FREYA
Ang pinakamasakit sa lahat ay ang pilitin ka sa bagay na hindi mo gusto. Let's say I was trapped in the situation I never desired in my life. Yeah, I will marry the handsome and breathtaking man that I once met at the Night club. Pareho kaming naipit sa isang sitwasyon at kasalanan ko itong lahat. Nagkamali sila ng akala na buntis ako. Hindi ko rin magawang rumason dahil naghihimutoksa galit ang tatay ko at nagiging atat s'ya na ipakasal ako sa isang tao na hindi ko gusto. Higit pa ito sa arrange marriage. Ika nila, shot gun marriage daw. Wow! Hindi ito ang pinapangarap kong kasal. Gusto kong magpakasal sa taong mahal ako at totoo akong paligayahin sa huli, hindi sa kung sinong estranghero para saluin ang responsabilidad na wala naman dapat saluin. Sarap sabunutan ng sarili ko kaso di ko magawa dahil ayos na ang hairdo ko, suot ko na rin ang traje de boda ko, at kulang na lamang ang sermonya ng kasal. Ipapakasal kami sa judge at gaganapin ito sa hardin ng mga Henderson. Wala kaming ibang bisita, tanging mga malalapit na kamag-anak lang namin. "Ate, okay ka lang ba?" Untag ni July na gumising ng diwa ko. Nataranta akong tumango. Lumapit siya para pisilin ang mga kamay ko. Binigyan niya ako ng assuring look. "Don't worry, Ate. Nandito lang kami palagi sa tabi mo kahit ano’ng mangyari. Bukas palagi ang pintuan kung sakali mang sasaktan ka ng lalaking iyan." Kilala ko si July. Kapag may ayaw 'yan, sasabihin niya agad ang side niya. May duda siyang masamang tao si Phoenix pero heto ako, nagpapatanga. Ba't kasi bigla akong na-attract sa kagwapuhan niya. Nasa average lang naman siya pero lahat ng hugis ng katawan at linya ng mukha niya ay perpekto. Parang hinugot siya mula sa painting. Hindi ko makalimutan ang kumikinang niyang mga mata. Hinipo ko ang pisngi ni July. Tila sasabog ang puso ko sa nyerbos. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko dahil ayokong mag-alala sila. Tinutukso akong sabihin sa kanya na ayoko ng kasal at hindi ako buntis. Nagsisisi ako sa pagiging masunurin. Umasta akong p**e, nasindak makipaglaban sa ama kong pala-desisyon sa buhay. Nahihiya rin ako sa pamilya ni Phoenix at lalong akong natatakot sa magiging reaksyon nila. Sigurado magwawala sila sa galit, saka may posibilidad na kakasuhan nila kami. Hindi ito magandang biro. Nakakamatay na prank ito at magmumukha akong baliw sa pagsisinungaling ko kahit hindi ko naman sinasadyang magsinungaling kasi hindi naman talaga ako nagsinungaling. Paikot-ikot. Sumasakit na ang ulo ko. I can't break down right now. Nandito na, wala akong magawa kundi ang harapin ito. "Maging matatag ka, Ate. Walang magbabago kahit isa ka ng Henderson," anas ni July. Hindi ma-absorb ng utak ko ang lahat ng sinasabi niya. "Thank you. Ang swerte ko kasi may baby na maalahainin sa tabi ko," biro ko pa. Tumulis ang nguso niya. "Hindi ako baby," ingos niya saka lumayo sa akin. "Hurry up or else mahuhuli ka sa kasal." Inuutusab niya ako pero ang sweet niyang magsalita. Ideal man ko talaga ang kapatid ko. "Handa na silang lahat sa labas," dugtong niya. Kapagkuwan ay dumating ang Mama ni Phoenix. Sophisticated at elegante ito sa suot na kumikinang na dress. Parang hindi ito nasa forties, mas mukha pa akong matanda sa kanya. Lumakas ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako na hindi ko alam. Matapang akong tao pero naduduwag ako sa sitwasyong ito. "Iha, handa ka na ba?" usisa niya. Nakataas ang isang kilay habang pinapasadahan ako ng tingin. Naiilang akong tumango. May kakaiba kasi siyang aura, iyong tipong mag-iingat ako sa bawat kong salita na itatapon sa kanya kung ayaw kong humantong sa kumunoy. May villainess look siya. Lalo akong kinabahan. "'Wag kang matakot, iha. Masaya ang buong angkan ng Henderson na i-welcome ka lalo na ang bata sa sinapupunan mo," she said half-heartedly. Ramdam ko na hindi siya masaya. Nagpagdesisyonan nilang ikasal kami sa judge. Tatlong araw lang ang proseso kaya wala akong panahon para magwelga. Inalalayan ako ni July at Larica palabas ng mansyon. Nasalubong ko si Marica na tila dismayado sa kasal. Nakangiting sumalubong si Mama at Papa sa akin. Hinalikan nila ako sa pisngi saka walang sawa nilang sinabi na masaya sila at best wishes. Peste! Gusto kong masuka sa sapilitang eksenang ito. Iisipin ko na lang na nasa loob ako ng drama. Ang drama ng isang battered wife. Siguradong magiging battered wife ako sa oras na malalaman nila na hindi ako totoong buntis. Mapapahiya ang pamilya ko at magdudusa ako. Hindi ko kilala si Phoenix. Hindi ko alam kung sadista siya at kung anong klase siyang tao kapag nagagalit. Isa lang alam ko, magiging malamig siya sa buong buhay namin. Rinig ko sa mga kaibigan ko na... wala siyang interes sa mga babae. Mahilig siya mangolekta ng kotse at luxury watches. Tutok na tutok din siya sa trabaho at palaging tambay sa bilyaran. Dinagdagan pa ni Marica ang fun facts: die hard daw ito sa first love nito no'ng high school. Siguradong babalikan niya iyon kapag makita ulit. Wala akong pakialam. Iniisip ko ngayon ay kung paano makawala sa komplikadong sitwasyon na ito. Hindi ko namalayan na dumating na pala kami sa tapat ng hardin. Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang nagwawalang sistema ko. Ang hirap harapin ng eksenang ito. Nag-je-jelly ang mga binti ko. Sana bula na lang ako para 'pag pumutok ay kusa akong maglalaho. Impossible! Solid ako. Wala akong takas. Inapakan ko ang red carpet. Nanilim ang paningin ko. Hindi rin rumirehestro ang kanta sa utak ko. Hindi ko malinaw na nakikita ang itsura ng lahat. Malakas pa ang pintig ng puso kesa sa ingay. Pinulupot ko ang kamay kay Papa. Peke akong ngumiti, habang nangingilid ang malamig kong mga luha sa aking mga mata. Sana darating si Batman at kindapin ako. Animo'y kinuryente ako nang sinumulan ko ang paghakbang. Sana gumuho ang sahig para di matuloy. Subalit ginulo ang mundo ko nang nag-abot ang tingin namin ni Phoenix. Gaya ko peke rin siyang ngumiti. Kung tutol siya sana magpoprotesta siya kaagad. Kaso... hindi pwedeng kalabanin si Martino Henderson. Balot na balot siya ng awtoridad at isang pangongontra niya ay sasabog ang simbahan na 'to. Pinawisan ako ng malamig. Namanhid sa magkahalong kaba at takot ang aking katawan. Paulit-ulit kong kinagat ang labi. "I pronounce you husband and wife." Nagising ako sa one sentence ng pari. Pareho kaming abot tenga ang ngiti nang hinarap ang mga tao. Sa sobrang lakas ng magkahalong emosyon ko. Biglang dumilim ang mundo. Huli kong namalayan na sinalo ako ng asawa ko. Habol ang hininga kong dinilat ang mga mata. Natanto kong nasa kwarto ako. Hindi ko ito kwarto. Marahil kay Phoenix. Bumalikwas ako ng bangon. Akma kong pinihit ang door knob nang mapansin na naka-pajama ako. Tinapos ko pala ang kasal sa simbahan. Malamang walang naganap na party sa reception. Pinasya kong bumalik sa kwarto. Pero bago mangyari 'yon ay kumiripas ako ng takbo papuntang banyo. Nakaramdam ako ng pagsusuka kaya hayun, binuhos ko lahat sa toilet bowl. Pinapahiran ko ang bunganga ko nang maisipan na mag-pregnancy test ulit. Tatlong beses ko iyon tinignan kahapon pero wala. Negatibo. Kinuha ko ang dalawang PT. Sinimulan ko ang test. Bagsak ang balikat kong umupo sa kama. Hinintay kung magiging dalawa ang guhit. Sa huli, isa pa rin. Umigtad ako nang may kumatok sa pinto. Sa bilis ng pangyayari ay tumakbo ako, binuksan ko 'yon at aksidenteng hinulog ang PT. "Nandito ka lang pala," bungad ni Larica. Inikot niya ang paningin sa paligid. Naningkit ang mga mata niya at parang may napansin siya. "Pasensiya na po, Tita kung inabala ko kayong lahat kanina—" Natigilan ako nang siniko niya ako at dumiretso sa likod ko. "Ang importante okay ka ngayon. Ah, sandali ano 'to?" Laking gulat ko nang dinampot niya ang PT. Aagawin ko sana pero mabilis niyang nilayo at pinag-aralan iyon. "What is this?" Gumuho ang mundo ko.PHOENIX BLAKE HENDERSONAfter long hours of travel, dumating kami sa wakas dito sa Villa Cresent. Ang kauna-unahang bahay na pinagawa ko mismo ayon sa blueprint ko. Isang antikong proyekto ng lolo ng mga Henderson. Iyon ang pinamana niya matapos s'yang mamatay. Binigyan niya ako ng lupa sa bagyo at dito ko patatayuin ang pinapangarap n'yang Villa. Pinangako kasi ni Lolo na bibigyan niya ng mana ang lahat ng legitimate na apo.Nakatanggap ng beach resort si Kendrix, rancho naman kay Beaumont, isang abandonadong building kay Nicola-isa ng lending company ngayon, at hindi tapos na building naman kay Mikhael-isa ng H Tower ngayon. Hindi lihitimong apo si Mikhael pero naibigay na ito sa kanya bago sumabog ang balita na fake s'ya. Gayunpaman, tinanggap namin siyang parang tunay na pinsan.Hindi man kami magkadugo pero andyan s'ya palagi para tulungan ako....Makulimlim ang panahon nang dumating kasi sa Bagiuo. Pinagpahinga ko muna ang mag-ina ako. Nasa veranda ako nang tumunog ang cellphon
Phoenix"What do you think you're doing, Phoenix?" Nagising ang diwa ko nang umugong ang boses ni Freya.Lumipas ang isang linggo buhat no'ng birthday ng anak ni Mikhael. Sana sapat na 'yon para magustuhan ng kamag-anak ko ang aking asawa. Kung ayaw niya, problema na nila. Balik-baliktarin man ang mundo ay si Freya pa rin ang pipiliin ko."Hey! I'm asking you what you are—"Tinakpan ko ang bunganga niya. Naabutan n'ya kasi akong nililigpit ang gamit ko. Hindi ako literal na lalayas, gusto ko lang mag-unwind sandali. Nahuli kasi namin ang salarin ng pagsasabotahe ng Villa Freya project ko."Don't worry, hindi ako lalayas. May pupuntahan lang tayo," mabilis kong usal, hindi ko alam kong naintindihan niya.Kumawag siya't tinulak ako sanhi para mabitawan ko ang bibig niya. "Tayo?—" nalilito niyang tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?""Aalis tayo," nababagot na pakli ko."Aalis?""Freya!" Nauubusang pasensiyang saway ko. Saglit ko siyang tinalikuran para isarado at ibaba ang luggage ko."Pu
Naputol ang loving-loving namin nang kinalampag ng kambal ang pinto. Bumaba kami at pinatuloy ang aming magandang araw. Sa sumunod na araw ay may tanggap akong invitation letter galing kay Mikhael Henderson. Ito ang pinsan ni Phoenix at personal na tumutulong sa kanya. Hindi ko gusto ang isang ito dahil parang si Kendrix din ang turing sa akin. Tahimik na pang-aalipusta lang naman pero mas nakaka-bother. I don't know if I attend the birthday party of his second son. Narinig ko rin na buntis sa pangatlong anak ang kanyang asawa. Wala akong masabi kay Althea pero mukha s'yang bossy. Minsan ko na s'yang nakita noong bumalik ako sa puder ni Phoenix pero in-snob lang ako.Initsa ko ang invitation letter sa lamesita ng sala at umakyat. Magliligo muna ako ng maaligamgam para mabawasan ang stress. Napagod ako ng husto sa store ngayon dahil dinagsa kami ng customer. Na-curious yata sila sa brioche na may pistachio fillings, kaya hayun sold out agad. Gagawa ulit ako ng marami bukas.Bino-blow
TRIGGER WARNING: adult contentPlease escape if you're not comfortableFREYA Tyempong pagdilat ko ng mga mata ko ay ang masamang mukha ni Phoenix ang nasalubong ko. Iyong inaasta niya ay parang batang inagawan ng paborito nitong laruan, ay hindi, siya 'yong tipong may gustong ipagawa pero hindi nagawa ng taong pinapagawa n'ya. Tsk, umagang-umaga ay napapa-tongue twister na ako."Why that behavior? Ang aga-aga para kang ninakawan ng sampung libo," sita ko.Humaba ang nguso niya, humigpit ang pagkunot ng noo, nanilim ang mukha at kumibit-balikat. Para siyang bakla na nagmamaktol."Hey! Tell me what's your problema? Para ka namang may period eh!' Untag ko.Kinikilig ang kiffy ko sa inaasta niya. Ang cute niya pala kapag totoong nagmamahal. Hindi ko naranasan magkaroon ng nobyo bago ako kinasal pero parang bumalik ako sa pagkadalaga at may nobyong parang mas babae pa umasta."Ang yabang-yabang mo kahapon pero nauna ka pang natumba. Ni isang rounds ay di natin nagawa!" Singhal niya.Hum
Phoenix Lutang akong dumating sa company. I didn't expect that Freya would do that to me. Niyakap, hinalikan at nilagyan ako ng kiss mark sa leeg. Para akong bakla na gustong tumili.If I looked back on the past, I was ruthless to her. I neglected and treated her cruelly. Pero ngayon para siyang ibang tao at puro pa-sweet lang ang alam. Hindi ko inaakala na clingy siya. This is what I missed in the past for being selfish.Tsk! I should move forward and forget it, period."Pet peeve ko talaga ito!" Nagising ako sa nayayamot na boses ni Mikhael sabay hampas ng nirolyo niyang papel sa mukha ko."What?" I yelled out of shock."Damn you, bastard. Why are you spacing out in the midst of the meeting?" Sumbat niya, initsa nita ang mabigat na module sa akin."I'm not spacing out," pabalibag kong rason."Huli ka na sa akto, deny ka pa. Umalis na ang department heads at tayo na lang ang naiwan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang sinabi nila." Umupo siya at sinimsim ang kape. Kahit na malam
FREYANagpa-panic na nanaog ng hagdan si Phoenix nang masalubong ko siya. Nahimatay iyan kagabi matapos kong yakapin. Akala siguro pina-prank ko siya. This man... he always trapped me.Gusto ko ang singkit niyang mga mata, matalim niyang panga at brusko niyang katawan. "Oh, Hi-"Hindi siya tumugon, pero parang naiilang siya na nilampasan ako. Hinabol ko s'ya saka inayos ang necktie niya.Mmm... I can smell it on him-that addictive blend of pineapple, blackcurrant, birch, and bergamot. It clings to him like sin wrapped in silk... sharp, dark, and impossible to forget. Sa hilig ko sa perfume ay halos lahat ng amoy ay kabisado ko na.Nilihis niya ang mukha. Pinigilan kong tumawa dahil namumula ang mukha niya hanggang punong tainga."Sus! Para kang teenager na may crush," kantyaw ko."Ano bang ginagawa mo?" Naiilang niyang tanong.Nilakasan ko ang paghila kaya napapihit siya paharap. "I'm just fixing your necktie. What a big deal?""Ikaw ba talaga si Freya o nababangungot na naman ako?"