Kabanata 5
SettleBUONG umaga akong umiyak ng araw na iyon. Hinihinaan ko lang ang bawat hikbi ko dahil baka marinig nila Mama at mga kapatid ko sa ibaba kung sakaling gising na rin sila. Nakatulog na lang ako sa pagod. At pagkagising ko naman, alasais-y-medya na nang gabi kaya dagli akong bumangon sa maliit kong kama at kinuha ang tuwalya ko pang-ligo.Mabigat man ang katawan at kahit gustong-gusto kong hindi pumasok ngayon sa trabaho. Bawal. Ako ang inaasahan ng pamilya ko at ang isang gabi sa Zeus Club ay makakatulong na ng malaki sa pag-iipon ko para sa nalalapit na pasukan ng mga kapatid ko.Napa-buntong hininga na lang ako at napa-iling. "Ma, bakit hindi niyo naman ako ginising?" Pangbungad na tanong ko kay Mama ng makababa at naabutan ko siyang mahinang tumatawa sa pinapanood. Napa-simangot ako ng tumawa muna ulit siya bago sagutin ang tanong ko. "Ah, e... hindi ka magising e. Naka-ilang katok na 'ko sa kuwarto mo kanina, hindi ka naman sumasagot. Kako, baka pagod ka kaya hinayaan na lang kita.""Tss... alam niyo naman pong may pasok ako e," pagsusuplada ko bago dumako papunta sa hapag para makakain na ng hapunan. Pinatay ni Mama ang TV at sumunod sa gawi ko. Inagaw niya ang hawak-hawak kong plato at siya na ang nag-sandok ng ulam at kanin para sa akin. "Kaya nga, alam kong may pasok ka, pero hindi ka magising e. Nag-aalala ako na baka sobrang pagod ka. Ayaw ko naman putulin ang tulog mo dahil alam ko, kusa ka namang magigising kapag nagutom ka na," malumanay niyang saad bago ilapag sa harapan ko ang platong may laman ng pagkain. Tinunguan ko na lang si Mama at hindi na nagdutong pa ng kahit ano. Nagsimula na rin akong kumain at hinayaan ko ang titig niya sumunod sa bawat galaw ko. Suminghap si Mama. Tinaas ko bahagya ang tingin ko sa kanya habang ngumunguya. Nakangiti na siya sa akin ng malapad. Nanungot ang noo ko at tuluyan ko nang nabigay lahat ng atensyon ko sa Ina ko. Umupo siya sa katabing kahoy na upuan. Lumapit pa lalo sa akin bago parang bulateng nangingiti. "Anak, alam mo, yung Anak ni Ate Lordes mo d'yan sa kabilang kanto? Yung bunso niyang seaman? Nakauwi na!" Masayang masaya niyang tugon habang kumikislap ang dalawang matang nakatingin sa akin. Mas lalo akong napabusangot dahil parang may tancha-tancha na ako sa isip ko kung saan ang usapang 'to patungo. Hindi ko lang ipinahalata kay Mama na nakukutuban ko na ang pasimpleng galawan niya. Pasimple lang akong uminom ng tubig at nilunok ang kinakain ko sabay balik ko ng tingin sa kanya. "Oh, ano naman po?" Walang interes kong tugon. Kusang ngumuwi ang labi ni Mama doon pero hindi talaga siya nagpatinag at talagang tinuloy ang pangb-bugaw niya! "Ito naman si Keisha! Hindi ka ba interesado doon kay Emerson?! Napaka guwapong bata no'n! Single rin katulad mo! May maganda pang trabaho at malaki ang sahod! Oh! Saan ka pa?!" Pinanlakihan niya pa ako ng dalawang mata sa huling sinabi.Nag-tiim bagang ako. Napa-irap ako sa ere bago siya pagsingkitan ng mata. "Binubugaw mo ba ako Ma?!" naiirita kong sigaw sa nababasa kong ginagawa niya ngayon. Napa-iwas siya ng tingin at halata sa Ina ko ngayon na totoo ang pinaparatang ko sa kanya! Huling-huli!Nalaglag pa rin ang panga ko sa iritasyon at gulat kahit alam ko naman na ang ginagawa niya."Ma naman! Bakit ba sa tuwing kakausapin mo 'ko, hindi mawawala sa diskusyon natin ang pag-aasawa at ang mga lalaki?! Gustong gusto mo na ba talaga akong magka-sariling pamilya?!"Napalunok si Mama ng sariling laway at halata sa kanya ngayon ang pagka-tensyonado dahil sa pagsabog ng inis ko.Bumuga siya ng malalim na hininga. "Anak, hindi naman sa gano'n. Ang inaalala ko lang kasi ay yung mga gusto mo rin," mahina ngunit may