Share

KABANATA 2.

Author: MISS GING.
last update Last Updated: 2025-06-25 01:31:39

Damien felt uneasy. Mali ata itong lugar na pinuntahan niya. Ang sabi sa kanya ni superiora Amanda ay sa restaurant nagtatrabaho ang anak ni Shaina, ngunit iba naman ang impormasyon na binigay sa kanya ni Natalia.

Nasa isang club siya. Isang high-end club sa malate. Ilang beses na tinawagan niya si Natalia at paulit-ulit na tinanong rito kung tama ba ang impormasyon na binigay nito sa kanya. Ngunit iisa lang ang tugon nito sa kanya. “Oo.”

Paano napunta sa ganitong lugar ang anak ni Shaina, knowing na lumaki si Shaina sa pangangalaga ng madre sa kumbento. “Shit!” hindi niya mapigilan na mura ng tuluyan na makapasok sa loob ng establisyemento.

Isang babae na halos hubad ang sumasayaw sa ibabaw ng stage. Nakasuot ito ng bikini habang senswal na gumigiling sa saliw ng senswal na musika. Hindi mabilang kung ilang beses na napapamura siya. Muli ay hinugot niya ang cellphone sa loob ng kanyang bulsa upang muli ay tawagan si Natalia.

Ngunit sa halip na tawagan ito, nagtipa na lang siya ng mensahe. The entire place was too loud to hear Natalia’s voice. Naroon pa ang nakakahilo na galaw ng samu't-saring kulay ng ilaw.

Are you sure that this is the right place, Natalia?

Sa huling pagkakataon ay hiniling niya na sana mali ang lugar na napuntahan niya. Na mali ang impormasyon na binigay sa kanya ng kababata. Ngunit nabigo lamang siya. Tulad ng una.

That is the right place, Damien.

Frustrate na napahilot siya sa kanyang batok. There is no way that the daughter of the woman he admired the most is working in this kind of place. Ayaw man paniwalaan ng pagkatao niya. Hindi na magbabago ang totoo na sa isang club nagtatrabaho ang anak ni Shaina. Sana ay taga-silbi lamang ng inumin ang dalaga at hindi isang stripper.

Inayos niya ang pagkasuot ng kanyang itim na sumbrero at leather jacket saka tumungo sa counter table. Umupo siya sa naroon na mataas na upuan. “Scotch on the rocks,” wika niya sa bartender.

“Right away, sir.”

Ipinatong niya ang kanyang mga braso sa ibabaw ng counter habang ang mga mata ay gumagala. Bawat dumadaan na waiter sa harapan niya ay kanyang palihim na tinititigan. Ngunit wala sa mga waiter na iyon ang anak ni Shaina.

Bigla ay nakaramdam siya ng inis. Kung hindi waiter ang trabaho ng anak ni Shaina sa club na ito siguradong isa ito sa mga stripper ng Club. How could Shaina let her daughter enter this kind of institution? Napaka-bata pa ng anak nito.

Hindi niya tuloy alam kung tama ba na siya mismo ang pumunta sa lugar na ito. Nadala kasi siya ng matinding pagnanais na makita ito sa personal. Tumungo kasi siya sa bahay na tinutuluyan nito ngunit wala ito roon. Halos isang araw na naghintay siya sa labas ng bahay nito.

Nakailang tungga siya ng scotch. Tumayo siya. Tutungo siya sa restroom. Kakausapin niya ang manager ng club pagkatapos at tanungin dito ang anak ni Shaina.

He needs to leave this place as soon as possible. Pagod siya at kailangan niya ng pahinga. He just arrived in the country this morning at dawn. Agad ang paghahanap sa anak ni Shaina ang kanyang inatupag.

Now, he felt so lethargic and exhausted. Kailangan na talaga niya ng pahinga.

Napahilamos siya sa mukha habang naglalakad. Parang pipikit na kasi ang kanyang mga mata. Pilit na iminulat niya ang kanyang mga mata. Napahikab siya. Ngunit ang paghikab ay nabitin nang bigla ay may bumangga sa kanya. Napaatras siya at naging maagap.

Mabilis na naangat niya ang mga kamay at hinawakan sa magkabilang balikat ang kung sino man ang kanyang nakabanggaan. Maging ito kasi ay napaatras at nakita niya ang pagka-out of balance ng katawan nito, na kung hindi niya mahawakan ay siguradong babagsak ito sa sahig.

“Are you okay?” nag-aalala niyang tanong.

Tumingala ito sa kanya.

Nagulat pa siya ng makitang nakasuot ang babae ng maskara. The woman was petite, and her skin was soft. Ramdam iyon ng kanyang mga kamay dahil nanatili niya itong hawak sa magkabilang balikat nito kung saan exposed ang balat. Sa kanyang hinuha ay nasa 5’9 ang taas ng babae. Hanggang leeg niya kasi ito.

Huminga siya kasabay ng panunuot ng kaaya-ayang amoy ng pabango sa kanyang ilong. Light and yet seductive smell that penetrates deep into his nostrils. He stared at her face which was covered with a mask, until his eyes caught her pair of brown eyes. Biglang umiba ang ritmo ng pagpintig ng puso niya.

Odd.

Ikinurap niya ang mga mata. “Hey, are you okay?” untag niya sa babae.

Ngunit tila siya nito ay hindi narinig. Nanatili lang itong nakatitig nang direkta sa kanyang mga mata. Pagkamangha ang kanyang nakikita sa mga mata ng babae. Ang malikot niyang mga mata ay hindi napigilan na baybayin ang kabuuan nito.

The woman's shape was extremely seductive and beautiful, lalo na ang mga dibdib na halos lumuluwa. Ang balat nito ay makinis at kaysarap haplusin, maging ang manipis at mapupulang labi ay kay sarap lamukusin ng halik.

‘Oh, fvck!’

Naglumikot na naman ang makamundo niyang pag-iisip. Heck! This is not the right time for lust. Iba ang ipinunta niya rito sa lugar na ito. Hindi para pagnasaan ang isang stripper. He is here upang hanapin ang anak ni Shaina, at kailan pa siya nagnasa sa isang stripper?

Damn it!

Kapagkuwan ay umangat ang kanan na kamay ng babae habang nanatili itong nakatitig sa kanyang mga mata. Napakurap tuloy siya. Hahaplusin ba nito ang kanyang mukha? Hindi nga siya nagkamali. Hahaplusin nga nito ang mukha niya.

“Shayne, ano ba. Ano bang ginagawa mo? Ikaw na!”

Tinig na iyon ang nagpatighil sa akmang paghaplos ng babae sa mukha niya. Napalingon ito sa pinanggalingan ng tinig at kapagkuwan ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo. Nabigla siya sa bigla nitong pagtakbo at paglayo sa kanya.

There is something in that woman. Kakaiba ang epekto nito sa kanya. He is the kind of man who does not feel easily attracted to any woman.

Kung meron mang babae na makakapukaw ng interest sa pagkatao niya, walang iba kundi si Shaina. Si Shaina lamang ang bukod tanging babae na nagpapaiba ng ritmo sa tibok ng puso niya, ang babaeng bukod tanging nagpabaliw sa buong pagkatao niya.

After two decades ngayon lang muling tumibok ng kakaiba ang puso niya. Parang kilala ng sistema niya ang babae. ‘Oh, shit!’ The woman is a damn stripper. Kailan pa nag-iba ang taste niya sa babae? Sanay na siya na nilalapitan ng mga babae, ngunit piling-pili lang ang pinapatulan niya.

Pero ano to?

He can’t take his eyes off that woman. Ni hindi siya kumurap habang sinusundan niya ito ng tingin. Tumigil ang babae. Nabigla pa siya ng bigla itong lumingon sa kanya.

“Fvck!”

Napapamura na lamang siya sa sarili. Sumipa kasi bigla ang puso niya nang bigla itong lumingon sa kanya.

Kailan pa siya kinabahan sa titig ng isang babae? Para siyang bata na nahuling magnanakaw ng candy sa mga sandaling ito. For Christ's sake, tila may kabayong sumisipa sa loob ng dibdib niya.

“Shayne!”

Agad binawi ng babae ang tingin mula sa kanya at nagmadaling umalis.

“Shayne?” wala sa sariling sambit niya.

Mabilis na hinugot niya mula sa bulsa ang isang larawan. Larawan iyon ng anak ni Shaina, at pagkatapos ay binasa ang pangalan na nakasulat sa baba.

Shayne Via de Guzman.

“It's her. Oh, shit! Damn it!” malutong niyang mura. “She is a fvcking stripper!”

Ang pagpunta sa restroom ay hindi na niya nagawa. Mabilis ang hakbang na bumalik siya sa loob ng club. Ang puso niya sa mga sandaling ito ay pumipintig ng mabilis. Naiinis siya o mas tamang sabihin na nagagalit.

Uminit ang sulok ng kanyang mga tenga at maging ang paghinga ay malalim at sunod-sunod.

How could the daughter of a good woman, a God-fearing woman end up working in a nightclub as a stripper? Kung kailangan hablutin niya ang anak ni Shaina sa ibabaw ng entablado na iyon ay gagawin niya.

Pagkapasok niya muli sa loob ng club ay siyang paglabas ni Shayne. Ang naisip kaninang hablutin ito sa ibabaw ng entablado ay hindi na niya nagawa.

Sa halip ay natuod siya sa kanyang kinatatayuan. Sunod-sunod ang kanyang ginawang paglunok habang ang kanyang mga mata ay hindi niya magawang ikurap.

Shayne is gracefully dancing to the rhythm of the sensual music. The light inside the club became dim dark. Naka sentro kay Shayne ang maliwanag na ilaw sa entablado na nakasunod sa bawat galaw nito.

Nakataas sa ere ang mga braso nito habang senswal na gumigiling. Ang bawat galaw ay nakasunod sa bawat indak ng saliw ng senswal na musika. She is so damn sexy. Ang kutis ay kumikinang, na tila nag-aanyaya na hawakan at haplusin.

Muli ay mariin siyang napalunok. He felt like he suddenly felt so damn thirsty. Ang kanyang katawan ay uminit na tila siya sinisilaban. For the first time. May babae muli na pumukaw sa matinding pagnanasa niya bilang lalaki.

Kapagkuwan ay humawak ito sa pole. Inilayad nito ang katawan at pagkatapos ay bahagyang lumundag sabay pumaikot sa ere ang mga binti. Ang tela na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito ay nahulog sa sahig.

Her firm flawless butt cheeks exposed, Naghiwayan bigla ang mga lalaki kasabay ng mga sipol. Bigla ay natigil si Shayne sa pagsasayaw. Mabilis na kinuha nito ang tela na nahulog sa sahig at akmang itakip sa sarili.

Ngunit bago nito iyon nagawa. Isang lalaki ang biglang umakyat sa entablado at hinablot mula rito ang tela na akmang ibalot nito sa katawan nito.

Ang kanyang mga paa ay tila may sariling isip at kusang humakbang. Natagpuan na lamang niya ang sarili sa ibabaw ng entablado. Hinablot niya si Shayne. Ang kanyang kamao ay malakas na umigkas. Tumama iyon sa mukha ng lalaki.

Bumulagta ang lalaki sa sahig. Akma itong muling tumayo. Ngunit bago pa ito makatayo ay mabilis na rumisponde ang ilang bouncer ng club.

Natigil ang tugtog. Ang mga tao sa loob ng club ay nanatiling kalmado, at wala ni isa sa mga parokyano na naroon ang tumayo, maliban sa mga bouncer na rumisponde.

“Anong nangyari rito?”

Isang baritonong tinig ang naghari sa buong silid. Napalingon sa pinagmulan ng tinig na iyon ang dalawang bouncer. Si Shayne naman ay napahawak ng mahigpit sa kanyang braso.

Napalingon siya rito. Nakita niya ang takot sa mga mata nito. Katunayan, nanginginig ito. Napamura siya sa isip. Hinubad niya ang leather jacket at saka binalot ito sa balingkinitan nitong katawan.

Gusto niya itong bulyawan sa mga sandaling ito, ngunit hindi niya magawa. Ang takot na kanyang nabanaag sa mukha nito ay tila karayom na tumusok sa kaibuturan ng puso niya.

Letse!

He grabbed her and wrapped his right arm around her, then pulled her close to his body. “We'll talk after this, woman!” he said, his jaw clenched as he held her tightly with one arm.

“Sir, nanggulo po. Umakyat bigla sa entablado,” replied a bouncer.

He turned to the man again, his amazement growing as he recognized the owner of that baritone voice.

“Damien!”

“Zarex!”

