“I am your mother's best friend. Sa akin ka binilin ng nanay mo. Kaya mula ngayon ako na ang guardian mo.”
Those words are coming from the man whom Shayne just met. Galing sa taong akala niyang may balak na masama sa kanya. Galing sa taong halos bugbugin na niya sa loob ng sasakyan nito. And now, here she is. Katabi na niya itong nakatayo sa umaangat na elevator patungo sa condo unit nito. Her heart suddenly feels at ease. Knowing this man grew up inside the abbey together with her Mom, she was one-o-one percent sure that he was a kind man. Hindi niya maiwasan ang ma-konsensya. Marahas na mga sipa at hampas ang binigay niya rito kanina sa loob ng sasakyan. Her anxiety attacks earlier when he grabbed her and brought her inside his car. May trauma siya. She was twelve years old when she was kidnapped. Her hand was tied, at ang bibig ay binusalan. Mula rin sa loob ng sasakyan ay nasaksihan niya kung paano bumalagta sa lupa ang kanyang ama at naligo sa sariling dugo. Earlier inside Damien's car, she tried so damn hard to fight her fear— her anxiety. Screaming, punching, and booting Damien is the only way for her to fight her fear. God knows she felt like she was barely breathing earlier. After Damien gave her the envelope and after she saw the picture, agad na bumulong sa kanya ang konsensya niya. Hindi masamang tao si Damien, that he has a reason kung bakit sapilitan siyang dinala. Paano ba naman na hindi sapilitan ‘e ayaw nga kasi niya sumama. Bakit ba kasi hindi agad nito sinabi ang pakay sa kanya. The last phrase he said earlier inside the car was her way of clearing the tension. Hindi siya tanga. Impossible at suntok sa buwan na maging ama niya ito. Pati siya sa loob-loob niya ay natatawa. Damien's reaction was vividly played in her mind. Yung shocking reaction nito na sabay turo sa sarili at panlalaki ng magandang mga mata. That was one hell of cute. Her mother is six years older than Damien, at hindi ang tipo ng nanay niya ang papatol sa bata. That is what she admired the most about her late mother. Nung wala na ang tatay niya, hindi mabilang ang lalaking nanliligaw sa nanay niya. Madalas rin ay mga bata pa sa ina niya. But her mother remains faithful to his father. Minahal nito ng tapat at wagas ang ama niya. Ilang sandali lamang ay nararamdaman niya ang pagtigil ng elevator at makalipas ang ilang segundo ay bumukas. Sinipat niya ang numero kung saan na floor tumigil ang elevator. It was on the 10th floor. Wala silang imikan ni Damien. Nang lumabas ito ng elevator ay tahimik na sumunod lamang siya. She knew the moment na magsalita siya ay sisinghalan na naman siya nito. “Nakakarindi ka na!” Malakas na sigaw nito sa kanya kanina. Kaya, sige. Tatahimik muna siya sa ngayon. Saka na ulit siya mag-iingay kapag huhupa na ang inis nito sa kanya. Ramdam na ramdam niya kasi ang natinding frustration nito sa kanya. Hanggang sa tuluyan na makapasok sila sa loob ng condo ay hindi siya nagsalita. Binuksan ni Damien ang pangunahing ilaw. Bumaha ang liwanag sa loob ng condo. Hindi niya maiwasan ang mamangha. Nagsusumigaw sa karangyaan ang loob ng condo. Lahat ng gamit sa loob ay purong mamahalin. Mula sa black leather couch, sa chandelier na nakasabit sa gitna ng kisame, ang carpeted floor ng living room, malaking flat TV screen at maging ang mga painting na nakasabit sa wall. “Kapag nagutom ka maraming pagkain sa ref. Magluto ka na lang. Marunong ka naman siguro mag luto.” Tumango lang siya bilang tugon. Pagkatapos, nilingon niya ang kusina. It was an open kitchen. Kanugnog