KABANATA 18 - ISANG PLANONang makaupo na si Jeffrey sa harap ng hapag kainan ay tumayo ako sa kinatatayuan ko at lumipat sa tabi nito, “I want to say thank you,” nakangiti kong sambit kay Jeffery. At alam kong nagtaasan ang mga kilay ng mga kababaihan na naroon, ang mga kapatid nilang babae at ang ina ng mga ito.“Well stop acting like crazy thing, Olivia, go back to your seat,” may pang-uuyam namang utos ng babae kong biyenan.“Anong nangyayari sa iyo?” taas naman ang kilay nang isa sa mga kapatid na babae ni John, si Luvi.“Baka naman na alog ang utak niya kasi, three years ago naoperahan ang puso niya,” sabay ngisin ni Angela sa lahat, matapos niyang sabihin ang lahat ng mga iyon.“Well, I think kung meron mang naalog ang utak rito, baka ikaw iyon?” Napahalukipkip pa ako at sumandal sa kinauupuan ko. Tinaasan ko ito ng kilay, na alam kong ikinagulat na naman nila. Hindi pa rin sila sanay sa bagong ugali ng Olivia’ng kaharap nila ngayon.“Ha! Ang lakas na pala talaga ng loob niya n
Hinatid pa ako ni Jeffrey sa mismong opisina ko, nagulat pa kaming pareho nang makita namin sa harap ng opisina si Bong. "O ang tagal niyo naman, saan ba kayo galing?" kaswal na tanong ni Bong sa amin. Well alam ko naman na pasakalye niya lang iyon. Hindi ko naman alam kung ano ang pakay niya sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" maiksi kong tanong. "Ano pa hinihintay ang best friend ko," sabay tingin nito kay Jefferey. Nakita nitong nakahawak sa braso ko si Jeffrey kaya naman napabitiw na ako. Alam kong okay na ako, at pwede na akong iwan nito. "Okay, Bye Olivia, and see you later!" He said while he smirked at me. Sa puntong iyong medyo na alangan na akong tumbasan pa ng ngiti rin ang kanyang tinuran. At hindi pa man ako lumilingon ay tila nakikita ko na ang masasamang titig sa akin ni Bong. ------------------------ Ilang minuto na ang lumipas at wala na rin si Jeffrey, ngunit si Bong ay nanatiling walang imik, nakayuko lamang ito habang nakapatong ang mga braso sa mga hita. Hindi
KABANATA 20Nanlalaki ang mga mata niya, halos mapugtu na ang hininga niya ng takpan ng lalaki ang bibig niya dahil sa napakalakas niyang pagtili. "Sophia! Shut up!" mariin ngunit pabulong lamang ang salita ng tinig na hindi ko kaagad nakilala.Dala marahil ng matinding kaba, at pag-aalala na maabutan ako ng lalaking humahabol sa akin, at hindi ko akalaing naroon pa si Bong ng mga oras na iyon, "W-what are you doing here! You're driving me crazy! O my gosh!" humihingal kong sambit habang nakahawak ang isang kamay ko sa aking dibdib na kulang na lang ay lumabas sa aking kalooban."What happened?" Nag-aalala nitong hinawakan ang mukha ko, ako naman ay napasandal na sa pader ng building na kinaroroona namin. "You know, You're the one who made me this way! Ikaw na lang palagi ang iniisip ko, hindi mo ba alam na akong nababaliw dahil sa iyo!" Mabilis nitong hinablot ang isang kamay ko at pahila na akong isinama sa paglalakad niya.Ako naman ay humahangos ding napapasunod na lang sa binata,
KABANATA 21 Halos mag-iisang taon pa lang naman ako sa poder ng mga Carlos, pero malaki na rin naman ang nagawa ko, nabawi ko ang pamamahala at posisyon bilang CEO ng kumpanya sa asawa nitong si John. At alam kong kahit pa paano ay naturuan ko na ng leksiyon ang mga magulang at kapatid nito. Ang problema lang ko lang, hindi ko pa lubusang nauunawaan ang nilalaman ng diary ni Olivia, at kung anong relasyon ba talaga ang meron sila ni John noon, kung anong lihim ang nakapaloob sa mga sulat na iyon nina Olivia at Jhon. At kung sino ang nagtangka sa aking buhay. "Anong iniisip mo?" tanong ni Bong, naka-topless ito at nababalot lang ng towel ang pang-ibaba nito. "Bakit ka naman, bumaba rito na ganyan lang ang suot mo? Mag-asawa ba tayo? Para i-trato mo ako ng ganyan? Masyado ka naman yatang bastos Mr. Villegas!" inis kong sambit at sinabayan pa ng irap ang binata. Bukod sa naiinis na akong inabala nito ang pag-iisip ko ay ganoon itong humarap sa 'kin. "Bakit, malay mo naman sa bandang
Kinaumagahan hindi ko na hinintay pang magising si Bong. Wala akong mukhang maiharap sa kanya, sa kabila nang dapat siya ang makadama ng ganoon sa akin. Hindi ko siya magawang sisihin sa mga naganap sa amin, maari kasing ako na rin ang may kasalanan ng lahat. Maaring ako ang nagtulak sa kanya na gawin ang bagay na iyon sa akin.Palihim ang pagdating ko sa mansiyon ng mga Carlos ng umagang iyon, ngunit kahit na sa likod bahay na ako dumaan, nakasalubong ko pa rin si John. Nakayuko ako, at hindi ko magawang tumingin sa kanya. Alam kong wala naman akong kasalanan sa kanya, hindi naman ako ang tunay nitong asawa, pero bilang nagpapanggap akong si Olivia, responsibilidad ko pa rin ang pangalagaan ang imahe ng taong tunay na nag-mamay-ari ng mukhang ito."Saan ka nanggaling?" mahinang tanong ni John."Wala kang pakialam, may mga taong nagtangka sa buhay ko kagabi, iyong mga taong natatakot na may malaman pa ako, o mahalungkat sa pagkamatay ng mga magulang ko," sambit ko ng mahina ngunit mar
KABANATA 23- SA NALILITONG DAMDAMIN Hindi ako makahinga at bigla ko na lang naibaba ang hawak kong telepono, kahit naririnig ko pa ang tinig ng babaeng nagsasalita ng "hello, hello...." dinig ko pa na sambit ng babae. Habang ako ay nalilito ng mga sandaling iyon, alam kong nasa panganib na ang buhay ko at malapit na nila akong mabisto. Ang magtiwala kay John ang isang malaking pagkakamali yata na nagawa ko. Hindi ko napanindigan ang aking pagpapanggap. At ang taong inaasahan kong magiging kakampi ko hayun at nahumaling na sa ibang babae, at ang malaki ko na namang pagkakamali ay ang naibigay ko sa kanya ang aking puri. "Isang malaking kalokohan ang nagawa ko, ngayon ay maaring mapahamak pati na si Yaya Adella. Kinakilangang mapaalis ko na siya sa mansiyong ito sa lalong madaling panahon, paano kung malaman nilang hindi ako si Olivia? Paano na kung dumating ang resulta, pero paano naman kung um-okay naman dahil magkapatid naman kami sa ama?" iyon ang isang bagay na walang nakaaalam k
KABANATA 24- ANG PABABALIK NG TUNAY NA OLIVIANaglakas loob pa rin akong pumasok sa opisina kahit na alam kong maari akong mapahamak sa lugar na iyon. Isa pa ay umaasa akong makikita at makakausap ko si Bong ng araw na iyon, nais ko siyang makausap, nais kong maging malinaw sa amin ang lahat, at nais kong malaman niya ang kalagayan ko, nais kong malaman niya na malapit na akong mabuko at tiyak kong hindi magiging maganda ang magiging resulta nito sa akin, at sa buong kumpanya ni Olivia, alam kong gagamitin rin nila iyon upang mabawi ang kumpanya sa pangalan ni Olivia.Kinakabahan man ay nilakasan ko pa rin ang loob ko, alam kong kinakailangan kong gawin iyon, kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang pagpapanggap ko upang kahit na paano ay magawa ko ang iba ko pang mga ninanais na gawin.Bago pa man ako tuluyang pumasok sa opisina ay nagawa ko nang ipadala sa lawyer na kausap ko na siyang nag-iimbistiga sa kaso ng mag-asawang Alcantara. Habang naglalakad ako bandang alas-onse ng tanghali p
KABANATA 25Nagkakagulo ang lahat dahil sa nabalitaan nilang nawawala ako, iyong ang kanilang akala, at ang ilang araw na hindi ko pag-uwi ang siyang labis na nagpapabagabag sa kanilang isipan. "Bakit nagkakagulo yata ang lahat?" Nanlalaki ang mga mata ng bawat isa nang lingunin ako. Lahat sa kanila ay hindi mapinta ang hilatsa ng mga pagmumukha."O - Olivia!" gulat na sambit ni John nang makitang naroon ako, at buhay na buhay. Nakatindig ako, taas ang noo, at may bitbit na tibay at tapang, dala ko rin sa kaloobang ko ang pangakong paghihiganti, sa lahat ng mga umapi sa akin."Oo, ako nga, bakit? Nagulat ka ba na buhay pa ako?" sarkastikong tanong ang ipinukol ko sa kanya. At may malaking pagtataka ang lumarawan sa mukha nito. Hindi na ako nagulat, sa pagkakaalam ko kasi, kilala na niya at alam na niyang huwad ang naunang Olivia na nakakasama niya. At kung nauuto niya iyon, puwes ako hindi!"A-alam mo nalaman kasi namin na may dumukot sa iyo! Ano o-okay ka lang ba? Hindi ka ba nasak