sya, walang mudo eh!

Pero gusto ko rin naman yong pa harder to gets, hayss english na naman yon tumatalino na talaga ako.

"Pwede makipag ka-IBIGAN?"

"I don't talk to stranger." Seryoso nyang sabi.

Tsk, kala nyo di ko yon naintindihan? Pfft tama nga kayo charr!

"Ako si Leah Roxanne Salvador, 17 years old. Kaklase mo ako pwede na bang makipag kaibigan?" Natigilan naman sya sandali at tumingin sa mga mata ko. Para syang nagulat nang sinabi ko ang pangalan ko

Heheh, nagandahan siguro sya sa pangalan ko. I know light? Ahmm... rayt pala yon.

"I didn't ask your name! And I know we're classmates cause we are in the same class, I'm not stupid!" Wala akong makitang emosyon sa mga mata nya? Hindi naman talaga nakikita ang emosyon Leah, hays!!

"...like you." Dagdag pa niya.

Like you? Ayiee may gusto ba sya sakin, sabi ko na ngaba eh, wala talagang lalaki ang hindi na-i-inlove sakin.

"Stop staring at me." Nag susungit nyang sabi.

Ano daw? Serch ko kaya sa totoli ko, diko maintindihan eh, dudugo yata ilong ko nito mygad!

Weytss!! Ano sabi ko totoli? Heheh, goggles pala ibig kong sabihin, hindi nyo ba alam kong ano ang goggles? Maygad yan yong sa internet-- basta yon na yon ang hirap mag esplen... explen.

Hays half Americano ba 'to? Ingles ng Ingles eh. Humaygad kung half-half sya, magaganda at gwapo yong mga magiging anak namin.

"Ang sungit mo naman Mr.Sungit!" naka nguso kong saad sa kanya.

"Can you stop doing that! And shut up!"

"Oke ay meyn okiyyyyy." Sabi ko.

Nag roll eyes lang sya sakin ‘magiging akin ka rin tandaan mo yan Joswa trinidad? Trinidad ba yon?

30 minutes letter ayy later pala LATER.

Andito kami sa cafeteria kasama kong kumain si Hannah, Alvin at yong bf ni Hannah si Cedric.

Nakita ko naman si Mr. Sungit na naghahanap nang ma uupuan.

"Oyy Cedric sabihin mo kay Mr. Sungit na dito na sya umupo."

"Sinong Mr. Sungit?" Tanong nilang tatlo.

"Si Joswa mga gago!!" Sabi ko.

"JOSWA???" Diin nilang tanong.

Gad ambobo di nila alam kong sino si joswa eh, samantalang nandon sila kanina sa Klasrom nong nag pakilala si joswa.

"Owwws,"

"Ahh yong gwapong lalaki ba?" Pakyu ka Alvin subukan mo lang magka gusto kay Mr. Sungit tatadyakan kita!

'Maka gwapo ka dyan!! Ako lang dapat ang nag sasabi nyan nowws'

"Si Joshua ba ang tinutukoy mo Leah?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"Hey Josh dito kana umupo." Tawag ni Cedric.

Lumapit namn si Joswa sa kinarorooan namin umupo sya sa tabi ni Alvin.

Yeys! makakasabay kong kumain ni Mr. Sungit nakikita ko palang sya busog nako, sarap nya sigurong kainin maygad ang dumi talaga nang iniisip mo Leah na impluwensyahan ka ng mga ex mo.

"Hay-- heyy-- hi Mr. Sungit."

sabi ko sakanya pero inirapan lang ako hmp! Ang sungit talaga.

Napataas namn ang kilay ko nang bigla dumating si Sofia naka tayo sya sa harapan namin ngayon.

"Pwede maki upo?" Pabebeng tanong ni sofia.

"Ahmm okay lang ba guys?" Wala ka talagang alam Alvin! Sarap mong paluin nitong treys--- strays.

"Hindi! Hindi pwede." Sabi ko habang yong mga mata ko gustong-gusto na syang patayin.

"HINDI!" Sabay na sabi ni Hannah at Cedric.

