Share

Kabanata 19:

Author: KYOCHIEE
last update Last Updated: 2025-09-03 02:24:23

Bumuntong hininga sya, at lumapit na rin sa akin. Aabutin na sana nya ang kamay ko kaso inis ko itong iniwas sa kanya.

“Hindi ako uuwi,” matigas kong sabi.

“Scarlet—”

“Sabi ko hindi ako uuwi.” Mataman ko syang tinitigan sa mata. Kung hindi pa nya maramdaman ang pagmamatigas ko, hindi ko na alam. “Hihintayin ko ang mga pulis at kakausapin ko sila tungkol sa nangyari.”

Umatras ako nang akmang huhulihin nya ang braso ko.

“H'wag na matigas ang ulo, Scarlet. This isn't a joke.”

“I know. At hindi rin ako nagbibiro.”

Marahas syang napasinghap sa hangin. Nagsalubong na ang kanyang kilay, pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatitig sa kanya, umaasa na hahayaan ako sa gustong gawin.

“Uuwi din ako kapag naipaliwanag ko na lahat sa mga pulis. They need to know the truth. Tama lang ang panggugulpi mo kay Yves, pero ang ipakulong sya, mali na 'yun. Lalo na ang tatlong nasa loob, lalo na si Ralph.”

Seryoso nya akong pinameywangan. Umiiling iling sya, habang ang mata ay hindi makapaniwalang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 27:

    “Azi, calm down...”Lumapit ako sa kanya upang aluin ngunit nang dumapo ang kamay ko sa kanyang braso ay agad nya itong winaksi ng sobrang lakas. Sa sobrang lakas ay muntik na akong matumba sa sahig. Hindi pa ako nakaka-move on nang lapitan nya ako at walang atubiling sinakal sa leeg. “Fucking liar!”“A-Azi...” Sinubukan kong tanggalin ang kamay nya sa aking leeg, ngunit mas lalo lang nya diniin ang pagkakasakal sa akin. Napapikit ako nang unti-unti nya akong tinataas sa ere habang nasa leeg ko pa rin ang kanyang kamay. “H-Help...” Nauutal kong hingi ng tulong sa mga taong nasa labas lang ng pasukan. Nakatitig lang sila sa amin. Ni bakas ng pagtulong ay hindi ko makita sa mukha nila. What's wrong with these people?“H-Help—”“Scar!”Biglang dumating si Renzo. Wala pang dalawang segundo nang higitin nya palayo sa akin si Azi. Agad nya akong nasalo nang makawala ako mula sa pagkakasakal. “What do you think you're doing?!” Dagundong nyang baling kay Azi.Ubo ako nang ubo, pilit bi

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 26:

    Lumayo ako sa kinauupuan ko, at patakbong pumasok sa malapit na fire exit. Naisip ko na wala rin naman akong kawala sa kanya ngayon, mas makakabuti kung mag-usap kami na wala sa harapan ng strikto kong kuya-kuyahan. “Azi,” tawag ko sa lalaki. Nanatili ang ngisi nya sa labi nang lumapit sya sa akin. Wala pang ilang segundo nang marahas nya akong siniil ng halik sa labi. Hindi agad ako nakaapila nang isandal nya ako sa semento, sabay hawak ng mahigpit sa magkabila kong kamay. “It’s been so long,” he muttered against my lips, his voice low and filled with a kind of hunger I couldn’t shake. “Ang tagal kitang hinahanap.”Muli nya akong madiin na hinalikan. Mas marahas kaysa sa kanina. “Sino 'yung lalaking kasama mo?”Maingat akong kumawala sa pagkakakulong sa kanya. Huminga ako ng malalim at inisip ng mabuti ang bibitawan kong salita sa kanya. Tutal nandito na lang din kami, siguro dapat ko na talagang ipagtapat sa kanya ang totoong edad ko. Nang sa ganoon ay tigilan na nya ako. That

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 25:

    Natigilan ako nang makita syang nakikipagtawanan na sa isang babae sa tabi. Okay, another pabebeng saleslady, tsk. Kung ang kanina, may pa-slow motion na pag-ikot ang babae sa boutique , ito namang isa, may paikot-ikot ng ballpen sa kamay, bahagya pang sinisigway ang balakang. Seryoso, ano ba 'tong mga saleslady dito? Nakapamulsang nakatayo si Renzo sa harap ng babae, habang may sinasabi na nagpapatawa sa babae. Dahilan din kung bakit lumitaw ang sobrang puting ngipin ng babae. Napaayos ako ng upo nang pabebe syang hampasin ng babae sa dibdib. Ang kuya-kuyahan ko naman na sinabing mabilis lang daw kami rito, ayon at nagawa pang tumawa. Ang lalandi. Napilitan akong mag-iwas ng tingin. Nitong nakalipas na mga araw, lagi kong iniisip na baka bakla nga sya. Halos hindi na nga ako makatulog sa gabi sa sobrang pag-o-overthink sa bagay na 'yun. Pero ngayon na nasaksihan ng sarili kong mata kung paano nya sabayan ang saleslady, mukhang nasagot na ang tungkol sa bagay na 'yun. Halata n

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 24:

    “E, ito? Bagay ba sa akin?”Itinaas ko ang pulang bodycon dress, tinapat sa aking katawan, habang nakaharap kay Renzo. Awtomatik akong napasimangot nang ilingan nya ako. Hindi man lang nag-effort na suriin ito at itantya kung bagay nga sa akin. “Bakit no? Ito na ang pinakamatino na mababagay sa akin,” depensa ko.“You heard me, Scarlet,” pagmamatigas nya. “No is no.”“That's it?” I narrowed my eyes at him. “Wala man lang explanation d'yan?”Umiling ulit sya at binalik ang atensyon sa binabasa nyang magazine.Bumuntong hininga sya nang mapansin ang pananatili ko sa harap nya, ngunit hindi inalis ang tingin sa binabasa. Pagkatapos ay printi syang sumandal sa inuupuang malambot na sofa, na para bang sya ang nagmamay-ari ng kinaroroonan naming boutique. Napairap na lang ako at bumalik na sa pinagpipilian kong damit. Ramdam ko ang pananakit ng aking mga paa, sa kadahilanang kanina pa ako pili nang pili dito pero wala man lang aprob sa panlasa nya. Gusto ko syang bulyawan, pero hindi ko

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 23:

    Saktong natapos ako nang marinig ko ang pagkatok nya sa pintuan. Inayos ko muna ang pagkakaposisyon ng aking suot bago sya pagbuksan. May dala syang tray kung saan nakapatong ang hinanda nyang pagkain para sa akin. Mayroon na rin isang baso ng gatas at mineral bottle. “Pasok ka.”I opened the door wide to let him in, but he shook his head. “Hinatid ko lang 'to sa'yo. Mag-a-ala una na rin kasi. Kailangan ko nang umuwi.”“P-Pero...” Agad akong nalugmok sa narinig. Pero wala rin. Kung gaano kabilis ang pagtanggi nya sa alok ko, ganoon din kabilis ang pagproseso ng utak ko para sa magiging aksyon ko. “Gutom na gutom na ako,” madrama kong lungkot-lungkutan. May pahimas pa ako niyan sa tiyan para makatotohanan talaga. “Kaso... masakit kasi ang kamay ko.”I lifted my wrist dramatically, faking pain.Nagtataka nya akong tiningnan, bakas ang pag-aalala. “What happened? It seemed okay earlier.”“Naligo kasi ako kanina, tapos nadulas ako sa banyo. E, itong kamay ko ang pinangtungkod ko. So

  • I AM PREGNANT BUT HE'S NOT THE FATHER   Kabanata 22:

    “Tita...” si Renzo, kay Mama. Inangat ko ang aking tingin at nakitang lumapit sya kay Mama, tumayo sa gilid nito, sabay marahan na hinawakan sa magkabilang balikat. “Huwag nyo na po problemahin si Scar. Napagalitan ko na po sya kanina. Dapat po nagpapahinga na kayo ngayon.”Bumuntong hininga si Mama bilang tugon sa alu sa kanya ng lalaki. Mayamaya ay dahan-dahang tumango. Saglit akong natigilan nang kindatan ako ni Renzo nang magtama ang mga mata namin, tila sinasabi na 'ayos na, wala ka na dapat ipangamba d'yan'.“Hindi naman sya suwail na bata. Medyo mabarkada pero natural lang 'yun sa edad nya. Sana ito na talaga ang huli.”Tumango tango si Renzo. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Si Mama ay nagpatuloy sa pagpuri sa akin kay Renzo. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ikatuwa, o makaramdam na lang ng hiya. Dahil unang una, kay Renzo pa talaga nya sinasabi lahat ng mabuting pagkakakilala nya sa akin. Sa lalaki pa talaga na ilang beses kong nilandi, at patuloy na lalandiin.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status