로그인Maaga nagising si Wendy Ching sa hotel sa Clark, Pampanga.
Alas singko pa lang ng umaga, gising na siya. Tahimik ang buong suite, bukas ang malaking bintana at pumapasok ang malamig na hangin galing sa hardin ng hotel na pinareserve ni Nicolo para sa kasal nila. Bumangon si Wendy at umupo sa gilid ng kama. Ilang segundo siyang tumitig sa sahig, tapos ngumiti mag-isa. Ito na ang araw na limang taon niyang hinintay. Lumapit siya sa vanity table, nandoon ang lumang kahon na binalot ng puting tela. Binuksan ni Wendy ang takip. Sa loob, isang keychain na may gasgas, isang picture na kupas na ang kulay, at isang resibo ng street coffee na halos burado na ang tinta. Pinulot ni Wendy ang picture. Sila ni Nicolo iyon, kuha noong nasa college pa sila. "Natupad din," bulong ni Wendy habang hinahaplos ang gilid ng picture. May kumatok sa p***o. "Ma'am Wendy? Gising ka na?" Boses iyon ni Sarah Montelibano. "Pasok ka, Sarah," sagot ni Wendy. Pumasok si Sarah, may dalang tablet at kahon ng puting sapatos. Pagkakita sa hawak ni Wendy, napahinto siya sa p***o. "Hawak mo pa rin yan?" tanong ni Sarah habang inilalapag ang kahon sa sahig. "Oo," sagot ni Wendy. "Kahit luma na?" tanong ulit ni Sarah at lumapit para silipin ang loob ng kahon. "Mas tumatagal ang halaga kaysa sa presyo," sagot ni Wendy at isinara ang kahon at ibinalik sa ibabaw ng vanity. Umiling si Sarah at ngumiti. "Iba ka talaga." "Kapag may trabaho lang yon," sagot ni Wendy. "Eh ngayon? Wedding day mo," biro ni Sarah. "Mas gusto ko to. Mas totoo," sagot ni Wendy. Binuksan ni Sarah ang tablet at nag-scroll. "Check natin. Guests?" tanong ni Sarah. "Complete na ba?" tanong ni Wendy habang sinusuklay ang buhok sa harap ng salamin. "Complete. Nasa lobby na yung iba, yung iba nasa simbahan na sa Clark. Lahat ng VIP na in-invite ni Nicolo, nandoon," sagot ni Sarah. "Media?" tanong ni Wendy. "Nasa labas ng simbahan. Naka-setup na, pero hindi sila makalapit," sagot ni Sarah. "Bakit?" tanong ni Wendy. "Hindi umabot kahit isang mikropono sayo. Bawat pagtatangkang lumapit ng media, agad hinaharang ng security na nakatalaga sa venue," sagot ni Sarah. "Security?" tanong ni Wendy. "Wala kang dapat alalahanin. Nakaayos na lahat," sagot ni Sarah. Tumango si Wendy. "May nagbago ba?" "May gustong makipag-meeting sayo bago mag-ceremony. Nasa conference room ng hotel. Naghihintay," sabi ni Sarah. "Sino?" tanong ni Wendy. "Hindi ko kilala, hindi investor, hindi board member. Sabi ng front desk, ayaw magpakilala. Naka-black envelope daw invitation niya," sagot ni Sarah. "Kilala ko ba?" tanong ni Wendy. "Hindi raw, bago daw sa paningin nila," sagot ni Sarah. Isinara ni Wendy ang jewelry box na may pearl earrings. "Pagkatapos na lang ng kasal. Sabihin mo, busy ako ngayon." "Copy, Ma'am," sagot ni Sarah at lumabas ng suite. Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang tatlong makeup artist at dalawang hairstylist kasama ang wedding coordinator. "Good morning, Ms. Wendy! Congratulations!" bati ng makeup artist habang inilalapag ang makeup kit. "Good morning. Salamat," sagot ni Wendy at ngumiti sa kanila. "Anong look ang gusto mo today? Glam? Natural?" tanong ng hairstylist. "Simple lang. Ayaw ko ng makapal," sagot ni Wendy. "Pero wedding day mo," sabi ng makeup artist. "Simple lang talaga. Pearl earrings lang at manipis na gown, okay na ako," sagot ni Wendy. Sinunod nila. Puting gown na walang masyadong burda, walang masyadong kintab. Malinis ang design. Habang inaayos ang buhok ni Wendy, tumunog ang cellphone sa vanity table. Si Nicolo. Agad na kinuha ni Wendy ang phone at sinagot. "Good morning," bati ni Wendy. "Good morning," sagot ni Nicolo sa kabila. Mahina ang boses at parang pagod. "Nagising ba kita?" tanong ni Wendy. "Hindi. Kanina pa ako gising. Hindi ako makatulog," sagot ni