Aligaga si Shayne. Tapos na siyang magbihis, ngunit parang ayaw niyang lumabas ng dressing room. Leggings na itim at puting loose t-shirt ang kanyang suot, at ang kanyang mahabang buhok ay naka-ponytail.
Panay ang kanyang silip sa labas at tinitingnan ang lalaking may berdeng kulay ang mga mata kung naroon pa ba ito. Upo, tayo, upo, tayo, at lakad sa pintuan sabay silip ang kanyang paulit-ulit na ginagawa. Sa kasamaan ng palad, ay naroon pa rin ang lalaki. Sino ba ito? Bakit siya nito iniligtas sa lalaking manyakis na iyon kanina? Bakit siya nito hinihintay? Ano ang kailangan nito sa kanya? Kumakabog talaga ang dibdib niya. Nanlalamig pati siya. Hindi kaya gusto lang nitong isama siya dahil, tulad ng ibang lalaki, ay gusto lang siyang ikama? “Diyos ko!” Napatakbo tuloy siya pabalik sa upuan sa tapat mismo ng vanity mirror at umupo, sabay ipit ng mga hita. Mas lalo tuloy kumabog ang dibdib niya. Ang laking mama pa naman. Matangkad siya, pero di hamak na mas matangkad ito sa kanya at sobrang matipuno ang katawan. Ang dibdib ay sobrang tigas. Nararamdaman niya ito kanina nang magkadikit ang kanilang mga katawan. Matangkad siya ngunit balingkinitan, at sa laking mama nito—naku, siguradong bali-bali ang katawan niya. Ay! Ano ba itong pinag-iisip niya? Ano ba kasi ang kailangan ng gwapong mama na iyon sa kanya? Napakamot siya sa kanyang batok, sabay tayo at muling humakbang tungo sa pinto. Hinawakan niya ang siradura at bahagyang nilakihan ang siwang. Naroon pa rin ang gwapong mama na may berdeng mga mata. Nakatayo ito at nakapamewang ang isang braso habang ang isang braso ay inangat nito at sinipat ang pambisig na orasan nito. Sinuyod niya ito ng tingin. Hindi niya maiwasan ang mamangha. Ang gwapo naman na manyakis na mamang ito kung sakali. Ang tikas ng tindig, sobrang gwapo, at ang damit na suot nito ay halatang mamahalin. Sigurado siya na galing ito sa mayamang angkan. Maging ang tinig nito kanina ay sobrang ganda. Para itong isang DJ sa FM radio. Sobrang nakakahalina sa pandinig. Napahugot tuloy siya ng malalim na paghinga. Ano ba itong ginagawa niya? Sumasabay sa takot niya ang paghanga niya sa lalaking iyon. Ang mga lalaking tulad ng lalaking iyon ay hindi ang tulad niya ang magustuhan. Kung magkakagusto man ang mga ito sa kanya sigurado siya na pagkababa3 lang niya ang habol ng mga hayop. Bakit ba ganito ang iniisip niya tungkol sa lalaking iyon? Iniligtas nga siya nito kanina diba. Ito ang unang sumaklolo sa kanya ng akma siyang molestyahin ng isa pang lalaking manyakis na iyon sa ibabaw ng stage. Natural, ililigtas ka niya! Dahil malamang sa malamang gusto niya siya ang unang maka-iskor sa'yo. Malamang sa malamang ay sinabi ng mukhang pera mong floor manager na virgin ka pa at balak ka na naman ibenta ng h*******k. Sulsol ng malaking bahagi ng kanyang utak. Sinabihan kasi niya si Portia na wala siyang karanasan kaya ayaw niyang magpa-table. Kung hindi lang siguro dahil sa tangkad niya at sa sinasabi nitong ganda at galing niyang sumayaw, hindi talaga raw siya nito tatanggapin sa club na ito. Napahugot tuloy siya ng malalim na paghinga. Sarili niyang utak at pag-iisip ay nagtatalo ngayon dahil sa poging mama na nakaantabay sa kanya sa labas ng dressing room. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng malaking halaga ng pera, hindi talaga siya aapak sa mabaho at letseng lugar na ito. Hindi niya hayaan na pinagpyestahan ng mga mata ng mga manyak na parokyanong iyon ang katawan niya. Naghahalo ang inis at awa niya sa sarili sa mga sandaling ito. Akma niyang isarang muli ang pinto. Ngunit huli na dahil napalingon na sa gawi niya ang gwapong mama na may berdeng kulay na mga mata. Kumabog ng malakas ang puso niya ng panandalian na magkaugnay ang kanilang mga paningin. Bigla ay para siyang nahipnotismo. Ngunit panandalian lang iyon. Nang makita niya itong humakbang tungo sa kinaroroonan niya ay agad na mabilis niyang isinara ang pinto. Ngunit hindi pa niya ito nala-lock ay hinila na nito iyon sa kabilang side upang buksan. Ngunit hindi siya nagpatinag. Kahit kinakabahan at halos hindi na siya makahinga dahil sa sobrang pagkabog ng dibdib ay namayani sa isip ang isipin na protektahan ang sarili. “Open this fvcking door!” Umalingawngaw ang baritonong tinig nito sa hallway kasabay ng paghila nito sa siradura ng pinto upang buksan iyon. Bahagyang umawang ang pinto. Ubod lakas na hinila niya iyon pasara. Itinukod pa niya ang kanan na paa sa dingding upang makabwelo ang kanyang lakas. Naghihilahan sila ng pinto. Hinila niya iyon pasara at ito naman ay hinihila iyon pabukas. Ganito ang laging nangyayari. Sa tuwing may lalaking lumalapit sa kanya dito sa club. Lumalayo siya. Ilang beses kasi na lagi siyang gusto na molestyahin. Nakakadala. Nakakatakot. Nakaka-trauma. Gusto na niyang umalis sa lugar na ito. Ngunit sa lugar na ito lang siya kumikita ng malaki. Saktong pambayad ng kanyang matrikula at pambayad unti-unti sa punerarya. “Umalis ka na! Kahit anong mangyari hindi ko hahayaan na lamasin mo ang katawan ko!” Sigaw niya sabay ubod lakas na hinila niya ang pinto pasara. “What the hell are you talking about? Buksan mo itong pinto, kung hindi gigibain ko ‘to!” pagbabanta ng lalaki mula sa labas habang panay ang hila nito ng pinto pabukas. “What the hell. What the hell-in mo pagmumukha mo! Hindi porke't gwapo ka, sobrang bango at berde iyang mga mata mo ay bibigay na ako sa'yo. Hinding-hindi ko ibibigay sayo ang pagkabirhen ko, gago!” “Wait— what?” “Bwisit ka, umalis ka na. Si Portia na lang ang k******n mo kung libog na libog ka na, tang*na mo!” Bigla ay natigil sa paghila pabukas ng pinto ang lalaki mula sa labas. Mabilis na sinunggaban niya ang pagkakataon. Agad na hinila niya pasara ang pinto at in-lock iyon. Hinihingal na napasandal siya sa dahon ng pinto. Naipikit niya ang mga mata. Nanlalamig din siya dahil sa matinding nerbyos. Kasabay ng pagpikit niya ay ang paglitaw ng imahe ng kanyang ina. Maging ang tinig ng ina ay umi-echo sa kanyang pandinig. “Iyang bibig mo Shayne, sobrang makasalanan dahil sa pagiging palamura mo! Bubusalan ko na talaga iyan.” Lintanya palagi ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito sa tuwing naririnig siyang nagmumura. Maging si mother superior minsan, winisikan talaga siya nito ng holy water kuno upang palayasin ang masamang espiritu sa katauhan niya. Kinilabutan tuloy siya nang ginawa iyon ni Mother superior. Buti na lang hindi siya nasunog o nawalan ng malay tulad ng napapanood niya sa mga pelikula. Naintindihan niya kung bakit ayaw ng ina na nagmumura siya. Laking kumbento ang ina niya. Si mother superior naman ay isang alagad ng Diyos at head sa kumbento. Sa labas siya ng kumbento lumaki. Nakasalamuha niya ang iba't-ibang uri ng mga tao. Minsan mabait na tao at minsan asal hayop. Unfair ang mundo at magulo. Hindi niya maintindihan kung bakit hinayaan ng nasa taas na may mayaman at mahirap. Bakit hindi na lang ginawang pantay ang lahat. Sa mga taong tulad niya na kayod