Hot Night With Mattheus Martinez

Hot Night With Mattheus Martinez

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-06-01
Oleh:  JENEVIEVEBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
56 Peringkat. 56 Ulasan-ulasan
343Bab
82.5KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

SPG/ R-18+ Story of Mattheus Martinez, son of Marycole and Rowan Martinez, of the story ( Secretly In Love With You) Bata pa lang si Brenda Polido ay pangarap na niyang maging isang tanyag na newscaster sa sikat na TV network ng bansa, walang iba kun’di ang RMTV, ang pangarap ng katulad niyang mass com newly graduate dahil nangunguna ito sa mga ratings, hindi lang sa mga news ngunit maging sa show ng nasabing TV channel. Pinalad si Brenda matanggap sa nasabing kompanya. Subalit hindi bilang isang newscaster na pangarap niya, kun'di maging secretary ng president at anak ng may-ari na walang iba kun'di si Mattheus Martinez, ang matagal na n'yang crush, college student pa lamang siya. Si Mattheus kasi ay dati munang sikat na model, newscaster, at naging isang TV actor bago pamahalaan ang TV network na pag-aari ng pamilya nito. Sa loob ng isang taon ng pagiging secretary ni Brenda kay Mattheus, lihim na nahulog ang loob niya sa binatang amo. Ngunit paano naman niya iyon masasabi rito kung ubod naman ito ng pagiging babaero? At isa pa, malabo siyang mapansin nito dahil mga model at artista ang tipo ng amo niya. Samantala siya, isang hamak na sekretarya lamang na pangkaraniwan ang ganda. Ngunit paano kung isang araw, nagkaroon si Brenda ng pagkakataon na makasama si Mattheus sa iisang kama at nakalimot sila? Kaya nga bang humarap ni Brenda kay Mattheus kinabukasan? Kapag humupa na ang init ng kanilang pinagsaluhan lalo na't alam ni Brenda na meron talagang kasintahan si Mattheus at nagbabalak na itong pakasalan? Abangan ang buhay pag-ibig ni Brenda Polido at Mattheus Martinez. Hot Night With Mattheus Martinez.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 01

Brenda

Pakanta-kanta pa ako habang lulan ng elevator dahil sa labis na saya. Monthsary namin ngayon ni Sir Mattheus. Sabado kasi walang pasok sa office kaya sa condo niya ako pumunta. Bumili pa ako ng cake sa isang sikat na bakeshop at sinadya kong hindi mag-text sa boss ko na pupunta ako upang ma-sorpresa si Mattheus.

Palagi ko naman ginagawa ang ganitong sorpresa sa kaniya tuwing monthsary namin, simula ng magkaroon kami ng relasyon, six months na ngayon. Hindi ko siya nobyo, basta simula nang may nangyari sa aming dalawa. Palagi na kami nagde-date ni Sir Mattheus at pagkatapos nauuwi iyon sa mainit na pagt*t*lik. Hindi ko siya boyfriend ngunit parang ganun na din kami ni Mattheus. Kasi may namamagitan din sa 'min. Malambing din ang boss ko sa akin at higit sa lahat. Ayaw niya akong tumaggap ng manliligaw gusto n'ya siya lang.

Minsan nga sinasabi ko sa kaniya bakit hindi p'wede e, fvck buddy lang naman kami. Kaya maari pa akong mag-entertain ng lalake. Ngunit si Sir Mattheus, ang ayaw sa gano'n na tawag. Sabi ko pa edi, MU kami kung gano'n. Tatawa lang ang binatang amo. Bahala raw ako kung anong gusto kong itawag sa relasyon namin. Basta 'wag lang daw iyong 'fvck buddy 'at 'wag lang ako tumaggap ng ibang lalake kun'di lagot ako sa kaniya.

Gano'n siya possessive kahit wala akong narinig ni minsan dito na mahal niya ako. Ngunit kung pagbabasehan naman ang kilos nito. Maari kong sabihin na may pag-ibig din siya sa 'kin ang boss ko. Malambing at maalaga. Para sa 'kin. Sapat na iyong pinakikita niya sa kilos na mahal niya ako. Hindi rin naman siya tumitingin sa ibang babae kaya ayos na 'yon sa 'kin.

Bago pa ako lumakad patungo sa unit ni Sir Mattheus. Inilabas ko muna ang pressed powder ko upang silipin kung haggard na ba ang hitsura ko. Nakita ko maayos pa naman nakangiti akong ibinalik iyon sa aking shoulder bag.

May sarili akong susi kaya hindi ko na kailangang mag-doorbell. Kaya naman pinihit ko na iyon at abot tainga pa ang aking ngiti sa labi ngunit kay dali rin 'yun nalusaw dahil sa tagpong aking naabutan.

"M-Mattheus?" natigilan ako at mabilis akong napayuko upang itago ang sakit na bumalatay sa aking mata.

"Ma'am Neng-neng?" I whispered.

Namula ang aking mata. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi kinakaya ng aking mata ang lambingan nilang dalawa. Nakahiga at nakaunan si ma'am Neng-neng, sa hita ni Sir Mattheus, habang si Sir Mattheus, nakangiting nakatunghay kay ma'am Neng-neng. Kay saya nito pagmasdan. Talaga nga hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan ang dating nobya.

Kailan pa sila nagkabalikan? Bakit hindi ko yata nalaman na bumalik na si ma'am Neng-neng? Akala ko ba ikinasal na ito sa nobyo nitong naka base sa Canada, kaya nga tumanggi noon sa inaalok na kasal ni Sir Mattheus, dahil iyon daw ang totoo nitong mahal hindi lang nito masabi-sabi kay sir Mattheus.

"B-Brenda...." natigilan si Sir Mattheus.

Nakangiti naman si Ma'am Neng-neng at agad din bumangon pagkatapos umayos ng upo sa sofa. Hindi nito nakita ang takot na gumuhit sa mata ni Sir Mattheus, dahil sa biglaang pagsulpot ko.

"Napadalaw ka, Brenda?" saad pa nito. "May importante ka bang sadya sa amo mo? May tinakasan ba si boss mo na trabaho?" nakangiti pa sabi ni ma'am Neng-neng, walang kaalam-alam na may relasyon kami ni Sir Mattheus.

Dammit! Hindi ba sinabi ni Sir Mattheus sa kaniya? So ano na lang ako dahil nagbalik na siya. Tang-na 'yan!

Humigpit ang paghawak ko sa bitbit kong cake. Kung makapagsasalita lang ang taling ribbon ng hawak kong cake. Baka sumigaw na ito sa higpit ng hawak ko.

"Nagkabalikan po ba kayo? Kayo na po ba ulit ni Neng-neng Sir Mattheus?" nanginginig ang boses ko habang sinisigaw niyon sa kaniya.

Mas lalo akong humikbi ng dahan-dahan tumango si Sir Mattheus.

"I'm sorry. Forgive me, Brenda. I still love Neng-neng. Bumalik na siya. I didn't promise you anything, right? I also didn't say that I love you, right?"

I sobbed.

Ang sakit marinig ng salita nito. Sorry lang? Dahil bumalik na ang dati n'yang nobya. Fvcking shit! Humihingi siya ng tawad dahil nagbalik na si Neng-neng.

Dammit! Hindi nito inisip nasasaktan ako. Dobleng sakit ang narinig ko buhat sa kaniya dahil wala raw siyang sinabi na minahal niya ako. Ang tanga ko. Tanga, tanga ko ngayon ko lang 'yon naisip.

Akala ko kaya ko ng palitan si Neng-neng sa puso niya. Tang-na kulang pa pala. Hindi pa pala sapat ang pagpapakababa ko sa kaniya. Hindi ako naging demanding. Kung ano lang ang ibinigay niya. Hindi ko siya pinilit na agad-agad niya akong mahalin. Dahil naniniwala ako na balang araw masasabi rin niya iyon sa 'kin. Kay sakit. Ang sakit dinudurog ang puso ko sa naabutan kong tagpo.

Mapait akong napangiti. Matatag na tinitigan si Sir Mattheus. Humugot ako ng hangin sa 'king dibdib, dahil kung hindi ko gagawin 'yon. Mahihirapan akong huminga.

Lumakad ako patungo sa sofa. Sa p'westo nilang dalawa ni Neng-neng. Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa pisngi ni Sir Mattheus at sabay ang pag-alpas ng pinipigilan kong iyak.

"Sorry lang? Sorry lang sir Mattheus?? Gago ka ang gago mo sa lahat ng gago! Sana nagsabi ka man lang dumating na si ma'am Neng-neng para nakapag-preno ako magtungo rito. You're fvcking asshole!" galit kong sabi tinulak siya sa dibdib.

"Mattheus, anong nangyayari?" naguguluhan na tanong ni Ma'am Neng-neng palitan kami tinitingnan ni Sir Mattheus.

"Ni minsan ba hindi mo ako minahal, Sir Mattheus? Kasi ako mahal na mahal kita kahit sobrang sakit na! Hindi ako naging demanding sa 'yo because I love you. K-kasi, kasi, akala ko...K-kalaunan mamahalin mo rin ako ngunit kay tanga ko lang pala. Dahil...n-nag-aantay ako na dumating ang araw na iyon hinding-hindi naman pala mangyayare. Dahil hanggang ngayon siya pa rin ang tinitibok ng puso mo. Ito na ang huli kong pakikipagkita sa 'yo. Good bye, Sir Mattheus," saad ko mabilis na nilisan ang condo unit ni Sir Mattheus.

Halos hindi ko na makita ang dinaraanan ko dahil walang ampat ang luha kong pumapatak sa aking pisngi. Malungkot akong napangiti. Binalikan ko ang nangyari bakit ako nakipag relasyon kay Sir Mattheus, na hindi ako inaalok ng kasal at walang pag-ibig ang amo para sa 'kin.

May tipid na ngiting kumabit sa mga labi ko habang pinagmamasdan ang president at CEO ng RMTV network na walang iba kun'di si, Sir Mattheus Martinez, ang aking ubod gwapong boss.

Nakangiting nakaupo sa swivel chair niya. Habang masayang pinagmamasdan ang kumikinang na engagement ring na hawak nito.

Ako si Brenda Polido, ulilang lubos na ako, taga Samar at kinupkop ng dalawang matanda kong Tiyahin, na kapatid ng Nanay ko. Naka graduate ako ng college bilang isang scholar sa kursong AB mass communication major in journalism. Pangarap ko kasi maging isang newscaster. Pinalad akong matanggap sa una kong subok mag-aaply ng trabaho. Natuwa ako dahil akala ko makukuha ko ang pangarap kong trabaho. Ngunit magiging sekretarya pala ako ni Sir Mattheus. Loyal na sekretarya. Mahigit isang taon ng may pagsintang pururot at lihim na iniibig ang aking boss na si, Sir Mattheus Martinez.

Pahapyaw kong sinulyapan ang singsing na hawak ni Sir Mattheus. Gleaming with beauty. Kahit hindi mo tanungin kung saan iyon binili alam mo na sa isang sikat na jewelry ito pinagawa. Dahil isang tingin alam ko hindi biro ang halaga.

Aalukin na ba niya ng kasal ang matagal na n'yang girlfriend na si Neng-neng? Nagbabalak na yatang pakasalan ni Sir Mattheus si doktora Neng-neng.

Nang maisip ko ‘yon. Gusto kong umiyak. ‘di ko maiwasang masaktan. Tuluyan na ngang wala akong pag-asa na mapansin nito dahil mag-aasawa na si Sir Mattheus.

I gulped. Ano kaya ang pakay ni Sir Mattheus bakit niya pa ako pinapasok dito sa office niya? Kung dahil lang gusto n'yang hingin ang opinyon ko na aalukin ng kasal, ang nobyang si ma'am Neng-neng. Aba'y isa siyang gagong siraulo napaka manhid

Oo nga pala ako'y nakalilimot na ako lang ang may gusto sa kaniya. Natutunan kong maging manhid sa harapan nito. Upang hindi nito mahalata na may gusto ako rito.

Nagtagumpay naman akong itago iyon sa kaniya. Kung mayroon lang patimpalak ng pagiging manhid at pagalingan umarte. Ako ang makakukuha ng award sa pagiging best actress ko. Ngunit ang totoo minsan inaasam ko na sana ay mapansin ako ni Sir Mattheus. Hindi bilang isa niyang sekretarya. Ngunit bilang babaeng maari niyang magustuhan at mahalin.

