CHANDRIA MIELLE
Napakunot ako ng noo nang makaapak sa squatter area ng Manila. Nandiri ng limang segundo pero pinatatag ang sarili. Kinuyom ko ang mga palad at sinuong ang di pamilyar na lugar. The air was thick with a musty odor, a blend of stale food and something more unpleasant, a reminder of neglect and dispair. Idagdag pa ang makitid na kalye na punong-puno na nakakalat na basura—mga supot, styro-foam, mga basag na bote at ibang bagay na kinalimutan na nila. Tumingala ako. Tiim ang bagang nang matanaw ang sira-sirang gusali at barong-barong bahay. May mga batang naglalaro sa alikabok. Ang ingay ng tawanan nila ay humahalo sa bangayan ng mga matatanda. Damang-dama ko ang kahirapan nila. My heart sank as I walked deeper into the maze of dilapidated structures. Ramdam ko ang mapanuring mga mata ng mga residente. Sino bang hindi makakapansin sa outfit ko. Sobrang elegante ko at parang pupunta sa opisina. Nag-click ang takong ko sa bako-bakong kalsada na lalong inaakit ang atensyon ng lahat. Ramdam ko ang pagkasuklam nila, naiingit sila sa pagiging privileged daughter ko. Bumaligtad yata ang tyan ko. Ito na ang realidad ko ngayon, ang lugar na sumira ng mga pangarap ko. Ang karangyahan na minsan kong tinamasa ay naging isang malayong alaala na lamang. Bawat hakbang ko'y tila nilulubog ako ng bigat ng kahihiyaan at kawalan. Mahirap tanggapin pero kailangan kung harapin. Binasa ko ang pirasong papel na hawak-hawak. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagbigkas ng mga pangalan nila. Nilamukos ko at binulsa. Ilang sandali, narating ko ang destinasyon ko. Nakatayo ako sa maliit na pinutan na yari sa kahoy. Maagap akong kumatok. Walang sumagot. Nainis ako kaya nilakasan ko. Wala pa ring sumasagot. Hayun, na bwesit ako kaya sinipa ko. Bago ko ihataw ang paa ay kusang bumukas ito. "S-Sino ka?"Walang modong bungad sa'kin ng matandang lalaki. Mataba siya, kunot ang mukha, puti ang buhok at walang suot sa pang-itaas. Ginawa niyang tuwalya ang t-shirt nito. Dating siga siguro ng kanto. "I'm Chandria Mielle—" Pinutol niya ako para bulywan. "Ano'ng kailangan mo ha? Kahit ilang beses pa kayong pabalik-balik sa bahay na ito. Hindi niyo kami mako-convert sa relehiyon niyo. Tapat ako sa relehiyon ko! Kung magso-sollecit ka man, mabuti'y umalis ka na bago kitang habulin ng itak ko,"mahabang lintanya niya. Magsasalita sana ako pero sumingit ulit. "Ano'ng tinitingin mo? Umalis ka na!" "Hindi pa nga ako nakakasalita eh, pinaalis mo na!"Singhal ko. "Tang-ina ang tapang pa! Ano'ng gusto mo ha?" "Gago! Nandito ako para hanapin ang dalawang taong ito. Si Nestor Cinco at Blisha Cinco, nakatira ba dito?" Mabilis kong saad para hindi niya ako maunahan. "Nestor sino ba yan?" Sumulpot ang payat na babae. May curlers sa buhok at humihithit ng sigarilyo. "Babae. Nagtatanong sa atin,"agad na imporma ni Nestor. Umakbay ang babae rito saka pinatitigan ako. Nanliit ang mga mata niya. "Kayo ba si Nestor at Blisha?"Untag ko ulit. Nasa sistema ko ang takot at pandidiri kung sila talaga ang mga magulang ko. Hindi ako makakapayag na maging anak ng masasamang tao kaso wala akong karapatan na i-judge sila. "Ano'ng pakay mo?"asik ng babae. Tinaboy ni Nestor ang kamay nito. "Hoy, Blisha maghinay-hinay ka mukhang anak ng sindikato 'to." "Gago, hindi ako anak ng sindikato. Anak niyo ako na pinagpalit niyo sa mayamang pamilya ng Buenavista!"Sumbat ko. Natigilan ang dalawa. Pinalipas ang ilang sandali bago nagpalitan ng tingin. Nauubusan ako ng pasensiya sa isasagot nila. Iyong akala kong masasalita sila pero biglang sinara ang pinto. "Argh! Fuck shit!"Pinigilan ko sila. Tinulak ko ng malakas ang pinto. Salamat sa hilig kong mag-kick boxing. May sapat akong pwersa para tapatan sila. "Hindi ka namin anak! Lumayas ka,"tila natatakot na sigaw ni Nestor. "Ano? Mga adik ba kayo? Inaabandona niyo ang anak niyo para sa pera. Maghintay kayo kasi sa kulungan kayo hahantong!"Nangigigil kong hiyaw. "Blisha, ano'ng gagawin natin kapag nalaman 'to ni inang, patay talaga tayo!" "Paano ba nalaman ng Buenavista ang tungkol rito?" "Mga bobo kayo! Ano'ng pinasasabi niyo?" Unang beses kong magmura ng ganito. Unang kita ko sa kanila'y mainit na ang dugo ko. Sino ba sila para kilalanin kong pamilya. Subalit parang mga timang, kung anu-ano ang inuusal. "Hindi ka namin anak!" "Oo dahil isa kang Callagry!"depensa ni Blisha na nauwi sa pagtatapat. Kilala ko ang Callagry, isang sikat at maimpluwensiyang pamilya sa balat ng lupa. Maraming isyu tungkol sa kurapsyon, druga, patayan at problema sa politika. "Callagry? Nagpapatawa ba kayo? Tinatulak niyo pa ako sa mga krimenal,"napasinghap kong sabi. Di ko makontrol ang emosyon. Baka masuntok ko ang mukha ng dalawa kapag magsasalita pa sila na hindi nala ako anak. "Mukha ba kaming clown,huh?"Sarkastikong saad ni Nestor. "Hindi ka nga namin anak kasi pinapatapon ka lang sa'min ni Guillermo Callagry. Iyon para doble ang pera pinagpalit ka naman sa mga Buenavista." Hinila ko ang kwelyo ni Nestor. "H*******k ka! Mukhang pera ka. Kapag malaman ko na hindi ako anak ng Callagry, mapapatay ka sa'kin!"Banta ko. "Of course, anak ka ni Dara Callagry kasi ako mismo ang midwife mo,"segunda ni Blisha. Tinignan ko siya ng masama. "Ngayon hindi kayo matatakot na madiskubre nila ang tungkol sa krimenilidad n'yon?" "Hindi kasi patay na si Guillermo. At hindi kami makakapayag na mapunta ka kay Darcy,"ani Blisha na naging demonyo ang tingin. "Papatayin ka naman bago nila malaman ang tungkol sa'yo!" Hinila ako ng malakas ni Nestor. Pumiglas ako at sinipa siya sa itlog. Sasabunutan sana ako ni Blisha, naunahan ko siyang suntukin sa mukha Habang tinatanaw nila ang butuin, hinubad ko ang takong. Inambaan sila ng suntok nang subukan nila akong atakehin. Pinaupo ko sa sahig si Nestor, putok ang bibig at dumudugo ang ilong habang walang humpay sa pagmumura. Gano'n din si Blisha. Akala nila mahina ako, ginawa ko silang punching bag. Pinunasan ko ang pawis sa noo matapos ko silang itali. "Smile naman kayo d'yan. Magkikita na kayo ng presinto,"sarkastiko kong saad sabay dukot ng cellphone. Tinipa ang emergency hotline at tinawagan ang mga pulis. Nagsisigawan ang dalawa habang pinapasok sila sa pulis car.Ngayon, dapat kong harapin ang mga Callagry —ang tunay kong pamilyahello dear readers, actually tapos na po ang story na ito at haitus po ako ngayon due to my personal space hoping babalik ako sa april, sana, let's pray sana respeto naman po kaunti at salamat sa pagbabasa. let's be patient, po. nag iipon ako para bumili ng equipment para makapagsulat ng maayos saka never pa akong nagkasahod sa app na ito. nagsusulat ako for my enjoyment at para maisabuhay ko ang nasa imagination ko. pasensiya kong di umabot sa expectation niyo. kaunting respeto lang po talaga sana wag lang kayo basa show your support din po pero okay pang kung hindi. thank you pa rin sa pagbabasa. masama lang talaga ang loob ko yan lang may special chapter po ito bali 5 parts at may sequel na 3 libro, mga anak nila sana babasahin niyo ulit supportahan niyo ako sa blue app: ysanne cross thanks and God bless you all!
