CHANDRIA MIELLE
Umungol ako nang magkaroon ng ulirat. Hindi ko kaagad naimulat ang mga mata. Nakakasilaw ang liwanag. Mabigat ang katawan ko. Masakit ang balakang ko. Mas malala ang pagitan ng hita ko. Ang hapdi, hindi ko naiinidihan. Saka parang nilalamig ako—wala yata akong suot. Bumalikwas ako para bumangon pero lumanding ako sa sahig. Nasa dulo pala ako ng kama. "Argh!"Hiyaw ko. Sumama sa akin ang kumunot. Mistulang balat ng ahas na bumalot sa'kin. Bumangon ako. Hinihilot ang kirot sa pang-upo. Hinay-hinay kong minulat ang mga mata. "Saan ako?"Tanong ko sa sarili bago dumapo ang matinding sakit ulo. Sumingkit ang mga mata ko. Nilibot ang tingin. Wala ako sa bahay. Talagang wala ako sa bahay dahil pinalayas nila ako. Aber, nasaan ako?! Gumana ang hinala ko. Ang huling alaala ko ay nakipaglustay ako ng pera sa casino, sa kamaang palad na nanalo. Hayun, naalala ko ang gwapong lalaki na mala-modelo ng brief. Niyaya ko siya sa disco. "At ano ito?" Tiningnan ko ang sarili. Wala akong saplot. Nakipag-ano ako! What? Hindi naman ito kasali sa plano. Sapat na sa'kin ang ilustay ang pera ng Beunavista. Diyos ko, Lord. Ang timang ko! Nang-akit ako at ako pa ang nawalan. Hinagilap ko ang pera. Wala na. Dinala ng hudyo. Naluluha akong pinulot ang mga damit. Nangyari na. Binigay ko ang hiyas ko sa isang estranghero. Ano pa ba ang silbi 'non? Anak naman ako ng squatter, at least nakatikim ako ng gwapo. Sinusuot ko ang damit. Makaalis na nga rito. Teka, wais ng lalaking iyon kinuha niya ang pera ko, okay lang hindi na iyon sa'kin. Nagsusuot ako ng takong ko nang mapuna ang bracelet sa kamay. Kunot-noo kong tinanggal. "May pa remembrance pa siya,"anang ko. Inusisa ko ang bracelet. Nababakasakaling may pangalan n'ya. Tumpak meron nga. "Hmp, Nicola Hayes Henderson?"Nalulula kong sabi. Kilala ko ang Henderson. Teka, Nicola? Nicola! Ang may-ari ng H Lending corporation at Lux Grand Casino Hotel at iba pang sikat na Casino sa buong mundo? Ang lalaking naka-one night stand ko kagabi? Jusko! Naka-jackpot ako. Nilagay ko ang kuku sa ngipin. Kinagat-kagat na parang bata. Hindi ko naman maabot si Nicola kasi poor na ako ngayon. Saka iyong tipo niya, magkakama lang tapos wala na. Maliban kapag magbubunga ito. Sana nga para makabalik ako sa marangyang buhay. Ako'y humayo ng masama at nilisan ang hotel. Dumiretso ako sa bahay ng kaibigan ko. Wala na kasi akong matutuluyan. Mabuti marami akong savings, for the meantime, gagamitin ko 'yon para mag-apply ng bagong trabaho. Marami naman akong experience, malamang pwedeng manager ng puputsuging restaurant o grocery store. "Where have you been? Bigla-bigla kang nawawala sa night club ka gabi?"Sita ni Lauren habang tinatanggal ko ang takong. May hawak siyang walis, halatang day off ngayon. May sarili siyang book store at binibigyan niya ng day off ang sarili tuwing sabado. Maghahanap daw siya ng boyfriend. Kami 'yong magkakaibigan na NBSB. Magaganda naman kami pero hindi kami tinakda para magkap-nobyo. Nasa croptop siya at square pants. Nakatali patayo ang buhok. I gritted my teeth. "Nakipagtalo doon sa lalaki,"tamad kong salaysay. Lumitaw ang mapaglarong ngiti niya. "Sino ba ang natalo sa inyo? Ikaw o siya? Wag mong sabihin pinusta mo ulit ang perang pinanalunan mo?" "Tumpak! May tama ka!"Napalakpak kong sabi na may malapad na ngiti. "Nagpadale ka agad bes?"Sumulpot si Autumn. Isa ko pang kaibigan. Tinignan ko siya ng blanko. "'Nong ginagawa mo rito? Akala ko ba nasa Yong ka?"Asik ko. Ngumising aso lang. Isa siyang fashion designer at may-ari ng maliit na kompanya. Magaling siyang tumahi at patay na patay sa mga Korean Actor. Sa katunayan may isa siyang boyfriend na korean pero hindi actor. Yong ang tawag sa kompanya niya at mga designer outfit ang binibenta nila. Magkakaedad kaming tatlo.Parehong venti-cinco. Parehong magaganda at sexy. "Day off ko rin ngayon,"rason n'ya. Tinanggal niya tuwalya sa ulo. Nakatapis siya. Kakalabas lang sa banyo. "Rason mo lang 'yon kasi na-hang over ka. Hindi ka ba hahanapin ni Singkit?"anang ko. Sinamahan ko sila sa sala. Kumibit balikat si Autumn. Binaba ni Lauren ang walis. "In-inform ko na siya. Free day natin ngayon. Ano kwento ka naman doon sa paruparo mo,"nasasabik na usisa ni Autumn. Lumukot ang mukha ko. Natatawa ako sa pa-Mr. Butterfly niya. Nicola Henderson, hindi marunong pumili ng nickname. "Si Mr. Butterfly tinakasan ako at tinangay ang pera ko,"lahad ko. "Ano?" Sabay silang nagulat. Magsasalita sana ako pero inunahan nila "Maldito siya!" "Yeah, what a thief bastard!" Tinaas ko ang dalawang kamay. Pumait ang itsura nila nang matanto na dinidepensahan ko ang lalaki, "Hinay-hinay kayo.Wala naman problema ang sa'kin kung tatangayin niya ang pera. Alam n'yo na pinalayas ako ng tinuring kong mga magulang at naghihiganti ako. Salamat sa kanya kasi sampung milyon ang tinangay niya. Hindi lang cash iyon lahat pero nilagay ko doon ang credit card at cheke,"mahabang litanya ko. Marahan kong panahayag para maintindihan nila. Ngumiwi si Lauren. "I'm sorry to hear that,Bes. Wala talagang puso ang mga Buenavista. Kahit hindi ka nila totoong anak sana hindi ka minaltrato. Wala silang utang na loob. Ang laki pa naman ng na-contribute mo sa kanila,"paghihimutok niya. Ramdam ko ang genuine concern sa tinig niya. Tumaba ang puso ko. Tama ang mga kaibigang nakilala ko. Nunca nila akong iniwan kahit ngayo'y pobre na ako. "Hayaan na natin sila. Ang mahalaga nagtagumpay akong naiwaldas ang pera nila,"nagbubuntong hininga kong saad. Pa-poker face akong tiningnan ni Autumn. "Swerte nong lalaki ha, hindi lang siya nakaisa kundi dalawa pa." "Okay lang gwapo rin naman,"deretsahan kong sagot. Humagalpak sila sa tawa. "Adik ka bes? Nagpapa-easy to get kaagad!"Tudyo ni Lauren. Napahawak sa panga. Malamang nangalay na sa kakatawa. "Hoping na makikita ulit kayo. Sayang naman kung sa one-night stand lang mag-uuwi,"anang ni Autumn. Naintriga ako sa pangarap niya. Inangat ko ang pulseras. Gawa sa pilak,na may infinity ang design, kumikinang sa liwanag ng araw at talagang mamahalin. "Yes, magkikita ulit kami ni Mr. Butterfly,"nasasabik kong wika. Umangat ang kilay nilang dalawa. "Dahil siya si Nicola Hayes Henderson. Sino pa ba ang hindi makakakilala sa kanya?" Napatutup ng bibig si Autumn."Omo,bes!" Binaba ko ang kamay. Naglakad-lakad. "First things first, aayusin ko muna ang gusot ng pamilya ko. Saka hindi pa ako tapos sa Buenavista. Hindi ako mananahimik hangga't hindi pa sila nababagsak,"madiin kong pahayag. Nasa mata ko ang determinasyon. Umaalab ang pagkasabik kong sirain sila. "So, ano ang plano mo?"Nag-aalalang tanong ni Lauren. "Pupuntahan ko muna ang totoo kong mga magulang,"deklara ko. Menasahe ko ang sintido nang makaradam ng kirot. "But first let me take a rest." Mahina silang napatawa.hello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead