Sa halip na magalit dahil sa suntok ni Janina ay napangisi si Paul habang sinasalta ang pisngi kung saan tumama ang kamao ng dalaga. "Hayop ka, ano ang ginagawa mo sa bata?" Bulyaw ni Janina sa lalaki at kita niya ang pasa sa braso ng bata. "Kung gusto mong hindi na siya masaktan pa at makuha sa akin ay sundin mo ang iuutos ko sa iyo." Nakangisi pa ring ani Paul. "Damn you, walang kasalanan ang batang iyan para gamitin laban sa akin!" Naikuyom ni Janina ang mga kamay. Kahit hindi niya tunay na anak ang bata ay hindi niya maatim na panayaan ito sa mga kamay ni Paul. Kriminal ang utak ng lalaki at kunsensya niya kapag napahamak sa kamay nito ang batang ipinipilit na anak niya. "Exactly, kaya hindi mo dapat ako kinakalaban upang walang inosinteng bata ang nadadamay." Makahulugang tugon ni Paul sa dalaga. "Hindi mo ako maluko gamit ang batang iyan pero asahan mong makukulong ka sa ginagawa mo sa bata!" Panakot ni Janina sa binata Muling tumawa si Paul sa halip na matakot. "Ba
"Where are you?" tanong ni Timothy sa dalaga at kahit papaano ay nakahinga nang maluwag dahil sumagot ang dalaga sa tawag niya."Papunta ako ngayon sa hospital!" Garalgal ang tinig na ani Janina at nakilala agad si Timothy na nasa kabilang linya."What? Are you hurt? Saang hospital at puntahan kita ngayon din!" Sobrang nag aalala na ani Timothy. Ibinigay ni Janina ang pangalan ng hospital sa binata. Alam niyang malapit sa kompanya ng binata ang naturang hospital. Hindi na siya nagpaliwanag dito at nasa on call si Danny.Napamura si Timothy nang biglang naputol ang tawag sa dalaga. Halos takbuhin niya ang daan patungo sa kinaparkingan ng kotse niya. Mabuti na lang at malapit lang ang hospital. Wala pang twenty minutes ay narating niya iyon.Hilam ng luha ang mga mata ni Janina habang papalapit sa kaibigang bakla. Tulad niya ay namumula din ang mga mata nito dahil sa pag iyak. "Danny, ano ang nangyari? Kumusta na ang anak ko?" Niyakap ni Danny ang dalaga at pinigilan ang mapaiyak dah
"Sino po ang parents ng pasyente?" tanong agad ng nurse sa mga naroon."Ako ang ina ng bata. Kumusta na po ang anak ko?" tarantang tanong ni Janina sa huli."Narami po ang dugong nawala sa bata at still in critical condition. Kailangan din siyang salinan ng dugo ngayon din."Muling nanlambot ang mga paa ni Janina dahil sa narinig. May pinapipirmahan sa kaniya ang nurse at wala sa sarili kinuha ang pen.Naging abala si Danny sa pagtawag sa mga kakilala at sa inutusang tao na maghanap ng donor sa dugo ni Marian."Ano po ang blood type ng bata?" tanong ni Timothy sa nurse at hindi na niya makausap ang dalawa dahil abala na sa pagtawag ng kung kanino para sa dugo."RhD negative, po."Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Timothy nang marinig ang sinabi ng nurse. "I'm willing to donate!"Sabay na napatigil sina Janina at Danny sa pakipag usap sa katawagan nang marinig ang sinabi ni Timothy. "Wala nang oras pa, kahit ano ang mangyari ay iligtas ninyo ang buhay ng anak ko!" Matigas na utos ni T