lang ng kusina ang sala. Even the kitchen was amazingly beautiful. Cream ang kulay ng interior, at ang kagamitan ay purong kulay itim. Everything inside the condo and the condo itself was screaming luxury. “Why did you not even have a second thought of coming with me? Bakit hindi ka humindi. A while ago you accused me of raping and kidnapping you, kahit wala pa akong ginagawa. Bakit ka ngayon sumama, huh?” She raised her head and then painted a smile on her face. “Pinagkatiwala ako ni mama sa'yo kaya sigurado ako na mabuti kang tao.” He smirked. “What makes you so sure?” Sa halip na sagutin ito ay mas pinili niyang patuloy itong titigan sa mga mata. His eyes. His green eyes say it all. Hindi siya kumurap habang tinitigan ito sa mga mata nito. “Damn it!” Damien suddenly cursed. “Stop staring at me like that, Shayne.” Then he threw the key in his hand at the couch. Muli siya nitong nilingon. “Iyan ang silid mo. Magpahinga ka na. We will talk again tomorrow.” turo nito sa isang silid na nasa kanyang likuran. “P-Patawad sa nangyari kanina at salamat!” Sa halip ay tugon niya. Damien amusingly stared at her. Umangat ang kaliwang sulok ng labi nito. “Marunong ka pa lang magpasalamat at humingi ng tawad. Akala ko pagmumura lang ang alam mo.” “Hindi porke't nagmumura ako ‘e hindi na ako marunong tumanggap ng pagkakamali at magpasalamat. Maniwala ka man sa hindi. Ang mga taong mahilig magmura ay kadalasan sila pa yung mga taong may mabuting puso. Hindi plastic. Totoo sila sa sarili.” Hindi nakaimik si Damien sa sinabi niya. Agad na tinalikuran niya ito at humakbang tungo sa pinto. Gusto na rin niyang magpahinga. Sa mga nangyari ngayong gabi ay bigla siya nakaramdam ng pagod. Ngunit nakahawak pa lang ang kanan na kamay niya sa seradura ay may naisip siyang bigla. Lumingon siya. Naroon pa rin si Damien sa kinatatayuan nito, and surprisingly, nakatitig ito sa kanya. Bigla itong napakurap ng magtama ang kanilang mga paningin saka tumikhim ito. “Since, ikaw ang guardian ko. Ibig sabihin ba ay ikaw na rin ang magbabayad ng utang ko sa punerarya? May natira pang balance sa punerarya mula sa burol ni Mama.” “Stop thinking about it. Ako na ang bahala doon. Magpahinga ka na.” “Salamat!” Tinalikuran niya si Damien saka tuloy-tuloy na humakbang tungo sa silid. Pagdating sa loob ng silid ay marahas na ibinagsak niya ang pagod na katawan sa malambot na kama. Ang kanyang paningin ay kanyang itinuon sa kisame. Nakikiusap ako Damien, alagaan mo ang anak ko. Sa sandaling mawala ako, alam kung sobra-sobrang pasakit at paghihirap ang mararanasan ni Shayne. Nakikiusap ako Damien. Tatanawin kong isang malaking utang na loob hanggang sa kabilang buhay ang pagkupkop mo sa anak ko. Ang mga luha ay kusang pumatak mula sa kanyang magkabilang mga mata dumaloy pababa sa magkabilang punong tenga. Hanggang sa huling hininga ng ina ay kapakanan pa rin niya ang iniisip nito. Ilang taon na naghirap sa malalang sakit ang kanyang ina, ngunit hindi ito bumitaw at inilihim sa kanya ang tunay na kalagayan nito. Iniisip nito na makakaapekto iyon sa kanya at higit sa lahat sa pag-aaral niya. Kahit hirap na hirap na ito ay pilit pa rin na kumayod upang maitaguyod siya. Ang kanyang mga hikbi ay hindi niya napigilan na kumawala na lumukob sa loob ng silid. “Mama… panoorin mo ako mula dyan sa kinaroroonan mo, ninyo ni Papa. Pagsisikapin ko na matupad ang lahat ng pangarap nyo para sa ‘kin. Magsisikap ako Mama, Papa…” she whispered. Ilang sandali pa na ninamnam niya ang katahimikan ng paligid. Simula kasi ng