CHANDRIA MIELLE Kahit ilang beses kong kinurap-kurap ang aking mga mata ay di pa rin ako naniniwala sa aking nakikita. Saksi ako ngayon sa eksena ng pelikula ng aking buhay. Nakatayo ako sa entrance ng Manila Cathedral. Nangangatog ang mga tuhod, samantalang napahigpit ang hawak sa bouquet ko. Dinagdagan pa ng malakas ng kabog ng aking puso na parang winawasak ang rib cage ko kaya pakiramdam ko ay lumulutang ako sa alapaap. Mamasa-masa ang mga mata ko habang nilalandas ang kahabaan ng aisle. Pakiramdam ko ay bumibigat ang bawat yapak ko dahil sa suot kong mahabang velo. I glanced on my wedding gown-it was a breathtaking ivory masterpiece embroidered with delicate silver and pearl patterns. Ang gown na hirap na hirap kong pinili ay parang balat na yumayakap sa katawan ko. Naka-off shoulders iyon dahil gustong-gusto makita ni Nicola ang collarbones ko. Siya lang naman ang personal na pumili nito. Ang mahaba kong velo ay parang tubig na dumadaloy sa ilog habang naglalakad ako. Hu
CHANDRIA MIELLE "It's not your fault," salungat ko matapos kong humiwalay mula sa yakap ni Nicola. I still hate his beard and long hair. Pagsasabihan ko agad siya na putulin iyon once na makaapak kami ng mansyon. Hindi ko muna sinabi baka ma-offend. "Malaki ang kasalanan ko sa'yo—" "Okay lang," putol n'ya. "Patapusin mo muna ako." Diniin niya ang hintuturo sa bibig ko. "Unang una ay hindi ako nagpakatotoo sa'yo. Sinabi ko ang masamang nakaraan ko maliban sa mga kaaway ko. Masama akong tao. Puro myembro ng mafia ang mga kaibigan ko noon. Tapos marami akong utang at tambayan ko ang black market. Marami rin ako pinatay, niloko at sinibatan. Kahit ilang beses kong takasan ang pagiging masamang tao ko ay di ko magawa hanggang sa dumating ka. Sinubukan kong magbago para sa'yo at sa mga anak natin kaso hindi ko pa rin matatakasan ang mga multo ng nakaraan ko. Pati ikaw nadamay. Sana matatanggap mo pa rin ako pagkatapos nito." Tinanggal ko ang daliri n'ya. "Wala akong pakialam kung seria
NICOLA HAYES Kinuyom ko ang mga palad. Naninilim na ang mga mata sa pagiging atat na sunggaban sila. "Sige, tumawa pa kayo," sarkastikong pahayag. "Oh, dapat ka rin sumabay. Hindi mo alam reunion natin ito?" balik biro ni Theo. "Reunion kay kamatayan, ika mo," hirit ko. Mahina siyang humagikhik. "Kung reunion ang gusto niyo. Pwede natin subukan ang sinturon ni Hudas. Isang pindot lang, at boom... fireworks..." hinugot palabas ni Blake ang detonator sa bulsa niya. Pinaikot-ikot niya ito sa pagitan ng mga daliri niya samantala binabasa ang reaksyon ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Chandria habang naninigas ako sa kinatatayuan ko. "Maawa ka... utang na loob," she pleaded shaking her head violently. Ngumising aso ang hampas lupa. Peste talaga! Wala akong ideya kung ano ang gagawin. "Oh, baby, don't beg. Baka matunaw bigla ang puso ko. Para kayong mga pulubi, nagmamakaawa sa barya ko," napanguso niyang usal na di nawawala ang pagiging mapanudyo. Matigas kong diin ang mga ngipin
NICOLA HAYES "Chandria," I breathed as I saw her. Pumailanlang ang ingay ng putukan ng baril sa kabuuan ng warehouse. Parang mapupugto ang hininga ko habang nakatuon ang buong atensyon ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sininghot ko ang usok na pumapasyal sa hangin, di ko inanda kung masakit man ito sa ilong. Tila nagka-slow mo nang tumakbo ako patungo sa kanya. Matapos kung iwan si Paolo kasama ang swat team sa gitna ng matinding bakbakan ay napapadpad ako sa silid na ito. Sa awa ng Maykapal ay sinadya niyang matagpuan ko si Chandria dito. Kaso may problema. Isang malaking problema. "Mukhang nagkamali ka ng pinasok, totoy," ani ng kalbo at malaking taong gwardiya ni Chandria. He crackled his knuckles as he smirking me coldly. Naningkit ang mga mata ko. "Ba't ka nang-aagaw ng phrase ko? Ako dapat magsabi no'n." Without a word, he raises his gun and fires. Hindi agad ako tinamaan dahil matulin ako kesa sa mga bala niya. Tumago ako sa ilang cartoon na kapatong-patong sa tabi-tabi.
CHANDRIA MIELLE Nagising ako na may duct tape sa bibig at may lubid sa mga kamay. Namamanhid ang katawan ko habang nakahiga sa malambot na kama. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata, nanlabo sa umipisa pero mabilis kong natanto kung nasaan ako. Madilim ang paligid. Naamoy ko ang mamahalin kong perfume na humahalo sa matapang na amoy ng silid na ito at sa tanya ko ay nasa stockroom ako. "Gising ka na pala, baby," bungad ni blake. His smirking like he owns the world. Natagumpayan niyang gawin akong hostage ngayon. Gumalaw ako, sinubukan umastras kaso kulang ang lakas ko para magawa 'yon. Lumapit siya at yumukod sa akin. Malakas ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ang madilim niyang mukha na may hayagang pagnanasa. "Akala mo siguro makakatakas ka sa akin? Ang totoo, rason ko lang na ayokong ibenta ang casino dahil ikaw naman ang habol ko at ginugulo lang kita," bulong niya sabay hila sa kwelyo ko. "Wala ka nang choice ngayon, Chandria." I squirms, my muffled cries plead