Blurb: Malaking katuparan para kay Olivia ang maipakasal siya kay John Carlos na ikalawang anak na lalaki ng pamilya Carlos ngunit lingid sa kanyang kaalaman na kayamanan lamang niya ang siyang dahilan ng pagpayag nito na pakasalan siya. Hindi matanggap ni John Carlos na ipinambayad utang siya ng kanyang mga magulang, kaya naman hindi nito binigyan ng magandang pagtrato si Olivia. Dahil doon ay inatake si Olivia sa puso na kinakailangan pang dalhin sa America. Ngunit sa pagtataka ng kanyang asawa at pamilya nito ay ibang tao na si Olivia ng magbalik sa kanila. Isang Olivia na handang maghiganti at bawiin ang lahat ng sa kanya. May natitira pa kayang pag-ibig sa puso niya para kay John? O galit pa rin ang siyang mamayani hanggang sa huli?
Lihat lebih banyakGabi na naman at mag-isa na naman ako sa aking silid habang nakatingin sa liwanag ng buwan na aking nasisilayan mula sa labas ng aking bintana. Tulad ng dati ay hindi na naman dito matutulog ang aking asawang si John. Simula ng ikasal kami ay hindi ko pa naranasang makasama siya ng mahigit sa limang minuto sa bahay na ito.
Ang akala ko ay ako na ang magiging pinaka masayang tao sa buong mundo matapos ang aming kasal ni John Carlos. Pero ang lahat ng iyon ay ang simula pala ng aking malawakang bangungot. Hindi ko alam na doon mismo sa araw na iyon magsisimula ang aking kalbaryo.Naaalala ko pa ang aming unang gabing pagsasama, "Ano sa akala mo, tatratuhin kita bilang isang asawa?" malamig ang tinig na sambit sa akin ni John, ng nasa hotel na kami ng lugar nang aming honeymoon."B-bakit John, ano bang kasalanang aking nagawa, kanina lamang ay okay ang pakitungo mo sa akin, ngunit ngayong nandito na tayo sa Hongkong ay nagbago kana sa akin ng pakitungo?" nagtatatka kong tanong sa kanya."Dahil hindi kita totoong mahal!" sigaw nito sa akin na ikinagulat ko ng labis. Hindi ko akalaing magkaiba pala kami ng damdamin para sa isa't isa. Ang akala ko kasi ay totoo ang mga magagandang ugali at pagtrato na ipinapakita nito sa akin."Bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo? Bakit ipinamukha mo sa akin na iisa ang ating nararamdaman?" nahintakutan kong tanong sa kanya. Ang lahat ng saya at pagpupunyagi sa puso ko ng mga oras na iyon ay nawala at naglaho. Napalitan lahat ng takot at pangamba. Ngunit sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako na matututunan niya akong amahalin.Makalipas ng isang buwan.Kasalukuyan:At ngayon ang gabing ito ang isa sa pinakamasakit na katotohanan, namatay ang aking mga magulang sa pagbagsak ng sarili naming eroplano noong papunta silang Madrid, doon ay may isang buisness proposal silang dadaluhan. Ngunit hindi na sila nakabalik pa. Walang katawan ang nakuha dahil sa pagsabog na naganap at ako ngayon ay ulila nang lubos. Napahikbi na lamang ako at nayakap ang mga nakatiklop kong mga binti at doon isinubsob ang aking mukha at patuloy na lumuha.Hindi alam ng aking mga magulang ang malungkot kong karanasan sa mga taong inaakala nilang kaibigan. Ngunit patuloy pa rin akong umaasa na magiging maayos ang lahat sa amin ng asawa ko. Minsan pang sumagi sa aking isipan na maaring maawa ito sa akin dahil sa pagkamatay ng aking mga magulang. Kahit na hindi na niya ako matutunang mahalin kundi matutunan manlang niya akong pakitunguhan ng maayos. Pakikitungo kahit manlang bilang kaibigan ang hinihiling ko. Dahil sa kabila ng lahat ay mahal