Share

CHAPTER 3

"Tsk! Mama sinipa ako ni Leah sa paa!’’

"Leah mag sorry ka sa ate mo!’’ Saad ni mama habang busy sa pag tutupi ng damit.

"Soweeyyy!" Tinignan nya ako ng masama.

"Sarry." Nakatingin parin sya sakin ng masama.

"Sorry na nga tsk.’’ Saad ko ulit.

Ano bang klaseng sorry ang gusto nya!!

"Ma alis na ako." Paalam nya kay mama.

"Bye." Sagot ni mama.

"Good bye little frog." Paalam nya rin sakin.

"Bye rin beyg prag. Wag kanang babalik naiintindihan mo ba yun!" Pahabol kong sabi sa kanya.

Yes! Wala na si Atey, wala naring manggugulo sakin! Hahay buhay ang sarap parang so Joswa.

Kumuha muna ako ng tubig sa reprejeretor. Oh! Wag na kayong pumalag sa pronountion ko!

"Leah may tumatawag sayo.’’ Inabot ni mama ang cellphone ko at bumalik na ulit sya sa pag tutupi  tinignan ko kung sino ito.

"Si Hannah pala," saad ko sa sarili.

"Bakit napatawag ka?"

[Nandito ako sa labas ng bahay nyo]

"Hindi mo ba alam na lumipat na kami ng bahay." Saad ko sa kabilang linya pinipigilan ko namang hindi matawa.

[Ha? Hindi na kayo dito nakatira.] Dinig kong malungkot na boses nya sa kabilang linya.

"Yep,"

[Saan ba kayo lumipat?] Tanong nya.

"Malapit dun sa bahay nilang Alvin The Gay."

[Okay papunta na ako.] Saad nya at pinatay ang linya napakamot naman ako sa ulo.

Naniwala talaga sya sa sinabi ko? Tsk imposible talagang imposible.

"Oyy, Leah!" Biglang nag salita si mama.

"Ano yun mader?" Ngiti kong tanong ko.

"Halika dito dali may ibibigay ako." Mabilis naman akong lumapit kay mader ano kaya ibibigay nya? Baka jowa owws mukhang hindi naman siguro hmm, pagkain? Liptint? O lalaki bagong kapatid?

"Harayyyy harayy ano ba mader!" D***g ko ng bigla nyang hinila ang tenga ko. Huhuh muntik na ngang matanggal sa sobrang lakas ng pagkahila ni mader sigurado akong namumula nato ngayon.

"Yung ringtone mo!"

"Bakit ano bang meron sa reyntong ko? Inaano ka ba? Huhuh, grabe ka mader ang sakit ng tenga ko."

"Palitan mo ngayon den yang ringtone mo! Wag mong hintayin na magalit ako."

"Talaga lang ha hindi ka pa galit sa lagay mong yan mader?" Bigla nya naman akong binatukan.

"Nakakasakit ka na ah! Isusumbong kita kay pader! Bleee lagot ka mamaya paparusan ka nya ng eheheh alam muna kung ano yun." Saad ko sabay sundot sundot sa tagiliran ni mader ayiee mukhang may masasarapan na naman ngayong gabi.

"Tigil tigilan mo nga ako Leah! Baka gusto mong ibalik kita dito sa tyan ko."

"Weewss kasya pa ba ako dyan mader? Siyur ka?"

"Ikaw--" Napahawak si mader sa ulo nya hekhek tumataas na naman siguro ang dugo nya dahil sakin.

"Matulog ka nalang muna sa kwarto mader mag betty ross ka."

"Beauty rest kamo." Napakamot naman ako sa ulo ano bang pinag kaiba nun eh, pareho lang naman yun diba?

"Hokay sabi mo eyy." Saad ko nalang para hindi na humaba yung usapan tumayo na si mama at tyaka nag lakad patungo sa kwarto nila ni pader.

Ako naman ay umupo na sa sofe? Aymeyn sopa tss, akala nyo hindi ko alam mag inglish no?!

*Ding dong 

*Ding dong ding dong

"Leah, tignan mo nga kung sino yun!" Sigaw ni mama papasok palang kasi sya sa kwarto.

*Ding dong

Atat lang? Pag nakita ko talaga kong sino yang nag d-door beyl ipapakin ko sakanya yan mismo! Hindi makaantay ang putcha kala mo naman hinahabol ng aso o kung ano!

Tumayo ako at lumabas ng pinto, binuksan ko yong gate.

Nakita ko naman si Hannah na naka tayo lang habang nakangiting naka tingin sakin.

"Akala mo ba maloloko mo ako." Sabi nito sabay batok sakin tumawa lang ako.

"Bakit ka ba nandito."

"Na miss kasi kita, ikaw hindi mo ba ako na miss." Nakanguso nyang sabi.

"Gago! Nagkita tayo kahapon wag kang ano dyan!"

"Nakakabagot kasi sa bahay kaya pumunta ako dito.’’ Saad nito sabay pasok sa loob. Ni-lock ko muna yong gate bago sumunod sakanya Hayst, itong si Hannah ang tamad mag lock tsk.

‘’Peel at home ka talaga no!"

‘’Feel Leah hindi peel."

Natatawa nyang sabi inirapan ko sya.

"Pareho lang naman yun." Bulong ko.

"Manood nalang tayo ng movie." Saad ko kay Hannah.

"Ano panunuorin natin p*rn?" Nakangisi nyang sabi napailing iling ako dahil hindi ko gusto ang mga ngiting yun.

"Ambastos mo talaga baka marinig ka ni mama lagot talaga tayo." Saad ko.

"Ehh, ano nga?"

"May bago akong k-drama dito." Sabi ko.

"Puro naman yan luma eh."

"Puteek kasasabi ko lang diba BAGO-

BAGO!" 

"Sabi ko nga eh, ano ba title?"

"The king of eternal monarch." Saad ko.

"Waa! Talaga diba si Lee min ho oppa yong main character." Nakangiting saad nya.

"Puta wag mo syang ma oppa-oppa, baka oppawan kita!" Seryosong sabi ko aagawin nya paand beybey labs ko.

"Ano yung oppawan?" Nagtatakang tanong nya.

"Kalbohin bobo!"

"Tsk, bakit naman sayo ba si Lee min ho oppa."

"May Cedric ka na nga eh, aagawan mo pa ako." Sabi ko.

"Eh, bakit may Mr. Sungit ka rin naman ah!"

"Connection di pa sya akin, magiging akin pa lang!" Saad ko.

"Don din namn papunta yon diba?! Saka anong connection baka correction ang tinutukoy mo." Pagtatama nya daw tsk tama namn yon eh, bakit ba pinipakilaaman nila yong yong pronunciation ko!

"Ohh, sige na nga sayo nalang yang si Lee min ho." Pagpapaubaya ko

"Hindi sayo nalang yan." Pagpapaubaya ko rin.

"Sayo nalang."

"Hindi sayo nalang sya Leah, naawa ako sayo wala kang jowa." Umaarte pa na parang naiiyak.

"Pakyu ka nang-aasar ka ba Hannah Ciano!"

"Heheh joke lang pero totoo naman kasi wala kang jowa." Sabi nya at nag peace sign.

_

H A N N A H  ' S   P O V .

"Sige na nood na tayo nang p*rn." Pag iiba ko nang topic nagagalit kasi to pag sinasabihan ko na wala syang bf.

"Gaga kaba sinabi ko na sayo na manood tayo nang movie hindi porn ang bastos mo talaga Hannah!" Sabi nya.

"Asuss nag salita na yung inosente!" Saad ko.

"Talaga naman... at tyaka andon lang sa kwarto si mama reminder!" Awiee nag english ang bessy ko pero mali namn pfft!

"Ahh, so kung wala yung mama mo ok lang na manood tayo?" Seryosong tanong ko. 

Syempre nagbibiro lang ako no.

"Hindi rin... duhh! Bawal pa akong manood nang ganyan!" 

"At anong aso? Wala namang aso dito ah!" Napatampal nalang ako sa noon ko habang napapailing.

"Ikaw talaga Hannah puro ka kalokohan ang libog mo!" Patuloy lang sya sa pagsasalita Wala talagang prino ang bibig nya.

"Wow nag salita ang hindi m*****g hahah!" Natatawang saad ko.

"Haler! Hindi ako m*****g no! Siguro may nangyari na sa inyo ni Cedric no?"

Bigla naman akong natahimik pero hindi ah, walang nangyari nagulat lang ako sa tanong nya tinginan ko sya at ngumiti lang sya nang nakakaloka.

"Myghad silent meanse yes..." English na naman nya.

"Gago hindi no walang nangyari samin ni Cedric... at tyaka kahit ganito ako ka libog syempre nag iisip ako pano nalang pag nabuntis ako anong ipapakain ko, bato." Wika ko sakanya.

"Ganyan ang Hannah na kilala ko matalino at isa pa kawawa yung magiging baby mo." Natatawa pa nyang sabi.

"Huh? At bakit naman!?" Nagtatakang tanong ko.