laman niyang sabi. Nangunot ang noo ko. "Anong sinasabi mo Ma? Anong gusto ko rin?"Bumuga ulit siya ng malalim na hininga bago itaas ang tingin sa dalawa kong mata. Natigilan ako saglit sa paghinga ng maramdaman ko sa tingin niya ang senseridad at pag-aalala. "Keisha, anak, kaya ko lang naman sinasabi 'to sa 'yo ay para malaman mong hindi mo kailangan ibigay lahat ng oras at atensyon mo sa pagt-trabaho para lang mabuhay kami ng mga kapatid mo. Ipinaparamdam ko sa 'yo, sa pamamagitan ng ginagawa 'kong 'to, na p'wede mo rin gawin ang mga gusto mo sa buhay. Kasama na do'n ang pagkakaroon ng boyfriend.""Nag-aalala lang ako, na baka dahil sa pagp-pursige mong maitaguyod kami ng mga kapatid mo. Sa huli, malimutan mo na ang sarili mo."Malakas akong bumuntong hininga at napapikit ng mariin. Kinapitan ko rin ang kamay ni Mama-ng nasa braso ko na pala nakaka-kapit bago titigan muli ang puno ng pag-aalala niyang mukha."Ma, kung iyon lang ang inaalala niyo. Kalimutan niyo na. 'Wag niyo na isipin dahil itong ginagawa ko sa pamilya natin, itong pagt-trabaho ko para sa inyo para maitaguyod ko kayo sa araw-araw. Ito ang gusto ko ngayon gawin. Wala pa sa isip ko ang mga lalaking 'yan. Prayoridad ko kayo. Kaya paki-usap lang Ma. Tigilan mo na ako sa bugaw-bugaw na 'yan," seryoso kong batid habang nakatingin ng deretso sa mata niya. Ilang segundo rin kaming nagpalitan ng tingin bago siya na ang kusang sumuko. Umiling na lang siya at bumuntong hininga. "O sige 'nak, hindi na kita kukulitin. Titigil na rin ako sa pagr-reto sa mga lalaking anak ng mga kumare ko lapitan at ligawan ka-""Mama naman! Bakit mo naman ako binubugaw sa mga 'yon! Nakakahiya!" pagp-protesta ko na parang bata! Dahil ngayon ko lang din nalaman ang mga bagay na iyon! Sobrang nakakahiya! Ano ba naman 'tong si Mama! Natawa siya bahagya sa reaksyon ko, "Aba e, kahit naman hindi kita i-reto, ang mga lalaki naman dito sa barangay natin ang nagk-kusang lumapit sa 'kin para ireto ko sila sa 'yo."Mas lalo akong napasimangot. "Kahit na Ma! Hindi mo dapat ginagawa 'yon," may pinalidad sa boses ko nang sinabi ko iyon kaya natahimik si Mama. Napa-iling na lang ako sa pagkabugnot sa naging usapan namin. Pinagpatuloy ko ang naudlot kong paglamon at ng malapit ko nang maubos ang nasa pinggan kong kanin. Nagsalita ulit siya. "Kaya nga hindi ko na uulitin. Saka naniniwala naman ako na ang mismong lalaking hinahanap mo ang kusang darating sa 'yo, e," Sa sinabi niyang iyon. Natigilan ako at hindi ka-agad nakapag-salita dahil ang pumasok bigla na lalaki sa utak ko ay walang iba kung hindi si Mr. Tyson Clyde Kratts!Bigla-bigla na lang akong napamulahan ng dalawang pisnge. Buti na lang, bago mangyari 'yon, umalis na si Mama sa harap ko at pumunta na sa lababo namin para maghugas ng mga pinagkainan. Ipinilig ko ang ulo ko para mawala na sa isip ko ang mukha ng damuhong iyon. Tss! Bakit nga ba si Mr. Tyson Clyde Kratts ang naisip ko ng sabihin ni Mama ang mga linya niyang iyon? Sira-ulo ba ako? Hindi siya ang lalaki para sa akin, dahil kung siya, hindi niya sa akin gagawin ang pagpapahirap na 'to."T-Teka... e bakit ko naman kasi ngayon iniisip na siya ang para sa akin?!""H-Huh? Sinong para sa 'yo anak?"Kusang nanlaki ang dalawang singkit kong mga mata ng itanong iyon ni Mama. Sa kanya napabaling ang mukha kong paniguradong namumutla na ngayon, dahil sa pagkaka-akala na sa isip ko lang nasabi iyon. Kusang gumuhit ang may motibong ngisi sa labi ni Mama bago ipagpatuloy ang paghuhugas "Ikaw Keisha, ha. Kaya pala ayaw mong binubugaw ka kasi may natitipuhan ka ng ibang lalaki, ha." patuya niyang sabad. Na mas lalo lang nagpakamatis ng dalawa kong pisnge!Badtrip! "T-Tss... wala 'yon Ma! Mali lang kayo ng narinig!" Pagtatanggi ko bago pilit na tinuon ang atensyon sa pagkain para maka-alis na ako sa upuang ito dahil alam kong hindi titigil si Mama asarin ako sa narinig niya! Binilisan ko ang pag-nguya at pag-subo ko. At sa loob loob ko, binubugbog ko ang sarili ko sa sisisi kung bakit bigla ko na lang naisigaw iyon sa hindi malamang dahilan! "Keisha, ipakilala mo agad kami ng mga kapatid mo doon sa lalaking iniisip mo kanina kapag naging kayo na, huh? Lagot ka sa 'kin kapag hindi namin nakilala iyon. Naku!" pangangasar pa rin ni Mama ng mai-abot ko sa kanya sa lababo ang plato ko. Pinanlisikan ko na lang siya ng mata. Hindi na ako sumagot dahil sa hiya pa ring narinig niya ang nakakahiyang bagay na dapat sa isip ko lang nabubuhay. Sa pagligo, Napatulala na lang ako sa ulo ng shower na binabagsakan ako ng tubig dahil naisip ko na naman ang sitwasyong binigay sa akin ni Mr. Tyson Clyde Kratts ng rumehistro na naman siya kanina sa utak ko dahil sa pag-uusap namin ni Mama kanina. Nakatulong sa akin ang pag-iyak at paglabas ko ng galit ko sa lalaking iyon kaninang umaga para maisip kong mabuti ngayon ang mga bagay-bagay na puwedeng maapektuhan ng gagawin kong pagpapasya. Idagdag pang nakakatulong rin sa akin maging-panatag ang malamig na tubig na bumabagsak at gumagapang sa hubad kong katawan para mas lalo kong pag-isipin ang naiisip kong isang paraan na lang para wala ng madamay pa..Bumuntong hininga ako bago ibaba ang tingin sa palad ko na sa gitna noon, may naiipong tubig galing sa shower pero hindi gaanong lumalalim dahil nahuhulog din ang mga iyon sa tiles ng CR. Ngayon pa lang, meron na akong sagot. Pero pag-iisipan ko pa rin ng maiige ang sagot kong ito sa dibdib ko hanggang sa dumating ang araw ng ginawa niyang palugit para sa akin dahil baka meron pa akong alternatibong paraan na makita sa susunod na dalawang araw. "Ma! Pasok na po ako! Pauwiin niyo na po yung tatlo, ha! Gabi na!""Sige 'nak! Mag-ingat sa byahe, ah!"Itutuloy...The last chapter of ICTBO :)Warning: Mej SPG. Mej lang! Kabanata 50WakasNAPATULALA ako sa seryosong mukha ni Tyson ng pumintig sa dalawa kong tainga ang sinabi niya. Tumigil rin ako sa pag-hinga ng ilang segundo sa gulat. D-Dahil... paano niya nalamang buntis ako? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong pinagsabihan. Miske sila Shaina, Zeiv, at Mommy Gai walang alam. K-Kaya—"So it's really true, huh? That you are pregnant with my child," hakbang niya palapit ulit sa akin. "P-Paano mo nalaman?" Sa tanong kong iyon. Sumilay ang pilyong ngisi sa pulang labi ni Tyson. Sa huli ko na lang din nalaman na sa tanong ko pa lang iyon, parang umamin na rin ako na totoo nga ang paratang niyang buntis ako! Keisha! Ano bang ginagawa mo!Nang tuluyan na akong mapasandal sa pader katabi ng pintuan ng bahay. Pinunta ni Tyson sa magkabilaang gilid ko ang dalawa niyang braso para makulong ako. Nilapit niya rin ang kanyang guwapong mukha sa mukha ko at seryoso ulit ako tinitigan. "Kailan pa?" Ma
Hi! Thank you for reaching here. I just want to let you know before you start reading this, that, this is the second to the last chapter of ICTBO :)Kabanata 49 He KnowGUSTO ko mang itulak si Tyson palayo sa akin gamit ang nanginginig kong dalawang kamay. Hindi ko magawa. Wala na akong natitirang lakas at tatag ng loob sa katawan ko na natitira para saktan ang lalaking nakaluhod sa harapan ko ngayon na nagmamaka-awa pakinggan ko ang paliwanag niya. Tanga na kung tanga. P-Pero kahit ano talagang sabi ko sa sarili ko na 'wag nang bigyan ng pagkakataong magpaliwanag si Tyson at itaboy na lang siya ng tuluyan- ayaw ng puso ko gawin iyon. Lumalamang na naman ang boses ng puso ko kesa sa boses ng utak ko sa sistema ko. At nang mag-simula na nga magsalita si Tyson, wala na nga akong nagawa pa kung hindi makinig na lang sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak at pag-hagulgol. "M-Me and Ezra are not really engaged ok? Fuck that news! And to clarify things straight he is not my fiancé! H
Kabanata 48DogKUSANG lumingon ang ulo ko sa likuran ko kung saan nang-galing ang pamilyar na pamilyar na baritono at malalim na boses na iyon. At sa unang daplis pa lang ng mata ko sa pigura ng lalaking mataman nakatayo at nakatanaw sa akin mula sa di-kalayuan. Dinaga na ang puso ko at natulala sa mukha niyang, marami na ring pinagbago sa loob rin ng ilang araw matapos ko siyang iwan. "T-Tyson...? P-Paano... a-anong ginagawa mo dito?" turan ko gamit ang hindi makapaniwalang boses. Naka-ilang lunok rin ako bago ko matapos iyon. Mas lalong dumilim ang wala pa ring kakupas kupas na guwapong mukha ng lalaki sa tanong ko. Para bang sa tanong kong iyon, may natanggap siyang malaking insult mula sa akin.Bumilis lalo ang tibok ng puso ko nang sa kauna unahan ulit na pagkakataon, nagka-salubong ulit kami ng purong itim niyang mga mata ng tingin. Na ang sinisigaw na mga emosyon, pangungulila at matinding galit. Sumabog ulit sa mukha ko ang ilang hibla ng aking buhok ng umihip ulit ng mal
Kabanata 47SunsetHINDI ko na namalayan ang pag-takbo ng buong oras sa byahe himpapawid dahil buong oras, tulog ako. Nagigising lang paminsan minsan kapag umaalog ang eroplano. "Thank you po Ma'am," pasasalamat ng crew sa akin ng ako na ang baba ng nakarating na kami sa destinasyon. Sa Palawan. Tinunguan ko lang ng tipid ang magandang babae bago tuluyang bumaba. At paglabas na paglabas ko pa lang sa entrada ng eroplano, napahinto agad ang dalawang paa ako dahil sinalubong agad ako ng isang malakas at malamig na hangin ng bagong lugar. Nilipad ang aking nakalugay na mahabang buhok. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kapaligiran at hindi ko maiwasan ang hindi mamangha sa ganda ng kalangitan dito sa Palawan kapag pasikat pa lang ang haring araw. Pinaghalong light blue at light orange. Kamangha-mangha. "Manong, dito po tayo sa," sambit ko ng address na binigay sa akin ni Mommy Gai kung saan nakatirik ang kanyang rest house ng makasakay na ako ng taxi at makalabas ng airport. Ngini
Kabanata 46Future"SIGURADO ka na ba talaga dito Keisha?" Hindi nakatakas sa pandinig ko ang matinding pag-aalala sa boses ni Zeiv. Na ngayon ay katabi ko sa bench ng airport. Tinawagan ko kasi ang lalaki kanina dahil sabi ni Shaina, gawin ko. Dahil may kotse ang lalaki at iyon ang magandang gamitin namin pang-hatid sa akin dito sa airport dahil mahirap na mag-commute at baka mamukahaan pa ako ng mga tao.Kalat na kalat na rin kasi talaga ang ginawang pagt-televised sa akin ni Tyson sa buong bansa. At siguro, mga walang tv na lang sa bahay nila ang hindi nakaka-alam ng balita na kung sino man ang makakadala sa akin kay Tyson Clyde Kratts ay mag-uuwi ng isa at kalahating bilyong pisong pabuya bilang gantimpala. Napalakas ang pagbuntong hininga ko ng maalala ko na naman iyon."Oo Zeiv, sigurado na ako sa desisyon kong ito. Wala na rin akong magagawa pa dahil sa ginawa ni Tyson. Kailangan kong magpaka-layo layo dahil baka dumugin ako ng mga tao pag-nakilala nila ako at baka mamaya, ma
Kabanata 45Palawan"KEISHA! Jusko! Saan ka ba nang-galing?! Kanina ka pa namin hinihintay dito! Nag-aalala kami sa 'yo!" Pagalit na bungad agad sa akin ni Shaina ng maka-uwi ako ng apartment na tinutuluyan namin. Nilibot ko ang tingin sa apat na sulok ng paupahang bahay para tingnan kung sino ang mga taong nandito. Hindi na ako nagulat ng makita silang apat na kumpleto.Mas nagulat pa nga ako ng makita ko ang pinaghalong pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Para bang... may hindi inaasahang nangyari sa Zeus Club na siya ring sagot kung bakit ganito na lang sila mag-aalala sa katawang lupa kong hindi nila inabutan pagka-uwi nila. Malakas na tumibok ang puso ko ng may maisip na posibilidad. Winaglit ko nga lang ang naiisip na ideya dahil baka iba naman ang totoong nangyari sa iniisip ko. Tatanungin ko na sana si Shaina para makumpirma kung may nangyari ba sa Zeus Club. Pero hindi ko na iyon tuluyang nagawa ng kusa nang pumutak ang nanginginig niyang mga labi. Nagp-panik siyang na
Kabanata 44Advice"B-BUNTIS ako?" tanong ko sa sarili ko habang naka luhod pa rin sa tiles ng cr. Mas lalong nanlamig ang buo kong katawan sa naisip at ang kamay ko, nag-umpisa ng manginig habang ang puso ko ay malakas ang bawat pagtibok. Napatulala na lang ako sa kawalan dahil sa naisip at wala talaga akong alam sa susunod na gagawin kung totoo nga ang iniisip kong buntis ako. Napakapit na lang ako sa tiyan ko at kinapa ko kahit imposible kung totoo nga ba ang hinala kong may buhay na roong nabuo dahil sa ilang beses naming pagt-talik ni Tyson na walang ginagamit na kahit anong proteksyon. Ngayon ko lang din na realized iyon. Na sa bawat pag-angkin ni Tyson sa akin. Hindi siya nags-suot ng proteksyon. Hindi rin ako umiinom ng pills para hindi mabuntis. K-Kaya... malaki talaga ang posibilidad na ang konklusyon ko sa mga pagbabago sa akin, kung bakit ako mabilis mapagod, naging emosyonal, at naging pihikan sa pagkain ay dahil totoo ngang buntis ako. At ang isipin pa lang na magkak
Kabanata 43HideTAHIMIK pa rin sila pagkatapos ko ma-kuwento ang istorya ko ngayong gabi. Hindi ko alam kung bakit sa buong pagk-kuwento ko kanina, walang umiimik miske isa sa kanila. Maging si Shaina, na inaasahan ko magiging bayolente ang mga reaksyon dahil kilala ko siyang ganoon. Wala. Tahimik rin at pinatapos muna ang kuwento ko bago pumikit ng mariin at hinilot ang sintido. Maging si Zeiv na katabi ko, napapikit rin ng mariin at tila nalatag ko sa kanya ang pinakamahirap na problema na narinig niya. Napayuko na lang ako. Kahit gustuhin ko nang umiyak ulit, ayaw na akong pahintulutan ng mugtong mugto kong dalawang mata. Siguro maging ito, napapagod rin katulad ng puso kong kanina pa huminto sa pagtibok para kay Tyson. Napataas ulit ang tingin ko kay Shaina ng malakas siyang bumuntong hininga. Tumingin siya sa akin ng mariin. "Kinompronta mo ba ang hayop na lalaking 'yon matapos mo siyang mahuli kahalikan ang totoong babae niya kanina?"Mabilis akong umiling dahil hindi ko kay
Kabanata 42Hide "K-KEISHA!" Nag-aalalang karipas ng lakad papunta sa akin ni Shaina ng ma-park na ni Zeiv ang sasakyan niya sa binigay kong address kung saan nakatira ngayon ang matalik kong kaibigan. Sa apartment noong tatlong dalaga.Nakababa na ako ng sasakyan ni Zeiv ng kumaripas ng tungo sa akin ang kaibigan. Tinawagan ko kasi siya kanina dahil siya na lang ang natitira kong alas na puwede kong mapag-tuluyan. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang rason kung bakit gusto ko muna makitira sa kanila pero nang marinig niya akong umiiyak sa kabilang linya kanina- pinagmadali niya agad ako pumunta at ibinigay niya agad sa akin ang address nila. "S-Shaina..." ugong ko ng pangalan ng kaibigan ng nasa harap ko na siya. Paulit ulit niya akong kinilatis. Hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko at alalang-alala tinitigan. "B-Bakit Keisha? Huh? May nangyari ba? Ano? Sabihin mo? Inano ka ni Tyson? Nag-away ba kayo? Sinaktan ka ba niya?" sunod sunod niyang bultahe ng tanong. At para bang, kapag