na mahal ko pa rin siya.Isang malakas na kalabog ang nagpagulat sa akin, kalabog ng dahon ng pintuan ng aking kwarto. Nanlalaki ang mga mata ko ng mapagsino ko ang bulto ng katawan at halos anino pa lamang ang aking nakikita, "Anong ginagawa ng asawa kong hilaw sa kanyang silid, mag-isa ka bang umiiyak at nagdadalamhati rito!" galit ang tinig nito na sambit sa akin. Doon ko pa lang napagtanto na si John pala ang nasa may bukana ng pintuan."John, namatay ang aking mga magulang, maari ba akong humingi ng kaunti manlang na pagdamay mula sa iyo?" tanong ko sa kanya. Sa pag-asang dadamayan ako nito kahit na sandali lamang.Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit, isang malamig at walang imosyong pagyakap. Pahigpit ng pahigpit at halos hindi na ako makahinga, "Ganito bang pagdamay ang nais mo?" malamig ang tinig nitong bulong sa akin. At sinabayan ng malakas na pagtulak.Pabagsak akong napahiga sa aking kama, pasalamat ko na lamang na napakalambot noon at hindi ako gaanong nasaktan. Natatakot akong napatingin sa kanya, hindi siya kumikilos sa kanyang kinatatayuan. "Alam mo bang ito ang matagal ko nang ipinagdarasal? Mamatay na ang mga taong humiling na pakasalan kita? Dahil ngayon natupad na ang isa sa mga panalangin ko, kaya napagpasyahan kong umuwi ngayon at ipakita sa iyo ang walang paglagyan kong kasiyahan!" sabi pa nito sa akin at tumawa pa ito ng malakas.Panalangin, kung ganon ay ipinapanalangin pala nito na mawala na kami ng aking pamilya sa kanyang landas? Bakit? Ano bang nagawa ko sa kanya at ng aking pamilya? Sa pagkakaalam ko ay ang pamilya ko ang nagligtas sa kanilang papalubog nang kumpanya. Na kung hindi sa pera ng aking pamilya ay wala na ang kumpanya nila."B-Bakit John? Anong bang nagawa ng aking pamilya sa iyo at ganyan na lang ang tuwa mo na nawala ang mga magulang ko? Awa at simpatya ang hinihingi ko sa iyo ngayon bilang asawa mo, bigyan mo manlang ako kahit na pakitang tao na pagdamay," hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga butil-butil kong luha."Anong nangyayari sa akin? Ikaw! kayo ng pamilya mo ang sumira sa buhay ko?" Dinuro niya ako at kitang-kita ko ang matinding galit sa mga mata niya. Parang halimaw na umiilaw ang mga mata nito sa twing tatamaan ng liwanag ng buwan mula sa bintana."Minahal kita! Iyon lang ang tanging kasalanan na naiisip ko! Pero kasalanan mo rin naman dahil nagpakita ka sa akin ng kabaitan, ang akala ko talaga ay mahal mo rin ako, at ang nagkakaunawaan tayo," malakas na sampal ang natanggap ng aking pisngi mula sa kanyang mga palad. Hindi ko akalaing hahantong na sa pananakit ang gagawin niya sa akin. Sampal na hindi ko inaakala na magagawa niya sa akin. Taliwas sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi ko inaakalang magagawa niya akong saktan.Ang mabait na lalaki na noon ay nakilala ko, ngayon ay unti-unti nang nawawala sa aking isipan. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya, nalasahan ko rin ang lasang kalawang mula sa gilid ng aking labi, pakiramdam ko ay nasugatan nga ito. "Isang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko ginusto! Alam mo bang nagpakamatay si Jilianne! Ang girlfriend ko, ang babaeng minamahal ko, alam mo bang dinadala pala niya ang magiging anak namin! Dahil sa inyo, nawalan ako ng tunay na pamilyang nagmamahal sa akin at tunay na nagmamalasakit!""Patawarin mo ako, kung ako ba talaga ang dahilan ng pagkawala ng sinasabi mong pamilya, pero wala naman akong kasalanan, ang kasalanan ko lang ay minahal kita!" sambit ko muli, ngunit galit niya akong itinulak muli. At tumalikod siya upang umalis. Sa hindi ko malamang dahilan sa aking sarili ay kungbakit patakbo pa akong bumaba sa aking kama at halos naglulumuhod sa kanyang paanan. "Im begging you John! Just forgive me and my family! Kung kami ang naging sanhi ng pagdurusa mo," umiiyak kong sambit. Nakakapit ako sa laylayan ng kanyang suot na pantalon.Ngunit pasipa niya lang akong itinaboy mula sa kanyang talampakan, "Umalis ka sa buhay ko, iyon ang bagay na nais kong gawin mo! O kaya ay mamatay ka na rin katulad ng iyong mga magulang!" malakas nitong sabi sa akin. Naiwan naman akong nakahandusay sa sahig at yakap ang aking sarili habang patuloy na umiiyak.CHAPTER 42:ILANG oras lang ang naging biyahe nila at nakarating sila sa isang private beach resort. Agad nilang dinala si Jeffrey sa tabing dagat, nakagapos ang mga kamay nito at paa.“Walanghiya ka Bong hayup ka! Anong gagawin mo sa akin!”Mabilis na sinabunutan ni Bong ang buhok nito. “Anong gagawin ko sa iyo? Gagawin ko lang naman ang walang awa mong ginawa kay Sophia! Kung inaakala mong hindi ko makakayang gawin sa iyo iyon, pwes kayang-kaya ko! Kaya rin kitang lunurin dito! Pero bago iyon….”Kinuha ni Bong sa bulsa nito ang isang maliit na punyal, at mabilis na iginuhit iyon sa pisngi ni Jeffrey. Sinugatan niya ito sa mukha upang maramdaman nito ang hapdi ng sugat na iyon sakaling malubog ito sa tubig dagat.“Hayup ka Bong! Magbabayad ka! Siguruhin mo lang na hindi ako makaliligtas sa lugar na ito! Kung hindi papatayin kita!” sigaw ni Jeffrey habang paulit-ulit siyangf nilulubog ni Bong sa tubig
CHAPTER 41- Ang Paghihiganti ni BongNang makabalik ako sa kay John agad kong ipinakita sa kaniya ang video, doon nalaman ni John ang katotohanan na hindi pala niya anak ang batang ngayon ay nasa emergency room.“Kaya pala hindi ko kadugo ang anak naming si Jonie. Hindi pala talaga ako ang ama niya kundi si Jeffrey. Nakakalungkot na pareho ang naging kapalaran namin ni Jonie, pareho kaming lumaki sa mga taong ginamit lang kami para sa mga pansariling hangarin.” Napayuko si John, ako naman ay nakadama ng awa para sa kaniya.Nahiman ko isang hita niya at nahawaka nito ang kamay ko saka ako tiningnan sa aking mga mata. Nang oras na iyon dama ko ang matinding kalungkutan sa mga paraan ng paghawak niya sa aking mga kamay. “I’m so sorry—hanggang ngayon humingi pa rin ako ng sorry sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan sa iyo, alam mo ba iyon?”“John, wala na iyon, matagal na kitang napatawad, lahat ng mga sakit na napagdaanan ko, lahat iyon, kin
KABANATA 40ANG PAGKAWASAK NI HELENANASA KOTSE SI HELENA, habang kausap niya si Jeffrey. Doon ay napag-usapan nila ang tungkol sa batang si Jonie na hininala kong anak nilang dalawa.“Bakit ka lumitaw roon? Para mo na ring inamin ang kataksilang ginagawa ko kay John!” galit na sigaw ni Helena.“At bakit hindi! Alam kong masama ako, pero may puso pa rin ako at mahal ko ang anak ko! Pumayag akong magpagamit sa iyo dahil gusto kong tuluyang magalit si Olivia kay John, pero hindi ko sinabing pababayaan kong mamatay ang anak ko—nauunawaan mo ba?!” galit na sabi ni Jeffrey. Matalim ang tingin naipinukol nito kay Helena.“Si John lang ang ama ng anak ko! Hindi ako papayag na mawasak kami ng dahil sa inyo ni Olivia, akin lang si John!” hesterikal na sigaw ni Helena, kaya malakas siyang nasampal ni Jeffrey.Ngunit mabilis na napisil ni Jeffrey ang mga pisngi ni Helena. “Oo alam ko, dahil akin lang din si Olivia! Pero sisiguruhin ko sa iyo na hindi mo na magagamit ang anak ko para sa iyong amb
