Parang may kumidlat sa ulap sa tuktok ng ulo ni Francesca nang mapagtanto niya ang totoo.
Tinitigan niya nang mabuti ang ID na hawak ng lalaki, paulit-ulit niyang binasa ang pangalan, at doon niya tuluyang nakumpirma, ang nasa harap niya ay walang iba kundi ang tunay na No. 1 Gold Medal Lawyer ng Manila, si Elton!
‘Patay na ako.’
Ang una niyang pagkakawala ng bait, direkta pa palang napunta sa mismong taong inakusahan niya. Kahit ang Diyos, mukhang wala nang binigay na daan para makaligtas siya sa kahihiyan. Namula ang kanyang mga pisngi, at ramdam niya ang init na halos sunugin ang kanyang balat.
Napatingin siya sa assistant na pumasok kasunod ni Elton. May dala itong dalawang maliit na safety box at maingat na inilapag sa center table. Ngunit kahit isang tingin, hindi siya binigyan. Tumayo ito nang diretso sa gilid ng sofa, nakatungo, para bang sundalong naghihintay ng utos.
Nababalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam ni Francesca ang bigat ng presensya ng dalawang lalaki, at tila kinakailangan nang may magsimula ng usapan. Nanginginig ang labi niya bago tuluyang nakapagsalita.
“Ye-Yes, I’m sorry… I… I didn’t know it’s really you, so… I thought it was a scam.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon, agad niyang tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha, ayaw na ayaw nang tumingin pa rito. Nahihiya siya nang todo, at ang nasa isip lang niya ay sana puwede na lang siyang lumubog sa lupa at doon na manirahan.
“Pfft.” Hindi na nakapigil si Ernest at napatawa nang malakas.
Agad siyang tinapunan ng malamig na tingin ni Elton. Sa isang iglap, natigilan si Ernest at mabilis na nawala ang kanyang ngiti. Lumapit pa ito ng kaunti at agad nagsalita upang ayusin ang sitwasyon.
“Miss Arevalo, we are here for a reason. Totoo pong may inheritance document na kailangan ninyong pirmahan. The client is your grandmother, Si Mrs. Juanda Arevalo.”
Pagkasabi nito, binuksan niya ang dalawang safe.
Sumalubong sa kanila ang matinding kislap mula sa loob. Ang mga ginto, bara-bara, nakasalansan nang maayos, ay kumikislap na halos bulagin si Francesca. Halos mabingi siya sa sariling tibok ng kanyang puso.
Makalipas ang kalahating oras, nakaupo pa rin siya, hawak ang isang papel, nanginginig at hindi makapaniwala sa narinig.
“So… ang lola ko… she was abducted and sold when she was still a baby? At ang pamilya Campos ay ilang dekada siyang hinanap para mahanap?” paulit-ulit niyang tanong, halos hindi makapaniwala.
Simula pagkabata, simpleng buhay lang ang pinagsamahan nila ng kanyang lola sa baryo. Ang tatlong milyong piso mula sa demolisyon ng bahay ay ang pinakamalaking perang nahawakan nila. At ngayong biglang sinasabi nilang ang lola niya pala ay tunay na anak ng pamilyang Campos, na may kayamanang aabot ng daang bilyon, para sa kanya, napaka-imposibleng paniwalaan.
Si Ernest ang sumagot, sabay abot ng dokumento. “Ito po ang kinship appraisal certificate, patunay ng relasyon ninyo ni Si Mrs. Juanda Arevalo sa pamilya Campos, pati na rin sa yumaong si Mr. Campos. Malaking bahagi ng inheritance na ito ay mula sa mga ari-arian na iniwan ni Mr. Campos, na kapatid ng lola ninyo at siya ring naging tanging tiyuhin ninyo. Ang huli niyang hangarin sa buhay ay mahanap ang matagal nang nawawalang kapatid. Dahil doon, hindi na siya nag-asawa.”
