Share

2

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-09-08 19:10:16

Pagkatapos ng galit na pagsigaw sa telepono, agad na ibinaba ni Francesca ang tawag. Hindi lang iyon, dinagdagan pa niya ng label na fraud ang numero at saka niya ito tuluyang bin-lock.

Habang nakatayo siya roon, ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya. Maraming tao ang nagbalik ng tingin, pinapanood ang kanyang tila pagkabaliw. Ang iba pa ay naglabas ng cellphone at nag-video, na para bang aliw na aliw sa eksenang nakikita.

“Elton’s wife? Please, as far as I know, single pa rin si Atty. Campos. Wala siyang asawa!”

“Kung magyayabang ka, pumili ka naman ng taong believable. Careful ka, baka idemanda ka for defamation or fraud.”

“Girls nowadays, tsk, kung sino-sino na lang tinatawag na husband ang mga male gods nila.”

“Pregnant daw siya? Hala, ilang babae na rin ang nagsasabing anak nila si Atty. Campos.”

“Kung babae nga siya ni Atty. Why would she be going crazy on the street? Shouldn’t she be at home, waiting to inherit the family business?”

“Sad case. Mukhang nakatakas na naman ang isang pasyente mula sa mental hospital.”

Ang bawat bulungan at panunukso ay parang maliliit na karayom na tumutusok kay Francesca. Dahan-dahan siyang natauhan. Bumalik ang konsensya, bumalik ang bigat ng katotohanan, at kasabay nito ay dumaloy ang matinding hiya.

Pakiramdam niya, patay na ang mundo sa paligid niya, at siya mismo ay nais na lamang lumubog sa lupa at maglaho. Kaya’t mabilis niyang tinakpan ang mukha gamit ang bag, saka nagmadaling naglakad, halos tumatakbo pauwi sa inuupahang apartment.

Ang apartment na iyon, isang maliit na one-bedroom unit sa youth complex, ay siya mismo ang nagbayad ng renta. Pinili niya ito dahil malapit lang sa opisina ni Matheo, para hindi na ito mahirapan sa biyahe.

Nang dumating siya roon at mabuksan ang pinto, parang bumalik ang katinuan niya. Ngunit sa halip na umupo o umiyak, agad niyang kinuha ang isang maleta. Walang sinabi, walang alinlangan, sinimulan niyang ipack ang lahat ng gamit niya.

Mga damit, gamit sa araw-araw, mga librong pinaghirapan niyang bilhin, mga lumang textbook, at higit sa lahat, ang mga litrato nila ni Matheo. Lahat ng iyon, dahan-dahan niyang isinilid sa kahon.

Habang ginagawa niya ito, ramdam niya ang bawat alaala na nakadikit sa sulok ng apartment. Ang mga tawanan nila, ang mga simpleng hapunan, ang mga planong binuo nila para sa hinaharap. Ngayon, kailangan niyang iwanan lahat.

Ngunit paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang narinig niya sa pintuan ng opisina kanina.

Hawak niya ang ulo, nanginginig, at halos masuka sa imaheng pumapasok sa isipan niya. Hindi niya mawari kung paano magkasama sa kama ang dalawang taong iyon. Para sa kanya, iyon ang pinakamalaking sugat na hindi na malalampasan.

Samantala, sa kabilang dulo ng linya.

Si Elton, ang mismong abogado, ay ilang beses pang tumawag kay Francesca ngunit paulit-ulit na hindi makapasok ang tawag. At nang sa huli ay mapansin niyang blocked na siya, tumigil siya.

Sa gilid ng opisina, halos hindi na nakatiis ang kanyang assistant na si Ernest. Napatawa ito nang tuluyan, hawak-hawak ang tiyan.

“Boss, seriously? For the first time in history, ikaw na sobrang hirap makita at sobrang taas ng pangalan, napagkamalang scammer!”

Isang malamig na tingin ang ibinato sa kanya ni Elton, matalim at punô ng bigat.

“Your bonus is gone this month.”

