LOGIN3RD PERSON'S POV “Ma'am tayo na po..” turan ng isang lalaking nakauniporme ng police. Inilahad pa nito ang kamay upang bigyan siya ng daan. Marahas namang umiling si Amara at parang batang napakapit sa braso Hunter. “Ayaw...” nakalabi nitong turan. “Bitawan mo nga ako..” pilit namang tinatanggal ni Hunter ang kamay niya ngunit mas lalo pa niyang hinigpitan ang kapit sa braso nito saka ihinilig ang ulo nito sa balikat niya. “I don't want to go with them. I’d rather go with you..” pagmamatigas nito dahilan para marahas na mapabuga ng hangin si Hunter. Ang kaniyang mga kasamahang pulis naman ay mapanudyong napapangiti na lamang. “Gusto mo talagang sumama sakin?” aniya sa babae saka ngumisi. Pacute namang tumango-tango si Amara sa kaniya. Hinawakan ni Hunter ang kamay niya at hinila siya patungo sa motorsiklo nito. “Oh, isuot mo.” bigay niya rito ng helmet. napatanga naman si Amara nang malaman na motorsiklo lang ang sasakyan nila. Nakadress pa naman siya at takot siyang sumak
3RD PERSON'S POV “Ouch my feet are wounded na... I cant run anymore...” bumitaw si Amara kay Hunter kung kaya naman huminto sila sa pagtakbo. Malawak ang bakuran ng warehouse kung kaya hindi ganon kadaling lumabas sa lugar na iyon. Muling hinawakan ni Hunter sa kamay si Amara ngunit iwinaksi nito ang kamay niya at agad na itiniko ang mga tuhod para maupo. Niyakap nito ang mga binti saka umiyak. “I don't think we can escape this place anymore. We're gonna die here na... I just wish I could talk to my parents and tell them how much I love them... Huhu!!!” emosyonal nitong litanya. Naiirita namang pinagmasdan ni Hunter ang babae na parang baka kung umatungal. “Hindi tayo, mamamatay dito. Pero kung hindi ka titigil sa pag-iinarte mo, maaabutan nila tayo.” Inis namang tumingala sa kaniya si Amara. Siya, nag-iinarte? “Palibhasa, you are wearing comfortable shoes, that's why you couldn't understand my situation. My feet are so masakit na pati ang legs ko... Look oh, they have wound
3RD PERSON'S POVMatapos matrace ni Maximuel ang IP Address ng dumukot sa anak ni Don Armando ay napag-alaman niyang tumutugma iyon sa lokasyon na kinaroroonan ni Hunter Leigh.Malalim siyang napaisip. Napaka coincidence naman yata ng pangyayari.Dahil nasa mismong lokasyon ang kaniyang partner na si Hunter, agad niya itong tinawagan na nang mga sandaling iyon ay marami na ang napapabagsak sa mga kalaban.“Hunter, nariyan sa lokasyon mo ang anak ng isang kliyente natin. Sya ba ang ililigtas mo?”“Abay malay ko sayo.” pilosopo naman nitong sagot sa kabilang linya habang patuloy sa pagpuslit sa labas ng warehouse.Patuloy siya sa paghahanap ng madadaanan na hindi siya makikita ng karamihan sa bantay.“Eh, ano bang ginagawa mo dyan?”“Meron lang akong munting kuting na kailangan iligtas.” sagot nito.Mahina namang natawa si Maximuel. “Kung babaeng kuting yan. Nasisiguro kong iyan na nga yung anak ni Mr. San Fabian. Malapit na dyan ang mga tauhan natin.” imporma sa kaniya ni Red.Hindi na
[Continuation...] “Hmmm... Hmmm...” tanging ungol lamang ang maririnig sa kaniya kahit pa ang nais niya sana'y itanong kung nasaan siya at anong kailangan ng mga ito sa kaniya. “Boss ang ganda niyan! Pa*****in na lang ba natin siya agad? Sayang naman yan Boss, kung di natin matitikman muna!” nakangising turan ng isang lalaki sa kasama nito. Gustong mapangiwi ni Amara dahil ang cha-chaka ng mga ito!!! “Manahimik ka Carding! Ikalma mo muna iyang t**i mo! Syempre hindi natin agad pa*****in ang isang yan. Hihingi muna tayo ng ransom sa mga magulang nyan bago natin pagsasawaan at —” sumenyas ito gamit ang kamay ng pahalang sa leeg. Nanlaki ang mga mata ni Amara nang makuha ang ibig nitong ipakahulugan! Mas lalong lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib at malakas na napahagulgol kahit pa may busal ang kaniyang bibig. Sinubukan niya ulit magpumiglas ngunit hindi siya makawala sa mahigpit na pagkakatali sa kaniya. Hindi niya alam kung posible pa siyang makaalis sa lugar na iyon... Pero
[Continuation...] “Thank you, Sissy!” masayang bulalas ni Amara sa kabilang linya nang sa wakas ay matakasan niya ang kaniyang alalay na si Mabel. Dali-dali siyang pumusilit nang hindi nito napapansin sa tulong ng kaniyang kaibigan. “You're welcome! Balitaan mo ko huh?” ani Alona sa kabilang linya. Nasa banyo siya at pasimpleng tinawagan ang kaibigan habang si Mabel ay taranta sa paghahanap sa kaniya. Ngayon ay nakasakay na siya sa isang Taxi at patungo na sa lokasyon kung saan sila magkikita ng gwapong lalaki. Sinubukan niyang tawagan ang kaniyang cellphone na nasa pangangalaga nito. Gaya nang dati, makasampung dial muna siya bago nito sinagot ang kaniyang tawag. “Hey, I'm on my way na. Where are you na?” mataray niyang bungad dito sa kabilang linya. “Papunta na.” tugon nito saka ibinaba agad ang tawag. “Hoy, Hunter! San ka na naman pupunta huh?” puna naman ni Maximuel sa kaniya nang bigla na lamang siyang tumayo sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Matapos nitong sagutin ang
[Continuation...] “Why you seem like hindi mapakali there, Amara?” puna ni Alona sa kaniya ng mapansin nito na kanina pa siya tingin ng tingin sa kaniyang wristwatch! Paano ba naman, alas sinco pa lang nang hapon at para bang kay bagal ng takbo ng oras. Lahat na yata ginawa niya para lang aliwin ang sarili ngunit parang kay bagal ng pag-usad ng mga kamay ng relo! Hindi na siya makapaghintay na mabawi sa gwapong lalaki ang kaniyang cellphone. Sa loob ng mahabang oras na nagdaan, hindi niya sigurado na hindi nito nagawang ikalat ang kaniyang mga larawan! Gayon pa man ay babawiin pa rin niya dito ang kaniyang cellphone! “Uhm, I have something to tell you, come with me inside the pantry.” mahina niyang bulong kay Alona. “Hey, Bel. Could you make bantay first our store we're just going to prepare our snacks inside the pantry..” ani Alona sa kaniyang PA. Hindi naman nakahalata ang kaniyang PA kung kaya tumango lang ito. Dali-dali naman silang dalawa na pumasok sa pantry area at ni-







