Lumapit sa akin si Renzo pagkatapos nyang i-distribute ang pagkain sa mga bata. Ganoon pa rin, iwas na iwas ang mata ko sa kanya kahit nung iginiya ako sa may upuang monoblock sa gilid. May inutos sya kay Yumi kanina, dahilan kaya lumabas na ang babae. Hindi ko alam kung anong klaseng utos iyon dahil hindi ko naman ugali makinig sa usapang mag-asawa. “What do you want for lunch? Are you hungry?” He asked, sitting beside me.Nginitian ko sya, sabay inilingan bilang sagot sa tanong nya. Hindi ko alam kung bakit ako ang tinatanong nya ngayon ng ganito, kung pwede namang kay Yumi na lang. “Fruits? I can buy them. May malapit na palengke dito.”Muli ko syang inilingan, sunod na nagpanggap na busy sa panonood sa kumakain ng mga bata. They were sitting in a circle, cross-legged on the floor, laughing and eating like it was the best meal of their lives.Magkasalubong ang kilay kong napatingin kay Renzo nang basta na lang nya hinigit ang inuupuan kong monoblock palapit sa kanya. “I didn’t
Tahimik ko na lang pinagmasdan ang nakaluhod ng si Renzo, Napapalibutan ng mga bata habang may tuwa at galak sa kanya-kanyang mukha. Nagmistula syang parang bata kung makipaghalubilo sa kanila. I never thought I’d see someone like him, who always looked so strict, laugh like that. Like a kid himself.May iba sa ngiti nya, e. Hindi ko lang matukoy pero nakakatuwa syang panoorin. It made me glad I came here with him. "Time out muna tayo!" Anunsyo nya sa mga bata.Tumayo na sya mula sa pagkakaluhod, sa gitna nila. Medyo na-alarma pa ako dahil akala ko ay aalis na agad kami. Hindi pala. "May dala akong Jollibee buckets para sa inyong lahat. Luminya na kayo. Find your height dapat, ha?"Ang maingay na mga bata ay mas lalo pang naghiyawan sa tuwa. Wala sa sarili akong napangiti nang luminya na sila habang may ngiti sa labi at kislap sa kanya-kanyang mata. Ang saya nila tignan. Nakakahawa. The excitement was contagious. Bright eyes, wide grins, the pure kind of happiness you don’t get to
Papunta kami ngayon sa isang Bahay ampunan. Dito nya ako dadalhin dahil isa ito sa binibigyan nya ng suporta. Kung tutuusin, hindi ko talaga trip ang ganitong bagay. Ayaw ko sa maiingay na bata. Lalo na kung sobrang makukulit. Siguro, ang nagtulak sa akin para sumama sa kanya ay sa kadahilanang doon sya nanggaling. I wanted to see where he came from... before he became an Alcantara. Siguro gusto ko rin maintindihan ang pinanggagalingan nya, kung bakit pakiramdam nya ay responsibilidad nya ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya. I just wanted to understand the part of him that wasn’t polished and presented. The part that made him him.Sana nga, bago matapos ang araw na ito, may madiskubre ako tungkol sa kanya na hindi ko alam. “Good morning, Sir. Napasyal ho kayo?” a woman’s voice greeted us just as we stepped out of the car.Inalalayan ako ni Renzo palabas ng kotse, saka iginiya sa harap ng babae. Agad lumanding ang mata ko sa kabuuan ng babae nang hindi man lang nya ako tinapun
Umuulan pa rin makaraan ang dalawa pang araw. At sa loob ng dalawang araw na iyan, kating-kati na akong makita muli si Mama. Iyon bang halos hindi na ako makatulog simula nang sabihin sa akin ni Renzo na kakausapin nya si Mama para sumama sa aming dalawa sa Manila. I couldn’t even explain how much that meant to me. Miss na miss ko na talaga ang nanay kong ubod ng bait. Kailanma'y hindi sumagi sa isip ko na malalayo ako sa kanya nang ganito katagal. Nasasaktan pa rin ako kasi alam ko na ako ang rason kung bakit nangyari ito sa amin. Hinihiling ko lang na sana, kahit papaano, bumuti na ang pakiramdam nya sa akin. Na kaya na nya akong tanggapin ulit. Wala akong ideya kung paano bumawi sa kanya, o kung kailan darating ang panahon na makakabawi ako sa kanya, pero sana makabawi nga ako sa kanya kapag magkasama na ulit kami. Na-e-excite ako na kinakabahan. Sana bumuti na rin ang panahon. Hindi na ako makapaghintay. “Ano ba gusto mo maging? Like dream course sa college?” Mula sa tv ay b
I let out a half-laugh. “May nilabhan lang sa banyo,” medyo nahihiya kong tugon.“Nilabhan?” Sinimangutan nya ako. “You should’ve told me. I have people for that.”Agad kong iniling ang ulo, lihim na natatawa sa kanya. I knew this would be his reaction. Ito talaga ang rason kaya ko binilisan ang paglalaba. “Undies kasi 'yun. Ayaw kong pinapalaba iyon sa iba. Nakakahiya.”Napabuntong hininga na lang sya, tila nakuha ang gusto kong ipahiwatig. Sa huli ay napatango din."Wala bang masakit sayo?"Natigilan ako saglit. Ngayon na naitanong nga nya, napahawak ako sa aking balakang at napa-i-stretch nang maramdaman ang kaunting pananakit ng aking likod. Dulot ata ng matagal na pagkakayuko habang nagkukuskos.“Wala naman... masyado,” tanging sagot ko, kahit nakita naman nya ang pagngiwi ko sa sakit. “Next time, I’ll do your laundry.” Matagal nya akong pinagmasdan sa mata, bago dinampot ang cellphone mula sa kanyang bulsa. Napatanga ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya nang mari
Hilaw ko syang nginisian. “Of course,” sabi ko. “You’re her boyfriend, right? Or should I say, ex?”Kasi 'di naman ata nya ako o-offeran ng kasal kung sila pa rin, 'di ba?Ang dami-dami kong gustong itanong sa kanya. Nandoon na 'yung dahilan nya sa pag-ako sa pinagbubuntis ko. Kung anong nangyari sa kanila ni Sab sa US. Reaksyon ng sugar daddy nito. Basta, ang dami. At sa totoo lang, wala akong naintindihan sa mga sinabi nyang 'to ngayon. Kaso pakiramdam ko, may tamang oras para d'yan. Hindi ko lang alam kung kailan pero hindi pa ito ang tamang oras para itanong ang mga 'yan sa kanya. “Hmm... yeah,” sagot nya sa tanong ko. Tila wala pang kasiguraduhan ang paraan ng pagkakasabi nya, dahilan kung bakit mas hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya. Natapos ang usapan namin sa pinapanood naming romance movie. Wala akong napiga sa kanya dahil hanggang doon lang din naman ang sinabi nya. Hindi na rin nabuksan ulit ang usapang kasal sa mga sumunod pang araw. Mabuti naman dahil nakakaram