Parang biglang nanlamig ang katawan ni Ernest. Ang natitirang tawa niya ay naputol, at ang puso niya ay parang binugbog ng sampung latigo.

Tahimik lang na nakaupo si Elton, magkahugpong ang mga daliri, at nakakunot ang noo. Laging gano’n ang aura niya kapag seryoso, parang humihigpit ang hangin sa paligid, at walang sinumang makalapit o makahinga nang maluwag.

Sa isip ni Ernest, hindi niya maiwasang maalala ang malakas na tinig ni Francesca kanina, na kahit dalawang metro ang layo, malinaw na rinig.

Ilang saglit pa bago muling nagsalita si Elton. Punô ng awtoridad ang boses nito. “Find her. Alamin ang kinaroroonan niya ngayon. Ihanda ang lahat ng kailangan. We must see her in person.”

Sa wakas, bumitaw ang bigat ng hangin sa paligid. Ngunit para kay Ernest, mas lalo siyang nataranta.

Narinig ni Ernest ang pagbuntong-hininga ng kanyang boss at doon lang siya muling nakahinga nang maluwag.

Samantala, higit isang oras na ang nakalipas mula nang matapos ni Francesca ang pag-iimpake ng kanyang mga gamit, pero wala pa ring tawag o kahit isang mensahe mula kay Matheo. Nakaupo siya sa malamig na sahig ng sala, nakasandal sa dingding, walang gana at ayaw nang mag-isip pa.

Isang mabigat na katotohanan ang tumama sa kanya, ni isang paliwanag, wala siyang natanggap. Kung talagang may malasakit pa si Matheo, sana kahit kaunting dahilan man lang ay sinabi nito. Pero wala. Kaya bakit pa siya maghihintay?

Napangiti siya ng mapait at mabilis na nagdesisyon. Sa halip na magdusa pa, kinuha niya ang cellphone at agad na binlock ang numero ni Matheo, pati na rin ang I* at iba pang paraan ng komunikasyon. Sa isip niya, tapos na ang lahat. Ang relasyon nilang minsang puno ng pangarap ay tuluyan nang gumuho. Hindi lang pisikal, kundi pati emosyonal, nadungisan na ng pagtataksil. Wala nang puwang para ayusin pa.

Pero habang hawak niya ang telepono, unti-unting sumisiksik sa kanyang isip ang mga alaala, ang mga matatamis na salitang “I love you” noon, ang mga pangako na magsasama habangbuhay. Para bang mga kawit na paulit-ulit na humahagod sa kanyang puso, nag-iiwan ng sugat na hindi na madaling maghilom.

Pakiramdam niya ay para siyang malulunod sa sakit. Gusto niyang may makausap, may mapagpahingahan ng loob. Bigla niyang naalala ang matalik niyang kaibigan na si Charlie. Alam niyang may ilang bahay ito sa Manila, naisip niya na manghiram muna, kaya kinuha niya ang telepono at tinawagan. Ngunit ilang ulit na ringing lang ang narinig. Walang sumagot. Nagpadala siya ng mensahe, pero wala ring reply. Doon niya naisip ang oras, siguro ay tulog pa ito sa ibang bansa.

Napayuko si Francesca, at ang bigat ng sitwasyon ay lalo niyang naramdaman. Kung aalis ako rito, saan pa ako pupunta?

Bagong graduate pa lang siya ngayong taon. Para lang makasama si Matheo, isinantabi niya ang pagkakataon na magpatuloy sa graduate school at agad na bumalik sa Manila mula sa province. Ang lahat ng iyon, ginawa niya dahil sa pag-ibig. Ngunit ngayon, parang walang saysay lahat.

At kung may uuwian man siya, iyon sana ang bahay sa kanilang bayan. Pero maaga siyang naulila, patay na ang kanyang mga magulang, at kamakailan lang ay sumakabilang-buhay na rin ang kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya. Wala na ring bahay doon, dahil na-demolish na para sa proyekto ng gobyerno.

Naisip niya pa ang Glory Washington, ang bahay na binili nila kung saan nakapag-down payment na siya. Pero dahil “quasi-existing” pa iyon, kailangan pang maghintay ng kalahating taon bago sila makalipat. Wala siyang mauuwian ngayon. Sa unang pagkakataon, ramdam niya na wala siyang matatakbuhan.

Habang nilalamon siya ng kawalan, biglang tumunog ang telepono. Tumigil siya, tumitig sa screen. Isa na namang hindi kilalang numero. Napakunot ang noo niya. Naalala niya ang tawag kanina mula sa umano’y scammer na nagpapanggap na si Elton. 

Bakit sunod-sunod ang mga unknown numbers ngayong araw?’ tanong niya sa isipan.

“Hello, hello! I am Ernest Mahinay from Campos Law Firm, and Atty. Campos’ assistant. May I ask Miss Arevalo, are you at home now? We are already at the door, please open the door.”

Halos mabingi siya sa narinig. Lalong sumama ang loob niya. ‘Grabe na talaga ang mga scammer ngayon, pati pagpunta sa mismong pintuan, kaya na nila?’ inis niyang sabi sa isipan.

Napahawak siya sa sentido, pinipigilan ang sarili na sumabog. Tumayo siya at mabilis na naglakad papunta sa pinto. Sa inis, sumigaw siya sa telepono, “Okay! Let’s see if you’re here to give me an inheritance, or to acknowledge the father of my child!”

Pagkatapos ng huling salita niya, biglang bumukas ang pinto. Doon siya natigilan.

Dalawang lalaki na naka-suit ang nakatayo sa makitid na pasilyo sa harap ng kanyang unit. Ang isa, matangkad at napakalamig ng aura, nakasuot ng simpleng dark suit pero bakas ang mahal na pagkakagawa. Maayos ang buhok, at may suot na half-rimmed gold-rimmed glasses. Ang presensya nito ay tila naghahatid ng malamig na hangin na may halong amoy ng mamahaling kahoy at kapangyarihan.

Nanlaki ang mga mata ni Francesca. Ang lalaking iyon, masyadong pamilyar. Sa itsura pa lang, parang nabasa na niya ito sa mga dyaryo, nakita sa magazines, o marahil sa internet. At ang mga mata nitong tila sumisid sa kanyang kaluluwa, itim na itim, matalim, at nakatutok lang sa kanya.

Nakalimutan niya sandali ang pagiging scammer nito. Natulala siya.

Hindi siya natauhan hangga’t hindi ibinaba ng lalaking nasa likod nito ang cellphone na hawak at tinapos ang tawag. Doon lang bumalik ang kanyang ulirat.

“S-sino kayo?” tanong niya, nanginginig pa ang boses.

Ngunit imbes na sumagot agad, walang paalam na pumasok sa unit ang lalaki sa unahan. Dire-diretso itong naupo sa sofa ng sala, maayos ang upo, at matalim ang titig sa kanya.

Mayamaya, inilabas nito ang kanyang ID at lawyer’s card. Malinaw na nakasulat ang pangalan.

At sa malamig ngunit matatag na tinig, nagsalita ito, “I heard that you are pregnant with my child?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Love You, My Attorney    4

    Narinig ni Ernest ang sinabi ni Francesca, at halos mahulog ang panga niya sa sobrang gulat. Sanay na siyang makakita ng mga babaeng sumusunod at naghahabol sa kanyang boss, pero ngayon lang siya nakakita ng babaeng unang bungad pa lang ay kasal agad ang hinihingi.Nabigla rin si Elton. Bahagya siyang napakurap, at ang malamig niyang mga mata ay tila naglalim pa lalo habang pinag-iisipan ang kaharap na babae. Hindi niya inaasahan ang ganoong kahilingang wala sa ayos. Ngunit naalala niya ang background check na ginawa niya. Maliban sa isang boyfriend na hindi maaasahan, wala naman siyang nakitang masamang record kay Francesca. Wala siyang bisyo, wala ring anong kapintasan. Kaya’t bakit siya biglang naglabas ng ganoong kahibang na kondisyon?Bago pa siya makasagot o makatanggi, agad na nagpatuloy si Francesca, halos nagmamadali sa kanyang paliwanag.“I'm serious,” aniya, habang nananatiling matatag ang titig sa kanya. “But I have my reasons. Una, hindi ko naman talaga nakasama si Mr. Ca

  • I Love You, My Attorney    3

    Parang may kumidlat sa ulap sa tuktok ng ulo ni Francesca nang mapagtanto niya ang totoo.Tinitigan niya nang mabuti ang ID na hawak ng lalaki, paulit-ulit niyang binasa ang pangalan, at doon niya tuluyang nakumpirma, ang nasa harap niya ay walang iba kundi ang tunay na No. 1 Gold Medal Lawyer ng Manila, si Elton!‘Patay na ako.’Ang una niyang pagkakawala ng bait, direkta pa palang napunta sa mismong taong inakusahan niya. Kahit ang Diyos, mukhang wala nang binigay na daan para makaligtas siya sa kahihiyan. Namula ang kanyang mga pisngi, at ramdam niya ang init na halos sunugin ang kanyang balat.Napatingin siya sa assistant na pumasok kasunod ni Elton. May dala itong dalawang maliit na safety box at maingat na inilapag sa center table. Ngunit kahit isang tingin, hindi siya binigyan. Tumayo ito nang diretso sa gilid ng sofa, nakatungo, para bang sundalong naghihintay ng utos.Nababalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam ni Francesca ang bigat ng presensya ng dalawang lalaki, at tila

  • I Love You, My Attorney    2

    Pagkatapos ng galit na pagsigaw sa telepono, agad na ibinaba ni Francesca ang tawag. Hindi lang iyon, dinagdagan pa niya ng label na fraud ang numero at saka niya ito tuluyang bin-lock.Habang nakatayo siya roon, ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya. Maraming tao ang nagbalik ng tingin, pinapanood ang kanyang tila pagkabaliw. Ang iba pa ay naglabas ng cellphone at nag-video, na para bang aliw na aliw sa eksenang nakikita.“Elton’s wife? Please, as far as I know, single pa rin si Atty. Campos. Wala siyang asawa!”“Kung magyayabang ka, pumili ka naman ng taong believable. Careful ka, baka idemanda ka for defamation or fraud.”“Girls nowadays, tsk, kung sino-sino na lang tinatawag na husband ang mga male gods nila.”“Pregnant daw siya? Hala, ilang babae na rin ang nagsasabing anak nila si Atty. Campos.”“Kung babae nga siya ni Atty. Why would she be going crazy on the street? Shouldn’t she be at home, waiting to inherit the family business?”“Sad case. Mukhang nakatakas na naman

  • I Love You, My Attorney    1

    “Miss Arevalo, ito po ang resibo ninyo. Ingatan n’yo po.” Sa loob ng sales department, iniabot ng empleyado ang resibo na nakalagay ang halagang tatlong milyong down payment.Dahan-dahang kinuha iyon ni Francesca, ngunit ramdam ang bigat ng dibdib niya. Oo, siya na ngayon ang bagong may-ari ng isang unit sa Glory Washington. Dapat sana ay ikasaya niya ito, pero hindi. Dahil ang perang ipinambayad niya ay mula sa demolition money ng lumang bahay ng lola niyang kamamatay lang.“Thank you,” mahina niyang sagot bago maingat na itinupi ang resibo at inilagay sa bag. Kinuha rin niya ang purchase contract na pinirmahan niya kanina. Alam niyang kailangan na niyang umalis.Ngayon kasi ay kaarawan ng kababata niyang si Matheo Herrera at kasintahan niya rin. Dalawampu’t walong taon na ito, at plano niyang dumaan muna sa palengke para bumili ng mga sangkap. Balak niyang maghanda ng masarap na hapunan sa inuupahan nilang bahay, at pagkatapos ay ibibigay niya ang resibo at kontrata bilang sorpresa.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status