Maaga nagising si Wendy Ching sa hotel sa Clark, Pampanga.Alas singko pa lang ng umaga, gising na siya. Tahimik ang buong suite, bukas ang malaking bintana at pumapasok ang malamig na hangin galing sa hardin ng hotel na pinareserve ni Nicolo para sa kasal nila.Bumangon si Wendy at umupo sa gilid ng kama. Ilang segundo siyang tumitig sa sahig, tapos ngumiti mag-isa. Ito na ang araw na limang taon niyang hinintay.Lumapit siya sa vanity table, nandoon ang lumang kahon na binalot ng puting tela. Binuksan ni Wendy ang takip. Sa loob, isang keychain na may gasgas, isang picture na kupas na ang kulay, at isang resibo ng street coffee na halos burado na ang tinta.Pinulot ni Wendy ang picture. Sila ni Nicolo iyon, kuha noong nasa college pa sila."Natupad din," bulong ni Wendy habang hinahaplos ang gilid ng picture.May kumatok sa pinto."Ma'am Wendy? Gising ka na?" Boses iyon ni Sarah Montelibano."Pasok ka, Sarah," sagot ni Wendy.Pumasok si Sarah, may dalang tablet at kahon ng puting sa
آخر تحديث : 2026-10-17 اقرأ المزيد