Napangiti si Timothy nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniya patungo sa maliit na plastic bag at mula doon naman ay ililipat sa bata. Dalawang bag din ang kinuha sa kaniya pero hindi siya nakaramdam ng panghihina. Tinawag niya ang nurse at may inutos dito upang makasiguro siya.Sa labas ng operating room, hindi mapakali si Janina at nag aalala sa anak at kay Timothy. May isang na ang nakalipas ay hindi pa rin lulamabas kahit nurse."Maupo ka muna at baka ikaw naman sa mapaano." Pinilit na ni Danny ang dalaga na mapaupo."Nahuli na ba ang driver ng sasakyan na siyang bumangga sa anak ko?" "Hindi pa at mukhang planado ang lahat dahil walang plaka ang sasakyan at iniwan sa isang lugar na malayo sa kabahayan."Napabuntong hininga si Janina. "Kapag nalaman kong may kinalaman sila sa lahat ng ito ay siguraduhin kong mabubulok na sila sa bilangoan!" Nangangalit ang mga ngipin ni Janina dahil sa galit at ang tinutukoy ay sina Jona at Paul."Maiba tayo, hindi mo ba napapansin na kamuk
Napabuntong hininga si Timothy saka hinawakan sa palad ang dalaga. "Noong malaman ko na sinasaktan ni Jona ang anak ko ay nagduda ako kaya pina DNA test ko ang bata nang wala na siya."Biglang kumabog ang dibdib ni Janina at kinakabahang marinig ang sunod pang sasabihin ng binata."Tama nga ang hinala ni Ate Minche noon na hindi siya ang tunay na ina ni Trix."Napatukod ang kamay ni Janina sa gilid ng kama at parang bigla siyang nahilo sa narinig. "Na-nahanap mo na ba ang tunay niyang ina?"Inabot ni Timothy ang palad ng dalaga at hinila ito palapit sa kaniya. Niyakap niya ito sa baywang bago nagsalita. "I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sa iyo.""A-ang alin?" Garalgal na ang tinig niya at pinigilan ang mapaiyak."First of all, unang kita ko pa lang sa iyo ay nagustohan na kita." Confess ni Timothy sa dalaga. Paluhod siyang humarap sa binata upang magpantay sila nito. Napangiti siya nang makitang kabado ito."May tiwala ka sa akin di ba?" Kabadong tanong ni Timothy, nang tumango an
Nangunot ang noo ni Jona nang harangin diya ng lalaki bago pa siya makarating sa pinto ng room kung saan naka confine ang ampon ni Janina. Alam niyang naroon din si Timothy at gusto niyang makita."Sorry po, ma'am, pero mahigpit ang bilin na bawal magpapasok ng bisita na walang pirmiso nila." Magalang na ani ng lalaking humarang sa pinto."Asawa ko ang nasa loob kaya bakit mo ako pinagbabawalan?" Singhal ni Jona sa lalaki."Ipaalam ko po na narito kayo." Magalang pa rin ani ng lalaki saka tumalikod.Gusto sanang sumilip ni Jona sa pinto ngunit ang bilis na naisara iyon ng bantay. Gusto niya rin sanang makita ang bata dahil kahit larawan ay wala siyang makita na ipinagtataka niya. Curious kasi siya at mukhang pinangangalagaan na rin ni Timothy. Ilang sandali pa ay lumabas na ang bantay kasunod si Timothy. "Ano ang ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Timothy sa babae."Honey—""Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa iyo na stop calling me honey? Huwag mo ring gamitin a
"Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Timothy ang manggagamot."By the way, ok na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor sa binata."Yes, doc, salamat muli."Ngumiti ang doctor sa binata saka sa dalaga. Narahan hinaplos ang braso ng bata bago umalis."Da-daddy..." namamaos ang tinig ng bata sa pagtawag ng ama.Mabilis na lumapit si Timothy sa bata ay naiiyak na naman sa tuwa dahil sa tawag sa kaniya ng bata. "Yes, My Princess? Mwy gusto kq bang kainin o may masakit sa iyo? Sabihin mo sa daddy ay gagawa ko ng paraan upang mawala ang sakit."Napaluha na si Janina at ramdam niyang mahal din ni Timothy ang ampon niya."I'm fine po, thank you po at nahanap ka na ni monmy."Nakangiting hinaplos ni Timothy ang pisngi ng bata na walang gasgas na natamo mula sa aksidente. "I love you! Babawi ang daddy sa iyo okay?"Umiiyak na niyakap ni Janina ang binata mula sa likod. Sobrang saya niya at lahat ay tanggap sa kaniya ng binata."I love you too, daddy! Please always protect my mom!"Nakangit
"Ano ang sinasabi mo?" pabulyaw na tanong ni Paul sa lalaking kausap mula sa kabilang linya."Hinahanap ako ngayon ng kapulisan at hindi ko alam kung paano nila ako nakilalang bumangga sa batang iyon."Napamura si Paul at nagmamadaling lumabas ng shop dahil napapatingin na sa kaniya ang mga taong naroon. Nang masigurong wala nang ibang tao sa paligid ay muli siyang napamura. "Pota, hindi ka nag iingat!""Kailangan ko nang pera upang makalayo dahil kapag ako ang naguli ay hindi ko naipangakong mananahimik lang ako at makulong mag isa." May kasamang panakot na ani ng lalaki."Son of a bitch!" Nangalit ang bagang ni Paul at napahigpit ang hawak sa cellphone. Ang isang kamay ay nakakuyom at gustong manuntok kung kaharap lang ang kausap ngayon. "Hintayik ko ang padala mo ngayon sa bangko ko upang makaalis na mamayang madaling araw.""Siguraduhin mo lang na hindi ka mahuli at hindi na rin makipag ugnayan sa akim after this! Dahil kapag ako ang nagalit ay kaya kong tapusin ang buhay mo!" B
"Hijo, ito ang ilan sa laruan mo noon. Sinadya kong ibalik dito ang mga gamit mo noong maliit ka pa at baka sakaling makatulong sa iyo upang makaalala."Naikuyom ni Felix ang mga kamay nang marinig ang sinabi ng ama habang nakatingin sa gamit na tinutukoy nito.Nilibot ni Jason ang tingin sa paligid ng silid. Pilit inaalala ang silid ngunit wala siyang maalala."Dad, that's mine."Kunot ang noo na nilingon ni Celso ang bunsong anak. "What the hell are you talking about?"Napatda si Felix sa kinatayuan nang marinig ang galit na boses ng ama. Ilang sandali pa ay napayuko siya ng ulo. Nakalimutan niyang inagaw nga lang pala niya iyon noon kay Jason at hindi alam ng ama na inangkin niya. "Sorry, dad, masama po ang pakiramdam ko kung kaya kung ano na lang ang nasabi ko.""Sa iyo ba ito?" Dinampot ni Jason ang isang robot na laruan at ipinakita kay Felix. Katuwa lang at hindi pa sila pormal na naipakilala sa isa't isa pero puro hindi maganda na ang nakikita nito sa kaniya. Kulang na lang ay
"Lucy, ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo ang doctor natin ngayon din!" Singhal ni Celso sa asawa nang dumaing muli si Jason sa sakit at sinasabunutan na ang sarili.Tarantang hinanap ni Lucy ang cellphone at inisan si Felix. Takot siya na magalit sa kaniya ang asawa at sa tagal ng nagdaang panahon ay ngayon lang ulit siya nito napagtaasan ng boses."Son, hold on. Dalhin na kita sa hospital!"Mabilis niyang hinawakan sa braso ang ama upang pigilan sa pagtayo. Totoong masakit ang ulo niya pero may ilang eksina ang nakikita niya sa balintatawa at halos kahawig ng ganitong senaryo. Ayaw niyang maputol iyon kaya mariin niyang ipinikit ang mga mata."Daddy, I'm hurt!" Umiiyak na ani ng batang lalaki habang hawak ang tiyan."Daddy, ahhhh I can't hold anymore!" Sigaw ng isa pang bata at namilipit ito sa sakit umano habang hawak din ang tiyan. Mariing naikuyom ni Jason ang kaliwang kamay nang makita sa alaala kung gaano siya kamiserable sa alaalang iyon. Napahawak siya sa kaniyang tiyan na
Tinapik tapik niya ang likod ng ginoo at hinayaang lang itong magsalita. Ramdam niya ang pagmamahal nito bilang ama niya pero hindi pa niya alam paano palibagayan ang bagong damdamin. Saka lang lumuwag ang yakap nito sa kaniya nang may umubo mula sa hagdan. Pagtingin niya ay may lalaking nakatayo sa gitnamg hagdanan at mukhang nanghihinang humahakbang paibaba."Felix, be careful! Bakit ka lumabas ng silid mo?" Patakbong nilapitan ni Lucy ang isang anak upang alalayan ito.Amuse na pinagmasdan ni Jason ang lalaki. Ito pala ang kapatid niya at hindi niya alam kung anong klase ang sakit nito para mag alala nang husto ang parents nila. Ewan ba niya pero sa halip na matuwa o maawa na makita ito ay wala siyang nararamdaman. Pilit niyang kinakapa sa isipan ang nakaraan upang maalala ito ngunit sumasakit lamang ang ulo niya. Bigla din siyang binitiwan ng ama at nagmamadaling nilapitan ang lalaki na para bang takot na masaktan ang huli. Hindi manlang nito napansin na sumama bigla ang kaniyang
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Celso at napatayo. "What?""Dad, sino po iyan?" tanong ni Felix at hinawakan ito sa kamay."Ang kapatid mo, nasa labas!" Halos takbuhin na ni Celso ang palabas sa silid ng bunsong anak.Inis na naitapon ni Felix ang unan sa sahig. Ang ina ay nasa labas at mukhang iyon ang dahilan kaya hindi pa ito bumabalik."Honey, where are you going?" tanong ni Lucy sa asawa nang makasalubong ito sa hallway."Hindi mo ba alam na nasa labas ang panganay nating anak? Nasaan si Roger?" Pagalit na tanong ni Celso habang patuloy sa paglalakad."What? Hindi ko alam, honey. Ako na ang lalabas at bumalik ka na sa silid ni Felix." Habol ni Lucy sa anak. Parang walang narinig si Celso at patuloy sa paglalakad diritso sa gate.Nang bumukas muli ang ang maliit na pinto sa gate ay saka lang umalis sa kagkasandal sa motor si Jason. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa ginang at ginoo na mukhang naghahabulan o nakipag unahan na makalapit sa kaniya."Anak ko!" Umiiyak na niyakap
"Are you sure na hindi mo kami ipakilala sa tunay mong pamilya?" tanong ni Tyron sa kaibigang si Jason."Hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit ako napawalay sa kanila noon. At ayun sa pag imbistiga ko ay matapobre ang pamilya ng aking ama. Ayaw kong magustohan nila ako o tanggapin dahil sa status ng buhay ko ngayon."Nakakaunawang tumango si Tyron at hinawakan sa kanang braso ang kaibigan. "Kahit ano ang mangyari ay narito lang kami."Ngumiti si Jason at hinawakan ng mahigpit sa braso si Tyron. Suwerte ng kaibigan niya at ito ang naging asawa. Maging siya ay ginawang kapamilya. Kaya lang naman niya nahanap ang tunay na pamilya dahil may nagsagawa ng DNA test, kabilang ang lahat ng nanggaling sa bahay ampunan. At ang mga nawalan ng anak ay nakipag cooperate sa naturang organisation. "Jason, alalahanin mong may bagong tayo kanh negosyo at kailangan ka doon." Paalala ni Jesabell sa kaibigan dahil ang asawa niya ang mahirapan kapag wala ito.Muling tumango si Jason at nagpasalamat sa m
"Don’t worry, hindi na nila magugulo pa ang buhay natin. Siguraduhin kong mabubulok siya sa bilanggoan kasama si Paul."I trust you!" Tanging namutawi sa bibig niya at nagpaakay na sa binata pabalik sa silid.Naging maayos ang lahat at lumipas ang ilang araw ay nakalabas na rin ng hospital ang anak niya. Sa bahay nila Timothy na sila tumira pero bumili ito ng bago at mas malaking bahay. Ayaw umano siyang itira sa dating bahay kung saan nanirahan noon si Jona. Nasentensyahan ng twenty years na pagkabilanggo si Jona at maari pang madagdagan sa ibang kaso na ipapatong ni Timothy. Si Paul ay thirty years naman ang itatagal sa bilanggoan. Ang ama ay pinagamot niya pero sa isang nurse ipinaalaga. Napatawad na ni Janina ang ama pero hindi na kaya itong makasama pa. Ang tiyahin ay lumayas at naghanap ng ibang lalaking may pakinabang dito. Ang kasal nila ay naging mabilis ang preperasyon dahil sa tulong ng kapatid ni Timothy at iba pa niyang kaibigan."Congratulations!" Masayang bati ni Jesab
"Prepare ko na ang kasal ninyong dalawa at ang pagpalit ng birth certificate ng mga bata upang kayong dalawa ang legal parents na." Nakangiting lumapit si Minche kanina Janina at hinawakan ito saga kamay."Maraming salamat po, ate!' Niyakap ni Janina ang babae. Hindi na siya nagpakipot pa sa nais mangyari ng pamilya ni Timothy. Nagpasalamat siya dahil kasama na niya ang dalawang anak na napawalay sa kaniya noon. Nalungkot siya para sa batang akala niya ay kaniyang anak. Ilang sandali panay binulabog sila ng ingay mula sa labas ng silid."Janina, lumabas ka riyan at harapin ako!" Sigaw ni Josie at tinutulak ang bantay dahil ayaw siyang papasukin."Dito ka lang at ako na ang haharap sa kaniya," ani Timothy. "No, ako ang hinahanap niya. Tiyak na hindi siya titigil sa panggugulo hangga't hindi ko hinaharap." Pigil ni Janina sa binata at tumayo na.Napabuntong hininga si Timothy at binilin sa kapatid na bantayan muna ang mga anak saka sinundan si Janina."Ano ang kailangan mo?" Pagalit na
Halos manlaki pati ang ulo ni Paul nang makita ang lalaking naka posas at dala ng pulis palapit sa kaniya. Napailing siya at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakatitig sa pinsan niyang doctor. Nanlulumong bumagsak ang mga balikat ni Jona nang makita ang pinsna ni Paul. Kahit alam niyang hawak na ito ni Timothy ay nagulat pa rin siya nang makita ito. Wala na talagang pag asawa na malusutan nila ang kasong isasampa sa kanila ni Timothy. "Fuck, bakit nagpahuli ka?" Singhal ni Paul sa pinsan nang makabawi.Sinamaan lang ng doctor ang pinsan at hindi nagsalita. Ayaw na niyang madagdagan ang maging kaso. Nangako si Timothy na kapag tumayo siyang testigo ay bababa ang sentensya niya at makalabas agad sa kulungan."Ipasok na po sa kulungan ang dalawang iyan at huwag hayaang makalabas." Kausap ni Timothy sa pulis."Hayop ka, kapag hindi mo ako pinalabas dito ay hindi mo na makikita ang isa mo pang anak!" Panakot ni Paul sa lalaki at iyon ang naisip na huling alas."Naibalik ko na sa
Kahit may baril na nakatutok sa kaniya ay maliksi pa ring kumilos si Paul. Dumaklot siya ng lupa at isinaboy iyon sa babae sabay bangon. Bago pa ito makabawi sa oagkabigla ay sinipa niya ito ngunit nailigan pa rin. Nangalit ang bagang niya nang ngumiti ang babae. Hindi siya maaring tumagal doon. Kahit gusto niyang basagin ang mukha ng babae ay pinili niyang umalis. Ngumit pagkatalikod niya ay may lalaking nakahatang na sa daraanan niya. At hindi lang basta nakaharang dahil may baril ding hawak at nakatutok na sa kaniya."Police ito at napapalibutan ka na namin!" Pakiramdam ni Paul ay may bombang sumabog sa ulo niya. Napatulala na lang siya nang pagtulungan siyang lagyan ng posas sa dalawang kamay. Napahagulhol ng iyak si Jona nang maalis na ang busal sa kaniyang bibig. Ibinaba na rin siya sa sasakyan. Tulad ni Paul ay naka posas din ang mga kamay niya.Lalong nanlaki ang ulo ni Paul at nanlaki ang mga mata nang makita si Jona. "Damn, kahit kailan ay dinadamay mo ako sa pagiging tang