Aligaga si Shayne. Tapos na siyang magbihis, ngunit parang ayaw niyang lumabas ng dressing room. Leggings na itim at puting loose t-shirt ang kanyang suot, at ang kanyang mahabang buhok ay naka-ponytail.Panay ang kanyang silip sa labas at tinitingnan ang lalaking may berdeng kulay ang mga mata kung naroon pa ba ito. Upo, tayo, upo, tayo, at lakad sa pintuan sabay silip ang kanyang paulit-ulit na ginagawa.Sa kasamaan ng palad, ay naroon pa rin ang lalaki. Sino ba ito? Bakit siya nito iniligtas sa lalaking manyakis na iyon kanina? Bakit siya nito hinihintay? Ano ang kailangan nito sa kanya?Kumakabog talaga ang dibdib niya. Nanlalamig pati siya. Hindi kaya gusto lang nitong isama siya dahil, tulad ng ibang lalaki, ay gusto lang siyang ikama? “Diyos ko!” Napatakbo tuloy siya pabalik sa upuan sa tapat mismo ng vanity mirror at umupo, sabay ipit ng mga hita. Mas lalo tuloy kumabog ang dibdib niya. Ang laking mama pa naman. Matangkad siya, pero di hamak na mas matangkad ito sa kanya at
Terakhir Diperbarui : 2025-06-26 Baca selengkapnya