Nicolo. "Ready ka na ba?" tanong ni Wendy. "Almost. Ikaw? Ready ka na?" tanong ni Nicolo. "Ready na. Inaayos na lang buhok ko. Kumain ka na ba?" tanong ni Wendy. "Hindi pa, mamaya na lang," sagot ni Nicolo. "Nervous ka ba?" tanong ni Wendy at mahinang tumawa. "Konti," sagot ni Nicolo at tumawa rin. "Akala ko fearless businessman ka sa Clark. Sa meeting nga hindi ka kinakabahan," biro ni Wendy. "Sa business meeting lang yon. Iba pag bride na ang kaharap," sagot ni Nicolo. "Kaya mo yan. Nandito lang ako," sabi ni Wendy. "I'll see you later," sabi ni Nicolo. "See you later. Ingat ka papuntang simbahan," sagot ni Wendy at binaba ang tawag. Pagkatapos ng tawag, hawak pa rin ni Wendy ang phone. Tinitigan niya ang screen. May mga gabing dalawang oras lang ang tulog niya. May mga umagang nasa ibang bansa siya pagmulat ng mata at iba na naman ang lungsod bago matapos ang araw. May mga araw na sunod-sunod ang tawag at meeting. Lahat yon tiniis niya. At ngayon, lahat ng pagod na iyon, sulit na. Yun lang ang nasa isip niya. Isang oras ang lumipas. Huminto ang puting van sa harap ng simbahan sa Clark. Pagbukas ng p***o ng van, sunod-sunod ang flash ng camera mula sa labas ng gate. "Ms. Wendy! Dito po! One photo! Congratulations!" Hindi umabot kahit isang mikropono sa kanya. Bawat pagtatangkang lumapit ng media ay agad hinaharang ng security na nakatalaga sa venue. Inalayan siya ng coordinator pababa ng van. "Ang ganda ng simbahan," bulong ni Sarah habang magkasabay silang naglalakad sa red carpet. Puting rosas lahat ng dekorasyon, crystal chandeliers, mahabang red carpet hanggang altar. Tumingin si Wendy sa paligid. "Pinili niya yan." "Sino?" tanong ni Sarah. "Si Nicolo. Pinili niya yan," sagot ni Wendy. Naglakad sila papasok. Sinalubong siya ng ilang business partners ni Nicolo. "Congratulations, Ms. Wendy," bati ng isang lalaking naka-gray suit. "Salamat po," sagot ni Wendy at tumango. "Best wishes sa inyo ni Nicolo. Bagay kayo," bati ng isa pang babae na may hawak na clutch. "Salamat po," sagot ulit ni Wendy. "Perfect couple kayo. Matagal na namin hinihintay to," sabi ng isa pang matandang lalaki. "Salamat po. Sana mag-enjoy kayo sa loob," sagot ni Wendy. Pagdating sa bridal room, nandoon na si Alfredo Cheng, papa niya. Nakatayo sa harap ng salamin, inaayos ang cufflinks ng long sleeves. Tumingin si Alfredo kay Wendy mula ulo hanggang paa. "Maayos," sabi ni Alfredo. "Good morning, Dad," bati ni Wendy at lumapit para sana humalik sa pisngi ng papa niya. Nag-ayos lang si Alfredo ng cufflinks at hindi gumalaw. "Busy ang media sa labas." "Nakita ko kanina, Dad. Marami sila," sagot ni Wendy at ibinaba ang kamay. "Huwag kang magsasalita sa reporters mamaya. Hayaan mo ang coordinator," sabi ni Alfredo. "Hindi ako magsasalita, Dad. Alam ko," sagot ni Wendy. "Sige," sabi ni Alfredo at lumabas na ng silid. Walang yakap. Walang congratulations. Naiwan si Wendy na nakatayo sa gitna ng bridal room, nakatingin sa nakasarang p***o. "You okay?" tanong ni Sarah na lumapit sa kanya. Inayos ni Wendy ang belo at tumingin ulit sa salamin. "Wedding day ko," sagot ni Wendy. "Sure ka? Gusto mo ba ng tubig?" tanong ni Sarah. "Okay lang ako," sagot ni Wendy at inayos ang belo. Sa labas, patuloy ang dating ng bisita. Mga luxury cars na sunod-sunod sa parking ng simbahan. Sa kabilang dulo ng hallway, may coordinator na mabilis na lumapit sa head organizer na may hawak na clipboard. "Nasaan groom?" tanong ng coordinator na medyo hingal. "Nasa preparation room kanina. Kaka-check ko lang," sagot ng head organizer. "Wala dun. Kaka-check ko lang ngayon. Walang tao," sabi ng coordinator. Nag-ring ang headset ng head organizer. Sinagot niya agad. "Hello? Nasaan na groom?" tanong ng head organizer sa kausap sa headset. Tahimik siyang nakinig. Humigpit ang hawak niya sa headset. "Ano sabi?" tanong ng coordinator. "Hindi makontak driver. Hindi sumipot sa preparation room. Hindi raw umalis sa hotel si Nicolo kaninang umaga," sagot ng head organizer na nanginginig ang boses. "Ano? Hanapin niyo. Tawagan niyo lahat ng staff," sabi ng coordinator at tumakbo palabas ng hallway. Sa bridal room, inaayos pa rin ni Wendy ang belo niya sa harap ng salamin at hindi alam ang nangyayari sa labas. Sa parking lot ng simbahan, may mamahaling sports car na itim ang huminto. Bumaba ang isang lalaki. Naka-black suit na maayos ang gupit, malinis ang sapatos, may dalang eleganteng gift box na may gold ribbon. Naglakad siya papunta sa main entrance. Humarang ang usher na may hawak na guest list. "Sir, invitation card po. Kailangan po ng card bago makapasok," sabi ng usher. Hindi nagsalita ang lalaki. Inabot lang niya ang isang itim na envelope na may gold seal. Kinuha ng usher ang envelope at binuksan. Pagkabasa ng usher sa card, agad nitong isinara ang guest list. "This way, sir," sabi ng usher at binuksan niya mismo ang malaking p***o para sa kanya. Naglakad ang lalaki sa loob ng hallway. Tahimik lang. Hawak pa rin ang gift box. Pagdating sa tapat ng malaking pintuan ng simbahan, huminto siya. Sinulyapan niya ang malaking pintuan. Umangat ang sulok ng labi niya. "Mukhang hindi ako late," bulong niya. Huminto siya sa harap ng malaking p***o. Hinawakan niya ang door handle. Sa loob ng simbahan, tumutugtog na ang wedding march. Nagsisimula nang tumayo ang lahat ng bisita. Umikot ang door handle. Kasabay noon, lumingon ang buong simbahan.Mahigit dalawampung aplikante ang nagsisiksikan sa waiting area ng 32nd floor.May mga fresh graduate na naka-blazer na halatang bagong bili pa lang kahapon. May mga dating executive assistant na may dalang makakapal na folder na puno ng certificate of employment. May isang babae na malakas ang boses habang kinakausap ang katabi."Alam mo, galing ako sa multinational. Ang boss ko dati, senador," sabi ng babae na may pulang lipstick."Talaga?" sagot ng katabi niya."Oo. Kaya basic lang sa akin ang secretary work. Sigurado ako, ako ang kukunin," dagdag pa ng babae at tumawa.Si Wendy nakaupo sa pinakadulo. Walang kausap. Hawak lang ang manipis na brown folder. Suot pa rin ang simpleng puting blouse. Habang ang iba nag-aayos ng buhok at nag-a-apply ng pabango, si Wendy nakatingin lang sa glass wall kung saan tanaw ang hallway papuntang executive floor.Bumukas ang pinto ng HR office. Lumabas ang isang babae na may hawak na clipboard."Secretary applicants," sabi ng HR staff. "Please prep
Nakahinto ang itim na Porsche sa harap ng Chavez Group Tower.Limampung palapag ng salamin at bakal na halos sumasalamin sa buong Clark skyline. Sa ibaba, nakaukit sa makapal na itim na marmol ang pangalan ng kumpanya na halos kasing taas ng tao ang letra. CHAVEZ GROUP OF COMPANIES. Sa paligid, sunod-sunod ang pagpasok ng mga luxury cars. Mga lalaking naka-tuxedo na may dalang leather portfolio. Mga babaeng naka-stiletto na amoy bagong pabango kahit alas otso pa lang ng umaga.Nakaupo si Wendy sa passenger seat. Suot niya ang pinakasimpleng puting blouse at black slacks na nabili niya kagabi sa mall malapit sa villa. Walang logo. Walang alahas. Ang buhok nakatali lang. Hawak niya ang brown folder na may lamang resume at application form.Sa tabi niya, si Gavin nasa driver's seat. Nakatingin din sa gusali pero iba ang tingin niya. Parang sanay na sanay. Parang bahay lang."So," sabi ni Gavin habang pinapatay ang makina. "Ito ang mundo ko."Tumingin si Wendy sa kanya. "Malaki.""Malaki
Bumalik sa katahimikan ang villa. Wala na si Sarah. Yung ilaw sa sala nakabukas pa pero hindi masakit sa mata, yung sinag diretso sa garden na basa pa sa ulan kanina. Yung mesa sa gitna may dalawang baso ng tubig. Yung isa may bakas pa ng lipstick. Magkatapat pa rin si Wendy at Gavin. Si Wendy nakaupo sa dulo, hawak yung baso. Malamig na yung tubig pero hindi niya binibitawan. Si Gavin nasa kabilang upuan, nakasandal, yung dalawang kamay nasa ibabaw ng mesa, magkadikit ang daliri. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Wendy ang unang bumasag. "Pwede ba kitang tanungin?" mahina niyang tanong Gavin inangat ang tingin sa kanya. "Oo naman. What is it?" "Bakit mo ako tinulungan?" deretsang tanong niya. Gavin kinuha yung baso niya. Inikot sa mesa. Pinanood ang paggalaw ng tubig sa loob. "Hindi kita kilala," sagot niya. "Hindi rin kita nilapitan dahil naawa ako sayo." Tumingin siya kay Wendy, diretso. "Pero kanina sa simbahan, habang lahat sila tumatawa... walang tumayo. Kahit
Umuugong lang ang makina sa loob ng Porsche. Walang radyo. Walang nagsasalita sa tatlo.Si Wendy nasa passenger seat, yakap pa rin ang bouquet na durog na sa gilid. Nakatingin siya kay Gavin na nasa driver's seat. Punit pa rin ang polo, kupas ang pantalon, manipis ang tsinelas.Pero yung mga kamay niya sa manibela, maayos. Yung upo niya, tuwid. Hindi yun kilos ng taong sanay mamalimos sa kalsada. Kanina lang anim na lalaking naka-suit ang yumuko at tinawag siyang Sir.Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong.Si Sarah sa likod ang unang hindi nakatiis."Wow! Epic ng exit natin dun men! Nakita niyo mukha nila? Yung Nicolo? Yung Sophia? Parang nakakita ng multo!"Gavin hindi lumingon, mata pa rin sa kalsada."Tell me, prank ba to? Vlogger ka ba?"Gavin natawa. Mahina lang sa una tapos lumakas, tawang masarap pakinggan dahil alam mong totoo.Napakamot siya sa ulo gamit ang isang kamay."Let's talk about it later."Lumingon siya kay Wendy. Mabilis lang tapos balik sa kalsada."For now
Bulungan ang buong simbahan habang naglalakad siya sa gitna ng aisle. Halos lahat ng bisita nakatayo na, ang iba nakasampa pa sa upuan para makita ang mukha ng pulubi. Ang mga cellphone nakataas lahat, pulang ilaw ng recording makikita sa dilim ng simbahan.Ang media na nasa gilid kanina, ngayon nasa gitna na rin at nakatutok ang camera kay Wendy at sa lalaki. Sa gilid ng pinto, dalawang security guard ang gustong lumapit para hilahin ang lalaki palabas. Pero mabilis silang pinigilan ng head coordinator ng simbahan."Sir, mamaya na. Huwag dito sa loob. Nasa gitna ng ceremony pa, makikita sa video," bulong ng coordinator at hinawakan ang braso ng guard. Kaya umatras ang mga guard pero nakabantay pa rin, handa kung sakaling manakit ang lalaki.Nakarating ang pulubi sa gitna. Nasa harap na siya ni Wendy. Amoy pawis at araw ang polo niya, pero tuwid pa rin ang tayo niya kahit punit ang laylayan ng pantalon at manipis na ang tsinelas. Hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang kalahating pan
Bumukas ang malaking pinto ng simbahan sa Clark at huminto ang wedding march.Tumayo ang lahat ng bisita at lumingon sa pinto. Nasa gilid ang mga coordinator at nakatingin din sa entrance."Heto na ang groom..." bulong ng isang coordinator na may hawak na clipboard.Bumukas nang buo ang pinto at pumasok si Nicolo Diaz. Naka-white suit, nakangiti, maayos ang buhok.Pero hindi siya nag-iisa.Mahigpit ang hawak ng isang babae sa braso niya. Matangkad, maputi, nakasuot ng mamahaling red designer dress na hapit sa katawan. Nakataas ang baba habang naglalakad.Si Sophia Vasquez.Nagbulungan ang buong simbahan."Hindi ba si Sophia Vasquez yon? Yung international model?""Bakit siya kasama ni Nicolo?""Asan si Wendy?"Dumiretso si Nicolo sa gitna ng altar kasama si Sophia. Hindi siya dumaan sa red carpet. Hindi siya lumingon sa mga bisita.Mabilis na lumapit ang head coordinator kay Nicolo."Sir Nicolo, magsisimula na po ang ceremony. Nasa bridal room na po si Ms. Wendy," sabi ng head coordin







