Share

Chapter 22

Hailey Borromeo

Umihip nang pagkalakas-lakas ang hangin habang ako'y naglalakad sa gitna ng kalsadang nababalutan ng dilim. Hindi ko batid na masama pala ang lagay ng panahon ngayon kaya heto’t sawing palad at lupaypay ako habang patuloy sa pagtahak ng daang walang patutunguhan.

Ang bawat tao sa paligid ay pawang mga nagkukubli sa loob ng kanilang mga tahanan. Hindi nila alintana ang lamig sapagkat may init na dumadahop sa kanilang katawan. Hindi gaya ko, ni walang masilungan.

Patuloy ako sa paglilibot sa madilim na daan. Tanging langitngit lamang ng mga kawayan sa aking bandang tagiliran ang iyong maririnig. Magugulat ka rin sa kaluskos ng mga dahon sa puno na pawang nagbabadya ng piligrong darating.

Sa aking pagbagtas sa daang karima-rimarim, ang mga yabag ko'y nagmistulang mabigat. Bigla akong kinilabutan ng mapadako ang aking tingin sa may puno ng kawayan na tatlong magkakadikit, isang babaeng nakaputi ang kumakaway sa akin. Nagsitaasan ang laha

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status