홈 / Romance / I Married The Beggar Everyone Laughed At / Chapter 2 : Left At The Altar

공유

Chapter 2 : Left At The Altar

작가: BelleNocturne
last update 게시일: 2026-10-17 19:38:33

Bumukas ang malaking p***o ng simbahan sa Clark at huminto ang wedding march.

Tumayo ang lahat ng bisita at lumingon sa p***o. Nasa gilid ang mga coordinator at nakatingin din sa entrance.

"Heto na ang groom..." bulong ng isang coordinator na may hawak na clipboard.

Bumukas nang buo ang p***o at pumasok si Nicolo Diaz. Naka-white suit, nakangiti, maayos ang buhok.

Pero hindi siya nag-iisa.

Mahigpit ang hawak ng isang babae sa braso niya. Matangkad, maputi, nakasuot ng mamahaling red designer dress na hapit sa katawan. Nakataas ang baba habang naglalakad.

Si Sophia Vasquez.

Nagbulungan ang buong simbahan.

"Hindi ba si Sophia Vasquez yon? Yung international model?"

"Bakit siya kasama ni Nicolo?"

"Asan si Wendy?"

Dumiretso si Nicolo sa gitna ng altar kasama si Sophia. Hindi siya dumaan sa red carpet. Hindi siya lumingon sa mga bisita.

Mabilis na lumapit ang head coordinator kay Nicolo.

"Sir Nicolo, magsisimula na po ang ceremony. Nasa bridal room na po si Ms. Wendy," sabi ng head coordinator na nanginginig ang boses.

Tumingin si Nicolo sa coordinator.

"Cancel the wedding," sabi ni Nicolo. Malinaw ang boses.

"Ano po? Sir, cancel?" tanong ng coordinator.

"I said cancel it. Hindi matutuloy ang kasal kay Wendy," sabi ni Nicolo at inayos ang coat.

"Sir, naka-gown na po si Ma'am Wendy. Hinahanap na po kayo," sabi ng coordinator.

"I know. Ako na ang kakausap sa kanya paglabas niya," sagot ni Nicolo.

Sa likod ng simbahan, sa pinakadulong hanay ng upuan, nakaupo ang isang matangkad na lalaki. Naka-black suit, hawak ang isang eleganteng gift box na may gold ribbon. Hindi siya nakikisali sa bulungan. Tahimik lang na nakatingin sa altar.

"Sir, may seat pa po sa harap kung gusto niyo," sabi ng usher sa kanya.

Umiling ang lalaki. "Dito lang ako," sagot ng lalaki. Mababa ang boses.

Samantala sa bridal room, mabilis na bumukas ang p***o. Pumasok ang coordinator na hingal.

"Ma'am Wendy..." tawag ng coordinator.

Napatingin si Wendy Ching na nakatayo sa harap ng salamin. Suot na ang puting gown, hawak ang bouquet.

"Pwede na ba? Tapos na ba ang music?" tanong ni Wendy.

Hindi agad nakasagot ang coordinator. Hawak niya nang mahigpit ang headset.

"Anong nangyari? May problema ba kay Nicolo?" tanong ni Wendy.

"Ma'am... hinihintay po kayo ni Sir Nicolo sa loob. Sa altar na po," sabi ng coordinator.

Tumango si Wendy at inayos ang belo. "Sige, tara na, Sarah."

Sumunod si Sarah Montelibano sa likod ni Wendy habang hawak ang dulo ng gown.

Paglabas ni Wendy ng bridal room, kakaiba ang katahimikan sa hallway. Walang tawanan. Lahat ng staff na nakakasalubong nila, nakatingin sa kanya at agad umiiwas ng tingin.

Pagdating sa bukana ng simbahan, bumukas ang malaking p***o para sa kanya. Tugtog ulit ang wedding march pero mahina.

Lahat ng bisita nakatingin kay Wendy.

Naglakad si Wendy sa red carpet. Nakangiti, hawak ang bouquet. Pero habang naglalakad, nakita niya si Nicolo sa altar at ang babaeng nakahawak sa braso nito.

Huminto ang lakad ni Wendy sa gitna ng red carpet.

Tumingin si Nicolo kay Wendy.

"Wendy," tawag ni Nicolo at kinuha ang mikropono sa pari. "Buti nakalabas ka na."

Hindi sumagot si Wendy. Tumingin lang siya kay Sophia na nakahawak pa rin sa braso ni Nicolo.

"Wendy, sorry. Pero kailangan mong malaman ngayon," sabi ni Nicolo sa mikropono. Rinig ng buong simbahan. "Hindi na ikaw ang babaeng nakikita ko sa future ko, Wendy. Ang babaeng nasa tabi ko ngayon ang pinili ko. Siya ang nagbukas ng mga pintong hindi ko kayang buksan noon. Siya ang kasama kong gustong bumuo ng susunod na kabanata ng buhay ko."

Tahimik ang lahat.

Tumingin si Wendy kay Nicolo at hindi kumurap.

"Limang taon, Nicolo. Iyon lang pala ang halaga non?" tanong ni Wendy.

"Wendy, ayaw kitang lokohin pa. Mas mabuti nang tapusin ngayon kaysa magsinungaling sa altar," sagot ni Nicolo.

"Hindi ka naging unfair," sagot ni Wendy. "Taksil ka. Iyon ang tawag doon."

Walang sumagot si Nicolo.

Ngumiti si Sophia at humakbang ng isang hakbang papalapit kay Wendy.

"Love isn't always enough, Wendy," sabi ni Sophia habang nakataas ang baba. "Minsan, kailangan ding maging praktikal ang isang lalaki. At mukhang... ako ang mas magandang investment."

Isang tawa ang kumawala sa mga bisita sa likod.

Sa gitnang aisle, biglang may pumalakpak nang malakas.

"Dapat lang! Buti nga iniwan ka!"

Lahat napalingon.

Nakatayo si Melissa De Leon sa gitna ng aisle at pumapalakpak. Kasunod niya si Luisa De Leon at si Alfredo Cheng na nakapamulsa.

"Melissa, anong sinasabi mo?" tanong ni Wendy.

"Ano pa ba? Sabi na sayo, hindi ka bagay kay Nicolo. Simple ka masyado. Walang class. Si Sophia bagay kay Nicolo, model, international," sabi ni Melissa nang malakas.

"Mama..." tawag ni Wendy.

"Ano Mama? Totoo naman diba? Kahit anong ayos mo, hindi ka pa rin pang-high society," sabi ni Luisa at tumawa. "Buti nga si Nicolo marunong pumili. Hindi tulad mo."

Tumayo si Alfredo at lumapit sa aisle. Tinuro si Wendy.

"Simula ngayon, huwag mo nang gamitin ang apelyido ko," sabi ni Alfredo. Malakas ang boses at rinig ng lahat. "Ang anak kong ikinagmamalaki, hindi nagpapaawa sa harap ng maraming tao."

"Dad, hindi ko ginusto to. Iniwan ako," sabi ni Wendy. Nanginginig na ang boses pero hindi umiiyak.

"Huwag mo akong tawaging Dad! Wala na kaming pakialam sayo! Lumayas ka sa bahay!" sigaw ni Alfredo at itinapon ang program ng kasal sa sahig.

Nagtawanan ang ilang bisita sa likod.

"May tatanggap pa ba sayo pagkatapos ng kahihiyang to?" sabi ni Sophia at tumawa nang malakas. "Baka pati pulubi umatras sayo."

"May tatanggap pa ba sayo?" ulit ni Luisa at pumalakpak pa. "Baka pati pulubi umatras sayo!"

Tumawa ang buong simbahan. May humagikgik, may bumulong, may kumukuha ng video. Dead silence ng dalawa o tatlong segundo pagkatapos ng tawanan.

Doon, inilibot ni Wendy ang tingin sa buong simbahan. Isa-isa niyang tiningnan ang mga taong minsang tinawag niyang pamilya. Tiningnan niya si Nicolo, si Sophia, si Melissa, si Luisa, si Alfredo.

Pagkatapos ay ibinaba niya ang bouquet sa sahig. Maingat, hindi tinapon.Tumingin siya sa lahat at kinuha ang mikropono na nasa stand malapit sa aisle.

"Tapos na ba kayo?" tanong ni Wendy sa mikropono. Kalmado ang boses, walang iyak.

Natigil ang tawanan.

"Hindi bale," sabi ni Wendy at tinitigan si Nicolo. "Kung ayaw mo sa'kin... may pakakasalan akong lalaking handang pakasalan ako ngayon."

Natahimik ng ilang segundo ang simbahan ng isang segundo, tapos sabay-sabay na nagtawanan ang lahat nang mas malakas.

"Ano daw?"

"May magpapakasal pa ba sa kanya?"

"Nabaliw na yata sa kahihiyan."

Tumawa si Nicolo at umiling. "Wendy, tama na. Huwag ka nang mag-drama. Wala nang magpapakasal sayo dito."

"Oo nga, Wendy dear. Stop embarrassing yourself," sabi ni Sophia.

Tumingin si Wendy sa lahat at nagsalita ulit sa mikropono.

"Hindi ko kailangan ng lalaking namimili ng babae ayon sa pakinabang," sabi ni Wendy. "At kung may isang lalaking handang panindigan ang salitang "KASAL" kahit hindi niya ako kilala. Mas pipiliin ko pa siya kesa lalaking manloloko.

Habang lahat ay nagtatawanan, isang boses ang umalingawngaw mula sa pinakadulong bahagi ng simbahan.

"Ako."

Isang salita lang, malinaw, buo. Tumigil ang tawanan.

Isa-isang napalingon ang mga bisita sa likuran.

Mula sa pinakahuling hanay ng upuan, dahan-dahang tumayo ang isang lalaki.

Gusot ang kupas na polo niya. Punit ang laylayan ng pantalon. Kupas ang tsinelas na halos manipis na ang talampakan. Sa isang kamay ay may hawak siyang kalahating pan de coco na tila hindi pa nauubos. Sa kabilang kamay naman ay isang lumang paper bag.

May ilan agad na napangiwi.

"Pulubi...?"

"Paano nakapasok 'yan?"

"Security!"

Ngumisi ng nakakaloko si Sophia.

"Tignan mo nga naman, Wendy. Ang unang pumayag lalaking pumayag sa'yo.. pulubi pa" maanghang na pahayag nito.

Muling nagtawanan ang buong simbahan.

Pero ang pulubi ay hindi natinag,

Isa-isa niyang nilampasan ang mga taong kumukutya sa kanya habang tahimik na naglalakad sa gitna ng aisle...

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 7 : The Interview

    Mahigit dalawampung aplikante ang nagsisiksikan sa waiting area ng 32nd floor.May mga fresh graduate na naka-blazer na halatang bagong bili pa lang kahapon. May mga dating executive assistant na may dalang makakapal na folder na puno ng certificate of employment. May isang babae na malakas ang boses habang kinakausap ang katabi."Alam mo, galing ako sa multinational. Ang boss ko dati, senador," sabi ng babae na may pulang lipstick."Talaga?" sagot ng katabi niya."Oo. Kaya basic lang sa akin ang secretary work. Sigurado ako, ako ang kukunin," dagdag pa ng babae at tumawa.Si Wendy nakaupo sa pinakadulo. Walang kausap. Hawak lang ang manipis na brown folder. Suot pa rin ang simpleng puting blouse. Habang ang iba nag-aayos ng buhok at nag-a-apply ng pabango, si Wendy nakatingin lang sa glass wall kung saan tanaw ang hallway papuntang executive floor.Bumukas ang pinto ng HR office. Lumabas ang isang babae na may hawak na clipboard."Secretary applicants," sabi ng HR staff. "Please prep

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 6 : Undercover Secretary

    Nakahinto ang itim na Porsche sa harap ng Chavez Group Tower.Limampung palapag ng salamin at bakal na halos sumasalamin sa buong Clark skyline. Sa ibaba, nakaukit sa makapal na itim na marmol ang pangalan ng kumpanya na halos kasing taas ng tao ang letra. CHAVEZ GROUP OF COMPANIES. Sa paligid, sunod-sunod ang pagpasok ng mga luxury cars. Mga lalaking naka-tuxedo na may dalang leather portfolio. Mga babaeng naka-stiletto na amoy bagong pabango kahit alas otso pa lang ng umaga.Nakaupo si Wendy sa passenger seat. Suot niya ang pinakasimpleng puting blouse at black slacks na nabili niya kagabi sa mall malapit sa villa. Walang logo. Walang alahas. Ang buhok nakatali lang. Hawak niya ang brown folder na may lamang resume at application form.Sa tabi niya, si Gavin nasa driver's seat. Nakatingin din sa gusali pero iba ang tingin niya. Parang sanay na sanay. Parang bahay lang."So," sabi ni Gavin habang pinapatay ang makina. "Ito ang mundo ko."Tumingin si Wendy sa kanya. "Malaki.""Malaki

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 5 : The Queen's First Move

    Bumalik sa katahimikan ang villa. Wala na si Sarah. Yung ilaw sa sala nakabukas pa pero hindi masakit sa mata, yung sinag diretso sa garden na basa pa sa ulan kanina. Yung mesa sa gitna may dalawang baso ng tubig. Yung isa may bakas pa ng lipstick. Magkatapat pa rin si Wendy at Gavin. Si Wendy nakaupo sa dulo, hawak yung baso. Malamig na yung tubig pero hindi niya binibitawan. Si Gavin nasa kabilang upuan, nakasandal, yung dalawang kamay nasa ibabaw ng mesa, magkadikit ang daliri. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Si Wendy ang unang bumasag. "Pwede ba kitang tanungin?" mahina niyang tanong Gavin inangat ang tingin sa kanya. "Oo naman. What is it?" "Bakit mo ako tinulungan?" deretsang tanong niya. Gavin kinuha yung baso niya. Inikot sa mesa. Pinanood ang paggalaw ng tubig sa loob. "Hindi kita kilala," sagot niya. "Hindi rin kita nilapitan dahil naawa ako sayo." Tumingin siya kay Wendy, diretso. "Pero kanina sa simbahan, habang lahat sila tumatawa... walang tumayo. Kahit

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 4 : The Man Behind The Rags

    Umuugong lang ang makina sa loob ng Porsche. Walang radyo. Walang nagsasalita sa tatlo.Si Wendy nasa passenger seat, yakap pa rin ang bouquet na durog na sa gilid. Nakatingin siya kay Gavin na nasa driver's seat. Punit pa rin ang polo, kupas ang pantalon, manipis ang tsinelas.Pero yung mga kamay niya sa manibela, maayos. Yung upo niya, tuwid. Hindi yun kilos ng taong sanay mamalimos sa kalsada. Kanina lang anim na lalaking naka-suit ang yumuko at tinawag siyang Sir.Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong.Si Sarah sa likod ang unang hindi nakatiis."Wow! Epic ng exit natin dun men! Nakita niyo mukha nila? Yung Nicolo? Yung Sophia? Parang nakakita ng multo!"Gavin hindi lumingon, mata pa rin sa kalsada."Tell me, prank ba to? Vlogger ka ba?"Gavin natawa. Mahina lang sa una tapos lumakas, tawang masarap pakinggan dahil alam mong totoo.Napakamot siya sa ulo gamit ang isang kamay."Let's talk about it later."Lumingon siya kay Wendy. Mabilis lang tapos balik sa kalsada."For now

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 3 : The Beggar's Proposal

    Bulungan ang buong simbahan habang naglalakad siya sa gitna ng aisle. Halos lahat ng bisita nakatayo na, ang iba nakasampa pa sa upuan para makita ang mukha ng pulubi. Ang mga cellphone nakataas lahat, pulang ilaw ng recording makikita sa dilim ng simbahan.Ang media na nasa gilid kanina, ngayon nasa gitna na rin at nakatutok ang camera kay Wendy at sa lalaki. Sa gilid ng pinto, dalawang security guard ang gustong lumapit para hilahin ang lalaki palabas. Pero mabilis silang pinigilan ng head coordinator ng simbahan."Sir, mamaya na. Huwag dito sa loob. Nasa gitna ng ceremony pa, makikita sa video," bulong ng coordinator at hinawakan ang braso ng guard. Kaya umatras ang mga guard pero nakabantay pa rin, handa kung sakaling manakit ang lalaki.Nakarating ang pulubi sa gitna. Nasa harap na siya ni Wendy. Amoy pawis at araw ang polo niya, pero tuwid pa rin ang tayo niya kahit punit ang laylayan ng pantalon at manipis na ang tsinelas. Hawak pa rin niya sa kaliwang kamay ang kalahating pan

  • I Married The Beggar Everyone Laughed At   Chapter 2 : Left At The Altar

    Bumukas ang malaking pinto ng simbahan sa Clark at huminto ang wedding march.Tumayo ang lahat ng bisita at lumingon sa pinto. Nasa gilid ang mga coordinator at nakatingin din sa entrance."Heto na ang groom..." bulong ng isang coordinator na may hawak na clipboard.Bumukas nang buo ang pinto at pumasok si Nicolo Diaz. Naka-white suit, nakangiti, maayos ang buhok.Pero hindi siya nag-iisa.Mahigpit ang hawak ng isang babae sa braso niya. Matangkad, maputi, nakasuot ng mamahaling red designer dress na hapit sa katawan. Nakataas ang baba habang naglalakad.Si Sophia Vasquez.Nagbulungan ang buong simbahan."Hindi ba si Sophia Vasquez yon? Yung international model?""Bakit siya kasama ni Nicolo?""Asan si Wendy?"Dumiretso si Nicolo sa gitna ng altar kasama si Sophia. Hindi siya dumaan sa red carpet. Hindi siya lumingon sa mga bisita.Mabilis na lumapit ang head coordinator kay Nicolo."Sir Nicolo, magsisimula na po ang ceremony. Nasa bridal room na po si Ms. Wendy," sabi ng head coordin

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status