Share

Kabanata 57.1

KYLER POV

Diretso akong nakatingin sa labas ng bintana ko habang nakapamulsa ang dalawa kong kamay sa bulsa ko. Ramdam ko pa rin ang pagkunot ng noo ko.

Aware naman ako sa naging asal ko kanina sa harap ni Keisha at Kieffer. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi mag-isip. Masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko.

Oo una kong minahal si Sasha pero si Keisha na ang kasalukuyan ko at may anak pa kami kaya bakit naguguluhan ako ngayong nalaman kong buhay nga si Sasha. Hindi tama ang iniisip mo Kyler, hindi tama ito. Mahal ko pa nga ba si Sasha o minahal ko nga ba talaga si Keisha? Mariin akong napapikit at hinilot ang sintido ko. Iniling iling ko ang ulo ko dahil mali, hindi tama.

Ano naman sayo Kyler kung buhay pa nga ba si Sasha? Kamustahin mo lang siya okay na yun and win Keisha back. Pero masyado akong kinokontra ng puso ko. Ang gulo gulo na, hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status