LOGINLimang taon nang lihim na minamahal ni Alessia Escalante ang billionaire CEO na si Damian Villacorta. Kaya nang iwan ito ng kasintahang si Aria, ang kanyang stepsister, at siya ang ipakasal bilang kapalit, naniwala siyang balang-araw ay mamahalin din siya nito. Ngunit kahit limang taon silang naging mag-asawa, si Aria pa rin ang nag-iisang babaeng mahal ni Damian. Sa kanilang ikalimang wedding anniversary, natuklasan ni Alessia ang pagtataksil ng asawa at isang nakagigimbal na lihim tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina. Bago niya malaman ang buong katotohanan, pinatay siya ng stepsister. Ngunit nagising siyang muli, limang taon sa nakaraan, bago ang kasal nila ni Damian! Sa pagkakataong ito, hindi na siya magiging pamalit. Babawiin niya ang kanyang mana, aalamin ang katotohanan, at pipiliin ang sarili. Ngunit paano kung ang lalaking minsan niyang minahal nang higit sa sarili ang siya namang magmamakaawa para makuha ang kanyang puso—sa panahong hindi na niya kayang magtiwala rito?
View More“Labingwalong ektarya,” bulong ni Alessia habang tinitingnan ang isla sa digital auction catalog.Sa unang buhay, nabasa niyang naging mahalaga ang lupang iyon sa pagtatayo ng cargo port makalipas ang ilang taon. Hindi siya nakadalo noon sa The Legacy of Hope Charity Gala & Auction. Abala siyang maghintay kay Damian, gaya ng nakasanayan.Ngayon, maaaring iyon ang una niyang investment.May larawan ng dating nakabili sa artikulong nabasa niya noon. Muling sinuri niya ang mapa at lawak sa catalog upang matiyak na iyon nga ang isla.Sinuri niya ang lokasyon, panimulang bid, at kondisyon ng bentahan. Hindi pa tiyak kung papayagan ang pagpapatayo ng pantalan. Kailangan ding siyasatin ang titulo. Ngunit bago ang lahat, kailangan niya ng perang maaari niyang gamitin.Binuksan niya ang banking app. Mula sa buwanang allowance ni Rafael ang halos buong ipon niya. Hindi pa niya makukuha ang trust fund ni Isabella hanggang sa maging dalawampu't lima siya. Ang shares naman niya sa MLIC ay hindi pe
“Some promises are worth waiting for. I’m yours and you’re mine, forever.”Muling binasa ni Alessia ang caption sa larawan ni Aria. Nakangiti ang stepsister niya sa Paris, suot ang mamahaling hikaw na diyamante.“Sab, sa tingin mo, tungkol kay Damian ang caption?” tanong niya habang kausap si Sabrina Sanchez sa cellphone.“Posible. Pero wala tayong ebidensiya. Bakit? May nangyari ba mula nang umalis si Aria?”“Bigla akong gustong ligawan ni Damian.”“Ano? Hindi ba si Aria ang girlfriend niya?”“Iyon nga. May malaking business partnership ang mga pamilya namin. Gusto nilang ituloy ang kasal kahit tumanggi na ako.”“Alessia, gusto mo ba talagang pakasalan ang lalaking iyan? Sinasabi ko sa'yo, hindi ka niya mahal. The most important choice in a woman’s life is who she marries.”Napapikit si Alessia. Ganito rin siya pinayuhan ni Sabrina noon. Hindi siya nakinig.“Hindi na, Sab.”“Talaga? Alessia Escalante, ikaw ba ‘yan? May sakit ka ba? Okay ka lang?”Sunod-sunod ang tanong ng kaibigan.“
“Let’s get to know each other.”Matagal na tinitigan ni Alessia ang mensahe ni Damian. Sa unang buhay, paulit-ulit siyang nagmakaawang samahan siya nitong maghapunan. Laging itong may dahilan para tumanggi. Ngayon, ito ang humihingi ng pagkakataong makausap siya.“Para saan? Hindi na natin kailangang kilalanin ang isa't isa. Let's not waste each other's time.”Mabilis ang reply.“Hindi tayo magkakaunawaan kung palagi tayong nagtatalo. May mga bagay tayong kailangang pag-usapan.”“Nasabi ko na ang desisyon ko.”“Just one meeting. No family. No arguments. Tomorrow?”“Hindi ako interesado sa romantic date, Damian.”“Hindi kita pinipilit makipag-date. Gusto ko lang makausap ka nang walang nakikialam.”Hindi na siya sumagot. Ibinaba niya ang cellphone at pinatay ang ilaw. Naalala niya ang ilang gabing nakatitig siya sa screen noon, naghihintay ng mensahe mula sa asawang hindi umuuwi.Kinabukasan, matapos mag-almusal, tinawagan siya ni Attorney Dominic Valle. Naipadala niya noong nakaraang
“Kung pahintulot ko bilang shareholder ang kailangan ninyo, bakit kailangan ninyo akong ipakasal kay Damian?”Hindi inalis ni Alessia ang tingin kay Fernando Villacorta. Hawak pa rin niya ang kopya ng business proposal na ibinigay nito.“May iba pa ba kayong kasunduang hindi ipinapakita sa akin?”“Wala pang pinal na kontrata,” sagot ni Fernando. “Ang kasal ay para patatagin ang samahan ng dalawang pamilya. Ganoon kasimple.”“Kung ganoon, walang dahilan para ipilit ninyo iyon.”Napatingin siya sa wedding schedule na nakapatong sa mesa. Tatlong linggo na lamang bago ang seremonya. Wala siyang ibinigay na pahintulot, ngunit parang nakapagdesisyon na ang lahat para sa kanya.“Hindi pa nga ninyo ako tinanong kung gusto kong ikasal,” dagdag niya. “Paano ninyo nasasabing kasunduan ito?”“Alam mong matagal mo nang gustong pakasalan si Damian,” sabi ni Fernando.“Iyon ang gusto ko noon. Iba ang gusto ko ngayon.”“Alessia, tama na!” sigaw ni Rafael mula sa kabilang sofa. “Hindi mo kailangang pa






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews