Andrea “Pinasundo ko po kay Macarius,” pagkatapos tumawa si Atlas. Iiling-iling naman si mommy Brenda. Bakit kaya? Medyo nasaktan ako baka talaga gusto nito si Brielle para kay Atlas. Kaya nalungkot sa pagsuway ni Atlas sa kasunduan ng pamilya. “Nag-usap na kami tungkol dito ni Belyn at ni Aaron,” sabi ni mommy. “Intindihin mo na lang kasi nag-a-adjust pa si Brielle. Kasi nga nasanay sa pagbuntot sa ‘yo,” nakangiti na ngayon na sabi ni mommy. Nagkunwari akong hindi nakikinig sa kanila sa kuko ko ako nakatingin para hindi halata. “Ewan po kung inaway na naman noon si Macarius. Nang makita kanina masama na naman ang tingin kay cuz Macarius. Kaso no choice siya walang maghahatid sa kaniya paano nagpaiwan sa driver pagkahatid dito. Ayun sumama naman, ngunit parang gustong sakmalin si Macarius. At saka po na-text ko naman po ang Tita Belyn. Si Macarius ang kasama,” “Siya paghanda mo na ng pagkain si Andrea,” anang mommy ngunit tumayo ako hindi ako tumingin sa kanila. “Baby,” ti
Andrea‘Vianca sagutin mo,’ bulong ko pa habang patuloy akong pababa ng hagdan. Nagsalubong ang kilay ko ng hindi sinagot ni Vianca.Baka naman kasi busy hindi hawak ang cellphone masyado akong nagmamadali. Ni off ko muna ang phone ko. Palilipasin ko lang ng five minutes muli akong tatawag kay Vianca.Kapapatay ko lang lang tawag. Si Ate Jane ang tumatawag sa akin. Kaya rito napunta ang atensyon ko. Excited pa ako niyon sinagot nakangiti na pala ako habang nagsasalita.“Hello ate kumusta po ang daddy. Ikaw rin po kumusta na r’yan?” masaya ko pang sabi subalit pagkarinig ng sabi ni Ate Jane, napatda ako.“Andeng. Dinampot ang daddy mo ng mga pulis. Nasa presinto tres ako ngayon dito siya nakakulong.”“A-ate J-Jane ano po?”“Hinuli si sir Alvin, sa kasong estafa case. Sa banko raw galing ang warrant. Sumunod agad ako. Kasi nag-aalala ako sa daddy mo at may sakit iyon ngayon.”“A-ate s-sige po pupunta ako roon,” taranta kong sabi. Kaya lang naisip ko wala nga pala akong pera, ni singko d
Andrea Wala kaming imikan ni Atlas hanggang makarating sa presinto. “Aantayin na lang kita rito,” saad ni Atlas deretso lang ang tingin sa unahan. Tumango ako ng hindi nakatingin sa kaniya. “S-salamat,” tugon ko pilit na pinasaya ang boses ko nagtagumpay naman ako hindi ako nautal. Bigla akong nalungkot ng hindi ko mawarian. Hinahanap ko ang Atlas na palabiro at malambing. Bakit pakiramdam ko parang nag-iisa na ako ngayon. Bigla kong naramdaman uminit ang mata ko kaya kinurap-kurap ko iyon upang hindi ako maging emosyonal ngayon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. At nag-umpisa ng lumakad patungo sa loob ng presinto upang hanapin ang ate Jane. “Andeng!" may tumawag sa 'kin kaya hinahanap ko. Si ate Jane pala. "Dito tayo,” naghahanapan pala kami pareho ni Ate Jane. “Magpaalam muna tayo sa information desk na dadalaw ka.” “Anong oras si dad dinala rito?” “Mga alas otso iyon ng umaga. Hindi nga ako noong una naka kilos sa shocked,” kwento ng ate Jane. Nakarating kami
Andrea“Daddy, okay po kayo rito? Hindi nila kayo sinaktan?” tanong ko pa sa kaniya at hindi pa ako nakontento. Dahil tiningnan ko ang kamay, braso at magkabilang mukha ni daddy. Kung may bakas na nasaktan.“Anak tama na nakita mo na naman ayos na ako,” wika pa ni daddy at biglang pumutok ang ubo kaya napangiwi ako. "Sorry hindi ko napigilan," kakamot si dad sa buhok niya.“Kailan pa iyang ubo mo dad bakit hindi mo inuman ng gamot? Mamaya lumala pa iyan. Teka magpabili tayo sa ate Jane,” saad ko pa naka lilimot yata ako na pumunta ako rito ng wala pera at kahit pagbihis hindi ko na nagawa.Ngayon ko sinilip ang suot kong maong short. Mabuti na lang hindi ito maiksi dahil lampas kalahati sa hita ko, at t-shirt din naman ang suot ko kaya hindi masagwang tingnan. Desente pa rin compare sa ibang nakita ko pumapasok rito na naka spaghetti strap ng pangtaas at pekpek short ang suot sa baba.“H’wag na pagaling na nga ito anak. Ayos lang ako,” Sabi ni daddy. Niyakap ko si daddy. Namiss ko ito
