Phoenix~
Pinatid ko ang pagtitigan namin. "I just want to clarify one thing," sabi ko na nakatingin ngayon sa tatay niya. Tumango lamang sila. "Actually, meron akong kakambal. Malay natin siya ang bumuntis sa anak niyo," sabi ko. Gusto kong ipilit na hindi ako ang ama ng dinadala niya. "Alam ko, pero si Phoenix Blake Henderson ang nakasama ko no'ng gabing iyon," wala ka emo-emosyon na sabi ng babae. Her striking features struck me again. Ang kanyang mukha ay perpektong obra-maestro. May kutus porselana siya pero masyado siyang maputla maliban sa namumula niyang pisngi at labi. She has dark and alluring almond-shaped eyes. They were the kind of eyes that could see through any facade, soft yet intense, capable of pulling someone deep into their depths without mercy. At parang magnet siya na hinahatak ako palapit sa kanya. "Paano ka nakakasiguro na ako ang kasama mo noong gabing iyon?" Iniwas ko ang tingin sa kanya. "You marked me that night. You whispered your whole name and promised to marry me if we met again," kumbinsido niyang pahayag. "Kahit lasing ako noon, di ko kinalimutan ang isang eksenang iyon." Nagtayuan ang mga balahibo ko. Bakit ko nakalimutan iyon? Wala akong laban dahil may ebidensiya siya. Sa halip na mata ay tinitigan ko ang ilong niya. Her nose was small and dainty, a subtle contrast to the sharp grace of her jawline, which curved into an almost ethereal symmetry. "Ano? Ba't wala kang masabi? Tama ba ang anak ko?" Her father interrupted me. He just increased my terror. "Hmm, I-I don't know," pakli ko. "I imposed you to marry my daughter whether you like it or not!" Bulyaw niya. Kitang-kita ko ang pagbakat ng litid ng ugat sa noi niya. "Paano ko siya pakakasalan ni hindi ko alam ang pangalan niya at hindi ko kilala ang pamilya niyo. You can't just order me like that!" Ganti ko. Umapoy ang mga mata ng tatay niya. "I'm Freya Xylla Hernaez," she said, her voice sharp and laced with bitterness. "The one you so easily lured into your bed for a one-night stand." Naumid ako. "How dare you do this to my daughter! Hindi ako makakapayag na talikuran mo siya na hindi pananagutan. Ipapademanda kita, Mr. Henderson!" Tumayo si Mr. Hernaez at umuusok ang ilong na tinuturo ako. Sinakop ng malakas at galit niyang boses ang buong sala. Freya flipped her jet-black shoulder-length hair. May sinuot din siyang malaking kulay rosas na ribbon. Mukha siyang inosente pero nasa loob ang lion. "Ipapademanda? Talagang nakakasiguro kayo na ako ang ama niyan!" "Bingi ka ba o low-get ka lang? Pinagmumukha mo pang sinungaling ang anak ko. Hindi mo alam na sinisira mo ang reputasyon namin!" Hinawakan ng asawa nito ang braso para pakalmahin. "At sinisira niyo rin ang reputasyon ko," ganti ko. "Hindi lang kami simpling mamamayan sa mundong ito, pareho tayong may kapangyarihan at parehong may pinoprotekthan," gigil nitong sabi saka napatampal ang noo. "Ilalaban ko ang anak ko hangga't hindi hindi ka papayag na pakasalan siya kahit umabot man tayo sa korte suprema." They caught me off guard. "Hindi ako pwedeng magpakasal na kahit sino," anang ko saka tumayo. Sinundan nila ako. "Mawalang galang na po, Mr. Henderson, kayo po ang sinungaling dito. Nangako ka pero pinako mo. You can't just turn your back on the wrong things you've done," hirit pa nito. "Then I have to face them... because running away won't erase the damage," dugtong ko saka bumaling kay Freya. "But I can't promise to love you. Is it okay with you?" Yumuko siya imbes na sumagot. "Wala kaming pakialam, gusto lang namin na magkaroon ng disenting buhay ng anak namin. Ayaw naming mamuhay dahil sa kahihiyan," sabi ng ina nito. "So, parang nilalagay niyo lang siya sa impyerno? Paano nagawang ipagtiwala ng ganoon kadali ang anak niyo sa ibang tao?" A faint smirk tugging at my lips. Is this kind of a joke? "Kakausapin ko ang ama mo para matapos na ito!" Singhal nito. Umakyat ang altapresyon ko. Ayokong makialam ang tarantado kong tatay. Kapag hindi ako makapagtimpi ay masisigawan ko ang mga lintik na ito! "Fine!" Sigaw ko. "I'll marry your daughter, h'wag na h'wag niyo lang isali ang tatay ko rito!" Ginawa ko ito dahil ayokong bawiin ng tatay ko ang STRIX HOLDING, lalong-lalo na ayokong malaman niya ang kalokohan ko sa loob ng kompanya. Natilihan ang tatlo. Tiningnan ko ng mataman si Freya na ngayong pigil ang hininga. "I'll marry you as your father wishes. I'll take the responsibility as the father of that child, but no string attach." Narinig kong suminghap sila bago ko sila tinalikuran. Nagising ako sa sumunod na na pangyayari nang mag sumuntok sa akin. Nalasap ko ang mala-bakal na dugo sa gilid ng labi ko. Tumagilid ang ulo ko at nahihirapan akong pakalmahin ang pumuputok kong butse. My dearest father had just punched me. "You son of a bitch! How dare you impregnant a woman and treat her like a trash!" Malutong na bulyaw niya. Nagmalinis ang tatay ko. Siya rin naman ha? "I already accept to marry her. Ano pa ba ang kinapuputok ng butse niyo?" Patay malisya kong tugon. Hinila niya ako sa kwelyo. "You attempt to deny her, right? Hindi mo lang pinahiya ang pamilya natin, sinira mo pa ang reputasyon ng negosyo natin!" "Kayo ganoon din diba noon? Nagmamalinis pa kayo—" Sinuntok niya ulit ako. "Dad!" Tarantang kumaripas ng takbo si Kendrix para pigilan ang tatay namin. "Mga wala kayong silbi. Pinasasakit niyo lang ang ulo ko! Itong magaling mong kambal, Kendrix, wala ibang kundi gumastos at mangloko ng babae!" Irap lang ang nagawa ko imbes na sagutin siya. Wala naman akong laban sa tatay ko kasi mas hari siya. Dumating si Penelope Blythe, ang dicianueve kong nakakabatang kapatid. "Kuya naman eh, ba't sinasagot pa si Dad," sumbat niya habang tinutulungan niya akong tumayo. "Wag ka nang mangaral d'yan. Tulungan mo na lang akong pumunta sa kwarto ko,"singhal ko. Ngumuso siya. "Phoenix, pasalamat ka nagtitimpi ako ngayon. Hindi ko babawin ang kompanya pero kapag may marinig pa ko na ganitong isyu ulit, hindi ako madadalawang isip na patatangalin ka," banta ni Martino Henderson na lumalaki ang butas ng ilong. Mataman ko siyang tinitigan. "Kilala niyo ako, Dad. Hindi ko kayo gaya ni Kendrix, minsan na kong nagkamali at hindi ko na uulitin. I'll cherish this woman and her child, period." Marahas siyang bumuga ng hangin nang iniwan ko sila. "Thanks, Pen. Kaya ko na," I said dismissively. Tumango siya't iniwan ako. Sumandal ako sa pader at tinampal ang noo ko. "What is this? As if she's awakening the beast inside me," sabi ko saka sinuntok ang pader. Napahilamos ko ang mukha gamit ang duguang kamao.PHOENIX BLAKE HENDERSONAfter long hours of travel, dumating kami sa wakas dito sa Villa Cresent. Ang kauna-unahang bahay na pinagawa ko mismo ayon sa blueprint ko. Isang antikong proyekto ng lolo ng mga Henderson. Iyon ang pinamana niya matapos s'yang mamatay. Binigyan niya ako ng lupa sa bagyo at dito ko patatayuin ang pinapangarap n'yang Villa. Pinangako kasi ni Lolo na bibigyan niya ng mana ang lahat ng legitimate na apo.Nakatanggap ng beach resort si Kendrix, rancho naman kay Beaumont, isang abandonadong building kay Nicola-isa ng lending company ngayon, at hindi tapos na building naman kay Mikhael-isa ng H Tower ngayon. Hindi lihitimong apo si Mikhael pero naibigay na ito sa kanya bago sumabog ang balita na fake s'ya. Gayunpaman, tinanggap namin siyang parang tunay na pinsan.Hindi man kami magkadugo pero andyan s'ya palagi para tulungan ako....Makulimlim ang panahon nang dumating kasi sa Bagiuo. Pinagpahinga ko muna ang mag-ina ako. Nasa veranda ako nang tumunog ang cellphon
Phoenix"What do you think you're doing, Phoenix?" Nagising ang diwa ko nang umugong ang boses ni Freya.Lumipas ang isang linggo buhat no'ng birthday ng anak ni Mikhael. Sana sapat na 'yon para magustuhan ng kamag-anak ko ang aking asawa. Kung ayaw niya, problema na nila. Balik-baliktarin man ang mundo ay si Freya pa rin ang pipiliin ko."Hey! I'm asking you what you are—"Tinakpan ko ang bunganga niya. Naabutan n'ya kasi akong nililigpit ang gamit ko. Hindi ako literal na lalayas, gusto ko lang mag-unwind sandali. Nahuli kasi namin ang salarin ng pagsasabotahe ng Villa Freya project ko."Don't worry, hindi ako lalayas. May pupuntahan lang tayo," mabilis kong usal, hindi ko alam kong naintindihan niya.Kumawag siya't tinulak ako sanhi para mabitawan ko ang bibig niya. "Tayo?—" nalilito niyang tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?""Aalis tayo," nababagot na pakli ko."Aalis?""Freya!" Nauubusang pasensiyang saway ko. Saglit ko siyang tinalikuran para isarado at ibaba ang luggage ko."Pu
Naputol ang loving-loving namin nang kinalampag ng kambal ang pinto. Bumaba kami at pinatuloy ang aming magandang araw. Sa sumunod na araw ay may tanggap akong invitation letter galing kay Mikhael Henderson. Ito ang pinsan ni Phoenix at personal na tumutulong sa kanya. Hindi ko gusto ang isang ito dahil parang si Kendrix din ang turing sa akin. Tahimik na pang-aalipusta lang naman pero mas nakaka-bother. I don't know if I attend the birthday party of his second son. Narinig ko rin na buntis sa pangatlong anak ang kanyang asawa. Wala akong masabi kay Althea pero mukha s'yang bossy. Minsan ko na s'yang nakita noong bumalik ako sa puder ni Phoenix pero in-snob lang ako.Initsa ko ang invitation letter sa lamesita ng sala at umakyat. Magliligo muna ako ng maaligamgam para mabawasan ang stress. Napagod ako ng husto sa store ngayon dahil dinagsa kami ng customer. Na-curious yata sila sa brioche na may pistachio fillings, kaya hayun sold out agad. Gagawa ulit ako ng marami bukas.Bino-blow
TRIGGER WARNING: adult contentPlease escape if you're not comfortableFREYA Tyempong pagdilat ko ng mga mata ko ay ang masamang mukha ni Phoenix ang nasalubong ko. Iyong inaasta niya ay parang batang inagawan ng paborito nitong laruan, ay hindi, siya 'yong tipong may gustong ipagawa pero hindi nagawa ng taong pinapagawa n'ya. Tsk, umagang-umaga ay napapa-tongue twister na ako."Why that behavior? Ang aga-aga para kang ninakawan ng sampung libo," sita ko.Humaba ang nguso niya, humigpit ang pagkunot ng noo, nanilim ang mukha at kumibit-balikat. Para siyang bakla na nagmamaktol."Hey! Tell me what's your problema? Para ka namang may period eh!' Untag ko.Kinikilig ang kiffy ko sa inaasta niya. Ang cute niya pala kapag totoong nagmamahal. Hindi ko naranasan magkaroon ng nobyo bago ako kinasal pero parang bumalik ako sa pagkadalaga at may nobyong parang mas babae pa umasta."Ang yabang-yabang mo kahapon pero nauna ka pang natumba. Ni isang rounds ay di natin nagawa!" Singhal niya.Hum
Phoenix Lutang akong dumating sa company. I didn't expect that Freya would do that to me. Niyakap, hinalikan at nilagyan ako ng kiss mark sa leeg. Para akong bakla na gustong tumili.If I looked back on the past, I was ruthless to her. I neglected and treated her cruelly. Pero ngayon para siyang ibang tao at puro pa-sweet lang ang alam. Hindi ko inaakala na clingy siya. This is what I missed in the past for being selfish.Tsk! I should move forward and forget it, period."Pet peeve ko talaga ito!" Nagising ako sa nayayamot na boses ni Mikhael sabay hampas ng nirolyo niyang papel sa mukha ko."What?" I yelled out of shock."Damn you, bastard. Why are you spacing out in the midst of the meeting?" Sumbat niya, initsa nita ang mabigat na module sa akin."I'm not spacing out," pabalibag kong rason."Huli ka na sa akto, deny ka pa. Umalis na ang department heads at tayo na lang ang naiwan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang sinabi nila." Umupo siya at sinimsim ang kape. Kahit na malam
FREYANagpa-panic na nanaog ng hagdan si Phoenix nang masalubong ko siya. Nahimatay iyan kagabi matapos kong yakapin. Akala siguro pina-prank ko siya. This man... he always trapped me.Gusto ko ang singkit niyang mga mata, matalim niyang panga at brusko niyang katawan. "Oh, Hi-"Hindi siya tumugon, pero parang naiilang siya na nilampasan ako. Hinabol ko s'ya saka inayos ang necktie niya.Mmm... I can smell it on him-that addictive blend of pineapple, blackcurrant, birch, and bergamot. It clings to him like sin wrapped in silk... sharp, dark, and impossible to forget. Sa hilig ko sa perfume ay halos lahat ng amoy ay kabisado ko na.Nilihis niya ang mukha. Pinigilan kong tumawa dahil namumula ang mukha niya hanggang punong tainga."Sus! Para kang teenager na may crush," kantyaw ko."Ano bang ginagawa mo?" Naiilang niyang tanong.Nilakasan ko ang paghila kaya napapihit siya paharap. "I'm just fixing your necktie. What a big deal?""Ikaw ba talaga si Freya o nababangungot na naman ako?"