Share

Chapter 23

Caelum Marasigan

Sa pagtudla, huwag mabahala. Hindi ka maaaring maawa sapagkat siya ay madaya. Buhay ay giginhawa kapag misyon ay naisagawa na. Kaya huwag magpabaya, kalaba'y taningan na.

Hindi maaangkin, kung hindi mo nanaisin. Kakayahan ay aanhin kung ito'y hindi mo gagamitin. Kaba ay balutin, lumuhod at manalangin. Ika'y diringgin, pag-ibig sa kapwa'y pagyabungin.

---

Ako'y sawang-sawa na puro pagpasok na lang lagi sa eskuwela. Wala rin lang namang kuwenta at ang kanilang tinuturo ay paulit-ulit pa. Marahil ako'y naaalibad-baran pa na makita ang mga kaklaseng matsura.

Mga gurong nagbibigay dunong ay pasakit sa mga kaklaseng nagmamarunong. Hindi naman masagot ang iyong tanong. Marapat lang na sila'y pakainin ng talong.

Mga literaturang nakakadugo ng ilong, sa utak ko'y parang mga tipaklong. Sa tainga nama'y parang bubuyog na bulong nang bulong. Aklat at panulat sa aki'y nakakandong. Kaya utak ko'y paikot-ikot na parang isang gulong.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status