Kapwa ay bulalas nila ng matalik na kaibigan sa isa't-isa. Tinitigan siya ni Zarex kasabay ng pagkapuknit ng labi nito. “I did not expect to see you here, Damien,” wika nito sabay tinapunan ng tingin si Shayne. “Kailan ka pa naging tirador ng strip—”

“Shut up!”

Zarex laughed. Napailing pa ito.

“I have to go, Zarex. See you around.”

“Yeah, see you!”

Agad na tinalikuran niya ang matalik na kaibigan at hinila si Shayne palabas. Tunog ng malakas na pagtama ng mga kamao ni Zarex sa lalaki at ang mga daing nito ang kanyang narinig bago tuluyang makalabas sa backstage. Akma na lumingon si Shayne, ngunit mabilis niya itong pinigilan.

“Don't look back!”

He knew Zarex. Marahas ito at walang pinapalampas sa mga taong nagkaroon ng atraso dito. Zarex is the untouchable mafia's right hand.

Pagdating sa labas ng backstage, bigla siyang itinulak ni Shayne, na ikinagulat niya. Bigla itong kumaripas ng takbo. Mabuti na lang mahaba ang kanyang mga biyas at mabilis niya itong naabutan. Hinablot niya ito sa braso. Sumubsob ito sa dibdib niya at napayakap sa kanya.

“You silly little kitten. Saan mo balak pumunta, ha?”

“M-Magbibihis po,” utal at tila nanginginig nitong tugon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
tinatakot mo si Shayne Damien
goodnovel comment avatar
Budgetarian Cooking Ng Ina Mo
ganto ang maganda wala ng pa ligoy ligoy dere deretso abg kwento hindu pa balik balik
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
thank you Author 🩷
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 45.

    Walang ibang nararamdaman si Shayne sa mga sandaling ito kundi ang pinaghalong sama ng loob. She felt betrayed. Sa isang iglap ay napalitan ng sama ng loob, galit at matinding pagdududa ang pagmamahal niya para kay Damien.She was a spitting image of her mother at pakiramdam niya ay ginagamit lamang siya ni Damien. Nakikita nito sa kanya ang mukha ng kanyang ina, kung kaya siya nito minahal. Nakakulong ito sa pagmamahal sa kanyang ina.Hindi talaga siya minahal ni Damien.Hindi siya minahal ng hayop!Naghihinagpis ang kalooban niya. Walang paglagyan ang matinding sakit.She is weeping unstoppably. B-Babe let me— let me explain!”“Huwag mo akong kausapin. Ayaw kitang makausap. Layuan mo ako!” She did not stutter. She said those words firmly, kahit na para na siyang hindi makahinga dahil sa matinding sakit sa dibdib.“Mahal kita—”“Sinungaling ka!” sigaw niyang tugon.“Mahal kita, Shayne—-”“Tumigil ka!”Ang kanyang malakas na sigaw ay lumukob sa buong silid. Humarap siya kay Damien h

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 44.

    Binagsak ni Shayne ang katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa kanyang bandang puson at nakatihaya na nakatitig sa kisame. Nagtatalo ang isip niya. Aalamin ba niya ang katotohanan tungkol sa babaeng si Shaina o ibaon na lang sa limot ang lahat? Wala naman siyang ibang hangarin kundi ang makasama habang buhay ang asawa niya at bumuo pamilya. Nararapat lang siguro na iwaglit sa isip ang mga hindi kaaya-ayang ideya. Ang mahalaga ay mahal nila ni Damien ang isa’t-isa at hindi kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa. Ipinikit niya ang mga mata. Tama. Kakalimutan na lang niya ang mga sinabi ni Olga. gawin na lang niyang abala ang sarili upang makalimutan ang mga salitang sinabi ni Olga hanggang sa tuluyan na mawala na iyon sa kanyang isip —- —- —- —- Tangahling tapat. Tumatagos sa glass wall panel ang sikat ng araw. Ang mga yelo sa buong paligid ay unti-unting natutunaw. Nakatayo sa tapat ng glass wall panel at nakapagkit sa mga labi ang matamis na ng

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 43.

    Shayne tried so hard to calm herself. Ayaw niyang makalikha ng eksena sa loob ng supermarket. Kaya sa halip na patulan si Olga ay pinili niyang hilahin ang braso na hawak nito upang talikuran.“Don't you dare turn your back on me bitch!” Humigpit ang pagkahawak nito sa braso niya. Bumaon ang mahabang kuko. Napalingon siya at napatitig sa mukha nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Tumaas ang mga kilay ni Olga, at nanatiling nakaguhit ang mapang-uyam na ngisi sa mga labi. Ang mga mata ay nabakasan ng matinding inis o mas tamang sabihin na galit. “Let go of my arms and leave me alone, Olga!” Diniinan niya ang pagbigkas ng bawat salita na lumabas sa kanyang bibig. Patawarin siya ng Diyos, hindi siya magda-dalawang isip na patulan si Olga sakaling saktan siya nito pisikal. “Why? What are you going to do if I won't let go of you, huh? Let me remind you once and for all, Shayne, you are in my country and this country is my territory you bitch!”Ngunit sa halip na magpatinag sa sinab

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 42.

    Lumipas ang mga araw at sa bawat araw na dumaan ay mas lalong sumidhi ang pagmamahal ni Damien para sa asawa. Sa bawat sandali na may pagkakataon na makaniig ang asawa ay ginagawa niya. Walang araw na lumipas na hindi niya ito inaangkin sa tuwing kasama niya ito. It’s hard to resist his wife's alluring and seductive body. Sa bawat araw ay mas lalong gumaganda ang asawa sa paningin niya. Ang ganda ng asawa ay ang siyang pinakamagandang tanawin sa kanyang paningin. Tanawin na lagi niyang gustong mamasdan. Simula sa pagpikit ng mga mata sa gabi hanggang sa pagmulat sa umaga. “Yvette, sasama ako sa’yo ha. Huwag kang umalis ng hindi ako kasama.” “Hindi ka pwedeng sumama, Shayne. Darating na maya-maya ang tutor mo sa Russian language.” “Pass muna ako ngayong araw.” “Hindi pwede. Ilang araw ka na hindi umaattend ng Russian language class mo.” Damien couldn't help but laugh. A laugh that doesn't have any sound. Ang mga balikat niya ay umaalog at panay ang iling. This past three

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 41.

    Malalim na ang gabi. Ngunit si Damien ay nanatiling dilat ang mga mata. Ang siko ay nakatukod sa unan at salo ng palad ang kanan na bahagi ng ulo. Mataman na tinitigan niya ang babaeng mahal niya.Shayne, indeed Enrique Guzman Sr., granddaughter at nag-iisang tagapagmana ng Guzman Empire. Mas lalong sumidhi ang pangamba sa kalooban niya. Maiipit si Shayne sa awayan ng magkapatid na Enrique at Felix Guzman. He has to protect her woman at all costs.Dagdag pa sa isipin ay ang estado ng kanilang mga pamilya. Galing siya sa pamilya na alam ng lahat na Mafia na nagmula sa Russia. Ayaw na ayaw ng matandang Enrique Guzman ang organisasyon. He hates it. Maari na kunin nito sa kanya si Shayne at ilayo sa kanya. Hindi niya papayagan na mangyari yon.Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kaligayahan niya. He will protect his happiness even if it means risking his life. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Kapagkuwan ay tumungo siya sa mukha ni Shayne at mababaw na hinalikan niya ito sa noo

  • Hot Uncle Series # 4. Uncle Damien. THE HEAT OF HIS DESIRE.   KABANATA 40.

    Nasa pinakasulok ng coffee shop si Yuri. Nakasuot ito ng black leather jacket at at itim na sumbrero. Ang kanyang paningin ay nakatuon sa dalawang babae na nasa kanyang unahan. Nakaupo si Shayne at Yvette sa tapat mismo ng glasswall pannel at nakatanaw sa labas. Tila nagbibilang ang dalawa ng mga taong paroo't-parito sa daan na nababalutan ng puting yelo.The two giggled while pointing thier fingers at the glass panel. Nagpapalitan si Yvette at Shayne ng hampas sa balikat sa isa't-isa at paminsan ay tinutulak ang isa't-isa habang panay ang pagtawa. He was tasked by Damien to watch over Shayne. Damien was not around for two days. Nasa isang mahalagang business trip ito kasama ang ama. He already has the result about the real identity of Enrique Guzman and he already sent it by email to Damien. Sa sandaling malaman ni Damien ang tunay na katauhan ni Enrique Guzman at ang koneksyon nito kay Enrique Guzman Sr. Sigurado siyang magugulo na naman ang isip ng amo. Enrique Guzman Sr, hates

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status