“Mommy, let’s take a picture with Daddy,” pag-aaya sa akin ni Rafael, bakas sa mukha niya ang tuwa.“Sandali, picturan ko na lang muna kayong dalawa,” sagot ko habang inaayos ang camera.Ngunit tumitig sa akin si Harold, seryoso ang mga mata.“No, Manang Lucy, please take a picture of us. Hanna, let’s go. It’s a family picture.”Wala akong nagawa kundi tumabi sa kanya.“Rafael, kami naman ng Mommy mo,” sabi niya.Wala akong masabi.“Yes, Daddy,” masayang tugon ni Rafael.Dumikit si Harold sa akin, at ramdam ko ang kamay niyang marahang nakahawak sa aking bewang. Mabuti na lang at sanay akong magtago ng nararamdaman—kung hindi, siguradong halata na ang kabog ng dibdib ko.“Oh, hija,” sambit ni Manang Lucy, “bakit hindi ka mag-enjoy kasama ang dalawa?”“Hayaan na po muna, Manang. Matagal din silang hindi nagkasama,” sagot ko.Tumingin siya sa akin, tila may binabasa sa aking mga mata.“Ikaw ba, Hanna? Hindi ka ba nasasabik na muli sa asawa mo?”“Manang naman…” mahina kong tugon.Bumunto
Last Updated : 2026-01-03 Read more