共有

7–Witches of my Life

作者: Ysanne Cross
last update 最終更新日: 2025-01-26 23:30:49

FREYA

Lumipas ang limang taon na di ko natatamasa ang sinasabi nilang tunay na pamilya sa piling ni Phoenix. Matapos ang rebelasyon na hindi ako buntis ay tinago namin sa lahat. Malaki ang paghingi ng paumanhin ng mga magulang ko at balak sanan nilang i-annul ang kasal subalit tumanggi si Martino. Ayaw n'yang bigyan ng scandalo ang pamilya niya. Kaya pinilit nila akong tanggapin sa pamilya nila.

Sinikap ko maging isang mabuting asawa. Sinakripisyo ang lahat lalo na ang talento kong mag-bake at kumutingting ng diy crafts. Buong puso kong inalay ang atensyon sa pamilya ni Phoenix.

Subalit, gaya ng sinabi niya'y di niya ako minahal o binigyan ni katiting na atensyon. Sa limang taon ko sa manysong ito ay tatlong beses ko lang nakikita ang taong ito, minsan nga hindi pa. Kilala siya bilang adik sa pangungolekta ng iba't ibang uri ng sasakyan may pa-vintage car man o bagong labas. Lagi siyang abala at nasa abroad. Madalang ko siyang nakakausap at puro hi at how are you lang ang usapan namin
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • How to Tame the Beastly Husband   42—I'm a Suitor

    PHOENIX "Walang hiya ka!" hiyaw ni Freya.Hinayawan niya ako ng malakas na sampal sanhi para tumagilid ang ulo ko. Nakuha ko pang ngumisi sa nakatulalang mga anak ko. Ayokong masaksihan nila ito pero wala akong choice."Mama, you're bad. Y-You hurt, Papa!" hiyaw ni Aiyanna Dame."Yes, bad si Mama!" Sinugod siya ni Alec Jacob at pinaghahampas ito sa binti. Umupo ito para pantayan at pinigilan ang kamay."I'm not bad. Your Papa is bad!" aniya.Napatawa ako ng malakas maski masakit ang kaliwang pisngi ko. "You're Mama didn't hurt me. She just expressed her love to me since it's been a long time we didn't see each other," nakakalokong paliwanag ko.Naniwala naman sila. Nilagay ni Aiyanna ang dalawang nakakuyom na kamay sa ilalim ng baba at kumikislap ang mata tumingin sa akin. Samantala kunot ang noo pinanlisikan ako ng tingin ni Alec. "She just misses me," sabi ko pa."But... it's seems s-she don't like to be kissed," nalilitong bulong ni Aiyanna."No, she was shock—""That's enough!"

  • How to Tame the Beastly Husband   41–Punishment

    PHOENIXDumilim ang paningin ko na para bang sinapian ako ng demonyo matapos makita si Grey at Freya na nagyakapan."Who the hell told you to touch what's mine? At ang kapal ng mukha mo pumasok dito!" Bulyaw ko. Parang luluwa ang dibdib ko sa lakas ng tibok at init na init ang ulo ko habang binabagskan siya ng malalas na suntok sa mukha."Phoenix! Ano ba? Tama na!" Nagdedeliryong at nanginginig na boses akong inawat ni Freya. Binalewala ko siya. Tinulak ko siya nang subukan niyang hawakan ang siko ko. Sa lakas ng tulak ko ay napaupo siya sa sahig at nabitawan ang paper bag niya. Naglabasan ang mga bilog na laman non. I felt sorry, but I can't let go of Grey.Hinala ko patayo si Grey, saka nakawala siya at ginantihan ako ng suntok. Para kaming nasa UFC finals na nagbakbakan. Gusto kaming awating mga gwardya pero hindi sila makabwelo.Umubo ako nang sinuntok niya ako sa tyan, napahawak ako doon at ngumisi sa kanya."Wala akong masamang intensyon sa Ex-wife mo!""She's not my ex-wife. B

  • How to Tame the Beastly Husband   40—He's an Engineer

    FREYA "Sa susunod na linggo uuwi ka d'yan. We will personally apologize. Minumulto na ako ng konsensiya ko. At sa iyo rin anak sana mapatawad mo rin kami," seryosong pahayag ni Dad. Pinahiran niya ang luha sa gilid ng mga mata.Diniin ko ang paglapat ng mga labi. "Matagal ko na kayong pinatawad, Dad. May mga bagay na kahit ayaw nating mangyari ay nangyayari talaga," wika ko saka humugot ng malalim na hininga," mas mabuti pang isipin natin ang future at i-enjoy ang present. Gaya ng sinabi ko kalimutan na natin ang nakaraan."Sumilay ang ngiti na puno ng pag-asa sa labi nila."Kailan lang dumating d'yan si Felix?"Nasa Pilipinas siya sa last week tapos nasa Switzerland na, ganyan ka in demand ang talento ng kakambal hindi gaya ko na natingga at mag-uugat na lang sa mansyon ni Phoenix."Kahapon. Wag mong kalimutan ang birthday ni July ha. Malapit na ang July 10," si Mom ang sumagot."Iniisip ko na isorpresa siya. Gusto niyang mag-cruiseship tour, 'di ba? Wi-withdraw-hin ko 'yong excess

  • How to Tame the Beastly Husband   39–Ruined

    FREYANAKAHINGA na ako ng maluwag. Umalis ako sa massage chair at nag-stretch ng katawan. Bahagyang natangal ang stress ko subalit nililikot pa rin ako ng utak ko na umalis sa lugar na 'to.Mag-iisang buwan na kami sa mansyon ni Phoenix at nakakabagot. Para akong mongha na bawal lumabas ng bahay. Hanggang ngayon nasa house arrest ako at hindi ko alam kung kailan ako binigyan ng parol.Balak kong kausapin si Phoenix tungkol sa plano ko magbukas ng branch ng pastry shop sa Manila. Sana payagan ako kasi nakakabagot na. Dumiretso ako sa kusina, binuksan ang refrigerator at kinuha ang paborito kong dessert–ang New York Cheesecake.Ninanamnam ko 'yon nang lumitaw si Phoebe, salubong ang kilay. May hawak siyang cellphone. "Naiwan mo kanina sa garden. Mabuti na lang talaga nakita ko at napansin ko rin na marami kang notification after ko buksan ang wifi.""Thank you," tipid kong sagot saka kinuha sa kanya ang cellphone.Sandali kong binuksan at nag-scroll. Ngumuso ako dahil puro notification

  • How to Tame the Beastly Husband   38–Wasted

    PHOENIX"Hey! Kanina pa ka pa ngumingiti d'yan. Maya-maya mapupunit iyang bibig mo!" Natauhan ako nang umugong ang nayayamot na boses ni Nicola. Malakas niyang tinapik ang balikat ko saka tinulak ako.Nasa KTV bar kami ng kaibigan ni Beaumont. Dinali kami rito dahil relaxing daw kaysa sa Disco Night Club na puno ng mga bangag at lulung sa alak. Sapagkat kami'y matanda na kaya nararapat kami rito. Tsk! 35 pa lamang ako... ang sama talaga ng tingin ng mga Gen Z ngayon. "Ano ba problema mo?! Ba't di ka na lang umuwi sa mag-ina mo kesa mambwesit sa akin!" singhal ko. Inayos ko ang sarili matapos kong umigtad sa kinauupuan ko.Tumaas ang dulo ng labi niya sabay turo sa dulo ng KTV. "Hindi mo ba nakikita ang isang iyon? Malala pa 'yan sa bodyguard ko kung makabantay." Tinuro niya si Chandria—ang asawa niyang mabilis mapikon—na nakikipagkwentuhan sa asawa ni Mikhael. Nandito kami magpipinsan maliban kay Kendrix dahil may problema sila ni Elara. Nandito kami para i-celebrate ang Father's da

  • How to Tame the Beastly Husband   36–Family Gathering II

    FREYA XYLLANilipat ko ang tingin kay Phoenix. Abala siya sa pagsubo ng pagkain kay Aiyanna. Nararapat talaga sa kanya ang titolo best dad in the world. "Pwede bang pumunta ng banyo, saglit?" lisensiya ko. "May masakit ba sa iyo?" tila nag-aalala niyang tanong.Pinipigilan ko ang pagbaligtad ng sikmura ko dahil sa nakakalunod na tensyon sa loob ng dining room. Gusto kong lumanghad ng sariwang hangin—rason ko lang ang pumunta ng banyo—ang totoo ay gusto kong maglakad-lakad sa hardin, tutal patapos na kami sa pagkain. Mabuti na umalis ako rito kasi parang hindi ako welcome.Malakas akong napabuntong hininga nang makaapak sa hardin. Sariwa, malamig at presko ang hangin sa gabing ito. Tamang-tama para ma-relax ko ang mga kaugatan ko na kanina pa tensyonado sa pangyayari.Wow! Para akong nanaginip dahil nagkaroon ako ng lakas ng loob na muling umapak sa pamamahay na ito. Tama iyong sinasabi nilang kainin mo ang sinabi mo.Umupo ako sa rocking chair na nandoon. Sumandal at tumingala sa lan

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status