"Thank you." Saad nya at umupo sa tabi ni Mr. Sungit.

"Thank you." panggagaya ko sakanya bingi ba sya? Ang sabi ko hindi pwede diba! Nakakainis talaga ang babaeng to ang bobo lang.

'Sinabi na nga rin ni Hannah at Cedric na hindi tapos isasagot nya thank you? Baliw ka ba pakyu ka alam mo ba yon'

"Kapal ng mukha!" Pag paparinig ni Hannah.

"Oo makapal nga talaga!" Sang ayon ko sa sinabi ni bespren.

"Hi your the transferee right?" Sofia

tumango lang si Mr. Sungit.

"BTW, I'm Sofia." Pabebe nyang wika at nag lahad ng kamay.

Ha? Anong BTW? Baliw Talaga Wow heheh yon ba yon?

"Joshua," Inabot naman nya yong kamay ni Sofia! Aba bakit sakin ang sungit tapos kay sofia hindi nang gigigil na talaga ako.

Nanlaki naman ang mata ko nang kumapit si Sofia sa braso ni Mr. Sungit, chansing talaga puta at wala

talagang ginawa si Mr. Sungit pinabayaan lang nya.

'Ang landi talaga sarap sabunutan.'

"Oyy Leah kong nakakamatay lang ang pag titig kanina mo pa sila napatay pfftt" mahinang sabi ni Hannah sakin.

"Kong may gusto man akong mamatay si Sofia yon!" mahinang sabi ko rin sa kanya.

Sumilip ako ng kaunti sa ilalim ng mesa at nakita ko yung paa ni Sofia na panay ang dikit sa paa ni Mr. Sungit.

May lahi ba syang octopus?

'Ketams yan ang galawan ng mga malalandi'

Kita ko ang pagka gulat ni Sofia nang sipain ko sya sa paa, tinignan nya ako ng masama.

Tumingin namn ako sa ibang directions, kunware hindi ako ang sumipa sa paa nya.

Napatingin namn ako sakanya nang sinipa nya rin ako sa paa, pero mahina lang tsk yan lang ba kaya nya?

"Bat kaba naninipa!" mahinang sabi nya pero sapat lang para ako lang ang makarinig, besey kasi si Hannah sa pagkain nya lamon lang sya ng lamon sana nga mabilaukan sya hehhe joke si Sofia nalang sana ang mabilaukan.

"Ang landi mo kasi linta kaba?’’ mahinang sabi ko rin.

"Pake mo!" naiinis nyang sabi pero pabulong lang.

Dahil nanggigil ako sakanya sinipa ko sya ulit.

"Arayy!!"  nanlaki namn ang mata ko ng si Mr. Sungit pala ang nasipa ko, tinignan nya ako mabilis namn akong nag iwas ng tingin.

Tangina di ko namn sinasadya dapat si Sofia ang sisipain ko e' kasalanan talaga to ni sofia! Tadyakan kita mamaya humanda ka!

Nag pace sign language ako kay Mr. Sungit at ang ginawa nya ay inirapan lang ako.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula nang kumain.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong no Hannah nag pawt ako sa kanya at umiling.

Nang matapos na ang klase sa hapon ay ka agad na akong umuwi sa bahay.

'Aym berry sad right left nowss.'

***

"Ikaw na pala ang may ari nang damdamin nang minamahal ko paki sabi nalang akala kung nung una, akala ko nung una baby pa uwi na ako, baby pauwi na sa dilaw na buwan dati rati sabay pa nating pinangarap ang lahat pipilitan ba ang puso mong muli nang masaktan."

"HOYY LEAH!!"

"Ayy putanginang palaka!" nilingon ko naman si ate na naka tayo sa pintuan dito sa kwarto ko hindi ko kasi sinara yong pinto, ayan tuloy may nakapasok na demonyo.

"Bat ka ba ng gugulat ate!" Inis kong sabi estorbo talaga kumakanta ako eh.

"Ano bang ginagawa mo?’’ Tanong nya kaya sinagot ko naman sya.

"Aym your singing because we want practices!?" tama ba Ingles ko napakamot naman sya sa ulo heheh mukhang mali nga, pero izs hokay wala akong pake kong mali man o tama.

"Alam mo wag kang magsasalita nang english kasi wrong grammar naman!!"

"Aminin mo nalang kasi na hindi mo maintindihan ang Ingles ko! At anong glamar ang sinasabi mo? Nakakain bayan? Heheh mamigay ka namn ateyy."

"Talaga ba! Ang sabihin mo hindi ka marunong mag english at tyaka wag kang kumanta kasi AMPANGIT NG BOSES MO ang sakit sa tenga!"

Isa pato eh, ang bobo hindi man lang sinagot ang pang huli kong tanong pagkain talaga siguro yon.

Tsk, ang damot talaga kahit kailan! Hindi ba nya alam ang kasabihang 'if you haves blessings then shareit'

At diniin pa talaga nya yong salitang ‘AMPANGIT NG BOSES MO’ sabi kaya ni papa maganda yong boses ko.

"Four your informative nmaganda ang boses ko hindi pangt, inggit ka lang!"

"Yon ang akala mo!"

"MAMA SI ATE OH NG AAWAY NA NAMAN!" Sigaw ko.

"MAMAAA!!!" sigaw ko ulit.

"Ano na namn bang problema?" tanong ni mama ng makapasok sya sa kwarto ko lumapit ako kay mama at kumapit sa braso nya.

"Ma si ate sabi nya pangit daw yong boses ko." pagsusumbong ko kay mama.

"Itigil nyo nayang away-away nyo ha! At Leah anak, pangit naman talaga ang boses mo kaya wala kang dapat ikagalit sa ate mo."

Ang bad talaga nila sakin huhuh!

"Tapusin nyo nayang away-away nyo dahil kakain na tayo.’’ saad ni mama at lumabas ng kwarto.

"Matanda na nga isip bata parin!" bulong ko sa sarili.

"Susumbong ko kayo kay pader hmp!"

"Tama na yan, hali na kayo kain na andito na ang papa nyo." sigaw ni mama.

Dali dali naman akong bumaba at sinalubong si pader nang yakap at kunwari umiiyak ako.

"Baby Leah anong problema?" tanong ni papa hahah humanda kayo.

"Pader si mama sabi nya pangit daw ang boses ko si ate naman sabi nya ampon lang daw ako huhu!" sabay pahid nang luha pfft galing ko umarte pwede na akong mag artista.

"Cheska bat mo naman sinabi sa kapatid mo yon." kalamadong wika ni pader.

"Huh? wala naman akong sinabing ganon ah!" Dipensa nya.

Wala ka namn talagang sinabing ganon kasi gawa-gawa ko lang yon, wag ka kang bobo hokay!?

"Story maker!" Sabay nilang sabi ni ateyy at mama.

'Story maker? Hindi naman ako sumusulat ng story ah!!'

"Bleeee," paders girl talaga ako kaya masanay na kayo.

Napaisip tuloy ako, kailangan ko pang mag puyat ngayon kasi magpaplano ako kong paano ko magiging bf si Mr. Sungit.

'BWAHAHAHA'

Hmm, ano kaya?

*isip *isip

Sabihin ko kaya na 'can you be my girl?'

Teka girl? Ano bayan Leah lalaki si Joswa, hindi babae!

Kong 'to nalang Kaya 'Pwede kabang maging akin Mr.Sungit' ang pangit namn nang my naiisip ko.

*iling *iling

"Baby Leah may problema ba anak?" Nag aalalang tanong ni pader napatingin namn ako kill mama at ate na nagtatakang tiningnan ako para bang hinihintay nila ang isasagot ko nag pawt namn ako.

"Pader?"

"Hmm?"

"May crush akong lalaki sa klasrom namin ang gwapo nya pader," pagsasalita ko.

"Sino namn yang lalaking yan?Anong pangalan nya? Sigurado kabang lalaki talaga yan o baka namn isang..." Naputol ang sinasabi ni Papa nang sumabat si mama at ate.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status