Share

6–Unwanted

Author: Ysanne Cross
last update Last Updated: 2025-01-21 22:33:32

FREYA

"How dare you?!"

Isang malutong na sampal ang ginawad sa akin ni Larica. Umikot ang ulo ko sa kanang direksyon habang tutop ang namamagang pisngi ko. Ilang sandaling tumigil ang mundo sa eksenang ito. Nakakabingin ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Hindi ko alam ang dapat gawin.

Kaso huli na ang lahat. Nalaman niyang hindi ako totoong buntis. Nasa kamay niya ang ebidensiya.

Pinigilan ko ang umaabang na mga luha sa aking mga mata. Nabablangko ang utak ko sa maaaring pwedeeng ipaliwanag. Nanghina ang mga tuhod ko. Gusto ko na lang matunaw.

"Paano niyo kami niloko ng ganito?! Plano ba ito ng ama mo?" Hinila niya ang buho ko. "Come here! Sasabihin ko sa lahat ang kalaspatangan mo!"

"H'wag po! Maawa po kayo!" pagsusumamo ko.

Lalo niyang nilakasan ang paghila. Anumang oras ay matatanggal ang buhok ko sa aking anit. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi ko 'to palalampasin. Pagbabayaran mo ang panloloko niyo!" Matalim na bulyaw niya.

Kinagat ko ang ibabang labi. Gusto kong lumaban subalit natatakot ang sistema ko. "Hindi ko kayo niloloko. Nagkamali lang ng akala si Dad!"

"Pareho lang kayong manloloko! Paano mo nagawa sa isang prominenteng pamilyang ito?" Kinaladkad niya ako patungo sa sala habang walang humpay sa pagmumura ng masasakit sa akin.

Tinapon niya akong parang isang sako ng basura sa sahig. Lumapasay akong luhaan, sumisikip ang dibdib at hirap na hirap makahanap ng irarason para maniwala siya. Hindi lang siya kundi silang lahat.

Tutop ang dibdib na dumating si Marica, may mga curlers pa ito sa buhok. "W-What happened, Mom?" Nalilito niyang usisa.

"It's a long story, but your brother must know about this as soon as possible!" Deklara ng nanay niya.

Humihingal ako sa sobrang takot at kaba. Di na alam ang dapat gawin ngayon. Wala ring pagkakataon para tumakas. Huli na ang lahat, haharapin ko na lamang ang impyernong ito.

"Nasaan ba ang kuya mo?" Mataman niyang tanong sa anak.

Tinaas ni Marica ang magkabilang balikat. "Ewan," tinatamad nitong tugon.

"Ano'ng nangyayari dito?" Sumulpot ang isang dalaga, naka-pony tail siya at nakasuot ng pan-jogging na damit. Sa palagay ko siya si Penelope.

I can't believe it. Kasama naming nakatira ang mga taong ito. Bumukod nga si Phoenix pero nasa poder pa rin siya ng pamilya niya. Bilyonaryo siya pero nakatira siya sa bahay ng mga magulang niya. Unang beses ko lang nakita si Martino Henderson pero nasindak ako ng husto sa mala-dictador niyang hilatsa. Si Lord na ang bahala sa kakahantungan ko ngayon. Sa mga kamay na nila ang buhay ko at reputasyon ng pamilya ko.

"Wala kang pakialam dito, Pen. Problema nilang mag-asawa ito," asik ni Larica.

Tinirik ng dalaga ang mga mata niya. Kumibit balikat siyang tinalikuran kami. Gusto ko siyang tawagin para humingi ng tulong pero baka parehas lang siya sa babae sa harap ko.

"Paano mo ba maipapaliwanag ang kasinungalingan mo?" Dinutdut niya ang pregnancy test sa noo ko.

"Matagal ko nang gustong isiwalat ang katotoohan pero hindi ko magawa dahil natatakot ako. Maawa po kayo, Ma'am. Biktima din ako."

Pumailanlang ang malakas niyang halakhak sa buong sala. Nalilitong lumapit ang anak niya sa kanyang tabi. "Ano'ng pinagsasabi niyan, Mom?"

Siniko niya ito. "Isa ka pa, hindi mo ba ito nahahalata, " pinakita nito ang hawak na PT, "nagsinungaling itong buntis para pagperahan si Phoenix."

