Share

Chapter 2

Author: EllHopia
last update Last Updated: 2022-12-19 16:43:31

"Baby ko, halika na bumagon ka na nak"

"Hmmmpp, maayong buntag mama"

 "Magandang umaga anak, ang galing may alam na bisaya words ang anak ko ah,"

"Mama, kahit galing ka po sa Manila dapat alam natin minsan kahit kaunting words ng mga bisaya, baka pinag-uusapan na tayo hindi natin alam."

 Kaunti lang ang alam ko na bisaya dahil hindi nman ako lumaki dito sa Cebu, sa Manila talaga ako lumaki.

Nagpag-pasyahan namin na lumayo muna dahil galit sina mama sa akin dahil pinili ko si Brent nabuntis niya ako, ayaw sa kanya ng nila mama dahil nagtatrabaho lang sa Resto si Brent bilang waiter sa umaga at singer sa gabi, malapit lang ang resto sa school namin kaya doon kami nagkita

."Hmm, marunog kaya ang mama mo nak," pagmamalaki ko sa kanya.

"Sge nga, e-translate mo sa sa bisaya ang sasabihin ko. " Bumangon siya at nag Indian sit.

"Aba! naman hinahamon mo ako anak ah, sge go dalian lang natin dahil paliliguan kita at kakain na tayo."

"Sus, ang dali ko lang maligo ma, dali translate mo ang "I LOVE YOU"

"hmm, ang dali naman gihiguma ko ikaw." Nakangiti kong saad sa kanya.

"Ang lalim naman ma. " Tumawa siya ng malakas matapos sabihin iyon.

"Ang astig ng mama mo no? " pagmamalaki ko sa kanya at kinidhatan siya.

"Sus, Nalaman mo lang yan galing sa ka-trabaho mo. Lagi ko yan naririnig sasabihin ni uncle Sam kai tita Fe"

Sinasama ko kasi si Andro sa trabaho minsan pag aalis si Manang Sisil kaya naging malapit na rin ng anak ko sa mga katrabaho ko

"Oo na, halika na ang baho na ng maliit na prinsipe ko." Binuhat ko siya at pumunta na kami sa maliit na cr dito sa bahay

"Ma, ang ginaw naman," reklamo niya habang pinapaliguan ko siya

"Aba! Andro, baka gusto mo na susunod-sunod sayo ang langgaw dahil ang baho mo gusto mo yun?" Pananakot ko sa kanya.

"No, ayaw ko ma hindi ako papansinin ni Brea pag-mabaho ako"

"Sinong Brea ha? Andro,"

"Ehe, yung bata sa may kanto po ang bahay. "

"Crush mo? Ay este friend mo?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Friend ko po, mama pinapasyal ako ni Nanay Sisil sa park at doon ko po siya nakilala," pagpapaliwanag niya.

"Hindi mo siya inaaway? good boy ka ba?" Tanong ko sa kanya dahil minsan kasi maypagka pilyo ang anak ko

"Hindi mama, good boy Andro mama"

" Good, Wait ka lang dito ha, kukuha ako ng towel."

" Yes maam," saad niya at may pa salute² pa na parang pulis kinuha ko towel at binalut sa kanya

 "Mama, puwdeng sumama sa iyo ngayon?"

"Hindi puwde anak, alam mo naman na busy si mama, hindi kita mababantayan ng maayos."

"Next time mama, sama ako please." Pagmamakaawa niya sa akin.

"Yep. anak. Hands up ka muna isusuot ko na tung damit mo." Pagkatapos kung bihisan at sinuklayan ang mataas niyang buhok ay bigla na lang syang bumaba sa kama.

"Saan ka pupunta?"

"Sa salamin mama," saad niya at pumunta sa maliit na table dito sa kwarto namin na may nakalagay na medyo basag na salamin pero klaro nmn kahit papano

"Tingin ka sa akin mama, ang gwapo ko nohh?"

Napangiti na lang ako sa anak ko gwapo nga siya manang mana sa papa niya magkapareho silang may matanggos na Ilong, mataas rin ang anak ko, singkit ang kanyang mga mata na parang may lahing korean mana talaga kay brent parang koreano rin yung mokong na 'yun.

"Mama ano na gwapo ako nuh."

"Hmmmmm. Hindi," saad ko sa kanya sabay tawa. Ayan na naman ang anak ko nagiging mahangin na naman.

"Ngeee, ang gwapo ko kaya ma."

"Gwapo ka sana,"

 "Bakit sana lang ma?"

"Dahil maganda ka sa paningin. Ang taas na kasi ng buhok mo hanggang balikat mo na." Hinawakan ko ang mataas niyang buhok.

"Chuuyy kaya nito." Nilugay lugay niya ang basa buhok niya. Sobrang bibo talaga ng anak ko ayaw niyang pagupitan ang buhok niya. Tinatali niya ang buhok niya pag hindi na ito basa

"Gupitan na natin buhok mo nak,"

"Sa susunod po pag umuwi na si papa dito siya na lang gugupit sa buhok ko," malungkot niyang saad

"Ok sge babalik si papa mo. Hali ka na kakain na tayo para naman makaalis na tayo baka ma late si mama nak."

Na una na siyang naglakad patunggo sa kusina, naawa ako anak ko umaasa siyang uuwi ang papa niya, kasalanan ko naman kasi iyon eh.

Van Andrew POV

Busy ako sa paperworks na aking ginagawa nang may kumatok.

"Come in,"

"Excuse me Doc, tumawag po sa telephono po ang mommy niyo po sabi niya hindi mo daw sinasagot tawag niya," saad ng personal assistant ko

 "Okay thank you." Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan may 10 missed calls si mama kaya tinawagan ko na lang siya

Ring! Ring!

"Hoy Van Andrew! Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko ha! Ikaw talagang bata ka! Hindi mo sinagot ha lunch break mo ngayon kaya alam ko wla kang pang trabaho "

"Chill ka lang dyan mommy, nagbabasa kasi ako at bakit ka ba natapatawag ha na miss mo na ang gwapo mong anak?" Pang-aasar ko sa mommy ko

"Kalukuhan mo! Aba nagmamaang-maangan ka pa, hindi mo raw sinipot ang date niyo kahapon ng magandang anak ng amega ko day off mo naman kahapon." Ayan na naman si mommy nagagalit na naman dahil hindi ko sinipot ang date.

" Nakaka-bored makipag date and also I told you already I don't want to get married yet."

"Van, ang sabi ng daddy mo hindi mo makukuha ang mana mo pag hindi ka pa nag-asawa."Pananakot sa akin ni mommy.

"I don't care may trabaho naman ako."

"Anak just follow our want Van, alam mo naman na may sakit ang daddy mo yan lang naman ang hiling niya sayo, ang makita ka namin na ikasal. Makita namin na magkaroon ka ng sariling pamilya ang magkaroon ka ng anak. Van 28 years old kana nasa tamang edad ka na para mag-asawa."

"Let's just talk next time mom, I love you." Gusto ko ng ibaba ang tawag na ito dahil alam ko na naman kung saan mapupunta ang usapan na ito.

"Pumunta ka dito sa bahay when your free mag-uusap tayo ng masinsinan."

"Yes, mom bye."

Ibinaba ko na ang tawag, ganyan parati si mama lagi akong kinukulit na mag-asawa na. Ayaw kong magpakasal dagdag suliranin lang iyan. May hinahanap pa ako sa ngayon at saka i want to focus on my career, this makes me happy.

 Ako si Van Andrew Harper 28 years old at isa ng sikat na Doctor dito sa pilipinas, sabi ng iilan gwapo daw ako, marami kasing naghahabol sa akin, pero ni isa sa kanila wala akong gusto.

"Emergency! Emergency! Doc. Van kailangan ka po sa Room 217! Masama po ang lagay ng bata."Narinig kong saad sa Intercom

Dali-dali kong sinuot ang labgown ko at kumaripas ng takbo patungo sa kwarto ng bata

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ko sa mama ng bata.

"Doc... Bigla na lng po siya nagsuka at tila nagkukumbulsyon po sya doc." Nakikita ko sa mata niya na sobrang nag-alala sya para sa anak at halatang kinakabahan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Finally Found You   Chapter 34

    Ang sinag ng araw ay pumasok sa mga kurtina, naglalabas ng mainit na liwanag sa buong kwarto. Nagising si Armea sa malumanay na tunog ng lungsod mula sa labas, ang banayad na tunog ng mga sasakyan na dumadaan, at ang tahimik na paghinga ni Van, na nakaupo na sa mesa at abala sa paggawa ng isang bagay. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa mata, ramdam pa ang epekto ng alak kagabi, ngunit determinado siyang harapin ang araw nang may malinaw na pag-iisip.Dahan-dahan siyang tumayo, iniiwasang magkalog, at inayos ang bathrobe na iniiwan niya noong nakaraang gabi. Nagsimula nang mag-ikot ang mga saloobin sa kanyang isipan habang tinitingnan ang kanyang repleksyon sa salamin. Hindi simple ang buhay niya, ngunit kakaiba ang pakiramdam sa bagong kabanatang ito. Ang mga nakaraang araw ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong magmuni-muni sa mga bagay na hindi niya akalain na iisipin niya. Tumingin siya kay Van na abala sa mesa, ang presensya niya ay kalmado ngunit may tiwala. Hindi niya alam kun

  • I Finally Found You   Chapter 33

    I never thought ganito ka busy ang ikasal,"sabi ko habang hinuhubad ang aking gown. Masyadong mainit at naka-inom na rin ako.Nakarinig ako ng pagkatok kaya agad ko naman kinuha ang bathrobe at sinuot iyon.Pumasok si Van na halatang pagod rin."Hey, pretty. wanna drink with me?" Tanong sa akin ni Van. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng bathrobe ng lumapit siya sa akin at nilagay sa lamesa ang dala niyabg wine may isa rin na wine kaya naging dalawang wine ang nasa mesa."Sure, mag-shower muna ako." Sabi ko at agad na nag-shower."Oh, God! What should I do?" sabi ko habang nagsasabon. Hindi naman talaga kami totoong nagmamahalan ngunit gusto ng papa niya na magkaroon ulit ng apo.Wala ang anak ko dito ngayon nasa hotel kami habang siya si Madeline muna ang nag-aalaga.Hindi ko namalayan na napatagal ako sa CR. Kumatok si Van kaya mas lalo akong kinabahan."Langga! Matagal ka pa ba diyan? I'll gonna have a shower." Agad nmn akong napa-suot ng bathrobe at lumabas."Ikaw na," hindi a

  • I Finally Found You   Chapter 32

    Nag- instruct ang photographer sa magiging picturuals "Ang newly Wed muna ang kukunan. Okay Groom humawak ka sa bewang ng Asawa mo." Pinicturan niya kami. Magkatabi kami tapos nakahawak si Van sa Bewang ko. "Good. Next naman. Holding Hands." Ginawa naman namin ang sinabi.Iillang possing pa ang pinagawa sa amin."Last pose, Sa likod ang groom tapos sa harapan ang bride. Parang yakapin mo patalikod Ang bride." Nakakailang naman pero sinabi lang ni Van na go with the flow. " Perfect! ngayon naman ay kukunan ng litrato ay ang bride at ang groom then kasama nila ang anak nila." Saad ng organizer nakapwesto na ang photographer sa harapan namin kasama naman ng anak ko ang tita madeline niya.Sinabihan si Van ng organizer na pumunta sa likod ko at hawakan ang aking bewang habang hawak ko naman ang bulaklak sa kamay ko."Okay yan , mag smile kayo sa camera"Ginawa naman namin ang sinabi ng organizer.Nag thumbs up naman ang photographer na okay ang pagkakuha nito."Hephep wait mas maganda

  • I Finally Found You   Chapter 31

    (Wedding Day)"Ang lamig ng kamay mo girl ha" saad ni madeline sa akin nandito kasi kami sa kotse ngayon nag-aantay lang kami na makapasok lahat ng tao sa simbahan bago kami pumasok.Lumingon ako sa mga puno sa tapat ng simbahan may nakita ako na nagpalaki ng mata ko kaya nilingon ko si mads at kinalabit "Mads tingnan mo si brent ,"Tinuro ko ang kinaroroonan. Niya ngunit wala na siya doon"Wala naman ah guni-guni mo lang ata yun nuh" pagtataray niyang saad sa akin "Sure ako si brent iyon " Tiningnan niya ulit yung puno na tinuro ko"Wala namang tao doon armea ah , nako hindi si brent yun" umiiling niyang saad "Si brent talaga kasi iyon ""Mea , calm down hindi iyon si brent guni-guni mo lang iyon dahil for sure na guilty ka sa gagawin mo , pero mea huwag muna siya ang isipin mo, isipin mo ang anak mo ha guni-guni mo lang iyo" guni-guni ko lang ata talaga iyon pero may nakita talaga akong tao malapit sa puno kanina eh."Ma'am pwde na po kayong bumaba" saad ng babae.Inalalayan ako

  • I Finally Found You   Chapter 30

    "Manang teresa tulungan na kita diyan," "Nako maam huwag na po, pupunta naman ang ibang katulong dito" nandito kami sa dinning room kakatapos lang namin na kumain, ang anak ko ayun dinala ni van sa taas nag volunteer na siya na daw magbihis sa kay andro at magpatulog inaantok na kasi iyon."Nasaan po ang ibang katulong?""May pinaasikaso si sir van sa kanila para po sa engagement party niyo maam,""Ah ganun po ba"kumusta po ang pag-aasikaso sa kasal?" Tinulungan ko siya sa pagdala ng mga ginamit na pinggan patunggo sa lababo."Ok naman manang ang yaman nila nuh ang daming koneksyon ang dali lang para sa kanila""Sinabi mo pa, may sariling pera na ang mga anak ni maam vanessa" sinimulan niyang hugasan ang mga pinggan."Nasan na po ang mga anak tita?""Yung panganay niyang anak na si Vion Andrillo may sarili ng companya dito lang sa manila.Ang pangalawa ay si sir Van tapos ang pangatlo si Vin Arnold business man ,yung nasa ibang bansa na pinuntahan nila maam yung naaksidente tas yung

  • I Finally Found You   Chapter 29

    Ibinigay nila sa akin ang brochure, binuklat ko iyon may isang gown na bumihag sa mata ko."Ito po" tinuro ko sa kanila ang napili ko isang Floral Petite wedding dress with Removable sleeves."I also like that iha pinili ko yan kanina," saad ng mommy ni van "That's our top selling wedding gown kaya marami kaming stock niyan at sa halagang five hundred thousands may wedding gown ka na." Nagulat ako sa persyo na Five hundred thousand sa gown na yan mas mabuti pa na mag renta na lang ng gown kaysa bumili eh ang mahal talaga eh half million sayang ang pera."Tsskk ano ba naman yan off-shoulder tapos may slit hanggang Hita. Ayaw ko niyan masyadong reviling" "Wag kang oa anak hindi naman ikaw ang susuot.""Ehh. Tita masyadong mahal" Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang tita gusto nga niya tawagin ko siyang mommy pero saka na lang pagkatapos ng totoong kasal namin ni van."No iha , don't mind the price, also we can buy that gown ako naman ang gagastos.""Bahala kayo" saad ni van.May

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status