I Caught The Billionaire's Obsession

I Caught The Billionaire's Obsession

last updateLast Updated : 2022-09-19
By:  THEGUYWITHTHEGLASSESCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.9
16 ratings. 16 reviews
51Chapters
39.8Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Bakit kaya hindi pantay ang mundo? Bakit hindi na lang kaya mayaman ang lahat ng tao para wala ng mahirap? Para wala ng nagugutom? Para wala ng gumagawa ng masama para lang may mauwing pagkain sa hapag? Bakit kaya may mga mahihirap na katulad ko? Bata pa lang ako. Iyon na palagi ang tinatanong ko sa sarili ko. Kung bakit may mga mahirap na kagaya ko. Masama ba akong tao sa nakaraan kong buhay at pinaparuhasan Niya ako't ang pamilya ko ng ganito? Ewan ko. Basta ang alam ko lang na tinatak ko sa isip ko ng magdalaga ako- hindi titigil ang mundo sa 'yo kung patuloy at patuloy mo lang iisipin kung gaano kahirap ang buhay. Hindi uulan ng pera kapag hiniling mo. At mas lalong hindi magiging magaan ang buhay mo kung puro hiling ka lang sa Kanya at walang kasamang pagbabanat ng buto. Natuto ako sa mahirap na paraan. At iyon ang ginagamit ko ngayon na sandata araw-araw sa malupit at madilim na mundo na ginagalawan ko ngayon. "KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga guest ang naghihintay sa 'yo!" A novel by: TheGuyWithTheGlasses STATUS: COMPLETED Date started: June 18, 2022 Date finished: September 19, 2022

View More

Chapter 1

Simula

Simula

Dark

"KEISHA! Ikaw na ang sasalang sa stage! Bilisan mo na! Marami ng mga customers ang naghihintay sa 'yo!" Katakok sa pinto ng dressing room ko ni Mommy Gai. Ang Mananger namin dito sa bar na pinagt-trabaho-han ko.

Napabuntong hininga ako bago ko ilapat ang matte red lipstick sa labi ko. Bagong bili ko lang ito kanina sa tiyangge, sa tingin ko kasi, maganda ang pagka-pula niya sa labi ko.

At hindi naman ako nagkamali dahil nang maikalat ko na iyon sa buo kong labi ay napangiti na lang ako ng tipid sa replika ko sa salaming kaharap dahil mas lalo ngang tumingkad ang natural na pagkapula ng labi ko sa bago kong red matte lipstick.

"Keisha! Ano ba! 'Wag ka na masyadong mag-paganda r'yan! Ikaw na lang ang hinihintay! Bilisan mo na!" Apuradong sigaw ng pamilyar na boses sa labas ng dressing room ko. Kinalabog niya pa ang pintuan ng ilang ulit kaya napa-irap na lang ako sa ere sa pagka-irita.

"Ito na Shaina! Lalabas na! P'wede ba?! 'Wag mo ngang sirain ang pinto ng dressing room ko! Luma na nga, e!" Malakas kong singhal habang kinakabit na sa dalawa kong tainga ang golden loops earings ko na sa tiyangge ko lang din nabili.

"Bilisan mo na kasi r'yan! Magsisimula na!" Mas iritado niyang ganti bago ko narinig ang mga yabag niya paalis sa tapat ng pintuan ko.

Napa-iling na lang ulit ako bago titigan ang mukha ko sa salamin ng ilang saglit.

"Kaya mo 'to Keisha, katulad lang 'to ng nakagawian, sasayaw ka lang sa harapan ng mga lasing na customers, may libo ka na. May pang-gastos ka na sa mama mo't kapatid. Kaya mo 'to, tiis-tiis lang," Kausap ko sa sarili ko bago walang pasubling tumayo sa kinasasadlakan. Dala-dala ang buong kumpyansa sa katawan.

Umindayog agad ang mahaba kong buhok na lagpas balakang nang magsimula na akong maglakad papunta sa backstage. At habang naglalakad, bigla ko na lang naalala kung bakit nga ba ako napunta sa madilim na mundong ginagalawan ko ngayon.

