Sana'y nagustuhan ninyo ang update ngayon
NATHALIE’S POV Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Hunter tungkol kay Tita Victoria. Hindi ko sukat akalain na magagawa ni Tita Victoria ang bagay na ‘yon sa aking pamilya nang dahil sa pera. Ang buong akala ko ay kakampi ko siya, lalo pa’t tinutulungan niya ako upang mabuhay ko na mag-isa ang aking kambal. Ang buong akala ko ay kakampi ko si Tita Victoria, siya pala ang ahas sa aming pamilya. At kanina nang sabihin sa akin ni Hunter na gising na si Kuya Gabriel ay nakaramdam ako ng kaligayahan sa aking puso dahil sa wakas ay pinakinggan din ng Panginoon Diyos ang aking dalangin sa kanya araw-araw. Simula nang umuwi ako sa Tayabas ay hindi ko na napuntahan si Kuya Gabriel at laking pasasalamat ko kay Hunter dahil hindi niya pala pinabayaan ang aking kapatid, pero hindi pa rin sapat na dahilan ‘yon para patawarin ko siya. Habang naglalakad kami ni Hunter palabas ng mansyon nila ay magkahawak kamay pa rin kaming dalawa na hindi naman nakalampas sa paningin ng mga kasambaha
HUNTER’S POV Pagkatapos kong sabihin lahat kay Nathalie ang mga nalaman ko tungkol kay Tita Victoria ay Nakita ko sa mga mata niya ang galit at pag-aalala para sa aming anak na si Leila na ngayon ay kasama ni Tita Victoria sa Philippine Heart Center. “Hunter, kailangan natin puntahan si Leila,” sabi ni Nathalie na may kasamang pag-aalala. Tumango ako at ngumiti kay Nathalie. “Yes, Nathalie, pupuntahan na natin ngayon si Leila. But you need to promise me na hindi ka magpapahalata kay Tita Victoria na may alam ka na sa kanya. Baka makakutob siya sa atin,” pakiusap ko kay Nathalie na mabilis niyang tinanguan. “Promise, Hunter, hindi ako magpapahalata sa kanya,” mabilis na tugon sa akin ni Nathalie. Hindi ako makapaniwala na pagkatapos namin mag-usap ay biglang mababago ang kanyang mood, kung kanina ay galit na galit siya sa akin, ngayon naman ay parang ako lang ang kakampi niya. At sasamantalahin ko ang pagkakataon na ito upang muli kong makuha ang kanyang puso. I will do anything
HUNTER'S POV "What did you say, Hunter? Gising na si Kuya Gabriel?" tanong sa akin ni Nathalie na may kasamang pag-iyak. Tumango ako kay Nathalie at ngumiti. "Yes, he's awake. At ikaw ang una niyang hinanap nang magising siya," mabilis kong tugon kay Nathalie na labis niyang ikinatuwa. "Nagsasabi ka ba ng totoo Hunter? O, gusto mo lang ako paglaruan muli?" paniniguro sa akin ni Nathalie. Alam kong nasaktan ko siya dahil sa mali kong akala, pero kahit kailan ay hindi ko tinangka na paglaruan siya. "Nagsasabi ako ng totoo, Nathalie, hindi kita niloloko but for now may gusto pa akong sabihin sa 'yo tungkol sa aksidenteng nangyari sa mga magulang mo," seryosong sabi ko kay Nathalie habang tinitigan ko siya. "Anong meron sa aksidenteng nangyari kina mommy at daddy?" muling tanong sa akin ni Nathalie. Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa kawalan dahil hindi ko alam kung tama bang sabihin ko agad sa kanya ang mga nalaman ko tungkol kay Tita Victoria. Wala akong ibang hinihiling ngayo
HUNTER'S POV Hindi ako papayag sa gustong mangyari ni Nathalie, dahil nasa peligro ang buhay nilang lahat. Kaya kakausapin ko siya nang maayos para i-explain sa kanya na ang gusto ko ay para sa ikakabuti nila. Nang matapos namin na ibaba lahat ang gamit nila ay tinulungan ng gardener namin si Arturo na ipasok ang mga gamit sa loob at inutusan ko naman ang isa namin na kasambahay na ituro kay Arturo kung saan ang kwarto nila ni Aling Nancy. At sinamahan naman ng isang kasambahay namin si Aling Nancy sa magiging kwarto ng aking mga anak. "Nathalie, dalhin ko muna si Edward sa kwarto niya," pagpapaalam ni Aling Nancy kay Nathalie. "Samahan ko na po kayo," magalang na tugon ni Nathalie kay Aling Nancy. Ihahakbang na sana ni Nathalie ang kanyang mga paa nang bigla kong hawakan ang kanyang braso. "We need to talk," seryosong sabi ko na inilingan ni Nathalie. "I don't want to talk to you! Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" pagtutol ni Nathalie na nginitian ko na lang. "I don't
HUNTER’S POV Nang matapos kaming mag-usap ni David ay nag-focus na ako sa aking pagmamaneho at pinili ko na lang ang tumahimik. Dahil alam kong galit lang ni Nathalie ang sasalubong sa akin kapag nagsalita ako. Habang tinatahak namin ang kahabaan ng hi-way palabas ng Quezon ay muling tumawag sa akin si David na naging dahilan upang muling sumimangot si Nathalie. “Yes, David, napatawag ka ulet?” muling tanong ko kay David ng sagutin ko ang tawag niya. “Sir Hunter, sorry po sa istorbo. Gusto ko lang po ipaalam sa inyo na narito na po sa SLEX ang ambulansya na sinasakyan ng anak ninyo at ni Miss del Prado. At nakikipagtalo po sa akin si Miss del Prado na hindi ako pwedeng sumakay sa ambulansya. Sinabi ko po sa kanya na kakausapin n’yo siya,” sabi sa akin ni David. “Okay, give the phone to her. I will talk to her,” utos ko kay David na hindi nakaligtas sa pandinig ni Nathalie at naging dahilan upang muling magdilim ang paningin ni Nathalie. “Okay, Sir Hunter, I will pass to her th
HUNTER’S POV Nang mailagay kon na sa aking kotse ang ibang gamit nina Nathalie ay siya naman paglapit sa amin nina Aling Nancy at Arturo. “Hunter, hindi ata kasya ang gamit namin sa kotse mo,” sabi ni Aling Nancy. Tumango ako at ngumiti. “Huwag po kayong mag-alala. Magre-rent po tayo ng isang sasakyan na magdadala ng mga gamit n’yo at pati na rin po ng ibang gamit nina Nathalie,” tugon ko kay Aling Nancy na ikinatuwa niya. Pagkatapos kong kausapin si Aling Nancy ay nag-booked agad ako ng isang sasakyan papuntang Manila. Habang hinihintay namin ang sasakyan na ni-booked ko ay tinulungan ko naman si Arturo na ilabas ang iba pang gamit nina Nathalie at Aling Nancy. “Sir Hunter, p'wede po ba magtanong?” magalang na tanong sa akin ni Arturo na tinanguan ko. “Yes, tungkol saan?” mabilis kong tugon kay Arturo. “Bakit po kailangan na kasama kami ni Lola Nancy sa Manila? Hindi po ba’t kami ang katiwala rito ng mga del Prado?” muling tanong sa akin ni Arturo. Huminga mun