kalabaw, at napuno ng stress sa katawan na sinasabayan pa ng mga manyak, mapapamura ka talaga. Aaminin niya. Masarap magmura kapag sobrang stress na talaga na tulad ng sitwasyon niya ngayon. Wala ‘e pagmumura lang ang alam niyang paraan upang ilabas ang frustration. Plastic na nga siya minsan sa ibang tao. Pa-plastikin pa niya sarili niya. Mabuting tao naman siya. Palamura lang. Iniiwasan na nga niya ang mag-mura. Kaya lang talagang si satanas ang lumalapit sa kanya minsan. Tulad na lang ng gwapong mama na mabango at may berdeng mga mata sa likod ng pinto na ito. Satan in disguise ang puta. Ayan na naman! Isang malutong na mura na naman ang sinigaw ng utak niya. “Tama ma Shayne. Baka multuhin ka na talaga ng nanay mo.” Umalis siya mula sa pagka-sandal sa likod ng dahon nang pinto. Nakailang hakbang pa lang siya ng muli niyang nilingon ang sarado nang pinto. Sana umalis na agad ang mama na iyon ng makauwi na siya. Masakit kasi ang katawan niya at kailangan pa niya magsunog kilay sa pag-aaral ng lessons niya para sa mid-term. ******* HINDI makapaniwala si Damien sa narinig mula kay Shayne. Napakurap ang mga mata niyang napatitig sa saradong pinto. Anak ba talaga ni Shaina ang babaeng iyon? Hindi siya makapaniwala na ang babaeng tulad ni Shaina na lumaki sa kumbento, malumanay kung magsalita at ni minsan noon ay hindi niya narinig na magmura ay magkaroon ng isang palamurang anak. “Damn!” She even shouted saying she was a fvcking virgin. Iniisip nito na kaya niya ito nilapitan at gustong isama ay dahil gusto niya itong ikama. What the— Napakamot siya sa ulo. Nakaka-frustrate. Para silang bata na naghihilahan kanina ng pinto. Kung alam niya lang na magkakaganito sana hindi niya na lang ito pinayagan kanina na magbihis pa. Binitin na lang niya ito palabas ng club na ito. Antok na antok na siya. Wala pa siyang tulog mula sa byahe galing RuSsia, tapos heto pa ang lintik na kuting na ito pinapasakit ang ulo niya. Hinawakan niya ang seradura at kapagkuwan ay ubid lakas na sinipa ang pinto. Ngunit hindi natinag ang pinto. Isang sipa, dalawa, tatlo, sa apat na pagkakataon ay tuluyang nagiba niya ang pinto at bumukas iyon. “Jesus name!” Malakas na sigaw ni Shayne. Nahulog pa ito sa bangko na kinauupuan at napasalampas sa sahig. Ang mga kamay ay naitukod nito iyon sa likuran sabay hila usog pa atras. Ang mukha ay putlang-putla habang titig na titig ito sa kanya kasabay ng mariin na mga paglunok. “Ngayon may pa Jesus name, Jesus name kang nalalaman. Samantalang kanina ang lutong mong magmura. Ne re-rebuke mo ako. Ano akala mo sa akin si satanas?!” “A-Ano, ba kasi—ano ba kasi ang kailangan mo sa a-akin? S-sinasabi ko sa'yo. Ayaw kong mag—” Hindi na niya pinatapos ang gusto nitong sabihin. Agad na nilapitan niya ito at walang pagdalawang isip na hinila niya ito patayo. Nagpumiglas ito ngunit wala itong nagawa. Hinawakan niya ito sa magkabilang bewang at saka binuhat at sinampay sa kanyang balikat. “Bitawan mo ako!” Pinagsusuntok nito ang kanyang likuran at ang mga binti ay winasiwas sa ere. Isang malakas na paghampas sa pwet nito ang kanyang ginawa. “Tumigil ka kung ayaw mo itapon kita.” “Hayop ka! Bawal itong ginagawa mo. Kidnapping ito, sexual harassment at rape!” What the fvck! Wala pa siyang ginagawa pero ang dami na nitong naisip na gagawin niya. What an overthinking kitten. “Pulis, pulis! Tulong-tulungan nyo po ako! Kinikidnap ako nitong mama. Tulong-tulong!” Umalingawngaw ang malakas na boses nito sa hallway palabas ng club. Inis na inis na siya. Ang sarap lang busalan ang bibig ng babaeng ‘to. Nasa bungad lamang ng club ang kanyang sasakyan. Paglabas ng club ay mabilis ang kilos na binuksan niya ang pinto sa driver passenger seat saka marahas na pinasok sa loob si, Shayne saka ni-lock ang pinto. “Hoi, ilabas mo ako rito. Ilabas mo ako, hayop ka!” Panay ang sipa nito sa pinto ng sasakyan na sinasabayan ng pagbayo ng mga kamao sa salamin na bintana. Tumayo siya sa gilid ng sasakyan. Huminga siya ng malalim. Kung alam niya na ganito ka hirap sunduin ang babaeng ‘to kanina sana ay ang tauhan na lang at si Natalia na lang pinasundo niya rito. Binigyan niya lang ng problema at sakit sa ulo ang sarili niya. “Damn it!” Nakapamewang niyang mura sabay lingon sa loob ng sasakyan. Tinted ang sasakyan at sound proof iyon. Ngunit naglalaro sa isip niya ang pagwawala nito sa loob. She is not a kitten. She is a fvcking wild cat. Paano ba pinalaki ni Shaina itong anak nito. Nakaka-praning. Letse!Walang ibang nararamdaman si Shayne sa mga sandaling ito kundi ang pinaghalong sama ng loob. She felt betrayed. Sa isang iglap ay napalitan ng sama ng loob, galit at matinding pagdududa ang pagmamahal niya para kay Damien.She was a spitting image of her mother at pakiramdam niya ay ginagamit lamang siya ni Damien. Nakikita nito sa kanya ang mukha ng kanyang ina, kung kaya siya nito minahal. Nakakulong ito sa pagmamahal sa kanyang ina.Hindi talaga siya minahal ni Damien.Hindi siya minahal ng hayop!Naghihinagpis ang kalooban niya. Walang paglagyan ang matinding sakit.She is weeping unstoppably. B-Babe let me— let me explain!”“Huwag mo akong kausapin. Ayaw kitang makausap. Layuan mo ako!” She did not stutter. She said those words firmly, kahit na para na siyang hindi makahinga dahil sa matinding sakit sa dibdib.“Mahal kita—”“Sinungaling ka!” sigaw niyang tugon.“Mahal kita, Shayne—-”“Tumigil ka!”Ang kanyang malakas na sigaw ay lumukob sa buong silid. Humarap siya kay Damien h
Binagsak ni Shayne ang katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa kanyang bandang puson at nakatihaya na nakatitig sa kisame. Nagtatalo ang isip niya. Aalamin ba niya ang katotohanan tungkol sa babaeng si Shaina o ibaon na lang sa limot ang lahat? Wala naman siyang ibang hangarin kundi ang makasama habang buhay ang asawa niya at bumuo pamilya. Nararapat lang siguro na iwaglit sa isip ang mga hindi kaaya-ayang ideya. Ang mahalaga ay mahal nila ni Damien ang isa’t-isa at hindi kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa. Ipinikit niya ang mga mata. Tama. Kakalimutan na lang niya ang mga sinabi ni Olga. gawin na lang niyang abala ang sarili upang makalimutan ang mga salitang sinabi ni Olga hanggang sa tuluyan na mawala na iyon sa kanyang isip —- —- —- —- Tangahling tapat. Tumatagos sa glass wall panel ang sikat ng araw. Ang mga yelo sa buong paligid ay unti-unting natutunaw. Nakatayo sa tapat ng glass wall panel at nakapagkit sa mga labi ang matamis na ng
Shayne tried so hard to calm herself. Ayaw niyang makalikha ng eksena sa loob ng supermarket. Kaya sa halip na patulan si Olga ay pinili niyang hilahin ang braso na hawak nito upang talikuran.“Don't you dare turn your back on me bitch!” Humigpit ang pagkahawak nito sa braso niya. Bumaon ang mahabang kuko. Napalingon siya at napatitig sa mukha nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Tumaas ang mga kilay ni Olga, at nanatiling nakaguhit ang mapang-uyam na ngisi sa mga labi. Ang mga mata ay nabakasan ng matinding inis o mas tamang sabihin na galit. “Let go of my arms and leave me alone, Olga!” Diniinan niya ang pagbigkas ng bawat salita na lumabas sa kanyang bibig. Patawarin siya ng Diyos, hindi siya magda-dalawang isip na patulan si Olga sakaling saktan siya nito pisikal. “Why? What are you going to do if I won't let go of you, huh? Let me remind you once and for all, Shayne, you are in my country and this country is my territory you bitch!”Ngunit sa halip na magpatinag sa sinab
Lumipas ang mga araw at sa bawat araw na dumaan ay mas lalong sumidhi ang pagmamahal ni Damien para sa asawa. Sa bawat sandali na may pagkakataon na makaniig ang asawa ay ginagawa niya. Walang araw na lumipas na hindi niya ito inaangkin sa tuwing kasama niya ito. It’s hard to resist his wife's alluring and seductive body. Sa bawat araw ay mas lalong gumaganda ang asawa sa paningin niya. Ang ganda ng asawa ay ang siyang pinakamagandang tanawin sa kanyang paningin. Tanawin na lagi niyang gustong mamasdan. Simula sa pagpikit ng mga mata sa gabi hanggang sa pagmulat sa umaga. “Yvette, sasama ako sa’yo ha. Huwag kang umalis ng hindi ako kasama.” “Hindi ka pwedeng sumama, Shayne. Darating na maya-maya ang tutor mo sa Russian language.” “Pass muna ako ngayong araw.” “Hindi pwede. Ilang araw ka na hindi umaattend ng Russian language class mo.” Damien couldn't help but laugh. A laugh that doesn't have any sound. Ang mga balikat niya ay umaalog at panay ang iling. This past three
Malalim na ang gabi. Ngunit si Damien ay nanatiling dilat ang mga mata. Ang siko ay nakatukod sa unan at salo ng palad ang kanan na bahagi ng ulo. Mataman na tinitigan niya ang babaeng mahal niya.Shayne, indeed Enrique Guzman Sr., granddaughter at nag-iisang tagapagmana ng Guzman Empire. Mas lalong sumidhi ang pangamba sa kalooban niya. Maiipit si Shayne sa awayan ng magkapatid na Enrique at Felix Guzman. He has to protect her woman at all costs.Dagdag pa sa isipin ay ang estado ng kanilang mga pamilya. Galing siya sa pamilya na alam ng lahat na Mafia na nagmula sa Russia. Ayaw na ayaw ng matandang Enrique Guzman ang organisasyon. He hates it. Maari na kunin nito sa kanya si Shayne at ilayo sa kanya. Hindi niya papayagan na mangyari yon.Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kaligayahan niya. He will protect his happiness even if it means risking his life. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Kapagkuwan ay tumungo siya sa mukha ni Shayne at mababaw na hinalikan niya ito sa noo
Nasa pinakasulok ng coffee shop si Yuri. Nakasuot ito ng black leather jacket at at itim na sumbrero. Ang kanyang paningin ay nakatuon sa dalawang babae na nasa kanyang unahan. Nakaupo si Shayne at Yvette sa tapat mismo ng glasswall pannel at nakatanaw sa labas. Tila nagbibilang ang dalawa ng mga taong paroo't-parito sa daan na nababalutan ng puting yelo.The two giggled while pointing thier fingers at the glass panel. Nagpapalitan si Yvette at Shayne ng hampas sa balikat sa isa't-isa at paminsan ay tinutulak ang isa't-isa habang panay ang pagtawa. He was tasked by Damien to watch over Shayne. Damien was not around for two days. Nasa isang mahalagang business trip ito kasama ang ama. He already has the result about the real identity of Enrique Guzman and he already sent it by email to Damien. Sa sandaling malaman ni Damien ang tunay na katauhan ni Enrique Guzman at ang koneksyon nito kay Enrique Guzman Sr. Sigurado siyang magugulo na naman ang isip ng amo. Enrique Guzman Sr, hates