"Kasi wala syang makukuhang gatas galing sayo pfft, HAHAHA!" Pang-aasar nya tsk, nakaganti ang puta.

"Bwesit ka talaga Leah!"

"Palibhasa kasi malaki yang sayo." Sabi ko sabay hawak sa dede nya hahaha nagulat namn sya sa ginawa ko.

"Siraulo ka talaga!" Sabi nya at sinamaan ako ng tingin pfft pero tumawa lang ako.

"Leah ang laki talaga pahawak ulit." Biro kong sabi at naka nguso pa.

"Abay gago ka talaga! Alam ko namang maganda ako pero sarry talaga Hannah, hindi ako pumapatol sa babae pero kawawa naman si Cedric kung ganon," nag aalala pa nyang sabi sa huli ulol talaga tong si Leah sarap apakan sa mukha.

Pasalamat sya na mahal ko sya oops mahal ko sya as in bilang kaibigan para ko na syang kapatid, baka iisipin nyong tomboy ako eww!

Hinawakan ko ulit ang dibdib nya pfft yung mukha nya ganito sarap talagang asarin ang taong pikonin.

Gusto ko lang talaga syang asarin tumayo ako at humakbang papalayo sa kanya.

"Tatadyakan talaga kita! Halika dito."

"Ano ako bobo! Alam kong babatukan mo ko." Sabi ko sabay pakita ng dila sakanya.

"Ang sabi ko tatadyakan kita hindi ko sinabing babatukan." Diko pinansin ang sinabi nya at nagsalita ulit.

"Alam mo Leah anlaki talaga nang pinagbago mo, noon ang liit pa nyan ngayon ang laki na... HAHAHA!" Kita ko namang tiningnan nya ang dibdib nya sabay hawak dito.

"Naiinggit kaba sa mga baby ko Hannah kasi ang laki-laki na nila tapos yung sayo maliit parin?" King ina sana pala hindi nalang ako nag salita.

"Alam mo Hannah ang laki rin naman nang pinagbago mo pero isa lang yung hindi nag babago..." Pabitin nyang sabi "Ano namn yun?"

"...noon ang liit-liit pa nyan." Sabi sabay turo sa dibdib ko.

"Ngayon ang liit parin, BWAHAHA!" Dagdag pa nya at tumawa nang napaka lakas.

Abay gago talaga tong si Leah kala mo ha, makakaganti rin ako sayo ako sayo antay antay kalang sandali hmmm isip isip.

Ano nga ulit yong kinakatakutan nya? Meron talaga yun e' nakalimutan ko lang.

*isip *isip

Ahaaa! Bwahahah alam ko na!

*evil smile

"LEAH, MAY EPISSSS!" Sabi ko sabay turo sa paanan na nya.

"WAAAAA!! PUTANGINA ASAN, ASANNNN!" Tili nya.

"ASAAANNNNN, PATAYIN MO HANNAH DALIII!!!"

Puta para syang palaka talon ng talon lumapit sya sakin at nagtago sa likuran ko di ko na talaga mapigilang tumawa "HaHAHAHA!" Tawa ko.

"SIRAULO KA TALAGA, WALA NAMAN AKONG NAKIKITANG EPIS EHHH!" Sigaw nya sa tinga sabay hampas sa likod ko napadaing naman ako shitty sakit non ahhh.

"Meron nga tignan mo oh!" Sabay turo ko ulit sa paanan nya.

"WAAAAA-- bweset ka talaga wala naman eh!"

"Bakit gusto mo ba meron talaga?" Natatawa kung tanong.

"Ayaw!"

Nagulat kami ng lumabas sa kwarto si Tita na galing sa kwarto.

"Anong nangyayari dito Leah? Bakit ka sumisigaw?" Nag aalalang tanong ni Tita.

"Ahm, w-wala po mama, akala ko kasi may epis." Wika ni Leah sabay tingin sakin.

"Akala ko ay may masama nang nangyare sa inyo!" Nag aalalang wika Tita.

"Heheh, sorry po Tita, mukhang na abala po namin kayo." Saad ko.

"Oh, sige matutulog na ako ulit." Paalam ni Tita.

Nagulat namn ako dahil ang sama ng tingin ni Leah sakin "Bakit ba?"

"Puta ka Hannah, akala ko talaga may epis!" Saad nya.

"Hahah akala mo lang yun! Halikana nga manood na tayo nang movie." Wika ko at tumalikod sa kanya.

_

L E A H ' S   P O V .

Pagkatapos nyang sabigin yun at tumalikod sya kaya may naisip naman akong kalukuhan para maka ganti

man lang BWAHAHAHA *Eve's laf.

Evil laugh pala.

Pagkatalikod ni Hannah ay kaagad kung hinawakan ang dede nya mula nya mula sa likod.

"AHHHHHHH!! BWESITT KAAAA!" Sigaw nya at tumawa lang ako nang napakalakas-lakas.

_

J O S H U A ' S    P O V .

Sunday ngayon at kakagising ko lang. Lumabas ako ng kwarto at agad kong nakita ang dalawa kong pamangkin na naglalaro sa sala.

Si Yerin ay 4 years old at yung isa si Charles 3 years old. Hindi ko sila pinansin kase di naman ako ganon kahilig sa mga bata. Kahit na pamangkin ko pa silang dalawa.

"Barbie dalhin mo nga dito yang dalawa mong pamangkin, dahil kakain na tayo!" Tawag ni Ate Michelle.

Hayst! Nakakainis, tinatawag na naman nya akong barbie. Kasi nga noong bata pa ako, nung nasa manila pa kami'y nakatira ay gustong-gusto ni Ate na may kapatid na babae.

Akala kasi nila babae ako pero nung pagka panganak sakin... Basta! Dalawa lang kasi kaming magkakapatid kaya ayan tuloy nung 4 years old ako ay pinapasuot nya ako ng damit na pambabae at tinatawag nya akong barbie kasi nga cute daw ako para akong doll, mahaba din kasi ang buhok ko non at dahil mahal ko si Ate hinahayaan ko nalang sya.

"Oyy, bat ba ang tagal nyo!" Rinig kung sigaw nya.

"Cominggg..." Sigaw ko rin.

"Charles, Yerin, halina kayo kakain na tayo sabi nng mommy nyo." Wika ko sa kanila at hinawakan ang kamay nila at pumunta sa kusina.

"Ate pahinging pera may lakad ako ngayon." Saad ko sakanya.

"Osige, para sayo barbie ko." Saad nito at nakangiti pa syang nakatingin sakin.

Muntikan na ngang mahulog ang panga ko dahil sa sabi nya. Kailangan nga ba sya titigil sa kakatawag sakin ng barbie?

"Tsk, si Ate talaga wag mo nga akong tawaging barbie nakakainis ka..."

"Okay, okay. I won't call you barbie anymore."

"You should!" Saad ko.

"But I won't give you money!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

'Ang daya-daya ni Ate!'

"Ate naman eh, nagbibiro lang ako okay." Tumayo ako at niyakap sya mula sa likod habang naka-upo parin sya.

Kay Ate lang naman ako ganito.

Well, super close kami, as in close talaga. Sakanya ko sinabi ang mga problem ko o kung ano mang mga bagay ang nangyayari sa buhay ko, nag sasabi rin ako sakanya nang mga secreto ko at ganon din naman si ate.

"Aseey ikaw talaga." Alam ko namang hindi ako matitiis ni Ate kaya ayun, binigyan nya ako ng pera at umupo na nga ako ulit.

"Ngayon ka na ba aalis?" Biglaang tanong ni Ate.

"Pagkatapos kong kumain at maligo ay aalis nko." Wika ko habang patuloy parin sa pag subo.

"Pero aalis rin ako, kukuha ako nang sweldo ngayon. Sinong magbabantay sa mga pamangkin mo?" Napakamot lang ako sa ulo.

'Nah, never akong mag babantay ng bata.' saad ko sa isip ko.

Like I said earlier, ayoko sa mga bata kase napakakulit nila.

"Ba't kasi hindi ka nag hired ng babysitter nila?" Tanong ko.

"Wala akong tiwala sa mga babysitter nayan. Na try ko na 'yan noon, kita mo yang peklat na nasa noo ni Charles..." Tinignan ko naman si Charles sa noo at may nakita nga akong peklat, hindi naman 'to gaano ka laki.

"...kasalanan yan nung hi-nired kung babysitter hindi nya binabantayang mabuti ang mga bata!" Ramdam ko sa boses ni Ate na may halong galit. 

Mukhang hindi na talaga sya mag titiwala sa mga ganyan.

Kalaunan naman ay nag iba na ang expression ng mukha nya, nakangiti na sya ngayon.

Parang baliw talaga 'tong si ate minsan.

"Okay, tatawagan ko nalang si Roxanne, sya nalang muna magbabantay sa kanila. Sigurado akong na m-miss nya rin yung mga bata."

"Gusto nyo bang makita si Ate Roxane nyo ha?" Natutuwang tanong ni Ate sa dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status