Malungkot akong napangiti. Paano naman mangyayari ‘yon? Mayroon ng nagmamay-ari sa puso ni Sir Mattheus. Saksi ang dalawa kong mata kung gaano niya kamahal ang nobyang si Neng-neng. Noon daw bali-balita. Playboy si Sir Mattheus, ngunit simula ng maging nobya nito si dok Neng-Neng, nawala ang pagkababaero nito.

Tumikhim ako mukha kasi hindi niya ako napapansin nasa singsing na hawak lang ang atensyon ni Sir Mattheus. Pisti oi! Pinapunta niya lang ba ako para panoorin kung ano ang ginagawa niya? Bakit pinapunta pa ako nito kung balak lang pala akong inggitin sa engagement na hawak niya.

Alam ko naman hindi ako nito magugustuhan. Mga tipo nito, sexy at matangkad kagaya sa girlfriend nito, daig pa ang super model sa tindig at itsura. Eh, ang pakitaan ako ng singsing na ibibigay sa nobya nito hindi na tama.

Mariin akong napapikit. Nagu-umpisa na akong mabuset sa boss ko. Hindi ako nakatiis kinuha ko na atensyon niya.

“Sir Mattheus, ano po ba ang balak n'yo bakit mo ako ura-uradang pinapasok dito? Sir, marami ho akong kailangan tapusin na in-encode,” ani ko may inis sa boses.

Tumawa parang naaliw sa paglukot ng mukha ko.

“What do you think, Ms. Polido? Maganda ba?” nakangiti pa niyang tanong sa akin halatang excited sa kislap ng kaniyang mata.

Ouch naman. Putrages! Napaka insensitive nitong tukmol kong boss. Naku naman. Sarap nito basagin itlog niya nakakaurat masyado.

“Brenda?!” tanong ulit nito kaya napamata ako. Hindi dahil sa gulat, kun'di sa narinig ko sinambit niya ang first name ko. First time niya ako tinawag sa first name ko kaya slight akong nataranta.

“Ahm…’yang singsing po ba, sir Mattheus?” I asked him.

Tinaasan niya ako ng kilay kaya naman napayuko ako. Mabuti wala naman sinabi maliban sa napa 'tsk' pagkatapos tumayo na.

"Sa tingin mo, Ms. Polido. Babagay kaya ito kay Neng-neng?" aniya pagkatapos ibinalik na sa lagayang box ang engagement ring na hawak.

“Y-yes, S-sir Mattheus, sobrang ganda po. Tiyak magugustuhan po niyan ni ma'am Neng-neng kapag nakita niya ‘yan,”

“Talaga?” halata sa boses nagustuhan nito ang naging tugon ko sa kaniya.

Sus ang kulit naman ni amo. Paulit-ulit kung makatanong. Bubulong-bulong ko pa, buti hindi naintindihan ni Sir Mattheus, ang pinagsisintir ko.

“Sa tingin mo, Ms. Polido. Magugustuhan kaya ito ng girlfriend ko?” tanong niyang hindi malusaw lusaw ang kasiyahan sa labi.

“Opo nga!” may himig inis ang aking boses.

Natigilan ‘to. Nagtagal niya akong tinitigan kaya naging tabingi ang aking ngiti.

Letchugas! Bakit ba ako nagtaas ng boses. Nakakahiya. Baka anong isipin ni Sir Mattheus, sa bigla kong pagtaas ng boses. Talaga naman naisip ko pa kung anong masasabi nito e, wala nga pakialam sa 'kin ang shunga ko talaga.

Pinilit kong kumilos ng normal at siniguro ko maayos ang ngiti ko. Pambawi sa bigla kong pagtaas ng boses kay Sir Mattheus. “Ahm..bagay po ‘yan kay ma'am Neng-neng,” sagot ko sa kaniya ngunit ang totoo parang tinarakan ng punyal ang dibdib ko.

“I'll pick her up from work and then surprise her,” sabi nito kita ko ang saya sa kaniyang mata.

Ngunit may napansin lang ako. Tila kay bilis magpalit ng mood ng ni Sir Mattheus.

He went from being joyful to abruptly becoming serious. I read that in his eyes, but why?

“Oh, bakit po malungkot ka, Sir Mattheus?” ngisi ko upang pagaanin ang loob naming pareho.

He sighed heavily. Nginitian niya ako na halos ikalaglag ng puso ko sa sobrang saya. Ngunit nanatili tumatak sa isip ko ang nakita ko kanina malungkot niyang reaksyon. Pagsasawalang kibo ko na lang ngumiti ako sa kaniya.

“Wala tayong overtime mamaya maari ka ng umuwi ng saktong alas singko,” sabi nito. Masaya akong tumango.

“Tiyak po mapapa ‘yes’ agad si ma'am Neng-neng niyan, Sir Mattheus. Bagay na bagay kasi kayong dalawa parehong guwapo at maganda,”

Putek na iyan! Nginsihan ako ng bongga kaya lihim akong kinilig.

“G’wapo pala ako sa paningin mo? Akala ko talaga ang pangit ko kasi hindi ka naman ni minsan tumingin sa akin,” he said this, I know Sir Mattheus is just making a joke.

Biniro ko rin. “G’wapo ka naman talaga sir. Kung hindi ka nga may girlfriend, crush na kita,” saad ko sinamahan ko ng bungisngis kaya lang natigilan ako dahil pinagmamasdan na pala ako ni Sir Mattheus. Lihim akong napalunok. Hindi ko kasi mabasa ang iniisip nito.

“B-biro ko lang 'yon sir Mattheus. Sige po marami akong gagawin. Good luck po mamaya I'm sure walang patumpik-tumpik niyan si ma'am Neng-neng. Mapapa 'oo' mo agad 'yan,” sabi ko sa kaniya pagkatapos hindi na ako nag-antay na sagutin ako ni sir Mattheus. Mabilis na akong humakbang upang tuluyang makalabas ng office niya.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(56)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
56 Peringkat · 56 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Nari KAt
Love it! Congrats agad sa author............
2025-05-23 09:59:37
0
user avatar
Honey
highly recommended ...️...️...️
2025-04-28 20:44:39
0
user avatar
Jo ongan
Highly recommended
2025-04-17 17:43:11
0
user avatar
jonalyn gumilet
thanks ms. a
2025-03-21 13:11:30
1
user avatar
JENEVIEVE
Book 1 COMPLETED (Mattheus Martinez and Brenda) Book 2—(2nd gen-ongoing) Atlas Martinez and Andrea Keth)
2025-03-19 08:44:46
0
user avatar
JENEVIEVE
Hello po, sa mga nagbabasa ng stories ko po. Para po updated po kayo sa mga stories ko p'wede n'yo po ako i-follow sa face book ko. Search n'yo lang po JENEVIEVE Dre*ame. Nilagyan ko lang po ng isang asterisk para po mabasa n'yo. Salamat po
2025-03-04 18:02:28
0
user avatar
Yollie Quiogue Martinez
ang ganda wala akong masabi babasahin ko ulit
2025-02-24 16:43:40
1
user avatar
Jo ongan
salamat ms.j.ang ganda ng kwento ni Mattheus and Brenda.abangers ako sa book 2 sana more more update po
2025-02-24 08:38:54
0
user avatar
Anna Fegi Caluttong
ang Ganda ng kwento
2025-02-24 05:25:15
0
user avatar
Jo ongan
more more update ms.j....
2025-02-21 08:39:21
0
user avatar
Ilocano writer
support 🫶
2025-02-19 09:31:39
1
user avatar
Jo ongan
malapit na ba happy ending.parang lungkot sobra ako na hook sa love story ni Mattheus and Brenda
2025-02-18 07:46:40
0
user avatar
Jo ongan
Excited na sa next update more more ms.j
2025-02-18 07:44:49
0
user avatar
Jo ongan
more update ms.j
2025-01-28 08:09:33
0
user avatar
Jo ongan
Grabe paganda ng paganda kwento love it...️
2025-01-28 08:09:11
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
343 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status