LOGIN“You've been in love with me for years, Alessia. You can't just turn that off overnight.”
Nakatitig si Alessia Escalante kay Damian Villacorta sa conference room matapos ang pulong ng kanilang mga pamilya.
“Damian, sino'ng nagsabing imposible iyon? Love dies.”
“Or is this another game you're playing to win me over?”
“Hindi lahat ng matagal nating pinangarap ay dapat pang habulin kapag alam nating masasaktan lang tayo.”
“Come on, Alessia. Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita pinapansin habang binibigyan ko ng atensiyon si Aria.”
Napailing siya. Napakataas talaga ng tingin nito sa sarili.
“Hindi ako nakikipagpaligsahan kay Aria. Kung siya ang gusto mo, walang problema. Ayokong maging kapalit niya.”
“You'll come back. You always do.”
“Maniwala ka sa gusto mong paniwalaan.”
Kinuha niya ang bag mula sa upuan.
“Uuwi na ako.”
“What happened to you?”
Huminto siya bago makarating sa p***o.
“Ilang araw pa lang ang nakakalipas, gustong-gusto mo ako. Ngayon, parang ibang tao ka na. May nangyari bang hindi ko alam?”
Kung alam lamang nito ang limang taong pinagdaanan niya bilang asawa nito! Muntik na niyang sabihin ang tungkol sa unang buhay, ngunit pinigilan niya ang sarili.
“Napagod lang akong umasa sa taong hindi ako kayang piliin.”
“That's not an explanation.”
“Iyon lang ang maibibigay ko.”
“What about our companies?”
Humarap siya rito.
“Kung gusto ninyong ituloy ang partnership ng VLDC at MLIC, sundin ninyo ang tamang proseso. Hindi kailangang magpakasal ang dalawang taong walang pagmamahalan para magnegosyo.”
“It's more complicated than that.”
“Alam ko. Kaya nagsisimula akong mag-aral tungkol sa kumpanya ni Mama.”
Lumabas siya at nagtungo sa elevator. Noon, halos lahat ginawa niya para mapansin ni Damian. Ngayon, siya mismo ang lumalayo.
Sa parking area, sumakay siya sa sasakyang naghihintay.
“Sa mansyon na tayo,” sabi niya sa driver.
Habang bumibiyahe, naalala niya ang mukha ni Damian. May kirot pa rin sa dibdib, ngunit hindi na iyon sapat para baguhin ang desisyon niya.
Pagdating sa mansyon, dumiretso siya sa silid. Inilagay niya sa isang envelope ang mga kopya ng inheritance documents at ang Voting Trust Agreement na ipinadala ni Rafael.
Hindi pa niya babanggitin ang hinala tungkol sa pagkamatay ni Isabella. Ang kailangan muna niyang malaman ay kung paano poprotektahan ang kanyang mga karapatan.
Kinabukasan, matapos mag-almusal, nagpahatid siya sa driver papunta sa law office na napagkasunduan nila sa telepono.
Pagdating doon, itinuro ng receptionist ang opisina ni Attorney Dominic Valle, ang abogado ng kanyang ina.
Tumayo ang lalaking nakasuot ng dark blue suit nang pumasok siya. Matangkad ito, maayos ang buhok, at may seryosong ekspresyon. Sa unang tingin, hindi ito mukhang lalaking madaling makuha sa matatamis na salita.
“Miss Escalante, good morning. I'm Dominic Valle.”
“Good morning, Attorney.”
“Please, have a seat.”
Umupo siya sa harap ng mesa.
“Ako ang kasalukuyang humahawak sa estate file ng inyong ina,” paliwanag nito. “Kasama rin ako sa legal team na nag-asikaso ng succession documents. Gusto kong malaman mo na maaari mo akong pagkatiwalaan. Pinag-aral ako ni Donya Isabella at kung hindi dahil sa kanya hindi ko maaabot ang mga pangarap ko.”
Napangiti siya. Alam niyang madaming natulungan ang kanyang ina.
Inilabas ni Alessia ang mga papeles.
“Gusto kong maintindihan kung ano talaga ang minana ko.”
Tiningnan ni Dominic ang mga kopya at binuksan ang kaugnay na file sa mesa.
