“Ano?” pangungulit niya.
“Fine.” Naiinis kong sagot.
“May partner ka na?” nangunot naman ang noo ko sa tanong niya. Is it really necessary?
“For what?”
“Ano ka ba naman Kyler. Lagi namang may partner kapag nagpapaparty si Mr. Oscar. Baka bigyan ka niya ng partner na hindi mo kilala kapag nagpunta ka dun ng walang muse.” Bumuntong hininga na lang ako. Ang dami nilang alam.
“Gusto mo paghanap kita?”
“Hindi na.”
“May naiisip ka ng ayain?” tanong niya.
“Wala pa.”
“Ako meron na. Ano kaya kong ayain ko si Pretty?” tiningnan ko siya diretso sa mga mata niya dahil secretary ko nanaman ang naiisip niya.
“Huwag na siya.” Sabi ko naman.
“Bakit? Aayain mo
"Pretty?" tawag sakin ni Sir Louie habang papasok pa lang ng building."Pasabay ah." Tumango na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita.Pupuntahan nanaman siguro si Sir Kyler."Aga niyo ata Sir. Wala pa siguro jan si Sir Kyler." Sabi ko ng makasakay kami ng elevator."Hindi naman siya sadya ko eh." Lumingon ako sa kaniya dahil dun. Eh sino naman sana pupuntahan niya dito."Ikaw." Dugtong pa niya. Ano nanaman bang kailangan niya."May kailangan ka Sir." Sambit ko ng hindi na lumilingon sa kaniya."Are you free Friday night?" kumunot naman noo ko. Huwag niyang sabihin na aakitin niya rin ako sa party na dadaluhan ni Sir Kyler. Hindi naman sa nag-aassume ako pero pareho kasi sila ng tanong ni Sir eh."Hindi po Sir." Sagot ko sa kaniya. Pansin ko naman ang paglingon niya sa gawi ko."May pupuntahan ka?" tanong niya habang sakin pa rin ang tingin niya."Opo Sir." Rinig ko naman ang marihin nyang pagtawa kaya napating
"Mauna na ako sa office. Sunod ka na lang." Tinanguan ko na lang si Sir sa sinabi niya ng matapos kaming kumain lahat. Napatingin ako sa kanilang tatlo ng sabay sabay silang bumuga ng hangin."Grabe parang nakalimutan kong huminga." Ani ni bakla habang sunod sunod ang malalalim niyang hininga."Buti nakakakain ka pa ng maayos sa harap ni Sir." Si Diane naman."Eh ikaw ba naman na makasama mo araw araw, hindi ka masanay." Sambit naman ni Lalaine."Pero teka mga bakla. Seriously nagpaalam sayo si Sir? Iba na yaaaaarrn." Ayan nanaman sila sa mga pang-aasar nila."Bihira lang kumain dito sa Sir tapos first time siyang sumabay sa mga empleyado niya maliban sayo dati nung una. Hindi kaya the feeling is mutual?" napapikit na lang ako sa kanila saka tumayo."San ka pupunta?" tanong ni bakla ng naglalakad na ako paalis."Sa office." Sambit ko habang nakatalikod sa kanila. Kahit kelan talaga mga ususera.--
“Bakit ba hinayaan mo lang na ginanun ka lang ng babaeng yun?” tanong niya sa akin ng makalabas kami sa event.“Eh Sir hindi naman po ako napatol sa mga ganun eh, sinadya man o hindi.” Napasapo na lang siya sa kaniyang noo at bumuntong hininga na para bang sukong suko na. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak pa rin sa kaniya, napalunok naman ako at mabilis na tinanggal iyun.“Pasensya na po Sir.” Yuko kong sabi dahil sa kahihiyan.“Let’s go.” Aniya kaya sumakay na ako sa kotse niya. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse niya habang nasa byahe. Nakarating kami sa harap ng bahay ng wala nag-imikan. “Salamat po Sir.” Tumango lang naman siya kaya binuksan ko na ang pintuan ng kotse niya. Pagbaba ko hindi pa rin siya naaalis. Nakatingin lang siya sakin.“Good night po. Ingat kayo.” Ngumiti lang siya saka na
Naglakad na siya at sumunod naman ako sa kaniya. Ramdam ko rin ang pagsunod ni Sir Louie sa likuran ko.“San tayo magswiswimming sa weekends?” tanong ni Sir Louie ng makasakay kaming tatlo sa elevator. Napasulyap naman ako kay Sir Kyler na tahimik at diretso lang ang tingin.“Ah hindi ko pa po alam Sir. Inaya lang din kasi ako.” Sagot ko sa kaniya.“Hmmf ok, may maganda akong alam na resort baka pwede kong isuggest sa kanila.” Nauna ng lumabas si Sir Kyler a sinundan naman namin ni Sir Louie. Maya maya pa ay huminto siya at humarap samin kaya napahinto rin kaming dalawa ni Sir Louie.“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sir Kyler kay Sir Louie.“Pupuntahan ka?” walang kasiguraduhan niyang sagot.“Umuwi ka na.” Walang pasubaling saad ni Sir.“Ito naman eh. Gusto mo sumama sa swimming namin nila Keisha?” lumingon naman sakin si Sir kaya yumuko ako. Tumali
“Baklaaaang Keisha.” Malakas na tawag sakin ni bakla ng papasok na ako ng building. Nilingon ko sila at magkakasama silang tatlo.“San kayo galing at ang aga aga magkakasama nanaman kayo?” tanong ko ng makalapit na sila sa akin.“Nagkita kita lang kami jan sa labas.” Napatango na lang ako sa kanila at sabay sabay na ring pumasok sa building.“Grabee bakla ang ganda ganda mo.” Namamangha pang sabi ni bakla.“Umayos kang babae ka ah baka tumuwid talaga ako.” Natawa kami dahil yung boses niya boses lalaki na hahaha.“Grabe ka, kapag ako nagbibiro sayo diring diri ka pa. Tapos si Keisha na nagpakulay with highlight pa ng buhok magpapakalalaki ka na.” Balik niyang sabi kay bakla.“Tse eh sa hindi kita type eh.” Hinawakan ni Lalaine ang bandang dibdib niya na akala mo ay nasaktan talaga.“Nahurt naman ako. Bahala na nga kayo.” Kunwaring tampo niy
“Sir.” Sinubukan ko siyang gisingin pero parang mahimbing talaga ang tulog niya. Puyat ata ito kagabi eh. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso saka dahan dahang inihiga sa sofa at nilagyan ng unan. Tinanggal ko na rin ang sapatos niya. Pagod at puyat siguro ito kagabi. Ginawa ko na lang ang mga gawain ko at pagkatapos ng isang oras ay nagstretch ako dahil nakakangalay sa likod. Tiningnan ko si Sir at mahimbing pa rin siyang natutulog. Napansin ko ang necktie niyang parang sobrang higpit naman na ata. Tulog naman siya eh, luluwagan ko lang naman yung necktie niya eh. Dahan dahan kong tinanggal ang necktie niya ng biglang hawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Tiningnan ko sa mga mata si Sir at nakamulat na siya. Pulang pula pa ang mga mata niya na halatang bagong gising pa lang.“What are you doing?” he said huskily.“Ah tinatanggal k-ko lang p-po S-sir yung necktie niyo.” Utal ko pang sabi sa kaniya. Pilit kong inaalis
“Pero Sir kasi po, di ba ayaw niyo sa nilalandi kayo. Sir patawarin nyo ako, hindi ko sinasadya.” Lumuhod pa ako sa harap niya kasi natatakot talaga ako na tanggalin niya ako sa trabaho.“Ano ka ba. Tumayo ka nga jan.” Hindi ko siya pinansin at nakaluhod pa rin ako habang nakayuko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at pinantayan niya ako.“Look, hindi ako nag-iisip ng kung ano ano. Ikaw lang itong nag-isip ng ganiyan. Hindi mo ako nilandi o nagpakita ng motibo sakin. I appreciate it, hindi ko naman alam na may sauce pa pala sa labi ko and thank you kasi tinanggal mo yun. Hmmf.” Malumanay ang pagkakasabi niya nun kaya dahan dahan ko siyang tiningnan. Nang magsalubong ang mga mata namin ay nakangiti pa siya ng napakalapad. As in halos aabot na sa tenga niya. Inalalayan niya naman akong tumayo at hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.“Don’t think too much okay?”“Yes Sir.” B
“Mahal ko si Sir Kyler oo pero mas mahal ko trabaho ko gaga.” Nagbabangayan pa rin sila kahit na nandito na kami sa harap ng office ni Sir. Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Sir Kyler na nakakunot ang noo.“Hi Sir nandito po pala kayo sa department namin.” bati ni bakla na parang wala pa ring alam sa paligid niya.“Hahahaha mukhang iisa panaginip natin bakla ah. Si Sir Kyler akalain mo.” Dagdag pa ni Lalaine. Kung pwede lang tumawa ng malakas kanina pa namin ni Diane ginawa kaso nanjan si Sir Kyler eh. Sa sinabi ng dalawa ay mas lalong nangunot ang noo niya.“Excuse me?” Sir Kyler.“Hi Sir.” Sabay na bati pa ng dalawa.“You two! Nakikinig ba kayo sakin?!” medyo mataas na boses ni Sir. Nagitla naman yung dalawa at napatayo ng matuwid. Inilibot nila pareho ang kanilang paningin sa paligid.“Oh my God!” sabay na sigaw ng dalawa ng mareal