Dismayadong pumalatak ang anak niya. Madilim niya akong tinignan ngayon.

"Hindi totoo ang sinasabi niya!" Giit ko. Natatawa ako sa isip-isipan ko. Kaya kong magkapera na hindi kailangan ng mayamang asawa. I'm an independent woman, I can earn six digits as a reseller, promoter, and baker. They have no right to accuse and underestimate me like that.

Kinuyom ko ang mga kamay. Naiinis ako sa sarili sa pagiging marupok ngayon. Ito ang kahinaan ko tuwing may umaapi at umaapak ng dignidad ko. Wala talaga akong kakayahang lumaban. I'm still a crybaby under my mother's skirt. Kulang na lamang ay tumakbo ako sa bahay ngayon.

"Kung hindi totoo? Ano'ng pakay mo? Halos lahat ng babaing lumalapit dito at magpakilala na binuntis sila ni Phoenix. Mabuti na lamang ay nalalaman naming scam sila. Ikaw ang unang nakalusot at ginamit pa ang pamilya mo. Ang galing niyong um-acting. Nakakahiya ang pamilya niyo!" Sinigawan niya ako sa mukha. Kinatatakutan ko na baka duraan niya ako.

Pinakawalan ko ang kanina pang lumilikot na mga luha. Gumapang ito sa aking pisngi. "Wala akong ginagamit dito! It was all a misunderstanding!" Rason ko.

Akala ko ay makakalusot ako pero sinampal niya ako. Isang malutong at makirot na sampal, ramdam ko ang pagmanhid ng pisngi ko. Hinipo ko gamit ang nanginginig na kaliwang kamay.

"Pagpapatuloy mo. Mapuputalan ka ng dila," nangagalaiti niyang banta. Sinabutan niya ako para matignan siya sa mukha. Binuka ko ang bibig habang inaanda ang kirot. Parang sinasaksak ako ng maraming thumbstack sa anit.

"Argh!" tanging ungol ko. Walang humpay akong tahimik na humihikbi.

"Pagbabayaran mo ito babae ka! Sinira mo ang reputasyon ng pamilyang ito!" Malakas niyang sigaw na parang niyanig ang buong mansyon. Napansin kong gumiwang ng kaunti ang chandelier. Hinampas niya ang ulo ko sa sahig. Akma siyang sabunutan ulit ako nang may sumigaw na malalim at lalaking boses.

"What's all this about?" Nasa tono nito ang magkahalong lito at gulat. Mabilis na lumapit si Martino Henderson sa amin na sinundan ng kanyang anak na si Phoenix.

Nasisindak itong dilat ang mga mata. "Why are you abusing her? You know, she's my wife. You have no right to hurt her like that! I can sue you!"

Pero bago siya tumakbo palapit sa akin ay binato sa kanya ni Larica ang pregnancy test ko. Dinampot agad niya pero nalilito siyang ngumingiti. "Ano'ng kalokohan naman ito?"

"She's faking everything!" Deklara ng madrasta niya.

Mapakla na tumawa ang binata. Kumunot ang noo ng ama niya. Nakakuyom ang mga kamay nitong lumapit sa kanya para tignan ang hawak nito.

"Gusto niyong ipalabas na hindi siya buntis para isabotahe ang pagpapakasal ko sa kanya? Hindi ako tanga, mom. Isa ba ito sa scheme mo para ipagduldulan niyo ang mababang lipad niyong anak sa akin," namumugto ang bagang na saad ni Phoenix. Pinalisikan niya ng tingin si Marica na napaatras ng kaunti.

Saglit akong guminhawa. Umaasa akong maniniwala si Phoenix, na iba siya sa lahat. Kahit na hindi niya ako mamahalin basta alam niya ang tama at mali at kaya niya akong protektahan.

"I never scheme you, son. I'm telling you the truth! This woman is a gold-digger. She used her family to decieve you," pangungumbinsi ng madrasta nito. Mainit pa sa nakatirik na araw ang tingin niya sa akin. "Nalaman ko ngayon araw no'ng pumasok ako sa room niya at nakita ko ang PT na iyan. Akala niya siguro matatago niya ang sekreto niya."

Nagbago ang ekspresyon ng asawa ko. Bumaling siya na may apoy sa mga mata. Naniwala ba siya? Natatakot ako. Nanginginig ang katawan ko sa posibilidad na kamumuhian niya ako. How can I explain everyhing?

"Enough, Larica. You shouldn't act like this. Wala kang karapatan panghimasukan sila!" Saway ni Martino. Lumapit ito para hilain ang braso ng asawa.

"Concern lang ako sa anak mo. Ayokong magising siya isang araw na hinuhuthutan ng pera ng babaeng ito. Baka nga siguro nagpapanggap na Hernaez iyan para maging authentic ang panloloko nila. Her parents look like a con-artist, you know," rason niya na parang nagda-drama. Lumambot ang ekpresyon ng asawa niya.

"Tama po si Mom, dad," segunda ni Marica.

"Shut up!" Her step-brother yelled at her.

Mistulang asong ulol na tumahimik ito sa likod ng nanay nito.

Yumuko ako. Hindi ko na ma-carry ang nag-uumapaw na sakit, lungkot at takot. Mas mabuting sasabihin ko ang totoo kesa parusahan ako sa mali-maling akala nila. Pinanganak ako ng tapat ng mga magulang ko kaya honesty is the best policy. Dadaan lang ito ng parang hangin, matatapos din subalit hindi ko na maibabalik ang tiwala nila.

"I'm sorry," anas ko. Pinanood ko ang mga luhang nag-uunahan na tumutulo sa sahig. "Kasalanan ko ang lahat ng ito. H-Hindi ko s-sinasadya. G-gusto ko sanang pigilan si Papa pero nagmamatigas siya. P-Patawarin niyo ako."

Naramdaman kong humakbang palapit si Phoenix sa kinauupuan ko. Sandali siyang huminto bago ako binuhat na parang sako. "Aayusin namin mag-asawa 'to," sabi niya bago kami tumungo sa kwarto niya.

Binaba niya ako sa shower room. Binuksan niya at ini-spray sa mukha ko. "Gumising ka, Freya. Pinaiikot ka lang ng babaeng iyon. Sabihin mong buntis ka at ako ang ama ng anak mo."

Lalo akong umiyak. Muntik ng mapupugto ang hininga ko sa kawalan ng hangin sa loob. Matigas akong umiling kasi ayokong magsinungaling. "P-Patawarin mo ko."

Huminto siya. Nayayamot siyang pinihit paharap ang mukha ko nang kiniling ko sa kabilang direksyon. "Wala kang dapat ikahingi ng tawad dahil hindi totoo 'yon."

Humikbi ako. "I'm sorry," anas ko saka tinakpan ang bibig.

"Stop it! Don't act like a child! Hindi ka dapat magpatinag sa babaeng iyon!" Bulyaw niya sa mukha ko.

"Totoo lahat ng sinabi niya. Sa akin ang PT na iyon. H-Hindi ako buntis, false alarm lang iyon, nagkaroon lang ako ng acidity at nagkamali si Papa. Please patawarin mo ako."

Parang kinidlatan siya sa reaksyon niya. Hindi siya makapaniwalang tiningnan ako ng ilang sandali. Humugot siya ng malalim na hininga nang matauhan. Lumayo siya siya, tinalikuran ako. Aalis na sana pero nagsalita ako.

"Pagbabayaran ko ito, Phoenix. Gagawin ko lahat ng gusto niyo, huwag niyo lang akong patalsikin sa pamilyang ito. Hindi ko kayang mapahiya ang pamilya ko," pakiusap ko.

Sa di ko nalamang pagkakataon ay sinuntok niya ang pader sa likod ko. Dumugo ang kamao niyang pinalisikan ako ng tingin. Kulang na lamang ay masusunog ako ng apoy sa kanyang mga mata. "You're insane! Hindi mo alam ang damage na ginawa mo. Ayaw ko sanang maniwala sa madrasta ko pero ikaw na mismo nagsabi. Dismayado ako. Kombinsido ako na nakabuo tayo no'ng may nangyari sa atin pero palabas mo lang ang lahat." Kumuha siya ng hangin bago nagsalita ulit. "Tatanggapin kita sa pamilyang ito, itatago natin ang rebelasyong ito pero hindi ko maipapangako na tratuhin ka ng maganda ng bruha kong madrasta at h'wag kang umasang poprotektahan o i-prioritize kita dahil simula't sapol wala akong gusto sa'yo. Pwede kang umastang asawa ko sa publiko ko pero wala kang karapatan bilang asawa ko."

Tinalikuran niya ako. "Hindi ako nagmamahal ng manloloko. Kaya tandaan mo ito, bawal na bawal mo akong disturbuhin at off limit ka sa akin. Hayaan mo akong i-enjoy ang buhay ko na wala ka. Just play as a good wife," huling habilin niya bago siya tuluyang nawala.

Dumaus-dos ako paupo habang umiiyak. Ito na ang simula ng kalbaryo ko. Sa sumunod na araw, nagulat ako nang bigla akong sinabuyan ng gatas sa mukha ni Larica matapos rumeklamo si Marica na panis iyon. Ginawa nila akong katulong ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • How to Tame the Beastly Husband   48—Rocking Chair

    PHOENIX BLAKE HENDERSONAfter long hours of travel, dumating kami sa wakas dito sa Villa Cresent. Ang kauna-unahang bahay na pinagawa ko mismo ayon sa blueprint ko. Isang antikong proyekto ng lolo ng mga Henderson. Iyon ang pinamana niya matapos s'yang mamatay. Binigyan niya ako ng lupa sa bagyo at dito ko patatayuin ang pinapangarap n'yang Villa. Pinangako kasi ni Lolo na bibigyan niya ng mana ang lahat ng legitimate na apo.Nakatanggap ng beach resort si Kendrix, rancho naman kay Beaumont, isang abandonadong building kay Nicola-isa ng lending company ngayon, at hindi tapos na building naman kay Mikhael-isa ng H Tower ngayon. Hindi lihitimong apo si Mikhael pero naibigay na ito sa kanya bago sumabog ang balita na fake s'ya. Gayunpaman, tinanggap namin siyang parang tunay na pinsan.Hindi man kami magkadugo pero andyan s'ya palagi para tulungan ako....Makulimlim ang panahon nang dumating kasi sa Bagiuo. Pinagpahinga ko muna ang mag-ina ako. Nasa veranda ako nang tumunog ang cellphon

  • How to Tame the Beastly Husband   47–Unexpected Trip

    Phoenix"What do you think you're doing, Phoenix?" Nagising ang diwa ko nang umugong ang boses ni Freya.Lumipas ang isang linggo buhat no'ng birthday ng anak ni Mikhael. Sana sapat na 'yon para magustuhan ng kamag-anak ko ang aking asawa. Kung ayaw niya, problema na nila. Balik-baliktarin man ang mundo ay si Freya pa rin ang pipiliin ko."Hey! I'm asking you what you are—"Tinakpan ko ang bunganga niya. Naabutan n'ya kasi akong nililigpit ang gamit ko. Hindi ako literal na lalayas, gusto ko lang mag-unwind sandali. Nahuli kasi namin ang salarin ng pagsasabotahe ng Villa Freya project ko."Don't worry, hindi ako lalayas. May pupuntahan lang tayo," mabilis kong usal, hindi ko alam kong naintindihan niya.Kumawag siya't tinulak ako sanhi para mabitawan ko ang bibig niya. "Tayo?—" nalilito niyang tanong. "Ano'ng ibig mong sabihin?""Aalis tayo," nababagot na pakli ko."Aalis?""Freya!" Nauubusang pasensiyang saway ko. Saglit ko siyang tinalikuran para isarado at ibaba ang luggage ko."Pu

  • How to Tame the Beastly Husband   46—His Extended Family

    Naputol ang loving-loving namin nang kinalampag ng kambal ang pinto. Bumaba kami at pinatuloy ang aming magandang araw. Sa sumunod na araw ay may tanggap akong invitation letter galing kay Mikhael Henderson. Ito ang pinsan ni Phoenix at personal na tumutulong sa kanya. Hindi ko gusto ang isang ito dahil parang si Kendrix din ang turing sa akin. Tahimik na pang-aalipusta lang naman pero mas nakaka-bother. I don't know if I attend the birthday party of his second son. Narinig ko rin na buntis sa pangatlong anak ang kanyang asawa. Wala akong masabi kay Althea pero mukha s'yang bossy. Minsan ko na s'yang nakita noong bumalik ako sa puder ni Phoenix pero in-snob lang ako.Initsa ko ang invitation letter sa lamesita ng sala at umakyat. Magliligo muna ako ng maaligamgam para mabawasan ang stress. Napagod ako ng husto sa store ngayon dahil dinagsa kami ng customer. Na-curious yata sila sa brioche na may pistachio fillings, kaya hayun sold out agad. Gagawa ulit ako ng marami bukas.Bino-blow

  • How to Tame the Beastly Husband   45–Sweetness Overload

    TRIGGER WARNING: adult contentPlease escape if you're not comfortableFREYA Tyempong pagdilat ko ng mga mata ko ay ang masamang mukha ni Phoenix ang nasalubong ko. Iyong inaasta niya ay parang batang inagawan ng paborito nitong laruan, ay hindi, siya 'yong tipong may gustong ipagawa pero hindi nagawa ng taong pinapagawa n'ya. Tsk, umagang-umaga ay napapa-tongue twister na ako."Why that behavior? Ang aga-aga para kang ninakawan ng sampung libo," sita ko.Humaba ang nguso niya, humigpit ang pagkunot ng noo, nanilim ang mukha at kumibit-balikat. Para siyang bakla na nagmamaktol."Hey! Tell me what's your problema? Para ka namang may period eh!' Untag ko.Kinikilig ang kiffy ko sa inaasta niya. Ang cute niya pala kapag totoong nagmamahal. Hindi ko naranasan magkaroon ng nobyo bago ako kinasal pero parang bumalik ako sa pagkadalaga at may nobyong parang mas babae pa umasta."Ang yabang-yabang mo kahapon pero nauna ka pang natumba. Ni isang rounds ay di natin nagawa!" Singhal niya.Hum

  • How to Tame the Beastly Husband   44–Price of Jealousy

    Phoenix Lutang akong dumating sa company. I didn't expect that Freya would do that to me. Niyakap, hinalikan at nilagyan ako ng kiss mark sa leeg. Para akong bakla na gustong tumili.If I looked back on the past, I was ruthless to her. I neglected and treated her cruelly. Pero ngayon para siyang ibang tao at puro pa-sweet lang ang alam. Hindi ko inaakala na clingy siya. This is what I missed in the past for being selfish.Tsk! I should move forward and forget it, period."Pet peeve ko talaga ito!" Nagising ako sa nayayamot na boses ni Mikhael sabay hampas ng nirolyo niyang papel sa mukha ko."What?" I yelled out of shock."Damn you, bastard. Why are you spacing out in the midst of the meeting?" Sumbat niya, initsa nita ang mabigat na module sa akin."I'm not spacing out," pabalibag kong rason."Huli ka na sa akto, deny ka pa. Umalis na ang department heads at tayo na lang ang naiwan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang sinabi nila." Umupo siya at sinimsim ang kape. Kahit na malam

  • How to Tame the Beastly Husband   43–Your Nightmare

    FREYANagpa-panic na nanaog ng hagdan si Phoenix nang masalubong ko siya. Nahimatay iyan kagabi matapos kong yakapin. Akala siguro pina-prank ko siya. This man... he always trapped me.Gusto ko ang singkit niyang mga mata, matalim niyang panga at brusko niyang katawan. "Oh, Hi-"Hindi siya tumugon, pero parang naiilang siya na nilampasan ako. Hinabol ko s'ya saka inayos ang necktie niya.Mmm... I can smell it on him-that addictive blend of pineapple, blackcurrant, birch, and bergamot. It clings to him like sin wrapped in silk... sharp, dark, and impossible to forget. Sa hilig ko sa perfume ay halos lahat ng amoy ay kabisado ko na.Nilihis niya ang mukha. Pinigilan kong tumawa dahil namumula ang mukha niya hanggang punong tainga."Sus! Para kang teenager na may crush," kantyaw ko."Ano bang ginagawa mo?" Naiilang niyang tanong.Nilakasan ko ang paghila kaya napapihit siya paharap. "I'm just fixing your necktie. What a big deal?""Ikaw ba talaga si Freya o nababangungot na naman ako?"

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status