Home / Romance / I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart / Kabanata 8 A Bride Against Her Will

Share

Kabanata 8 A Bride Against Her Will

last update publish date: 2026-11-11 11:38:50

“Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”

Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.

“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”

Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.

“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”

“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”

“Personal na bagay.”

“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”

Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”

“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”

“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”

Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap sa cellphone.

“Do you even understand what's at stake?”

“Ang kasal natin?”

“The partnership. Maraming nakasalalay sa kasunduang iyon.”

“Kung ganoon, bakit hindi ninyo ituloy ang negosyo nang walang kasal?”

Hindi ito kaagad sumagot. Isinilid nito ang cellphone sa bulsa.

“It's complicated.”

Napansin ni Alessia ang pagbabago ng tono nito. Kanina, puro tungkol sa paghahabol niya ang sinasabi ni Damian. Ngayon, tila mas mahalaga rito ang kasunduan.

“May hindi ba kayo sinasabi sa akin?”

“Not everything concerns you.”

“Pero bakit ako ang pinipilit ninyo?”

Tumigas ang panga nito.

Sa kabila ng pagkainis, napasulyap siya sa nakatiklop na manggas ng itim nitong polo. Litaw ang matigas na linya ng panga nito sa sikat ng araw.

Nakakainis na guwapo pa rin ang lalaking ito. Ang ganda pa din ng katawan at ng tindig.

Naalala niyang sa unang buhay, palagi niya itong pinagsasabihang bawasan ang paninigarilyo. Ngunit itinapon na nito ang sigarilyo bago sila nag-usap, at wala na siyang balak makialam.

Hindi na niya responsibilidad ang mga personal na desisyon nito.

“Just one dinner, Alessia,” alok ni Damian. “We need to talk.”

“Kung tungkol sa negosyo, sa meeting natin pag-usapan.”

“And if I want to talk about us?”

“Walang tayo, Damian. Tigilan mo ang pagiging delusional mo.”

“Hindi mo naiintindihan ang magiging epekto kapag hindi natuloy ang kasal.”

“Kung may problema sa partnership ng MLIC at VLDC, ayusin ninyo sa kontrata. Huwag ninyo akong piliting magpakasal.”

“May mga commitment na ang dalawang kumpanya. Hindi puwedeng basta umatras.”

“Kung ganoon, ipakita ninyo ang mga dokumento.”

Muling sumulyap si Damian sa cellphone.

“Your father will explain everything tomorrow.”

“Bakit hindi ikaw?”

“Because I'm not the one you need to convince.”

Napakunot ang noo ni Alessia. Bago siya makapagtanong, huminto sa pickup area ang sasakyan ng pamilya.

Bumaba ang driver at binuksan ang p***o sa likod.

“Uuwi na ako.”

“You'll change your mind.”

“Kung iyan ang gusto mong paniwalaan, bahala ka.”

Sumakay siya. Mula sa bintana, nakita niyang nanatili si Damian sa driveway habang hawak ang cellphone.

Sa unang buhay, siya ang palaging naghihintay. Ngayon, siya ang kusang lumalayo.

Habang bumibiyahe, nakatanggap siya ng mensahe mula kay Dominic.

“Miss Escalante, ihahanda ng legal team ko ang listahan ng corporate records na maaari nating hilingin tungkol sa MLIC, kabilang ang financial statements, listahan ng mga direktor, at mahahalagang proyekto.”

“Salamat, Attorney. Gusto ko pong malaman kung maayos ang pamamahala sa kumpanyang iniwan ni Mommy.”

“Kailangan muna nating suriin ang mga dokumento bago makapagbigay ng konklusyon. Ipapaliwanag ko rin ang inyong mga karapatan bilang pinakamalaking shareholder.”

Muling binasa ni Alessia ang sagot. CEO si Dominic ng isa sa mga nangungunang law firm sa bansa, ngunit hindi nito ipinadamang nakakahiya ang kanyang mga tanong. Hindi ito nangako ng madaling solusyon. Malinaw lamang ang mga susunod nilang hakbang.

Pagdating sa mansyon, nadatnan niya si Monica sa sala. Noon ay naging mabait at sunud-sunuran siya sa ama at sa madrasta. Hindi na ngayon. Pakiramdam niya ay unti-unting tumutubo ang sungay niya.

“Saan ka nanggaling?”

“May inayos akong personal na bagay.”

“Kay Damian ba? Napag-isipan mo na ba ang Voting Trust Agreement?”

“Hindi ako pipirma.”

Ibinaba ni Monica ang tasa. “Ang Papa mo ang nakakaalam kung paano patakbuhin ang MLIC. Huwag mo nang guluhin ang negosyo. Mas mabuting paghandaan mo ang pagiging mabuting asawa ni Damian.”

“Hindi ako pumapayag na pakasalan siya.”

“Para rin ito sa kinabukasan mo.”

“Para sa kinabukasan ko sa sa kinabukasan mo?”

Nagdikit ang mga labi ni Monica. Bumukas ang p***o ng silid-aklatan at lumabas si Rafael, may hawak na folder.

“Ano'ng nangyayari rito?”

“Papa, hindi ako pipirma sa agreement. At hindi ako magpapakasal kay Damian.”

“Alam mo bang maaaring masira ang partnership ng MLIC at VLDC dahil sa katigasan ng ulo mo? Bilyong halaga ng proyekto ang madadamay sa kaartehan mo.”

“Kaartehan? Bakit hindi ninyo na lang pabalikin ang paborito ninyong anak.”

“She's busy building her career,” malamig na sagot ni Rafael. “Hindi kagaya mo na walang pangarap sa buhay.”

Parang may humigpit sa lalamunan ni Alessia. Tama naman ang kanyang ama.

Sa unang buhay, hinayaan niyang umikot kay Damian ang kanyang mundo. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang negosyong iniwan ng ina.

Pero hindi na niya hahayaang maulit iyon.

“May family meeting tayo bukas kasama ang mga Villacorta,” utos ni Rafael. “Dadalo ka.”

“Dadalo ako para makinig. Hindi ibig sabihin noon, pumapayag akong ikasal.”

“May mga bagay na hindi mo pa naiintindihan, Alessia. Huwag mong hayaang masayang ang lahat.”

Napansin niyang mahigpit ang pagkakahawak ng ama sa folder bago ito bumalik sa silid-aklatan.

Umakyat si Alessia sa kanyang silid at nag-message kay Dominic.

“Attorney, may family meeting kami bukas tungkol sa kasal at partnership. Puwede ko po bang ipasuri ang mga dokumentong ibibigay nila?”

“Oo. Ipadala ninyo ang mga dokumentong maaari ninyong ibahagi. Huwag munang pumirma sa hindi ninyo nauunawaan.”

Naglista siya ng mga tanong tungkol sa obligasyon ng MLIC, sa kapangyarihan ni Rafael, at sa dahilan kung bakit kailangang magpakasal sila ni Damian.

Kinagabihan, may dumating na mensahe mula sa ama.

Kalakip ang larawan ng schedule mula sa wedding coordinator.

Nakasulat ang pangalan nilang dalawa ni Damian, ang simbahan, at ang petsa ng seremonya. May nakatakda nang oras para sa pagdating ng mga bisita at paghahanda ng entourage.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

Wala siyang pinirmahan. Ni hindi siya pumayag na magpakasal.

“Papa, bakit may wedding date na? Sinabi ko nang hindi ako papayag.”

Makalipas ang ilang sandali, dumating ang sagot.

“Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Tuloy ang kasal.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 13 Her First Investment

    “Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 12 This Time, She Chooses Herself

    “Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 11 The Billionaire's Hidden Intentions

    “Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 10 His Unexpected Invitation

    “Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 9 The Heir They Underestimated

    “Alessia, hindi na puwedeng umatras. Nabayaran na ang lahat at naipaalam na sa mga Villacorta. Itutuloy natin ang kasal.”Muling binasa ni Alessia ang mensahe ng ama. Sa ipinadalang wedding schedule, tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. May pangalan na nila ni Damian sa bawat pahina, kahit hindi siya pumayag.“Papa, kahit bayad na ang lahat, hindi ibig sabihin na maaari ninyo akong piliting magpakasal.”Naghintay siya, ngunit walang sumunod na mensahe. Inilagay niya sa tabi ng cellphone ang folder ng mga dokumentong ihahanda para kay Attorney Dominic Valle. Kung magpapakita ng bagong kasunduan ang mga pamilya, hindi niya iyon pipirmahan nang walang pagsusuri. Sa unang buhay, siya ang nagmamakaawang matuloy ang kasal. Ngayon, tila lahat ay nagmamadaling ipakasal siya sa lalaking ayaw na niyang habulin.Kinabukasan, nadatnan niya sina Rafael at Monica sa hapag-kainan.“Papa, bakit kayo nagtakda ng petsa nang hindi ako kinakausap?”“Matagal na itong pinaghandaan,” sagot ni Rafael

  • I Died Loving Him, Now He Begs For My Heart   Kabanata 8 A Bride Against Her Will

    “Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito? Damian, sinusundan mo ba ako?”Napatawa si Damian Villacorta, ngunit may pangungutya sa tinig nito.“Don't flatter yourself, Alessia. Hindi umiikot sa'yo ang buhay ko. May meeting ako sa ikaanim na palapag. Hinihintay ko lang ang driver ko.”Nasa tapat sila ng gusaling kinaroroonan ng opisina ni Attorney Dominic Valle. Umiwas si Alessia sa pintuan upang hindi makaharang sa mga taong pumapasok.“Kung ganoon, pareho tayong may sariling lakad.”“Bakit ka nanggaling sa law office? May kinalaman ba 'yan sa kasal natin?”“Personal na bagay.”“Are you planning to use a lawyer to force me into marrying you?”Napailing si Alessia. “Hindi ko kailangan ng abogado para maghabol ng lalaki.”“Then what's this about? Nagpapakipot ka lang dahil hindi kita binibigyan ng atensiyon.”“Damian, hindi lahat ng babaeng nagkagusto sa'yo ay habambuhay na maghahabol.”Nawala ang mapangutyang ngiti nito. Sandali siyang tinitigan bago sumulyap s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status