malaman niya ang kalagayan ng ina noon hanggang sa namayapa ito ay naging magulo na ang buhay niya ang buong pagkatao niya. Takot at pangamba ang naghahari sa buong sistema niya. Ngayon lang. Ngayon niya lang muli naramdaman ang katahimikan sa isip pagkalipas ng ilang taon. pagkaraan ng ilan pang sandali ay napag-isipan niyang bumangon at tumungo ng banyo. Kailangan niyang linisin ang sarili. Nanlalagkit kasi ang katawan niya dahil sa mga pinag-a-apply ni Portia sa kanya para lang kuminang pa lalo ang kutis niya. Hindi siya pwedeng matulog na nanlalagkit ang katawan. Kakati siya at siguradong kinaumagahan at magkaroon na naman ng pantal-pantal ang katawan niya. Sobrang sensitive ang balat niya. Lalo pa at sa Divisoria lang naman namimili si Portia ng mga make-up at pampahid sa katawan. Wala siyang damit dito sa condo ni Damien. Susuotin na lang niya ulit ang damit. Pupunta na lang siya sa kanyang bahay kinabukasan upang kunin ang ilang gamit. Walang pagdalawang isip siyang pumayag na tumira kasama si Damien, wala na rin kasi siyang ibang choice, palalayasin na rin siya sa tinitirhan niya dahil dalawang buwan na siyang hindi nakapagbayad. Pagdating sa tapat ng banyo ay agad na binuksan niya ang pinto at kinapa ang switch ng ilaw at pagbukas ng ilaw ay napatanga siya. “Ang ganda!” Namangha siya. Grabe! Ang ganda talaga ng condo ng gwapong mamà. Kasing gwapo at kisig nito ang buong condo. Ang banyo ay sobrang laki. Malaki pa iyon sa kanyang tinitirhan. Kumikinang ang lahat ng kagamitan. May malaking shower area at mayroon pang bathtub. Isang gawa sa salamin ang pader na nakapagitan sa shower at bathtub. Ang vanity mirror at lavatory ay kumikinang at maayos na nakahilera ang mga kagamitan na panlinis sa katawan. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na mapangiti. Sa bungad pa lamang ng pinto ay isa-isa na niya hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. Para kasing nag-aanyaya ang shower sa kanya. Kapagkuwan ay marahan na humakbang siya papasok. Natigil siya sa paghakbang at napatingin sa kanyang paanan. God! Nakikita pa niya ang repleksyon sa porcelana na sahig. Para lang siyang nanalamin dahil sa kinang. Kulay crema ang porcelana na sahig ngunit kumikinang iyon at kitang-kita niya ang kanyang repleksyon. “Ang sexy mo!” Natatawa niyang wika sa sarili. Para lang siyang sira na kinakausap ang sarili. Nakapunta naman siya minsan sa malalaking mga bahay. Marami siyang kaklase na mayayaman. Nakapasok kasi siya sa isang pribadong paaralan noong hindi pa niya alam ang sakit ng ina. Kaya kahit papano nakasalamuha na niya ang mayayaman na mga tao. Pero hindi ganito kaganda ang silid ng mga kaibigan niya. Kakaiba talaga ang ganda ng condo ni Damien. Lahat naka organize. Ni konting alikabok nga siguro ay wala kang makapa, at ang bango-bango pa ng buong bahay. She giggled, then tiptoed walking toward the shower. Binuksan niya ang faucet ng shower kasabay ng pagbuhos ng rumaragasang tubig sa kanyang hubad na katawan. “Ang sarap!” Hindi niya mapigilan na usal. **** Damien couldn't help but swallow hard. Parang kinukurot ng pino ang puso niya. Nasa kusina siya at kumukuha ng tubig upang uminom ng marinig ang mga hikbi mula sa silid na tinutuluyan ni Shayne. Even Shayne whispered, and a promise she made to her parents he heard. Hindi mabilang kung ilang beses na napalunok siya. Marahil. Sobra-sobra nga ang paghihirap nito. Ramdam niya iyon sa bawat hikbi nito. ‘Shaina, ano ba ang ginawa mo sa anak mo? What the hell is happening to both of you?’ Mga katanungan sa isip niya. Akma na isara niya ang pinto. Nakalimutan kasi ‘ata nito na isara iyon. Ngunit ang akmang pagsara niya ng pinto ay hindi na niya magawa. Bigla ay bumangon si Shayne. Sinundan niya ito ng tingin. Ang bawat paghakbang nito ay sobrang kaaya-ayang tingnan. Her hips sway so gracefully. How could she walk so gracefully, when nobody is around? Kapagkuwan ay nakita niya itong huminto sa tapat ng banyo. So she is going to clean herself. Akma siyang tumalikod at umalis na lang. Ngunit bigla ay natuod siya ng makitang hinubad nito ang pang-itaas na damit. Tila nag e-slow-motion ang lahat sa kanyang paningin. Ang kanyang mga labi ay napaawang kasabay ng panlalaki ng mga mata. Bigla ay tila natuyo ang kanyang lalamunan. Sunod-sunod ang kanyang paglunok ng isang iglap ay tuluyan na hubo't-hubad ito sa kanyang harapan. Hanggan sa humakbang ito papasok sa loob ng banyo. Ang mga paa ni Damien ay tila may sariling pag-iisip. Kusa itong humakbang tungo sa banyo. ‘What the fvck! What the fvck! Get the hell out here, Damien! Get the fvck off!’ Sigaw ng utak niya.Walang ibang nararamdaman si Shayne sa mga sandaling ito kundi ang pinaghalong sama ng loob. She felt betrayed. Sa isang iglap ay napalitan ng sama ng loob, galit at matinding pagdududa ang pagmamahal niya para kay Damien.She was a spitting image of her mother at pakiramdam niya ay ginagamit lamang siya ni Damien. Nakikita nito sa kanya ang mukha ng kanyang ina, kung kaya siya nito minahal. Nakakulong ito sa pagmamahal sa kanyang ina.Hindi talaga siya minahal ni Damien.Hindi siya minahal ng hayop!Naghihinagpis ang kalooban niya. Walang paglagyan ang matinding sakit.She is weeping unstoppably. B-Babe let me— let me explain!”“Huwag mo akong kausapin. Ayaw kitang makausap. Layuan mo ako!” She did not stutter. She said those words firmly, kahit na para na siyang hindi makahinga dahil sa matinding sakit sa dibdib.“Mahal kita—”“Sinungaling ka!” sigaw niyang tugon.“Mahal kita, Shayne—-”“Tumigil ka!”Ang kanyang malakas na sigaw ay lumukob sa buong silid. Humarap siya kay Damien h
Binagsak ni Shayne ang katawan sa ibabaw ng malambot na kama. Pinagsiklop niya ang mga kamay sa kanyang bandang puson at nakatihaya na nakatitig sa kisame. Nagtatalo ang isip niya. Aalamin ba niya ang katotohanan tungkol sa babaeng si Shaina o ibaon na lang sa limot ang lahat? Wala naman siyang ibang hangarin kundi ang makasama habang buhay ang asawa niya at bumuo pamilya. Nararapat lang siguro na iwaglit sa isip ang mga hindi kaaya-ayang ideya. Ang mahalaga ay mahal nila ni Damien ang isa’t-isa at hindi kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa. Ipinikit niya ang mga mata. Tama. Kakalimutan na lang niya ang mga sinabi ni Olga. gawin na lang niyang abala ang sarili upang makalimutan ang mga salitang sinabi ni Olga hanggang sa tuluyan na mawala na iyon sa kanyang isip —- —- —- —- Tangahling tapat. Tumatagos sa glass wall panel ang sikat ng araw. Ang mga yelo sa buong paligid ay unti-unting natutunaw. Nakatayo sa tapat ng glass wall panel at nakapagkit sa mga labi ang matamis na ng
Shayne tried so hard to calm herself. Ayaw niyang makalikha ng eksena sa loob ng supermarket. Kaya sa halip na patulan si Olga ay pinili niyang hilahin ang braso na hawak nito upang talikuran.“Don't you dare turn your back on me bitch!” Humigpit ang pagkahawak nito sa braso niya. Bumaon ang mahabang kuko. Napalingon siya at napatitig sa mukha nito kasabay ng pagkunot ng kanyang noo. Tumaas ang mga kilay ni Olga, at nanatiling nakaguhit ang mapang-uyam na ngisi sa mga labi. Ang mga mata ay nabakasan ng matinding inis o mas tamang sabihin na galit. “Let go of my arms and leave me alone, Olga!” Diniinan niya ang pagbigkas ng bawat salita na lumabas sa kanyang bibig. Patawarin siya ng Diyos, hindi siya magda-dalawang isip na patulan si Olga sakaling saktan siya nito pisikal. “Why? What are you going to do if I won't let go of you, huh? Let me remind you once and for all, Shayne, you are in my country and this country is my territory you bitch!”Ngunit sa halip na magpatinag sa sinab
Lumipas ang mga araw at sa bawat araw na dumaan ay mas lalong sumidhi ang pagmamahal ni Damien para sa asawa. Sa bawat sandali na may pagkakataon na makaniig ang asawa ay ginagawa niya. Walang araw na lumipas na hindi niya ito inaangkin sa tuwing kasama niya ito. It’s hard to resist his wife's alluring and seductive body. Sa bawat araw ay mas lalong gumaganda ang asawa sa paningin niya. Ang ganda ng asawa ay ang siyang pinakamagandang tanawin sa kanyang paningin. Tanawin na lagi niyang gustong mamasdan. Simula sa pagpikit ng mga mata sa gabi hanggang sa pagmulat sa umaga. “Yvette, sasama ako sa’yo ha. Huwag kang umalis ng hindi ako kasama.” “Hindi ka pwedeng sumama, Shayne. Darating na maya-maya ang tutor mo sa Russian language.” “Pass muna ako ngayong araw.” “Hindi pwede. Ilang araw ka na hindi umaattend ng Russian language class mo.” Damien couldn't help but laugh. A laugh that doesn't have any sound. Ang mga balikat niya ay umaalog at panay ang iling. This past three
Malalim na ang gabi. Ngunit si Damien ay nanatiling dilat ang mga mata. Ang siko ay nakatukod sa unan at salo ng palad ang kanan na bahagi ng ulo. Mataman na tinitigan niya ang babaeng mahal niya.Shayne, indeed Enrique Guzman Sr., granddaughter at nag-iisang tagapagmana ng Guzman Empire. Mas lalong sumidhi ang pangamba sa kalooban niya. Maiipit si Shayne sa awayan ng magkapatid na Enrique at Felix Guzman. He has to protect her woman at all costs.Dagdag pa sa isipin ay ang estado ng kanilang mga pamilya. Galing siya sa pamilya na alam ng lahat na Mafia na nagmula sa Russia. Ayaw na ayaw ng matandang Enrique Guzman ang organisasyon. He hates it. Maari na kunin nito sa kanya si Shayne at ilayo sa kanya. Hindi niya papayagan na mangyari yon.Hindi pwedeng mawala sa kanya ang kaligayahan niya. He will protect his happiness even if it means risking his life. Isang malalim na paghinga ang kanyang ginawa. Kapagkuwan ay tumungo siya sa mukha ni Shayne at mababaw na hinalikan niya ito sa noo
Nasa pinakasulok ng coffee shop si Yuri. Nakasuot ito ng black leather jacket at at itim na sumbrero. Ang kanyang paningin ay nakatuon sa dalawang babae na nasa kanyang unahan. Nakaupo si Shayne at Yvette sa tapat mismo ng glasswall pannel at nakatanaw sa labas. Tila nagbibilang ang dalawa ng mga taong paroo't-parito sa daan na nababalutan ng puting yelo.The two giggled while pointing thier fingers at the glass panel. Nagpapalitan si Yvette at Shayne ng hampas sa balikat sa isa't-isa at paminsan ay tinutulak ang isa't-isa habang panay ang pagtawa. He was tasked by Damien to watch over Shayne. Damien was not around for two days. Nasa isang mahalagang business trip ito kasama ang ama. He already has the result about the real identity of Enrique Guzman and he already sent it by email to Damien. Sa sandaling malaman ni Damien ang tunay na katauhan ni Enrique Guzman at ang koneksyon nito kay Enrique Guzman Sr. Sigurado siyang magugulo na naman ang isip ng amo. Enrique Guzman Sr, hates