KABANATA 39BAKIT HINDI KO KADUGO ANG ANAK KO?KINABUKASAN pumutok ang balitang nagkaroon ng malaking pagbagsak ng stock sa market, pero sa halip na ikalungkot ko iyon, lihim kong ikinatuwa, magkakaroon ng dahilan ang mga board members na question-in ang ilang malalaking pagbabago sa kanilang corporasyon.Ang Alacantara Corporation ay tuluyang nasakop ng mga Carlos, iyon ang isa sa mga nakikita kong maaaring maging dahilan para ihiwalay ang kumpanya ko, sa kanilang kumpanya.Alam ko na kung mangyayari iyon, pupulutin sa putik ang mga Carlos, saan kaya ni Jeffrey kukunin ang ilang milyong ibabalik sa mga investors, malaki na rin ang nalulugi sa pera ng mga ito.“Olivia, ito na ang pagkakataon, pilitin mong kumalas ang ilang investors, kapag nagkaganon, mapipilitan silang magbenta ng share nila, at iyon ang pagkakataon kong makabili ng ilang shares, sa pamamagitan ng kaibigan ko, pangalan.” Tiningnan ko si John, at nakita ko sa mga mata nito ang pagka-agrisibo dahil sa nalalapit na pagba
KABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIAKABANATA 38MGA NAWAWALANG ALAALA NI SOPHIA“NAROON SIYA.” Itunuro ni JC si Sophia na noo’y nakatunghay sa malawak na karagatan habang nasisilaw sa mataas na sikat ng araw.“SALAMAT JC, dahil inaalagaan mo pa rin si Sophia, alam mo naiingit ako sa iyo, kasi hindi ko man lang siya magawang lapitan,” sabi ko kay Jc habang pigil ang aking pag-iyak. Ayokong maging mahina ng mga sandaling iyon, kaya sinikap kong pigilan ang mga luha ko.Nalulungkot akong hindi ko magawang ibalik sa kanya ang pag-aalaga na ginawa niya sa akin noon.Noong ako ang nakaratay sa ospital.“Huwag kang mag-aalala, malakas at matapang na babae si Sophia, pasasaan ba at magbabalik rin ang mga alaala niya,” sabat ni John na nasa likuran ko na pala. “Nakita ko ang tapang at lakas niya noong unang beses niyang magpanggap na ikaw, buo ang loob niya na ipaghiganti ka, pero sinong mag-aakala, na kay Bong lang pala siya titiklop.”“Ang inaalala ko John, iyong bata sa sinapupunan n
KABANATA 37ANG TUNAY NA PAGKATAO NI JOHNNalaman ko na kaya pala ganon ang ipinakita sa aking kasamaan ni John, para mabuksan ang isip ko at matutong lumaban, ayaw rin niyang maisip ng mga Carlos na pwede siyang gamitin ng mga ito para ma-control ako, ayaw niyang siya pa ang hilingan ng mga ito na kunin ang kayamanan ko, kaya lahat ay nauwi sa masakit naming pagsasama.Pero ngayon alam ko na, alam ni John noon pa bago kami ikasal, na siya pala ay hindi tunay na anak ng mga Carlos, kundi ginagamit lamang siya ng mga ito para makuha ng tuluyan ang kayaman ng mga Alacantara.Nagbalik sa akin ang alaala nang pagtatapat ni John ng mga tunay niyang dahilan.“Olivia, nalaman ko noon, noong bago tayo ikasal, nalaman ko na hindi nila ako tunay na anak, na anak ako ng matalik na kaibigan ng ama mo, at kasosyo nila sa negosyo, pinatay nila ang tunay kong mga magulang, at pinalaki nila ako para gamitin naman para makuha ang kayaman ng buong pamilya mo,” umiiyak na pagsasalaysay sa akin ni John.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen