Hindi niya lubos akalaing nasa event ito. Sabi kasi ng kanyang tito Armando kanina na hindi ito dumalo, pero ngayon ay kaharap na niya ito sa mesa at makakasabay pang kumakain.
Agad namang nagmano sina Alvin at Aaron sa mga kanilang tito Alberto at tita Rosa.
"Pagpalain kayo." ani tatay Alberto.
"Paglapain kayo, ito na ba ang mga binata mo Armando? Napakalalaki na nga't napaka gagwapo pa! Mana talaga sa'yo ang dalawa no'ng kabataan mo." Pagmumuri ni nanay Rosa.
"Ikaw talaga Rosa, hindi pa rin kumukupas ang pagiging bolera mo!" natatawang sambit ni Armando.
"Kilala mo naman ako!" halakhak naman ng ginang.
Inayos ni Spencer ang sarili at hindi pinahalata ang nararamdamang tensyon sa presensya ni Aaron, pati na rin sa daddy at kuya nito. Ayaw niyaw mahalat
Natapos ang hapunan at nagpalutoy ang kasiyahan. Nasa iisang mesa pa rin ang pamilya ni Aaron at ni Spencer. Laging umiiwas ng tingin si Spencer sa nobyo ngunit sinasadya naman nitong hulihin ang kanyang paningin na nagiging dahilan ng distraksyon niya. Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Armando simula nang umalis ito kanina. Hindi naman maiwasan ni tatay Alberto na mag-alala dahil naisip niyang marahil ay sumama ang loob ng kaibigan sa pagkakabanggit niya sa pangalan na pilit nitong kinakalimutan, ilang taon na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nawawala ang ala-ala ni Harold at ang masakit na pagkawala nito. At hanggang ngayon sinisisi pa rin ni Armando ang sarili sa pagkamatay nito! "Mahal, hanapin ko muna si Armando." bulong ni tatay Alberto kay nanay Rosa. "Mas mabuti pa nga siguro mahal. Pero sasama na siguro ako
Napatulala siya sandali at unti-unting naramdaman ang haplos ng kamay ni Aaron sa kanya. Napabalik siya sa reyalidad at kaagad na kinuha ang kamay sa pagkakahawak ni Aaron. "Sorry, Aaron! Mali ito eh!" naguguluhang sambit ni Spencer at agad na tumayo para umalis. Sa pagkakataong ito ay hindi na pinigilan ni Aaron and nobyo, sa halip ay tumayo rin siya at nagmadaling pumunta sa harapan ng lahat. Naglalakad palabas si Spencer sa venue habang si Aaron ay mabilis na nagtungo sa stage at may biglang sinabi sa lahat ng tao. "Hello, good evening ladies and gentlemen." pagbati ni Aaron sa lahat. Nagtagumpay naman siyang kunin ang lahat ng atensyon sa buong hall, lalong-lalo ang atensyon ni Spencer na napahinto sa paglalakad at napalingon sa kanya. "I just have
Hindi maiwasan ni Spencer na mapatingin kay Aaron. Ang kasiyahan sa kanyang puso dahil sa pagmamahal niya rito ay ang nagsisilbing gamot niya sa kalungkutang nararamdaman dahil sa kanilang kasalukuyang sitwasyon at pinagdaraanan. Habang ang mga mata naman ni Aaron ay napako rin sa nobyong kumakanta, pakiramdam niya'y biglang huminto ang mundo at sila na lang dalawa ang tao sa lugar. Napapahiling na lamang siya na sana'y hindi na matapos pa kasiyahang kasalukuyan niyang nararamdaman. Sandali pa'y natapos na ang kanta. Ang lahat ay napatayo dahil sa ganda ng naging pagtatanghal ng dalawa. Ang masigabong palakpakan ay rinig na rinig sa buong venue ng party. Ang dalawa ay nakatitig sa isa't-isa, nakangiti, at puno ng pag-ibig at kasiyahan ang puso. Natapos na ang palakpakan ng mga tao ngunit may isang nagpahabol ng malakas na palakpak na nagpabalik sa kanilang dalawa sa reyalidad. Biglang napalingon si Spe
"Tito, mahal ko po ang anak n'yo! Nagmamahalan po kami, 'wag po sana kayong magalit sa kanya. Ako po ang sisihin n'yo tito!" lakas loob at deretsyahang pag-amin ni Aaron sa relasyon nilang dalawa. Nalipat naman ang paningin ni tatay Alberto kay Aaron na kahit kinakabagan ng lubos ay nilalakasan pa rin ng loob na harapin ang kaniyang tito Alberto. Walang emosyong nakatingin sa kanina si tatay Alberto. Napayuko na lamang ang dalawa dahil sa hiya at naghihintay sa sasabihin sa kanila. Maya-maya pa'y kinuha ni tatay Alberto ang kaniyang telepono at tinawagan ang secretary niyang si Chris. "Hello, Chris. Please book me a private room immediately! 'Yung malapit dito sa venue ng party!" Pag-uutos nito, wala pa ring emosyong ipinapahiwatig ang boses at pagsasalita ni tatay Alberto kaya hindi nila alam kung galit ba ito sa kanila o hindi. Ngu
