“You don't love me. You are just in love with my body and the thought that I am a spitting image of the woman you truly love and are obsessed with. Alam mo kung anong pinakamasakit? That woman is my mother, Damien. My rival is my mother, whom I will never be able to surpass or even match. It was so painful, Damien—a pain that was hard for my heart to handle and that pierced my soul.” She is 19. He is 35. Saan hahantong ang isang pagmamahal na simula pa lamang ay puno na ng mga pagdududa kasinungalingan? Maghahari ba ang pagmamahal sa puot? O hahayaan na lang wasakin ng nakaraan ang pusong walang ibang gusto kindi punan ng pagmamahal ang kahungkugan at kabiguan na umalipin sa pusong kay tagal nang panahon na nagdusa?
View MoreMalamyos ang hampas ng hangin sa tanghaling tapat. Sinasayaw ng pagaspas ng hangin ang dahon ng mga puno maging ang mga luntian na mga halaman at mga bulaklak sa paligid ng angels orphanage.
Gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng binatilyong si Damien habang pumipitas ng bulaklak na rosas. Mabilis ang mga kamay niya sa bawat pagpitas kasabay ng bawat paglinga niya sa paligid. Baka kasi makita siya ni superiora Amanda, siguradong mapapagalitan na naman siya. “Damien…psst, hoi, Damien!” Hindi siya lumingon. Sa halip ay patuloy siya sa pagpitas. Tatlong piraso lang naman ang pipitasin niya. Ibibigay niya kasi iyon sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Walang iba kundi ang volunteer teacher sa orphanage na si teacher, Shaina. “Damien, hoi, itigil mo yan, nandyan na si superiora Amanda!” Mabilis na pinitas niya ang pangatlong tangkay ng rosas saka tumakbo sa pinakamalapit na malaking puno ng akasya at nagkubli habang panay ang gala ng paningin at hinahanap ang kinaroroonan ni Superiora Amanda. “Hoi!” Napalundag siya at naikuyom ang kamao na may hawak ng mga tangkay na bulaklak ng rosas. Isang malakas na halakhak ang namayani sa paligid. Nilingon niya ang may-ari ng halakhak na iyon at kinunutan ng noo. “Wala ka bang trabaho sa loob? Diba may pinapagawa sayo si mother May? Mamaya niyan mapapagalitan ka na naman.” Ngumuso lang ang kababata na si Natalia. “Ikaw rin naman meron din naman pinapagawa sayo si mother May. Pero narito ka at pumipitas ng mga bulaklak na iyan.” tugon nito sa kanya sabay nguso sa mga bulaklak na rosas na kanyang hawak. “Para ba ‘yan kay teacher, Shaina?” Ngumiti siya sabay tango. “Oo. Kaarawan ngayon ni teacher Shaina, gusto ko ibigay ito sa kanya bilang regalo.” Mas lalong nanulis ang mga labi ng kababatang si Natalia. “Hindi kayo bagay ni teacher, Shaina, Damien. Mas matanda sayo si Teacher Shaina, kaya itigil mo na iyang pagpapantasya mo sa kanya.” “Natalia, kaibigan kita, dapat sinusuportahan mo ako, hindi yung ikaw pa ang nagpapahina ng loob ko.” “Nagsasabi lang ako ng totoo, Damien. Isa pa, balita ko aalis na rito sa bahay ampunan si teacher, Shaina, at magpapakasal na sa isang banyaga.” Mas lalo niyang naikuyom ang mga kamao na may hawak na tangkay ng bulaklak. Sa unang pagkakataon ay kumirot ng matindi ang puso niya. Hindi kayang tanggapin ng pagkatao niya ang mga salitang sinabi sa kanya ng kababatang si Natalia. Nakatingin lang siya sa mukha ni Natalia habang ang dibdib ay kumikirot. “D-Damien, ang k-kamay mo. d-dumudugo ang kamay mo, Damien!” Ngunit hindi na niya pinakinggan pa si Natalia. Tumakbo siya papasok sa loob ng orphanage at hinanap agad si teacher Shaina. Kung saan-saang sulok na siya nakarating ngunit hindi niya nakita ni anino man lang ni Teacher Shaina. Kumikirot ang puso niya at ang dibdib niya ay sobrang bigat. Nilagay niya sa isang bote ang tangkay ng bulaklak na kanyang pinitas at nilagyan iyon ng tubig, saka niya lamang napansin ang palad na may dugo at maramdaman ang kirot. Napatitig siya sa kanyang palad. Bakit parang mas ramdam niya ang kirot sa dibdib niya kesa kamay na natinik dahil sa tinik ng mga tangkay ng rosas? Mas masakit ang isipin na aalis na si Teacher Shaina at ipagpalit sila sa isang banyaga. Mas masakit sa dibdib ang isipin na hindi na niya makikita pa ang babaeng nagpapatibok ng puso niya, ang babaeng pumapawi ng kalungkutan niya dito sa bahay ampunan. Babaeng nagsilbing liwanag niya sa loob ng limang taon. Hindi. Hindi totoong aalis si teacher Shaina, nangako ito sa kanila na hindi sila nito iiwan. Malaki ang tiwala niya kay teacher Shaina. Naniniwala siyang tutuparin nito ang pangako na iyon. Ang batang puso na nasaktan ay muling nagkaroon ng pag-asa ng maalala ang binitawan na pangako ni Teacher Shaina. Ngunit ang munting pag-asa na natira ay tuluyang nawasak. Sa gabi na iyon ay dumating sa bahay ampunan ang isang banyaga kasama si teacher Shaina. Isang salo-salo ang naganap sa loob ng bahay ampunan bilang pagdiriwang sa kaarawan nito. Nakaupo si Damien sa tapat mismo ni Teacher Shaina. Sa ilalim ng mesa ay hawak niya ang tatlong tangkay ng puting Rosas na kanyang pinitas. “Damien, okay ka lang ba?” tanong ni teacher Shaina sa kanya habang nakapagkit sa labi nito ang matamis na ngiti. Paano ba siya maging okay, gayong katabi nito ang isang lalaking banyaga na umagaw rito mula sa kanila. Sobrang sama ng loob niya. Sobrang sakit ng dibdib niya. Hindi siya sumagot sa tanong na iyon ni Teacher Shaina. Nakayuko lang siya at ayaw niyang iangat ang paningin. “Damien…” usal uli ni teacher shaina sa pangalan niya. “Damien…hoi! Kinakausap ka ni teacher, Shaina!” si Natalia. Palihim na siniko siya nito sa tagiliran. Bigla ay napatayo siya sabay lahad ng tatlong tangkay ng rosas kay teacher Shaina. “Gusto ko po sanang makasayaw kayo, teacher.” Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kanya sa mga sandaling iyon, ngunit wala siyang pakialam sa paligid niya. Si teacher Shaina lamang ang mahalaga para sa kanya sa mga sandaling ito. Mahal niya ito at ayaw niya itong mawala sa kanya, sa kanila. “Damien, kaya pala kumunti na naman ang bulaklak ng rosas sa hardin dahil pinitas mo na naman.” si mother Superior. Nagsitawanan ang lahat. Sa mga sandaling iyon ay tinablan siya ng hiya. Ngunit ang hiya na nararamdaman ay saglit lamang. Napalitan iyon ng tuwa nang tinanggap ni teacher Shaina ang rosas na kanyang binigay at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang kamay. “Halika, damien. Isayaw mo ako.” Naangat niya ang paningin at napatitig kay teacher shaina. Tumitig siya sa napakaganda at maamo nitong mukha. Ang mapupungay nitong mga mata ay direktang nakatitig sa kanya. Mga mata na tumutunaw sa batang puso niya. Maging ang kamay nitong nakahawak sa palad niya ay napakalambot na kasing lambot pagkatao nito. Ilang sandali lamang ay nasa gitna na sila ng maliit na bulwagan at sumasayaw sa saliw ng malamyos na tugtugin. Labing limang taon pa lang siya ngunit halos kasing tangkad na niya si teacher Shaina. Twenty one years old si teacher Shaina at anim na taon ang kanilang agwat. Ngunit hindi hadlang ang edad nito upang hindi niya ito mamahalin bilang isang lalaki. Alam niya sa sarili na pagmamahal bilang isang lalaki itong nararamdaman niya para sa kanilang guro. Direkta na tumitig siya kay teacher Shaina at nilakasan niya ang loob. “Teacher, huwag kang umalis. Hindi ko kaya. Mahal kita!” Nginitian siya ni teacher Shaina kasabay ng pag-angat ng kanan nitong palad at marahan na hinaplos nito ang kanyang kanan na pisngi. “Mahal din kita Damien, mahal ko kayo. Ngunit may mga bagay na nagbabago sa pag-usad ng panahon at wala tayong magagawa kundi harapin iyon.” “Pero—” “Damien,” kinuha nito ang kanan na palad niya at pinahaplos iyon sa puson nito. “May munting buhay na sa loob ng sinapupunan ko. Gusto ko, paglaki ng batang ito ay makilala mo at maging isa ka sa taga-gabay at magmamahal sa kanya.” Tila gumuho ang mundo ni Damien. Wasak na wasak ang kanyang pakiramdam. Sa gabing iyon pagkatapos ng konting salo-salo ay tuluyan na nilisan ni teacher Shaina ang orphanage kasabay ng isang pangako na palagi itong dadalaw sa kanila at hindi magbabago ang pagmamahal nito sa lahat ng batang naiwan sa orphanage. Nakaupo sa lilim ng mayabong na puno ng acacia si damien at naghihinagpis. Naging saksi ang madilim na gabi sa unang pagkawasak ng kanyang batang puso. “Sabi ko naman sayo, ‘e. Sabi na kasing itigil ang pagpantasya kay teacher Shaina. Tama na ang pag-iyak Damien, narito naman ako ‘e. Hindi kita iiwan, pangako!” si Natalia. Ngunit sa batang puso ni Damien, alam niyang wala nang ibang papalit kay teacher Shaina sa puso niya.Walang ibang nararamdaman si Shayne sa mga sandaling ito kundi ang pinaghalong sama ng loob. She felt betrayed. Sa isang iglap ay napalitan ng sama ng loob, galit at matinding pagdududa ang pagmamahal niya para kay Damien.She was a spitting image of her mother at pakiramdam niya ay ginagamit lamang siya ni Damien. Nakikita nito sa kanya ang mukha ng kanyang ina, kung kaya siya nito minahal. Nakakulong ito sa pagmamahal sa kanyang ina.Hindi talaga siya minahal ni Damien.Hindi siya minahal ng hayop!Naghihinagpis ang kalooban niya. Walang paglagyan ang matinding sakit.She is weeping unstoppably. B-Babe let me— let me explain!”“Huwag mo akong kausapin. Ayaw kitang makausap. Layuan mo ako!” She did not stutter. She said those words firmly, kahit na para na siyang hindi makahinga dahil sa matinding sakit sa dibdib.“Mahal kita—”“Sinungaling ka!” sigaw niyang tugon.“Mahal kita, Shayne—-”“Tumigil ka!”Ang kanyang malakas na sigaw ay lumukob sa buong silid. Humarap siya kay Damien h
Binagsak ni Shayne ang katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa kanyang bandang puson at nakatihaya na nakatitig sa kisame. Nagtatalo ang isip niya. Aalamin ba niya ang katotohanan tungkol sa babaeng si Shaina o ibaon na lang sa limot ang lahat? Wala naman siyang ibang hangarin kundi ang makasama habang buhay ang asawa niya at bumuo pamilya. Nararapat lang siguro na iwaglit sa isip ang mga hindi kaaya-ayang ideya. Ang mahalaga ay mahal nila ni Damien ang isa’t-isa at hindi kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa. Ipinikit niya ang mga mata. Tama. Kakalimutan na lang niya ang mga sinabi ni Olga. gawin na lang niyang abala ang sarili upang makalimutan ang mga salitang sinabi ni Olga hanggang sa tuluyan na mawala na iyon sa kanyang isip —- —- —- —- Tangahling tapat. Tumatagos sa glass wall panel ang sikat ng araw. Ang mga yelo sa buong paligid ay unti-unting natutunaw. Nakatayo sa tapat ng glass wall panel at nakapagkit sa mga labi ang matamis na ng
Shayne tried so hard to calm herself. Ayaw niyang makalikha ng eksena sa loob ng supermarket. Kaya sa halip na patulan si Olga ay pinili niyang hilahin ang braso na hawak nito upang talikuran.“Don't you dare turn your back on me bitch!” Humigpit ang pagkahawak nito sa braso niya. Bumaon ang mahabang kuko. Napalingon siya at napatitig sa mukha nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Tumaas ang mga kilay ni Olga, at nanatiling nakaguhit ang mapang-uyam na ngisi sa mga labi. Ang mga mata ay nabakasan ng matinding inis o mas tamang sabihin na galit. “Let go of my arms and leave me alone, Olga!” Diniinan niya ang pagbigkas ng bawat salita na lumabas sa kanyang bibig. Patawarin siya ng Diyos, hindi siya magda-dalawang isip na patulan si Olga sakaling saktan siya nito pisikal. “Why? What are you going to do if I won't let go of you, huh? Let me remind you once and for all, Shayne, you are in my country and this country is my territory you bitch!”Ngunit sa halip na magpatinag sa sinab
Lumipas ang mga araw at sa bawat araw na dumaan ay mas lalong sumidhi ang pagmamahal ni Damien para sa asawa. Sa bawat sandali na may pagkakataon na makaniig ang asawa ay ginagawa niya. Walang araw na lumipas na hindi niya ito inaangkin sa tuwing kasama niya ito. It’s hard to resist his wife's alluring and seductive body. Sa bawat araw ay mas lalong gumaganda ang asawa sa paningin niya. Ang ganda ng asawa ay ang siyang pinakamagandang tanawin sa kanyang paningin. Tanawin na lagi niyang gustong mamasdan. Simula sa pagpikit ng mga mata sa gabi hanggang sa pagmulat sa umaga. “Yvette, sasama ako sa’yo ha. Huwag kang umalis ng hindi ako kasama.” “Hindi ka pwedeng sumama, Shayne. Darating na maya-maya ang tutor mo sa Russian language.” “Pass muna ako ngayong araw.” “Hindi pwede. Ilang araw ka na hindi umaattend ng Russian language class mo.” Damien couldn't help but laugh. A laugh that doesn't have any sound. Ang mga balikat niya ay umaalog at panay ang iling. This past three
Malalim na ang gabi. Ngunit si Damien ay nanatiling dilat ang mga mata. Ang siko ay nakatukod sa unan at salo ng palad ang kanan na bahagi ng ulo. Mataman na tinitigan niya ang babaeng mahal niya.Shayne, indeed Enrique Guzman Sr., granddaughter at nag-iisang tagapagmana ng Guzman Empire. Mas lalong sumidhi ang pangamba sa kalooban niya. Maiipit si Shayne sa awayan ng magkapatid na Enrique at Felix Guzman. He has to protect her woman at all costs.Dagdag pa sa isipin ay ang estado ng kanilang mga pamilya. Galing siya sa pamilya na alam ng lahat na Mafia na nagmula sa Russia. Ayaw na ayaw ng matandang Enrique Guzman ang organisasyon. He hates it. Maari na kunin nito sa kanya si Shayne at ilayo sa kanya. Hindi niya papayagan na mangyari yon.Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kaligayahan niya. He will protect his happiness even if it means risking his life. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Kapagkuwan ay tumungo siya sa mukha ni Shayne at mababaw na hinalikan niya ito sa noo
Nasa pinakasulok ng coffee shop si Yuri. Nakasuot ito ng black leather jacket at at itim na sumbrero. Ang kanyang paningin ay nakatuon sa dalawang babae na nasa kanyang unahan. Nakaupo si Shayne at Yvette sa tapat mismo ng glasswall pannel at nakatanaw sa labas. Tila nagbibilang ang dalawa ng mga taong paroo't-parito sa daan na nababalutan ng puting yelo.The two giggled while pointing thier fingers at the glass panel. Nagpapalitan si Yvette at Shayne ng hampas sa balikat sa isa't-isa at paminsan ay tinutulak ang isa't-isa habang panay ang pagtawa. He was tasked by Damien to watch over Shayne. Damien was not around for two days. Nasa isang mahalagang business trip ito kasama ang ama. He already has the result about the real identity of Enrique Guzman and he already sent it by email to Damien. Sa sandaling malaman ni Damien ang tunay na katauhan ni Enrique Guzman at ang koneksyon nito kay Enrique Guzman Sr. Sigurado siyang magugulo na naman ang isip ng amo. Enrique Guzman Sr, hates
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments