taray, may pa-singsing si Attorney 😂
CRISTIANNA’S POV“Mag-iingat ka roon, anak, ah. Huwag kang magpapalipas ng gutom,” bilin sa akin ni nanay kinabukasan.Ngayon na ako lilipat sa bahay ni Attorney. Tapos na ang obligasyon niya sa pamilya ko kaya oras na ako naman ang magbigay ng pabor sa kanya. Dalawang taon lang naman. Hindi na mahirap iyon dahil magiging magkatrabaho lang naman kami.Sa umaga ay sekretarya niya ako, sa gabi ay asawa niya. Napag-desisyunan naming magpakilala sa mga magulang niya pagkatapos ng isang buwan para hindi sila magulat sa biglaang pagsulpot ko sa buhay ng mga anak niya.Sabi naman ni Attorney ay walang pakialam doon ang mga magulang niya basta may nakakasama na siya. Sa tingin ko nga kapag nalaman nilang kasal lang kami sa papel ng anak nila ay hindi nila mamasamain, eh.Tumango ako kay mama. “Huwag ka na ring magpapagod, mama. Wala na tayo roon sa dating bahay natin. Puro mayayaman din ang nandito kaya siguradong walang magpapalaba sa ‘yo.”Sumimangot si mama kahit na kita ko ang ginhawa sa
CRISTIANNA’S POVNagising ako nang may humaplos sa noo ko. Pupungas pa akong dumilat ngunit nang makita si mama na nakangiti sa akin ay tuluyan ng nagising ang diwa ko.“Mama!” tuwang-tuwa na bulalas ko at hindi napigilan na yakapin siya. Muntik pa akong maiyak ngunit mahina lamang siyang tumawa.“Kumalma ka, anak. Baka atakihin ka sa puso r’yan,” pagbibiro pa ni mama.“Masaya lang ako, mama. Akala ko talaga mawawala ka sa amin, eh.” Ngumuso ako. “Tapos hindi mo man lang sinabi sa akin na may nararamdaman ka na pala.”Lumamlam ang mga mata ni mama. “Pasensya ka na, anak. Ayaw ko lang naman dumagdag sa mga pasanin mo.”“Mama naman…” Tumayo ako upang tumabi sa kanya, nakahiga ang kalahati ng katawan ko sa malaking kama niya. “Hindi ka kailanman pasanin sa akin, okay? Huwag mo na ulit sasabihin iyan. Ikaw ang mama ko. Kung wala ka, wala rin ako.”Napangiti si mama sa sinabi ko at siya na ang yumakap sa akin. Halos lumundag ang puso ko sa saya. Hindi kasi mahilig si mama sa physical affec
ROCKY’S POV I don’t know why I’m being soft and gentle with her. Hindi naman ako ganito noon. Propesyonal ang trato ko sa mga nakakasalamuha ko maliban lamang kung malapit sa akin. And this Cristianna girl is far from that. Ilang beses pa nga lang ulit kami nagkita pero kung i-comfort ko siya ay daig ko pa ang boyfriend niya. Tsk. Boyfriend. Saan ko nakuha ‘yan? Nakakabaliw na. Isa ring misteryo sa akin na ayaw kong madaliin ang transaksyon na ‘to. Normally, I would get the papers ready as soon as possible because I don’t want to waste my time. But now telling her that she should feel comfortable and secure first feels new to me. Yet those sympathetic words came naturally from my mouth like each word was meant for me to say. Pagkatapos naming kumain sa kotse ay bumalik na rin kami sa ospital para mailipat ang nanay niya sa private room. The relief was clearly evident on Cristianna’s face, making me smile a bit while watching her. Agad ding nawala ang ngiti ko sa napagtanto. Bali
CRISTIANNA’S POV Muling natahimik ang kabilang linya kaya mariin akong napapikit. “A-attorney? Nandyan pa po ba kayo?” untag ko. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. “Saang ospital ka?” “N-nandito po sa San Roque General.” “Okay. Stay there and wait for me. Pupuntahan kita ngayon.” Hindi na ako agad nakasagot dahil mabilis niyang ibinaba ang tawag. Hindi pa nga nag-register sa isip ko na pupunta siya rito sa disoras ng madaling araw. At mas nakakagulat na gising pa siya nang ganitong oras. Kaya ayan, nanginginig ang mga hita ko habang nasa naghihintay kay Attorney Bouchard sa bench sa harap ng ER. Napahilamos ako sa mukha ko. Hindi ko na pwedeng bawiin ang sagot ko dahil buhay din ng mama ko ang nakasalalay dito. Wala na akong mahanap na ibang paraan. Dalawang taon lang, Cristianna… Tiisin mo muna ang kasal nang dalawang taon. Nakarinig ako ng mabibigat na yabag kaya napaangat ang tingin ko. Doon ay nakita ko ang seryoso at gwapong mukha ni Attorney Bouchard na
CRISTIANNA'S POVNapaplakda ako sa sahig, doon ay tuloy-tuloy bumuhos ang luha ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling mawala si mama. Iyon lang ang pagkakataon kung saan nakaramdam ako ng abot-langit na takot. Naramdaman ko na lang ang mainit na bisig ni Ron sa katawan ko saka ako umiyak nang umiyak habang hinahagod niya ang likod ko.“Magiging okay lang si Tiya Arlynne… naniniwala ako sa kanya…” bulong niya sa akin.Masakit ang naging paghihintay namin na lumabas ang doctor sa emergency room para sabihin kung ano ang nangyari kay mama. Tiningnan ko ang oras. Alas-tres na ng madaling araw. Kung na-late siguro ako ng gising ay baka maaga kaming naulila ng mga kapatid ko. Habambuhay kong sisisihin ang sarili ko kapag nagkataon.Pagkatapos ng napakahabang minuto ng buhay ko, lumabas na rin ang doctor na may malungkot na mukha. Kinabog ng kaba ang dibdib ko. Tumayo ako upang salubungin siya. “Kamusta po, doc? Maayos po ba ang lagay ng mama ko?” agad kong tanong. “Yes, b
CRISTIANNA’S POVTatlong araw na rin ang lumipas simula noong in-offer sa akin ni Attorney Bouchard ang pagpapakasal sa kanya. Tatlong araw na rin akong tinatanong ni mama kung saan ko nakuha ang pambili ng sangkatutak na groceries na ito.Hindi ko naman siya masagot. Paano naman? Anong sasabihin ko? Na ‘yung abogadong nagpalaya sa akin sa kulungan ay inaalok akong magpakasal sa kontrata sa dalawang taon? Baka masapak lang ako ni mama.Ang sabi ko na lang ay may napalunan akong contest worth 10k of groceries kaya hindi na ulit siya nagtanong at paulit-ulit na nagpasalamat. Bibong-bibo naman ang mga kapatid ko sa mga nakalipas na raw dahil puno ang mga tiyan nila.Nanakit ang puso ko sa isipin. Noong halos wala kaming makain ay hindi ko makita ang ngiti ng mga kapatid ko, malalim ang mga mata, at flat na flat ang tiyan. Sa isang iglap lang ay naroon na sila sa labas, nakikipaglaro sa mga batang ka-edaran nila nang walang inaalala kung may makakakain ba sila.Sa kabilang banda, hindi ko