Share

Chapter 21

Arvee Cruz

Pagmulat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang mga apparatong nakasaksak sa aking katawan. Nakagapos ako sa isang matigas na higaan na para bang pag-e-experimentuhan. Nawindang ako nang makita ko ang isang lalaking may hawak na ineksyon sa 'di kalayuan. Kinabahan ako bigla, tumibok nang pagkabilis-bilis ang aking puso.

Kinislot-kislot ko ang aking katawan ngunit hindi ko magawa. Ang katawan ko'y parang patay, hindi ko maigalaw. Nais ko ring magsalita ngunit hindi ko maibuka ang aking bibig. Ano ang ginawa niya sa akin?

"Mabuti naman at gising ka na, Arvee," bungad niya sa aking harapan sabay ngiti na nakakaunsyami. Itinaas niya ang ineksyong hawak at unti-unting inilapit sa akin.

"Kung hindi ka mapupunta sa akin, sisiguraduhin kong hindi ka mapupunta sa kaniya…" turan niya habang humahalaklak na parang tinakasan na ng bait. Kamukatmukat ko, isinaksak niya na pala ang ineksyon sa aking braso. Tumirik bigla ang aking mata, nangingisay

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status