“Ang shares ni Isabella sa Meridian Logistics & Infrastructure Corporation, o MLIC, ay inilaan sa inyo. Controlling interest ang hawak ng mga shares na iyon.”
“Gaano po kalaki ang halaga?”
“Batay sa valuation na nasa aming file, daang bilyong piso ang tinatayang halaga ng shareholding. Hindi iyon perang nakadeposito sa bangko. Maaari ring magbago ang valuation.”
Napahawak si Alessia sa gilid ng upuan.
Daang bilyon?
Sa unang buhay, kontento na siya sa allowance na ibinibigay ni Don Rafael.
“Kapag naging twenty-five ako, puwede ko nang pamunuan ang kumpanya?”
“Sa ilalim ng succession arrangement, makokontrol ninyo ang voting rights ng shares. Makaboboto kayo sa pagpili ng board of directors. Hindi ibig sabihin na awtomatiko kayong CEO.”
“Puwede po ba akong maging CEO?”
“Kung itatalaga kayo ng board at matutugunan ang mga kinakailangan. Sa ngayon, mas mahalagang maunawaan ninyo ang responsibilidad ng isang controlling shareholder.”
“Hindi ko po kailangang pumirma sa panibagong agreement para matanggap ang mana ko?”
“Hindi. Magkaiba ang mana ninyo at ang pagpayag na ipagkatiwala ang voting rights sa iba.”
Ipinakita niya ang draft mula sa ama.
“Si Monica Escalante po ang nakapangalan dito.”
Binasa iyon ni Dominic, saka itinuro ang bahagi tungkol sa limang taong termino.
“Kung papasok kayo sa isang wastong Voting Trust Agreement, ang trustee ang gagamit ng voting rights ayon sa mga kondisyon nito.”
“Magiging kanya ang kumpanya?”
“Hindi. Pero malaking impluwensiya iyon sa pagpili ng board. Kaya huwag kayong pipirma nang hindi nauunawaan ang mga probisyon.”
“Hindi po ako pipirma.”
“Karapatan ninyong tumanggi.”
“Paano kung magalit si Papa?”
“Hindi ninyo kailangang pumayag sa kasunduang ayaw ninyo. Kung may pressure o pagbabanta, sabihin ninyo sa akin para mapag-usapan natin ang tamang hakbang.”
Nakahinga siya nang maluwag. Hindi pala niya kailangang sumunod para lamang mapanatili ang sariling mana.
“Wala pa akong alam sa logistics, Attorney. Pero gusto kong matuto. Maaari rin po bang malaman kung maayos ang pamamahala ni Papa?”
“Magsimula tayo sa financial statements, project reports, at corporate records na maaari ninyong hilingin sa tamang proseso. Kailangan nating suriin ang mga aktuwal na dokumento bago magbigay ng konklusyon.”
Tumango siya. Hindi sapat ang apelyido o mana para maunawaan ang negosyong pinaghirapan ng ina.
Nagpasalamat siya kay Dominic at nagpaalam. Mula sa opisina, naglakad siya sa elevator, bumaba sa lobby, at lumabas sa pangunahing pintuan upang hintayin ang driver.
Napatigil siya sa may driveway.
Nag-message siya sa driver na naroon na siya, ngunit bago maitabi ang cellphone, napansin niya ang lalaking nakatayo ilang hakbang mula sa pasukan.
Si Damian Villacorta, may hawak na sigarilyo.
Nakasuot ito ng itim na polo, nakatiklop ang manggas hanggang siko.
Humithit ito at nagbuga ng usok bago nag-angat ng tingin. Pamilyar ang matangos nitong ilong at ang tindig na minsan niyang hinahangaan kahit sa pinakasimpleng damit.
Damn! Bakit kahit naninigarilyo, napakaguwapo pa rin nito?
Sinaway niya ang sarili. Hindi mabubura ng magandang mukha ang kalupitang naranasan niya sa unang buhay.
Nang mapansin siya, itinapon ni Damian ang sigarilyo sa basurahan.
“Alessia? What are you doing here?”
Tumingin ito sa karatula ng law office sa gusali bago ibinalik ang tingin sa kanya.
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo dito? Damian, sinusundan mo ba ako?”
“Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe
“Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“
“Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang
“Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa
“Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael
“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s