Napakunot ang noo ni Francesca, halos hindi pa rin makapaniwala. “Never married? So… ibig bang sabihin… Atty. Campos, hindi ba’t kayo ang anak ni Mr. Campos? The only heir?”
Isang bagay na alam ng lahat, na si Elton ang tanging tagapagmana ng pamilya. Oo nga’t wala siyang gaanong narinig tungkol sa ina nito, pero palaging sinasabi ng mga tao na low-key at tahimik lang ang asawa ni Mr. Campos.
Ngunit may isa pa siyang naaalala, isang matagal nang tsismis. Na si Elton ay isang illegitimate child. Kung ganoon, maiintindihan kung bakit sinasabing hindi kailanman nag-asawa ang pinakamayamang tao sa Manila pero may anak.
Bago pa man siya makapagtanong muli, nagsalita si Elton. Malamig ang boses nito, parang tumatagos sa buto.
“I am an adopted son. Wala akong kahit anong blood relation sa Campos. At bukod sa aking amang nag-ampon, tayong tatlo lamang ang nakakaalam ng lihim na ito.”
Nanlaki ang mga mata ni Francesca. Parang lumulutang ang isip niya. Ang kilalang abogado, ang kinikilalang tagapagmana ng Campos, isang adopted son lang pala?
Para siyang tinapunan ng napakalaking lihim na hindi niya alam kung paano dadalhin. Pero bakit siya? Bakit sa unang pagkikita pa lang nila, ipinapaalam na ito sa kanya?
Hindi niya alam kung matatakot ba siya o maaawa. Ngunit isang bagay ang sigurado, si Elton, sa presensya pa lang nito ay nakakatindig-balahibo.
Kung gugustuhin nito, kayang-kaya niyang solohin ang lahat ng ari-arian ng Campos. Pero ngayon, bigla siyang isinama sa usaping ito.
Handa ba talaga siyang ibahagi sa kanya ang lahat ng ito? O may mas malalim pang dahilan?
Kung ang pagtanggap ng mana ay isang biyaya o isang sumpa, hindi malaman ni Francesca. At bukod pa sa nakaraan ni Elton, may isa pang tanong na unti-unting bumigat sa kanyang puso.
Napalunok siya, pinilit iguhit ang mga salita. “Then why… bakit ngayon niyo lang ipinaalam sa akin ang tungkol kay Loa? She died because of cancer! Kung noon pa ninyo siya natagpuan, bakit hindi niyo siya dinala sa best doctor, sa best hospital? Maybe… maybe she would still be alive today!”
Hindi na kinaya ni Francesca na sariwain pa ang mapait na alaala ng pagkakasakit ng kanyang lola. Sa panahong iyon, naantala pa ang pera mula sa demolisyon ng kanilang bahay, kaya’t napilitan siyang lumapit kay Matheo para umutang. Ngunit ang sagot ni Matheo, na ginagamit daw niya ang pera para sa investment, ay lalo lang nagpalubog sa kanya sa kawalan ng pag-asa. Sa huli, kung anu-anong paraan pa ang ginawa nilang magkasintahan upang makalikom ng pondo para sa gamutan.
Ngunit dumating ang kamatayan ng kanyang lola nang napakabilis. Kahit noong huling mga araw nito, nakaupo lang silang tatlo, siya, ang kanyang lola, at si Matheo, naguusap tungkol sa kung anu-ano, para bang nagbibilin na. Ngunit ni minsan, hindi nito binanggit ang tunay na pinagmulan ng kanyang pagkatao.
‘Bakit? Bakit niya itinago iyon hanggang sa kanyang huling hininga?’ Hindi niya maiwasan magtanong sa isipan.
Lalong dumilim ang mga mata ni Elton, at malamig siyang tumugon. “When we found her, late stage na siya. Hindi ibig sabihin na hindi namin sinubukan, dinala namin siya sa mga doktor. But doctors are not gods. Ang katawan niya, bagsak na. Kahit anong operasyon, dagdag pasakit lang sa kanya. Kaya nakiusap siya na huwag nang ipagpatuloy. As for why she didn’t tell you her past…”
Dahan-dahang inilabas ni Elton ang isang sobre mula sa loob ng kanyang coat. “Maybe you’ll find the answer here. This letter, ito ang bilin niya bago siya pumanaw. Hindi ko binasa.”
Agad na kumislot ang damdamin ni Francesca. Isang tingin pa lang sa sulat-kamay sa sobre, alam niyang tunay na sa lola niya iyon. At handa na sana niyang abutin ang sobre, nang bigla itong binawi ni Elton.
“If you want to see the letter, sign it first.” Malamig at mariin ang kanyang boses, tila hindi nag-iiwan ng espasyo para tumanggi. “I’ve said so much already. Kapag pumirma ka, this letter, including those two boxes of gold bars you saw, are yours. And that’s just a small part. The rest, nandito lahat sa heritage list. Take your time to read it. Total assets… no less than 800 billion.”
‘800 billion!’ Nanlaki ang mata ni Francesca sa narinig, halos masigaw niya na ang nasa isipan niya.
Hindi lang basta pagbili ng unit sa Glory Washington, kahit ang buong Glory Washington real estate, kaya niyang bilhin.
Tinignan ni Francesca ang mga listahan ng ari-arian, bawat linya ay parang kumikislap sa harap niya. Habang tumatagal, lalo siyang nahihilo at parang lumulutang. Sa huli, mariin niyang isinara ang folder at ipinikit ang kanyang mga mata.
‘Calm down, Francesca. Kailangan mong kumalma.’
Ngayon, laman ng lahat ng balita online ang tungkol sa mana ng Campos. Noon, simpleng tsismosa lang siya, isang passive na “melon eater.” Ngunit ngayon, bigla siyang naging mismong bida sa tsismis na iyon.
Hindi niya mawari kung gaano kalaki ang banta ni Elton sa kanya. Hindi siya kailanman naniwala na may pie na biglang mahuhulog mula sa langit nang libre. At sa isang pamilya na kasing yaman at kasing makapangyarihan ng mga Campos, siguradong hindi basta-basta ang mga alon ng intriga sa loob.
Palaging takot si Francesca, takot na may magtaksil, takot na may sumilo o pumatay sa kanya dahil lang sa pera. Sa dami ng teleserye at nobelang nabasa niya tungkol sa pag-aagawan ng mana, malinaw ang aral, ang kasakiman ay nagbubunga ng dugo.
At si Elton? Kung gugustuhin niyang itago ang katotohanan, para sa kanya’y parang pagtapak lang iyon sa isang langgam.
Matagal siyang nanatiling nakapikit, ninanamnam ang bigat ng sitwasyon. Hanggang sa isang sandali, dumilat siya muli.
Kung nagwala na siya kanina, bakit hindi na lang ulitin ngayon?
‘Kung ang taong minahal ko ng walong taon, na kilala ko na ng dalawang dekada, ay kaya akong traydurin, sino pa ang maaasahan ko? Wala. Wala kundi sarili ko.’
Humugot siya ng malalim na hininga, bago mariing tumingin kay Elton. “I’m willing to sign. But… I hope, Atty. Campos, you can marry me first. Then I’ll sign.”
Narinig ni Ernest ang sinabi ni Francesca, at halos mahulog ang panga niya sa sobrang gulat. Sanay na siyang makakita ng mga babaeng sumusunod at naghahabol sa kanyang boss, pero ngayon lang siya nakakita ng babaeng unang bungad pa lang ay kasal agad ang hinihingi.Nabigla rin si Elton. Bahagya siyang napakurap, at ang malamig niyang mga mata ay tila naglalim pa lalo habang pinag-iisipan ang kaharap na babae. Hindi niya inaasahan ang ganoong kahilingang wala sa ayos. Ngunit naalala niya ang background check na ginawa niya. Maliban sa isang boyfriend na hindi maaasahan, wala naman siyang nakitang masamang record kay Francesca. Wala siyang bisyo, wala ring anong kapintasan. Kaya’t bakit siya biglang naglabas ng ganoong kahibang na kondisyon?Bago pa siya makasagot o makatanggi, agad na nagpatuloy si Francesca, halos nagmamadali sa kanyang paliwanag.“I'm serious,” aniya, habang nananatiling matatag ang titig sa kanya. “But I have my reasons. Una, hindi ko naman talaga nakasama si Mr. Ca
Parang may kumidlat sa ulap sa tuktok ng ulo ni Francesca nang mapagtanto niya ang totoo.Tinitigan niya nang mabuti ang ID na hawak ng lalaki, paulit-ulit niyang binasa ang pangalan, at doon niya tuluyang nakumpirma, ang nasa harap niya ay walang iba kundi ang tunay na No. 1 Gold Medal Lawyer ng Manila, si Elton!‘Patay na ako.’Ang una niyang pagkakawala ng bait, direkta pa palang napunta sa mismong taong inakusahan niya. Kahit ang Diyos, mukhang wala nang binigay na daan para makaligtas siya sa kahihiyan. Namula ang kanyang mga pisngi, at ramdam niya ang init na halos sunugin ang kanyang balat.Napatingin siya sa assistant na pumasok kasunod ni Elton. May dala itong dalawang maliit na safety box at maingat na inilapag sa center table. Ngunit kahit isang tingin, hindi siya binigyan. Tumayo ito nang diretso sa gilid ng sofa, nakatungo, para bang sundalong naghihintay ng utos.Nababalot ng katahimikan ang paligid. Ramdam ni Francesca ang bigat ng presensya ng dalawang lalaki, at tila
Pagkatapos ng galit na pagsigaw sa telepono, agad na ibinaba ni Francesca ang tawag. Hindi lang iyon, dinagdagan pa niya ng label na fraud ang numero at saka niya ito tuluyang bin-lock.Habang nakatayo siya roon, ramdam niya ang mga matang nakatuon sa kanya. Maraming tao ang nagbalik ng tingin, pinapanood ang kanyang tila pagkabaliw. Ang iba pa ay naglabas ng cellphone at nag-video, na para bang aliw na aliw sa eksenang nakikita.“Elton’s wife? Please, as far as I know, single pa rin si Atty. Campos. Wala siyang asawa!”“Kung magyayabang ka, pumili ka naman ng taong believable. Careful ka, baka idemanda ka for defamation or fraud.”“Girls nowadays, tsk, kung sino-sino na lang tinatawag na husband ang mga male gods nila.”“Pregnant daw siya? Hala, ilang babae na rin ang nagsasabing anak nila si Atty. Campos.”“Kung babae nga siya ni Atty. Why would she be going crazy on the street? Shouldn’t she be at home, waiting to inherit the family business?”“Sad case. Mukhang nakatakas na naman
“Miss Arevalo, ito po ang resibo ninyo. Ingatan n’yo po.” Sa loob ng sales department, iniabot ng empleyado ang resibo na nakalagay ang halagang tatlong milyong down payment.Dahan-dahang kinuha iyon ni Francesca, ngunit ramdam ang bigat ng dibdib niya. Oo, siya na ngayon ang bagong may-ari ng isang unit sa Glory Washington. Dapat sana ay ikasaya niya ito, pero hindi. Dahil ang perang ipinambayad niya ay mula sa demolition money ng lumang bahay ng lola niyang kamamatay lang.“Thank you,” mahina niyang sagot bago maingat na itinupi ang resibo at inilagay sa bag. Kinuha rin niya ang purchase contract na pinirmahan niya kanina. Alam niyang kailangan na niyang umalis.Ngayon kasi ay kaarawan ng kababata niyang si Matheo Herrera at kasintahan niya rin. Dalawampu’t walong taon na ito, at plano niyang dumaan muna sa palengke para bumili ng mga sangkap. Balak niyang maghanda ng masarap na hapunan sa inuupahan nilang bahay, at pagkatapos ay ibibigay niya ang resibo at kontrata bilang sorpresa.