Sa stripping.

Mahirap mang sikmurain, pero Oo, stripper ako. Mananayaw sa gabi sa isang kilalang bar dito sa Bonifacio Global City kung saan ang mga ilaw, hindi namamatay. Laging bukas at laging buhay kagaya na lang mga tao rito.

Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. Senior high school lang. Sa kadahilanang, maaga kinuha ang papa ko sa amin ng mama't mga kapatid ko dahil sa atake sa puso. Mahirap lang kami ng mga panahong iyon, at mas lalo pang naghirap ng nawala siya.

Walang trabaho si Mama dahil mahina na siya at sakitin din. Kaya sa murang edad na eighteen-years-old. Hininto ko ang pag-aaral ko at maaga nang lumabas sa aktuwal na mundo para magbanat ng buto.

Marami rin kasi kaming utang. Idagdag pa ang mga hindi matapos tapos na bayarin; Kuryente, tubig, at bahay. At bilang panganay, masakit sa akin na nakikita araw-araw si Mama-ng pilit naglalaba ng mga damit ng mga kapitbahay namin may pagkuhaan lang ng perang pang-gastos sa lahat ng mga naka-ambang bayarin namin pati na rin sa pang araw-araw naming pangangailan.

Kaya kahit masakit man para sa akin ang huminto sa pag-aaral, ginawa ko. Tumigil ako at nag-trabaho. Ginawa ko alang-alang kay Mama at sa tatlo ko pang batang mga kapatid.

At dito, rito mismo sa madilim at walang kasiguraduhang mundong ginagalawan ko ngayon na puro ingay ng mga mayayamang lasing at nakakabinging musika lang ang maririnig mo. Dito ako ipinunta ng mga paa ko. Sa pagsasayaw tuwing gabi kumita lang at matustusan ang pamilya.

Ginawa ko walang emosyon ang mukha ko bago ko sinuot ang maskarang nagtatakip sa tunay na katauhan ng babaeng, tinanyagang, 'Queen of Nights' bago dumeretso ng lakad sa mga kasamahan kong dancers na nag-uusap uusap habang nakatilikod sa akin.

Lima sila. Kasama na roon si Shaina na siyang tumawag sa akin sa dressing room kanina. Matalik kong kaibigan.

Nakasuot sila ngayong gabi ng sando-ng croptop shirt na hapit na hapit sa katawan nila kaya bumabakat talaga ang hubog nila lalo na ang kanilang dibdib na may ipagmamalaki talaga. Sa pang ibaba naman, black maong short shorts lang na sinabayan ng black thigh high boots.

Katulad lang rin sa kanila ang suot ko, ang pinagkaibahan lang. Dahil ako ang pinaka nasa sentro mamaya. Red ang suot kong croptop shirt at maong short shorts at thigh high boots.

Pula rin ang suot kong maskara ngayon na siyang tumutulong sa akin itago ang tunay kong mukha sa kahit na sinong tao mamaya na manonood sa gagawin ko.

"Ay jusko Keisha! Buti naman at dumating ka nang bata ka!" Matabang na usal ni Mommy Gai ng mabaling niya ang tingin sa gawi ko.

Nilingon din ako ng mga kasamahan ko. At lahat sila, napa-irap sa ere habang pinapanood akong makalapit sa puwesto nila.

"Buti naman at may plano kapa pa lang siputin kami," pamaang na anas ni Shaina bago pumeywang sa harap ko.

Inirapan ko na lang siya bago pasadahan ng tingin ang mga kasamahan kong nakatingin na rin sa akin ng naninimbang. Iyon bang, kapag hindi pa ako nagsalita, aawayin na nila ako.

Napabuntong hininga ako at napailing ng tipid. "Sorry guys kung nag-hintay kayo sa 'kin. Napatagal lang sa pag-aayos ng mukha," reason out ko. Na ikinasinghap nilang lahat.

Narinig kong malakas na bumuntong hininga si Mommy Gai sa gilid kaya napatingin ako sa kanya. Inirapan niya agad ako ng magtama ang tingin namin at nagkibit balikat.

"E... ano pa bang bago! Lagi ka namang late dati pa! Pa-make-up make-up pa, may maskara rin naman sa mukha! Sira-ulo lang 'te?!"

Napa-irap ako sa ere at napasinghal. "Mommy Gai, mamaya mo na ako pagalitan. Naghihintay na ang mga tao sa labas o," giya ko pa sa kanya ng labas ng backstage kung nasaan ang mga dagat ng tao. Naghihintay.

Mas lalo lang siyang nainis. "O siya! Sige na nga! Lumabas na kayo at naiirita lang ako rito kay Keisha! Kakapang-init ng ulo! Naku! Paimportante lagi!" Asik niya bago kami ipagtulakang lima papunta sa walang ilaw na stage.

Napa-iling na lang kaming lima bago sumunod sa utos niya. Para kaming mga pinakawalang ibon ng makalabas ng backstage at maharap ang maraming tao na agad nagpakawala ng sigaw at hiyawan ng makita ang mga bulto namin.

"Whooo! Ito na ang hinihintat ko! Let's go!"

"Bro sila ba 'yon? Yung pinag-uusapang strippers?!"

"Oo sila 'yon gagi pre! Tangina! Ang ho-hot! Whoo!"

Hindi ko na narinig ang ilan pang mga sinabi ng mga lalaki na malapit sa stage dahil napuno na ang tainga ko ng malakas na hiwayan galing sa buong paligid.

Nilibot ko agad ang tingin ko sa buong sulok ng dancefloor area ng maka-puwesto na ako sa pinaka gitna. At katulad ng inasahan, karamihan sa dagat ng mga taong nasa harapan namin ngayon, na sumisigaw at dine-dirty compliment kami, puro kalalakihan. Unti lang ang mga babae.

Well, ano naman kasing aasahan sa isang high-end strip club 'di ba?

Nang masuyod ko na ang buong paligid. Binalik ko na rin sa harap ang tingin. Hindi na ako tumingala pa sa 2nd-floor kung nasaan ang mga VVIP guest dahil sila ang pinaka-ayaw ko sa lahat ng customers.

Hayok na hayok sila at matataas ang tingin sa sarili. Puro matatandang uhaw sa katawan pa ang mga nandoon kaya hindi ko talaga pinagtutuunan ng pansin ang gawi na iyon kahit na alam kong importanteng personalisad sila sa bar na ito.

Bumuntong hininga na lang ako para mawala ang pagka-disgustong naramdaman para sa mga taong nasa itaas para hindi iyon maka-abala sa perfomance ko ngayong gabi.

Mas lumakas ang hiyawan ng madla ng mag-umpisa na ring tumugtog ang music. Parang gatilyo iyon sa katawan ko para kumilos at sumayaw. Sanay na sanay na talaga ako.

"Go! Go! Go! Go!" Hiwayan ng mga nasa harapan namin ng mag-simula na kaming lima dito sa stage mag-dirty dance.

Sinayaw ko ang ni-practice naming sayaw. At kung nakakamatay nga lang ang mga malalagkit na titig sa iba't-ibang parte ng katawan ko ngayon. Baka patay na ako sa dami ng mga nakikita kong matang nakasubaybay sa bawat galaw ko.

"Twerk! Twerk! Twerk!" Sigaw ng isa pang grupo ng kalalakihan at hinagasin kami ng maraming blue bills sa stage.

Sumunod ang DJ sa gusto nila, iniba nito ang music at wala akong alinlangangang dumapa sa sahig ng stage at iginalaw-galaw lang ang pang-upo ko, taas baba, habang gano'n rin ang isang kamay ko.

Mas lalong nagwala ang dagat ng mga tao at mas lalong umulan ng pera. Ginanahan ako sa dami ng tips na natatanggap ngayong gabi kaya mas pinaghusay ko ang pagt-twerk ko sa lapag.

"Fuck! Who's that wearing a mask?! She's freaking hot man!"

"You don't know him?! Are you really a guy or gay? All guys in BGC are know her. She's Ms. K! The Queen of nights! Whoo!"

Dahil sa narinig mula sa dalawang mag-barkadang nag-uusap. Napangiti ako dahil hindi ko alam na ganoon na pala kakalat ang alias kong, Ms. K sa buong BGC bilang Queen of Nights. Pero kusa ring nawala ang ngiti sa aking labi ng sa hindi sinasadyang pagkakataon, naitaas ko ang paningin ko sa 2nd floor.

At mas lalong nabura ang ngiti sa labi ko ng masulubong ko ang itim at madilim na mga mata ng lalaking prenteng nakabukaka ang upo sa itaas ko mismo habang mahalay na sinsubay-bayan ang bawat galaw ng katawan ko.

Humihithit siya sa sigarilyo niya. Malamig ang ekspresyon ng perpektong mukha. Habang halos magsalubong na ang makakapal niyang kilay sa pagkakunot habang nakatitig ng madilim sa akin.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at parang bigla na lang akong naging balisa. Hindi pa ito nangyari sa talang buhay ko. At hindi ko rin alam kung paano nagagawa ng lalaking ito na katitigan ko ngayon pasigawin ang buong pagkatao ko sa takot at kaba sa madilim niya pa lang na tingin.

Ngayon ko pa lang siya nakita rito. Hindi siya matanda katulad ng madalas kong nakikitang nasa VVIP floor. Bata pa. Pero sa tingin ko, mas matanda sa akin ng ilang taon. Siya lang din ang nandoon at parang haring nakababa ang tingin sa kanyang nasasakupan.

Napalunok ako sa isip-isip ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang mai-alis sa kanya ang tingin ko. Para niya akong nilulunod sa madilim niyang mga mata a-at... guwapo ngunit malupit na mukha.

P-Para bang habang katitigan ko ang lalaking ito ngayon. Pakiramdam ko, may atensyon akong dapat hindi ko nakuha.

Atensyong, hindi ko na dapat ginising, dahil malakas ang kutob ng sistema ko na masama ang kahihinatnan ng ginawa kong pag-gising sa natutulog na atensyon ng lalaking kagat labi ng nakatitig sa akin ngayon.

Itutuloy...

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Jenny Crowie
in English would be nice
2025-02-01 09:29:08
0
user avatar
Jekk Tan (twitter)
Highly recommend
2023-08-25 02:41:41
0
user avatar
THEGUYWITHTHEGLASSES
Hello everyone! How are you all so far? Are you all blessed? I hope so! Anyway, I just want to thank you all for reaching the final chapter of my first book here in GoodNovel, I Caught The Billionaire's Obsession. I do hope, that you can give this book a good reviews and gems! Tha
2022-09-19 02:40:03
7
user avatar
Nimfa Antalan Antonio
ang Ganda po..
2022-08-01 19:49:49
1
user avatar
amvern heart
Nice title and story.keep it up author. Ang cute ng blurb, napatanong tuloy ako kung Anong ganap sa kwento, kung anong trabaho ni FL.
2022-07-27 19:00:24
2
user avatar
Juvy Pem
Nice one author ... Thank you
2022-07-27 03:25:40
1
user avatar
Bratinela17
Nice story. Keep going author ...
2022-07-26 04:05:47
1
user avatar
Maria
i love this novel
2022-07-25 22:31:47
1
user avatar
gwICEyneth
This book is amazing!
2022-07-25 14:12:57
1
user avatar
janeebee
Great Story! Keep Going!
2022-07-23 13:31:35
1
user avatar
iampammyimnida
Love this book :>
2022-07-22 17:37:36
1
user avatar
Ms.aries@17
interesting...
2022-07-22 12:52:22
1
default avatar
readerandwriter
Keep writing!
2022-07-22 11:49:05
1
user avatar
Rona Doctorr
love thisssssss
2022-07-22 08:59:07
1
user avatar
Chrysnah May
Nice..keep writing ...
2022-07-22 00:29:01
1
  • 1
  • 2
51 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status