“Pero, hindi lang kayo ang magulang dito Rosa!” biglang pagsingit ni Armando sa kanilang usapan. Naagaw nito ang atensyon ng lahat. Ang ngiting humulma kanina sa mukha ni Aaron ay unti-unting naglaho. Ganoon din ang kasiyahan sa mukha nila Spencer, nanay Rosa, tatay Alberto, Eilana, at Alvin. Napatingin silang lahat kay Armando na nagpapakita ng malamig na expresyon. “Kung susuportahan n'yo sila sa kalokohan nilang 'yan, ibahin n'yo 'ko!” wika nito sa dalawang kaibigan. “Pero pare, dapat nga ikaw ang unang makaintindi sa pinagdaraanan ng mga—” “Huwag mo ng ipaalala ang nakaraan Alberto! Isa 'yun sa mga pinagsisihan ko at huwag mo ng ibalik pa!” pagputol nito kay tatay Alberto. “Matagal ko ng alam ang relasyon ng mga anak natin, at hindi ko gusto ang mga nangyayari. Pinalalayo ko na sila sa isa't-isa at hindi na magbabago pa ang desisyon ko.” pagpapatuloy ni Armando. Matapos nitong sabihin ang mga kataga ay tumal
27 YEARS EARLIER... (Taong 1994) “Harold?! Asan ka ngayon?! Pupuntahan kita!” “'Wag na, baka nakakadisturbo ako sa honeymoon n'yo, basta tandaan mo, mahal kita ha! Tumawag lang ako para magpaalam.” lasing na wika ng kausap ni Armando sa kabilang linya ng telepono. Sobra ngayon ang kanyang pag-aalala kay Harold dahil sa nagawa niya. Alam niyang nasaktan niya ng sobra ang damdamin nito matapos niyang ituloy ang kasal nila ni Rachel Chen. Ang anak ng Chairman ng Chen Publishing. Nagmadali siyang sumakay sa kanyang kotse upang puntahan si Harold ngunit hindi niya alam kung nasaan ito. Hindi kasi niya maintindihan ang sinasabi ni Harold dahil may connection interference ang kanyang teleponong Motorola MicroTac Classic. “Hello Harold! Asan ka ba? Pupuntahan kita d'yan. Wait for me! Please tell me where you are.” nag-aalalang wika nito. Ngunit hindi na siya nakatanggap ng sagot pa dahi
Sa mansyon ng mga Villanueva ay mag-isang umuwi si Armando. Ang pakiramdam na nagiisa ay nangingibabaw sa kaniya ngayon. Ngunit sanay na siya sa dilim ng kalungkutan kaya hindi na siya naninibago rito. Simula sa pagkabata ay naiwan siya ng ina dahil sa maagang pagkamatay nito noong siya ay bagong panganak pa lamang. Ang tanging kasama lang niya sa buhay ay ang amang palaging wala sa tabi niya. Subalit kahit na nagiisa ay lumaking talentado at hinahangaan ng kaarami si Armando. Magaling siya sa sining at musika, gayundin sa negosyo. Maaga siyang naging bihasa sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo at sinabay niya rito ang pag-aaral sa kolehiyo. Nag-aral siya sa Patukan Science University at doon niya nakilala si Alberto at Rosa na naging matalik niyang mga kaibigan. Natutong makipagkapwa si Armando at maging masaya sa buhay. Hanggang isang araw ay nakilala niya si Harold. Si Harold ay bagong lipat sa unibersidad galing amerika. Siya ay
“Tito, Tita, Spencer! Sandali lang po!” paghabol ni Aaron kina Spencer at sa pamilya nito. Nilingon siya nila nanay Rosa at tatay Alberto, bago kinausap si Spencer. “Maiwan muna namin kayo dito anak.” ani nanay Rosa. “Sumunod ka kaagad sa loob anak.” sabi naman ni tatay Alberto. “Opo, nay, tay!” mahinang tugon ni Spencer sa mga magulang. Matapos nito ay nauna nang pumasok sa loob sina nanay Rosa, tatay Alberto, at Eilana. Naiwan si Spencer at kinausap si Aaron. Bakas na bakas ang pamumugto ng kanilang mga mata. Pareho silang nasasaktan nahihirapan at nasasaktan sa mga pangyayari. “Buns, please talk to me—” “Hindi ngayon ang oras Aaron!” pagputol ni Spencer sa sinasabi nito. “Please buns. Kahit sandali lang.” patuloy niyang pakikiusap. “Ano ba Aaron, 'wag muna ngayon please. Ang dami nang nangyari ngayong araw. Pwede bang awat muna?” mahina at maiyak-iyak na wika ni