Andrea “Anak! Uuwi ka ba muna sa bahay?” tanong ni dad ng naglakad na kami upang lumabas ng presinto.. “Opo dad. Nariyan naman po si Atlas. Pahatid po tayo,” tugon ko kahit hindi ako sigurado kung pagbibigyan ako ni Atlas. Bahala na baka naman pumayag kapag kausapin ko. Kanina lang naman ako galit dito kasi sa nalaman ko buhat sa kaniya. Pero ngayon okay na ako lalo na masaya ako kasi hindi na makukulong si daddy at wala na rin ang dalawang impakta sa bahay. “Atlas!” mahina ko siyang tinawag pero ang galing ha? Narinig pa niyon ni Atlas kasi lumingon agad 'to sa ‘min. Pinasadahan ako ng tingin pagkatapos humugot ng hangin bago muli humarap sa kausap niya. Sa paraan ng pag-uusap parang magkakilala ang dalawa. Halos magkasing tangkad sila at hindi rin pahuhuli sa kagwapuhan iyong lalaki na kausap niya. Nasa table pa sila ng hepe. Tumingin ako sa hepe at nakangiti ito sa asawa ko. Aba akala ko masungit ito gusto pala ng g'wapong kaharap letse siya isa rin haliparot. Parang
Andrea “Hop in,” mahinang sambit ni Atlas sa ‘kin. Salubong pa rin ang kilay niya, kaya inirapan ko. Na siyang pati ilong niya nalukot. Hindi nagustuhan ang ginawa ko. “Gusto mo ba roon sa likuran? Ayaw mo akong katabi?” tanong pa nito na siyang pinagtatakhan ko kasi halata ko ang inis sa boses niya. ‘Seriously? May topak nga’ bubulongbulong ko narinig niya suminghap ito. Parang babaeng nireregla ang mister ko, mainit ulo. Hindi ko naman gusto sa likuran pero ayaw niya ako sagutin kanina. Kaya inaakala ko na hindi niya ako gustong katabi. Hindi niya ako gustong makausap, e, bakit ngayon ikinagagalit ni Atlas. Aba, kay tagal naman pala matanggal ang sapak ni si Atlas. Hanggang ngayon nagsisintir ang damuho. Samantalang ako naka move on na kanina pa. Pero ito pa yata ang sobrang matampuhin. “Fine! Kung ayaw mo rito. Go ahead. Doon ka na umupo,” malamig ang boses nito. Ngumisi ako kaya napatda ito. Lalo na ng yumakap ako sa baywang niya. Narinig ko bumigat ang paghinga niya
Andrea Nagising akong nakayakap pa rin si Atlas sa ‘kin. Hindi ako makawala kaya naisip ko mag-angat ng tingin kung tulog pa ito. Napngiti ako ng nakapikit pa ito ngunit nakabantay lang pala. Dahil bago ko pa mabawi ang panakaw kong titig sa kaniya. Niyuko na ako huli na para magkunwari. Nakangisi si Atlas para bang nagmamalaki nahuli niya ako sa akto kaya napangiti na lang din ako. Sumilip ako sa pambisig kong relo. Nakasuot pa rin pala sa kamay ko kahit tulog. Buti hindi natanggal. Luh! Hapon na ah. Ang haba pala ng tulog ko malapit ng mag-alas-dos ng hapon. Kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Pero ang tibay ko ha? Kasi almusal pa sa bahay nila Atlas ang kain ko. Ngayon lang ako nagutom. Gumalaw si Atlas nanlaki ang mata ko pumaibabaw ito sa akin. Namula ang pisngi ko sa intimate naming posisyon. Hindi ako makagalaw ng siilin ako ni Atlas ng halik. Literal na nanlaki ang mata ko ng umpisa n'yang pasadahan ng dila ang labi ko. Malalim ang halik niya parang ayaw tumanggap n
Andrea Pinanonood ako ni Atlas habang nagsusuklay ng buhok ko. Kung magbihis kaya muna ako. Maghapon na ang damit ko. Galing pa kami ng presinto kanina. Nakatulog na rin ako ni bihis hindi ko na inalala. Lumingon ako kay Atlas upang magpaalam. Nanonood pa rin pala siya sa akin. “Antayin mo na lang kaya ako sa baba gusto ko muna kasi magbihis.” Utos ko. Umayos ito ng tayo may nabasa ako sa mata ni Atlas. Parang alanganin ito sa utos ko sa kaniya. Ngumiti ako sa kaniya ngunit hindi ako nginitian. Suplado naman hindi lang ako ngitian kaya nag-iwas ako ng tingin. "H’wag mo akong umpisahan sa pang-aakit baka hindi na ako magpaawat,” wika nito kinatitig ko sa kaniya. “Usapan natin iyon ah.” “Okay lang ngayon hindi ko maipangako kaya ko lahat ng oras sundin ang sinabi mong usapan.” “Atlas mandaraya ka,” “Magbihis na kung magbibihis. Baka naman kunwari ka lang pero gusto mo tulungan kita—” “Hindi ah,” maagap kong tugon sa kaniya. Hindi ko na lang siya pinilit kung ayaw lum
Andrea “Maxine naiintindihan kita. Pero wala ka bang balak hiwalayan si Paul? Matagal ka na rin naman nagtitiis sa kaniya. Kapag kusang loob naman ang binigay n'yang tulong. Hindi mo kailangang makonsensya. Basta ‘wag kang mahihiya magsabi sa ‘kin ha? Dahil sa abot ng aking makakaya. Handa kitang tulungan. Lakasan mo ang loob mo. Nasaan ang mataray Maxine mukhang bahag na ang buntot ngayon,” wika ko pa at pareho na kaming kumalas sa isa't isa. “Woi!” natawa ako ng sumibi si Maxine. Kaya naman muli ko siyang niyakap upang pakalmahin. Mas lalong lumakas ang iyak kaya hinayaan ko munang nakayakap siya sa ‘kin. Dumaan ang katahimikan. Parang nahimasmasan na si Maxine. Wala ng tunog ang hikbi nito at dahan-dahan na kumalas sa yakap ko. “Okay ka na?” tanong ko at tumango siya at nakangiti na ngayon. Ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa mata Maxine pilit lang nitong itinatago. “Gusto ko. Gustong-gusto ko makawala na sa kaniya, Andrea. Pero paano? Hindi lang basta lang si Paul. Natatakot
Andrea Nang bumalik si Atlas sa condo unit namin umahon ang tatlo. Sabi ko nahihiya lang sila kay Atlas. Kaya ayaw magsiahon ng tatlo kong kasama. “Kain na tayo,” niyaya ko sila sa dalang meryenda ni Atlas. Pinagsaluhan namin ang dalang pizza ni Atlas. Dalawang malaking box kaya naman hindi namin naubos binigay ko sa duty guard. Si ate Lucy, nagpalipas lang ng kabusugan maya-maya rin bumalik din agad sa pool dahil gusto pa raw n'ya lumangoy. Kaming tatlo ang naiwan nagkwentuhan na lamang kaming tatlo. “Kayong dalawa kasama sa entourage sa kasal namin ni Atlas, ha? Besh, maid of honor ka at Ikaw naman Maxine bridesmaid.' Nanlaki pa ang mata ni Maxine. Para bang hindi niya inaasahan na kukunin ko siya na abay sa aming kasal ni Atlas. “S-salamat A-Andrea. Ang bait mo talaga at ang ganda pa. No wonder maraming nagkakagusto sa ‘yo,” sabi nito biglang naging malungkot ito. “Parang hindi ako naniniwala na maganda ako. Kasi kapag tumabi ka sa ‘kin lalamunin lang ang kagandahan ko
Andrea The next morning, I woke up dizzy and felt like I was going to vomit. Dali-dali akong bumangon at bumaba sa kama nagmamadaling tumakbo patungong CR sa takot naabutan ako sa kama. Naulinigan ko pa napamura si Atlas, baka raw ako madulas hindi lang ako sumagot. Narinig kong bumangon din siya at sinundan ako ni Atlas. Dahil bumukas ang pinto ng CR hindi ko lang pinagkakaabalahan lingunin dahil masakit ang sikmura ko dahil sa patuloy kong pagsusuka. Kaya rin hindi ko siya nilingon dahil alam ko naman na sumunod agad siya sa akin. Eh, kung magtatagal pa ako baka sa kama ako abutan. Dahil sakto lang din pagdating ko sa bathroom sink nilabas ko ang kanina pa pinigilan ko umiikot sa tiyan ko. Naiiyak na ako at pinagpapawisan ng malamig. Nanghihina rin ako dahil sa walang katapusan na pagsusuka kahit mapait na laway lang din naman ang sinusuka ko. Kumalma lang ako ng haplusin ni Atlas ang likuran ko nag-aalala ito sa ‘kin panay tanong kung ayos lang ako. Dahil wala akong lakas na
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
Andrea Nang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya. "Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga. "Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael. Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina. "Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko." "Edi wow na lang," Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na k
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”