ANMELDENHanna’s POV“Hija, okay naman si Jane ah. Sa katunayan, magaling talaga siya sa gawaing bahay. Huwag ka nang magpa-stress diyan. Pagmasdan na lamang natin siya. Gano’n ata siguro ang galing sa probinsiya, hija—ignorante pa sa siyudad. Lalo’t ito ang unang beses na napunta siya rito. Alam mo na, probinsiyana girl. Masasanay ka rin sa kanya.”Kinakabahan talaga ako kahit sabihin pang first time niyang napunta sa siyudad.“Ikaw po bahala, Manang Shie. Pero pagmasdan niyo po. Iba kasi talaga ang kutob ko sa babaeng iyan.”Tumango lang siya.Buong araw, nakamasid lang ako sa kanya. And yes—magaling siya. Kusa rin siyang gumagawa, iyon ang unang napuna ko sa kanya. Kapag oras din ng trabaho, she’s focused at hindi rin siya mareklamo. Sanay na sanay talaga siya sa gawaing bahay.Ang problema lang kasi sa kanya, ang pananamit at aura niya. Hindi sa nangingialam ako sa style niya, but naiirita ako sa tuwing makikita siya. She’s almost 3 weeks na si
Hanna’s POV“Hon, ang aga-aga pa nga. Teka, natulog ka ba o hindi? Matulog ka uli, it’s already 4 AM pa lang oh.”Hindi ako nakinig sa kanya. Dire-diretso lang ako sa pagligpit ng unan at kumot na gamit ko. Yes, we have our own kumot.“Hon! Ano ba? Alam mo naman na buntis ka. Ang aga pa naman, hindi mo naman kailangang gumawa diyan eh! Kung mapaano ka diyan? Ano na!”“Kailangan ko nang kumilos dahil may bisita tayo! Darating ’yong bagong kasambahay!” wika ko na may halong pagkairita. ’Di naman kasi ako bata para pagmandohan pa niya.Napakamot siya sa ulo bigla. “Ay, oo nga pala. Pero bakit ngayon lang? Eh ’di ba noong isang linggo pa dapat iyon?” aniya.“They called me at humingi sila ng paumanhin dahil nagkaproblema daw kasi kaya ngayon lang nila maihahatid ’yong kasambahay. Pero okay lang.” Mahinahon kong pagpapaliwanag.“Oh, I see.” Inakala ko na babalik ito sa pagtulog.“Oh, saan ka pupunta? ’Di ba inaantok ka pa?” ngumiti
Hanna's POV"Manang, puwede po ba paabot ng baunan? Lalagyan ko lang po nitong ulam." Iniabot naman sa akin nito ang baunan, may halo nga lang pilyong ngiti."Sus, dami mo namang papakainin. Isang barangay ba?""Hindi po. Babaunin ni Harold ’tong iba, at itong matitira, ito na lang po ang tanghalian natin. Ilan lang tayo dito ngayon! Wala naman ’yong iba, nasa leave, ’di po ba?" Natahimik lang siya. Alam ko kasi kung hindi ako magdadahilan ay hahaba at hahaba na naman ang aming usapan."Mommy! Good morning po! Good morning, Lola Shie!" Kahit kailan talaga, hindi kumukupas ang pagiging sweet ng anak ko."Good morning too, Raf!" tugon din ni Manang Shie sa kanya."Mommy, what’s our breakfast for today?""O, see by yourself, anak!" Pero nagulat ito sa nakita. Alam ko kasing gustong-gusto niya kumain ng adobong baka, pero dahil nagmamadali sa araw-araw na pagpasok, hindi na nalulutuan kaya pinaghandaan ko talaga."Mommy, ikaw ah, you know me well!"Hindi ko na lang pinahalata na natatawa
Harold’s POV“Daddy, I’m sorry!”“Anak, ba’t hindi mo sinabi agad? Huh? Para naman napag-usapan namin ng Mommy mo? Bakit? Hindi ka naman ganyan, diba? You always tell us kung ano man ang kailangan mo. Pero why?” Alam kong may mali, pero hindi ko kayang magalit.“Kasi po, I saw you and Mommy don’t talk to each other, and Mommy is still mad at you. That’s why I never said anything.” Yumuko lang siya, dama ko ang pagsisisi sa mukha niya.“Son, whatever happens, don’t ever hesitate to tell everything to Daddy, okay?” Namumugto na ang mga mata niya. “Mabuti nga at hindi ka nasaktan. Kung may nangyari sa’yo, hindi mapapatawad ni Daddy ang sarili niya. Binubully ka na pala, ba’t hindi ka lumaban?”“Masama po iyon eh,” halos pabulong niyang tugon. “Please Daddy, don’t tell it to Mommy. I’m worried she’s pregnant,” dagdag pa nito.“Promise, I will never tell her.”Hindi ko halos maisip na darating siya sa puntong mabubully siya.
Hanna's POVPagbaba ko, si Manang Shie agad ang hanap ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa isip ko, sa katawan ko, kung bakit nagkakaganito. Hindi ako first time magbuntis pero ngayon ko lang naranasan ang ganito.“Manang Shie? Manang? Nasaan ho kayo?” tawag ko habang papunta pa lang sa kusina. Medyo may kalayuan din kasi ito, sa laki ba naman ng bahay, parang pangalawang bahay na agad ang kusina.Pero imbes na si Manang ang ina-expect kong maabutan ko, iba pala.“Morning! Gising ka na pala!”Inirapan ko lang siya. “Walang good sa morning!”Tipid kong tugon.“Maupo ka na muna diyan, titimplahan kita ng gatas. Sandali lang, niluto rin kita ng agahan—iyong paborito mo! Maya ako na lang gigising kay Rafael.”Wow, ano bang nakain ng taong ito? Nag-iba ata ang ihip ng hangin. Inaway pa lang niya ako noong nakaraan pero ngayon, kala mo kung sinong nagpapabango sa amo.Pero aminin ko, masarap iyong pagkain sa amoy pa lang. Pero hindi ako nadadala sa ganoon.“’Wag na, gising na siy
"Manang Shie! Kailan po ba darating iyong bagong makakasama ninyo rito sa trabaho? Mukhang nahihirapan na po kayo nang mag-isa rito!" Abalang-abala si Manang pero dinistorbo ko siya. "Mga tatlong linggo pa bago siya pumunta rito, kasi alam mo naman, sa buhay sa probinsiya, si Jane lang ang inaasahan ng nanay niya sa kanilang sakahan." Napa-wow na lang ako. Kahit babae siya, kayang-kaya niya ang mga trabaho sa bukid. Kaya naman kahit hindi pa kami nagkikita, alam ko nang magkakasundo kami noon."Sus, kaya ko pa naman, pero hindi nga lang sabay-sabay gawin," pabirong wika ni Manang na ikinatawa ko na rin. Siguro na-offend ko siya, pero hindi niya lang sa akin pinahalata."Psst, psst, psst..." Habang nagliligpit ng mga hinugasan si Manang, bigla akong napalingon sa kanya, pero ang mukha niya ay hindi sa akin nakatingin kundi sa kabilang side. Na siyang ikinalingon ko rin sa gawing iyon. Pero bigla na naman akong nabuwesit sa nakita. May pa-smile smile pang n







