"Miss Purisima, hindi ka ba tinuruan ng proper attire na pang opisina? ano yang suot mo? Mix and march ka ba kay mcdo? ang buhok mo, kelan ka ba huling nagsuklay, ha?" sita sa kanya ni Miss Coleen, ang bago niyang bisor. Isang linggo pa lang simula noong makaencounter niya ito, maraami agad itong puna sa kanya. Kesyo hindi daw ata siya naliligo, hindi niya ata nilalabhan ang kanyang mga isinusuot.Dahil ipinanganak siyang mahaba ang pasensiya, hindi niya na lang ito pinapansin, lahat ng masasakit na salita nito ay labas lang ng labas sa kabilang tainga niya."Hoy, kinakausap ka ni Miss Coleen, nakakahiya ka talaga" sulsol dito nina Arcelli, "Wala ka bang bibig?""Para talagang abnormal tong si Jillian," sabi pa ni Eunice, "hoy, kinakausap ka.""Nagti--tipid po kasi ako ma'am. Gusto ko pong magmasteral.""Wala akong paki sa kung ano ang gusto mo! yung gusto ko ang gawin mo!""Yaaaan.. sabi na sayo, wag kang masyadong mapapel. Buti nga sayo," magkasabay siyang iniwan nina Arcelli at Eun
Hindi siya makapaniwala sa ipinagtapat ng babae sa harapan niya. Hindi maaari. Hindi siya papayag ng ganoon na lang."Si--sigurado ka ba?" nauutal siya magsalita dahil sa labis na shock."Oo, galing na ko sa doctor kanina. Hindi ko rin akalaing mangyayari sa akin ito. Paano ako?" nangingilid ang luha nito.."Baka naman hindi sakin yan. Baka may iba pa, bukod sakin?" hindi niya alam kung patanong iyon o para saan ang sinabi niyang iyon, basta ang alam niya, hindi pa siya handa. Paano na ang mahal niyang si Danica? baka magalit sa kanya yun."Hindi ako kaladkaring babae, Mac, o kung Mac nga yang pangalan mo!" wika nito sa kanya. "Hindi naman ako mag isang gumawa nito, magkasama tayo hindi ba?" "hindi nga ako sigurado kung sa akin yan. Saka, may mahal na akong iba, ano ang sasabihin ko kay Danica kapag nalaman niyang magkakaanak ako sayo?" hindi na rfin niya malaman kung ano ang gagawin niya. "Kasalanan naman niya yun hindi ba? hindi ka niya sinipot. Kung dumating siya, hindi sana ako
Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Iba ang kwartong iyon, hindi siya doon nakatira. Masakit ang kanyang ulo at kanyang katawan. Noon niya lang naisip na naaksidente pala siya. Agad niyang hinawakan ang kanyang tiyan. Umiyak siya sa pag aakalang nawala ang kanyang baby. "Hija," boses ng isang matandang babae ang nagpagulat sa kanya lalo pa ng hawakan siya nito. "Sus maryosep! Lord!! Lord may multo!!" napapikit siya habang nananalangin. "Hija, totoong tao ako," sagot nito sa kanya. "Paa--paano po ako napapunta dito?" tanong niya sa matanda. "Muntik na kitang mabangga, buti na lang, magaling magpreno ang driver ko kaya hindi ka nasapul. Bakit ka kasi humahangos? bigla kang tumawid." wika ng matanda. "May tina--" "Good afternoon po," bati ng doctor.'Doc, kumusta na po siya?" tanong ng matanda sa doctor."Okay naman po siya madam. Pati po ang baby niya ay safe," nakangiting sagot nito."Buntis ka hija?" nanlaki ang mga mata ng matanda, "naku, mag iingat ka, mabuti na
"Anong ginagawa mo dito!?" singhal niya kay Mac."Ikaw, ano ang ginagawa mo dito? bakit mo ako tinakbuhan?" paangil na tanong nito sa kanya."Teka, magkakilala kayo?" naguguluhang tanong ni lola Liz."Opo!" sagot niya."Hindi no!" tugon ni Mac."Ano ba talaga? ang gulo niyo!" sagot ni lola Liz sa kanila."Lola. naalala niyo po yung ikinukwento kong lalaki sa inyo?" tanong niya sa matanda."Yung tatay ng dinadala mo?" nakakunot ang noo ng matanda, saka nanlaki ang mga mata, "apo ko ang batang yan?" binalingan nito si Mac, "walanghiya ka Mckenzie! anong kalokohan ang ginagawa mo ha? hindi kita pinalaking ganyan!""Lola.. lola--- magpapaliwanag ako," habang sinasalag nito ang mga palo ni lola Liz."Napakawalang hiya mo talagang bata ka! anong kalokohan ang naisip mo at basta ka mambubuntis tapos ipapalaglag mo ha!?" tinamaan sa ilong si Mac bago napaupo, "anong ginagawa mo ha? bakit gusto mong ipalaglag ang anak niyo ha?""Lo--lola.. baka- baka hindi--aray!! araaay!!" piningot itong itin
"Lola Liz, hindi niyo na po kailangang pilitin si Harvy na pakasalan ako. Okay lang naman po ako," sabi niya sa matanda."No, walang Sandoval na magiging anak sa labas. Sigurado akong sa apo ko yan. Kaya kailangang pakasalan ka niya." giit ng matanda."Pero totoo naman po ang sinasabi niya na- aksidente lang po ang lahat." napayuko pa siya habang nagsasalita."Kahit aksidente yan, sinundot ka pa rin niya. Ayaw niya pala ng responsibilidad, gumagalaw siya ng babae tapos pag nagbunga hindi niya pananagutan? Hindi ako papayag. Kailangan panagutan ka niya, hindi pwedeng agrabyado ka.""Hi--hindi pp papayag yun lola," napakagat siya sa kanyang pang ibabang labi."Maniwala ka sakin, babalik yan dito para makiusap at pumayag sa gusto ko. Kilala ako ni Mckenzie, tinutupad ko kung ano ang sinasabi ko.""Papasukin niyo ko!!!" narinig nilang oarang may kumosyon sa labas. "Lolaaaa!!! mag usap tayo!! you can't do this to me!!""Si Mckenzie po ata yun lola," napabalikwas siya ng bangon."Hayaan mo
Gusto niyang daklutin ang babaeng nasa harapan niya at ibalibag ito sa buong kwarto. "Anong gayuma ang ipinakain mo sa lola ko ha? bakit kamping kampi siya sayo?""Malay ko. Nagtanong lang siya sakin, sumagot lang ako." sagot ng babae, "saka hindi ako mangkukulam no. ""Ayusin mo ang mga ginagawa at sinasabi mo Jillian Ang pag uusapan lang natin ay tungkol sa bata," sabi niya dito. "Bakit ayaw mong ipaalam sa iba na asawa mo ko?""Bakit ikaw? gusto mo?" balik tanong nito sa kanya, "ikaw ang binibigyan ko ng pabor dito.""Sige, isekreto na lang natin na mag asawa tayo." sagot niya habang nakahawak sa baba. "pero hindi tayo magsasama sa kwarto." "Wala naman akong paki, kung hindi lang dahil sa ipinagbubuntis ko, hindi kita pakakasalan." inirapan pa siya ng babae. "Wag kang mag alala Jillian,. yan din naman ang nararamdaman ko. Ano ka, GOLD? ni hindi ka nga pumasok sa standards ng gandang gusto ko, tapos kung makapagsabi ka sakin na kung hindi dahil sa bata hindi mo ko pakakasalan? kon
May nakapasak na tissue sa kanyang ilong. Sa lakas ng pagkabatok ng lola niya sa kanya, dumugo na naman ang ilong niya. Ngayon lang ulit siya nasaktan ng matindi ng lola niya. At iyon ay dahil sa babaeng ito. Nanininingkit talaga ang mata niya pag napapatingin siya kay Jillian, pero wala naman siyang magagawa, may kasalanan din naman siya.Binilinan ng lola niya na bantayan nina Max si Jillian dahil baka makalapit daw siya dito. Natatakot ata ang mga ito na kung ano na naman ang gagawin niya. Nagsettle ng bill ang lola niya kaya naiwan silang dalawa. Nakapikit si Jillian. Napakasarap nitong tabihan, sabay tabon ng unan sa mukha nito! nagiging kriminal na ang isipan niya ng dahil sa babaeng ito. Parang mas gugulo ang buhay niya dahil dito.. Parang nawalan na siya ng karapatan sa lola niya. Sa isang iglap, inagaw na nito ang lahat.Gusto niyang yakapin ang babae, hanggang magkulay violet. Kahit wala itong ginagawa sa kanya, ang inis niya dito ay abot hanggang langit. Kung nakakasaksak
Muli, meron na naman silang surprise exam. Hindi na siya bumaba, pinanood na lang niya ang pamimigay ni Elmer ng papel. Madami palang bobong empleyado sa departamentong iyon at umaasa na lang sa ibang kasama sa pagtatrabaho. Halos mangalahati na lang ang nga ito. Naririnig niya sa mic ni Elmer ang sinasabi ng mga ito."Ang swerte naman ni Jillian, naliligtas sa exam," sabi ni Arcelli."Oo nga, laging wala eh," susog ni Eunice."Gusto niyo, baguhin natin ang exam?" suhestiyon ni Elmer, "para makabawi kayo kay Jillian?""Sige sir! paano?" tanong ni Arcelli."One is to all" itinaas pa ni Elmer ang kamay."Paano yun sir?" tanong ng mga ito."Si Jillian, ay lalabanan niyo isa isa, sa pagtatype, pag gawa ng page, pag gawa ng website ganyan, okay ba yun? ang makakatalo sa kanya, mananatili, ang lahat na matatalo niya, paaalisin, para naman fair ang labanan hindi ba?""Pero sir, magaling siya dyan!" reklamo ni Eunice."Kaya nga! alam niyong magaling na yung tao, bakit pa pagiexamine? ano to,