Share

CHAPTER 16

CHAPTER 16

ZHEN GUI REN

"Lady Zhen, ang dami!" Masayang tugon ni Xue habang tinitignan kung gaano kadaming regalo ang binigay sa akin ng emperor.

"Noon pa man ay talagang gusto na ng emperor si Lady Zhen, at ngayong magkaka-anak na sila hindi na tayo dapat magulat sa dami ng regalong ibibigay niya." Nakangiting tugon rin ni Ying Nuzi.

Inalalayan ako ni Xue tumayo upang tignan ang mga regalo sa akin at una kong kinuha ang maliit na kahon. Binuksan ko ito at nakita ang napakaraming perlas.

"Ang dami!" Gulat na tugon ni Xue.

"Hindi 'yan biro! Ang ganiyang mga perlas... Ang empress dowager, emperor, at tanging ang empress lang ang nakakakuha ng ganiyan. Napakahalaga niyan!" Hindi makapaniwalang tugon ni Ying Nuzi.

"Lady Zhen, narito po si Zhu Gonggong." Sabi sa akin ni Xing-Su Gonggong.

"Papasukin mo siya." Pagpapatuloy ko sa head eunuch ng emperor.

"Pagbati, Zhen Gui Ren." Tugon niya at yumuko.

"Tumayo ka, Zhu Gonggong." Masaya kong sagot sa kaniya.

"Salamat po." Sagot niya at tumayo.

Ti
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status