"Tyron, may nangyari bang hindi maganda kay Jesabell?" Nanghihinang tanong ni Emily habang nakatukod ang kanang kamay sa hamba ng pinto at bahagyang nakauklo ang katawan na para bang hindi kayang tumayo ng tuwid.
Mabilis na binalikan ni Tyron ang dalaga at inalalayan ito. "Bakit ka lumabas ng silid? Hindi ba at ang sabi ko ay matulog ka na upang makapagpahinga?" "Hindi ako makatulog dahil nag aalala ako kay Jesabell. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit siya nagrerebelde sa iyo ngayon. Please isama mo ako at gusto ko ring makita ang kalagayan niya." Naiiyak na pakiusap ni Emily sa binata. Napabuntong hininga si Tyron at binuhat na ang dalaga upang dalhin sa kotse. Sa hospital na rin naman ang punta niya kaya patingnan niya ang dalaga. Pagdating sa hospital, lihim na napangiti si Emily at buhat na naman siya ng binata. "Tyron, ayos lang ako kaya hindi na kailangang e admit. Mas importante si Jesabell kaya siya na ang unahin mong asikasuhin." "Huwag matigas ang ulo, sarili mo naman ang isipin mo at huwag siya. Sobrang inaabuso na niya ang kabaitan mo." Isinubsob ni Emily ang mukha sa dibdib ng binata at ngumiti. Sobrang saya niya at siya na ang mahal ni Tyron. Hinayaan na niya ito sa nais gawin. Isa pa ay sadyang may lagnat siya. ... Unti-unting iminulat ni Jesabell ang mga mata habang nakikiramdam sa paligid. Ang tahimik, pero alam niyang nasa hospital na siya dahil sa amoy na hindi niya gusto. Biglang nanginig ang buo niyang katawan pagkaalala sa nangyari sa kaniya. "Hey, calm down. Ligtas ka na!" Hinigpitan ni Jason ang paghawak sa palad ng dalaga. Alam niyang takot sa patalim ang kaibigan kaya normal lang na may after shock itong nararamdaman ngayon dahil nagkaroon ng sugat gamit ang kotsilyo. "Thank you!" Umiiyak na yumakap siya sa kaibigan. Unti-unti na rin siyang kumakalma. Mabuti na lang at may kaibigan siyang tulad nito. Bihira kasi siya nagkakaroon ng kaibigan. Mga una kasi niyang kaibigang babae at kinaibigan lang siya dahil kay Tyron. Si Jason lang ang maituring niyang tunay na kaibigan at naiintindihan siya sa lahat ng bagay naintindihan siya kung bakit si Tyron ang gusto niyang lalaki. Kahit lumayo na siya dito at nasaktan ni Tyron, nariyan pa rin ito sa lahat ng oras na kailangan niya. Priority siya nito lagi, hindi katulad ni Tyron. Napabuntong hininga si Jesabell, parang ikatlong buhay na niya ito. Siguro ito na ang sign na dapat na siyang magbago ng pananaw sa buhay. Pati ang puso niya ay kailangan niyang baguhin ang tibok niyon. "Jesabell!" Napabitaw siya ng yakap kay Jason at natakot dahil sa dumadagundong na tinig ni Tyron. Binigyan niya ng makahulugang tingin ang kaibigan na umalis na ito ngunit ayaw siyang sundin ni Jason. Kinakabahan siya para sa kaibigan at nababasa na niya ang mangyayari. "Ganyan ka na ba talaga kawalang kuwenta? Lumalala ka na, Jesabell at nagagawa mo nang saktan ang sarili at ilagay sa panganib ang buhay mo!" Nag igtingan ang litid ng ugat sa leeg ni Tyron dahil sa labis na galit. Pinatigas ni Jesabell ang puso niya at malamig ang tinging ipinukol kay Tyron. Ayaw na niyang maging iyakin o ipagtanggol ang sarili. Pinili niyang manahimik dahil alam niyang hindi rin naman siya paniwalaan nito. Para kay Tyron, lahat ng sinasabi niya ngayon at ginagawa ay mali. Lalo na kapag si Emily ang involve. Si Emily ang mabait at laging biktima niya kasi galing ito sa isang bahay ampunan. Si Emily ang kawawa dahil lumaki itong walang mga magulang. Si Emily ang tumulong dito noong kamuntik na ito masunog habang nasa bahay ampunan ito kasama ang parents dahil nag-charity. "Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Jesabell! Alam mo pa ba ang pinanggagawa mo sa iyong sarili?" Galit pa ring kausap ni Tyron sa dalaga. "Alam ko at natuto na rin ako kaya huwag kang mag alala, mula ngayon ay magpakatino na ako." Napabuntong hininga si Tyron at nanibago sa dalaga. Noon ay umiiyak ito kapag galit siya upang huminahon na siya. Ayaw niya kasi itong umiiyak. Pero ngayon, hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. "Bakit hindi mo sasabihin sa kaniya ang totoo?" Galit na sita ni Jason sa kaibigan. Mabilis na umiling si Jesabell sa kaibigan at baka lalo lamang magalit dito si Tyron. Nabaling ang galit na tingin ni Tyron sa lalaking nagsalita. "Ano pa ang ginagawa mo rito?" Mabalasik niyang tanong kay Jason. "Ako na ang mag aalaga kay Jesabell." Malamig na tugon ni Jason. "Bastard! Matapos mo siyang kunsintihin sa kabaliwang naisip ay may gana ka pang magyabang sa harapan ko?" Mariing naipikit ni Jesabell ang mga mata at parang bumalik lang sila sa dating kasalanang nagawa niya. Si Jason na naman ang sisihin at masaktan dahil sa kaniya. Ang laki niyang tanga at uto-uto noon. Nagpapadala sa payo na hindi maganda mula sa inaakalang kaibigan. "Ano, sasaktan mo na naman ako at takutin na mawala sa list ng scholar?" Galit at nanghahamon na ani Jason habang liyad ang dibdib. Nang makitang itinaas ni Tyron ang palad na nakakuyom ay mabilis niyang niyakap ito upang pigilan. "Please, wala siyang kasalanan dito. Siya lang ang maari kong hingan ng tulong kanina kaya siya narito." Natigilan si Tyron sa narinig. Bigla siyang nalito kung totoo ngang kailangan ng dalaga ng tulong niya kanina. Umiyak na rin ito dahil sa lalaking gusto niyang suntukin kaya muling bumangon ang galit sa kaniyang dibdib. "Tyron, ano ang ginagawa mo?" Mabilis na pinunasan ni Jesabell ang luha sa mga mata nang makita si Emily. Nakapang hospital gown ito tulad niya. Nasusuka siya ugali nitong mapagkunwari. Kung tingnan mo ito ay mukhang may malubhang sakit at nasobrahan ng paglagay ng foundation sa mukha pati sa labi. "Bakit umalis ka sa silid mo? Baka mapaano ka." Nag aalalang inalalayan ni Tyron si Emily. Napaismid si Jesabell sa nakikitang kalagayan ni Emily. Akala mo talaga ay hindi ito makapisa kahit itlog. Pinakiramdaman niya ang sarili habang nakatingin sa dalawa. Napangiti siya, gusto niyang puriin at palakpakan ang sarili dahil galit na ang nadarama niya at hindi selos. "Jesabell, bakit mo naman sinaksak ang sarili mo? Hindi mo ba naiisip na kay Tyron ang sisi kapag may nangyaring hindi maganda sa iyo?" Nalumanay na tanong at may kasamang penenermon na ani Emily. "Paano mo nalamang nasaksak ako?" mataray na tanong ni Jesabell kay Emily. Natigilan si Emily at napatingin kay Tyron. Mukhang bigla itong nahulog sa malalim na pag iisip. Mabilis siyang nag isip ng isasagot sa babae. "Na-narinig ko lang na pinag uusapan ng mga nurse." Umangat ang isang sulok ng labi ni Jesabell at nang uuyam ang tinging ipinukol sa babae. "Narinig mo rin ba ang pangalan ko?" Inis na tumikhim si Emily, "ikaw lang naman ang alam kong naka confine dito na kayang saktan ang sarili." Tinikwasan lang ng kilay ito ni Jesabell at mukhang naaaliw na pinagmasdan ang babae. Ang galing talaga nito makaisip ng palusot. "Sure ka na ako ang sumaksak sa sarili ko?" Nang uuyam pa niyang tanong. "Hindi nga ba? Kung ibang tao ang may gawa niyan ay hindi mababaw na sugat ang matatamo mo." Bintang ni Emily sa babae. Tumawa si Jesabell habang naiiling. "Pati ang sugat ko ay alam mo rin pala. Sinabi din ba ng nurse kung gaano kalalim ang sugat ko?" Inis na napahigpit ang hawak ni Emily sa braso ng binata at mukhang nagigisa siya sa sariling mantika. "Jesabell, concern lamang ako sa iyo. Ang akin lang ay huwag mo na sanang ulitin ang bagay na iyan dahil si Tyron ang unang naapiktohan." Malumanay na pag iiba ni Emily sa paksa. Umingos si Jesabelle at inirapan ang babae kahit nasa harapan pa nila si Tyron. "Jesabell, concern lang sa iyo si Emily kaya sa halip na magsalita ka nang ganiyan ay dapat kang magpasalamat." Lalo lamang sumama ang pakiramdam ni Jesabell dahil sa pagkampi na naman ni Tyron sa babae. Hindi na bago iyon mula nang iuwi nito ang babaeng iyon sa bahay nito. Tulad niya ay gusto ding pag aralin bilang pagtanaw ng utang na loob sa babae dahil sa ginawa nito—eight years ago. "Kailan ka pa nagkaroon ng lakas ng loob na humawak ng patalim, Jesabell?" Amused na tanong ni Jason sa kaibigan. Nagtatakang napatingin si Emily kay Jason. Hindi niya nakuha ang ibig sabinim kung bakit ganoon ang naging reactions ng lalaki. Pagtingin niya kay Tyron ay nakakunot ang noo nito. Mukhang may mali siyang sinabi na hindi angkop sa sitwasyon. "Ang alam ko ay kaya hindi ka marunong sa kusina dahil takot kang humawak ng kutsislyo. Ilang beses mo nang sinubukan labanan ang takot na iyan pero hinihimatay ka lang." Dugtong pa ni Jason bago pumalatak. Pakiramdam ni Emily ay biglang nanlambot ang mga tuhod niya. Bakit hindi niya alam ang bagay na iyon? Kaya ba parang biglang nag iba ang aura ng mukha ni Tyron? Kung ganoon kalala ang phobia ni Jesabell sa patalim, malabo nga nitong masaksak ang sarili. Muli siyang nag isip ng ibang dahilan. "Maari naman niyang iutos sa ibang tao na gawin ang bagay na iyon. Kaya nga mababaw lang ang sugat niya." Ipinikit na lang ni Jesabell ang mga mata at ayaw makita ang mukha ng babaeng magaling gumawa ng kuwento laban sa kaniya. Pero ramdam niya ang mataman na mga titig ni Tyron sa kaniya. Tama nga naman si Emily at syempre paniwalaan iyon ni Tyron. "Tama ka naman, kaya dapat mahanap ang taong may gawa nito sa kaibigan ko." Sarkastikong sang ayon ni Jason sa sinabi ng babae at may kasamang pasaring kay Tyron. Mariing naglapat ang mga labi ni Emily at nainis sa sagot ni Jason. Pagtingin niya kay Tyron ay blangko na ang expression sa mukha nito at alam niyang pinag iisipan ang nangyari ngayon kay Jesabell. Nagpakabuway siya ng tayo at humawak sa ulo. Napadilat ng mga mata si Jesabell nang marinig ang daing ni Emily. Mapait na ngiti ang sumilay sa labi niya nang makita kung gaano nag aalala si Tyron dito. Isinubsob pa ng babae ang mukha nito sa dibdib ng binata. Nag side view ito at tumingin sa kaniya. Nang magsalubong ang tingin nila ay humulma ang matipid ngunit nang iinggit na ngiti. Pinapakita sa kaniya ng babae na mas matimbang na ito sa puso ni Tyron kaysa kaniya. "Nahilo lang ako pero a-ayos lang ako." Nanghihinang bulong ni Emily habang nakapanguyapit sa braso ng binata upang hindi tuluyang matumba. Walang salitang binuhat ni Tyron si Emily at lumabas ng silid. Naaawang tumingin si Jason sa kaibigan. Pero nagulat siya at hindi ito umiiyak dahil sa sama ng loob at selos. "Maari mo na akong iwan." Pilit na ngumiti si Jesabell sa kaibigan. Nanatili lang nakatitig si Jason sa kaibigan. Parang ibang tao na ang kaharap niya ngayon. "May sumapi ba sa iyo nang masaksak ka?" Totoong ngiti ang sumilay sa labi ni Jesabell dahil sa biro ng kaibiga. "Baliw, hindi ba puwedeng natauhan lang ako sa kahibangan ng puso ko at nagising sa katotohanan?" "Oh...gusto ko iyan!" Mukhang excited na lumapit pa si Jason sa kaibigan. Huwag ka na munang matulog ha at baka mawala ang bisa at muli kang matauhan." "Baliw!" Hinampas niya sa balikat ang kaibigan habang tumatawa. Pero ilang segundo pa ay unti-unting nabura ang ngiti sa labi niya at nalungkot. "Salamat ha!" Napabuntong hininga si Jason, "panindigan mo na iyang katigasan ng puso mo ngayon. Kung gusto mong manatili akong kaibigan mo ay magbagong buhay ka na." Naiiyak na tumango si Jesabell sa kaibigan. "Pero tiyak na pagbalingan ka naman ng galit ni Tyron at sisihin dahil sa akin. Ayaw na kitang masaktan pa kaya iwan mo na ako." "Pero—" "Pangako, sundin ko ang payo mo basta umalis ka lang. Huwag kang mag alala, kapag nakaalis na ako sa poder niya ay hahanapin kita." Naikuyom ni Tyron ang mga kamay nang marinig ang sinabi ni Jesabell. Bumalik siya upang kausapin sana nang masinsinan ito ngunit iyon pa ang naabutan niya. Kung ganoon ay balak pala siyang iwan ng dalaga ngayong nasa tamang edad na ito. Galit na umalis siya sa kinatayuan nang makitang nagyakapan na ang dalawa. Bumalik siya sa silid ni Emily. Mabilis na naibaba ni Emily ang tawag sa cellphone nang makitang pumasok si Tyron. Ang akala niya ay magtatagal ito sa silid ni Jesabell na ikinainis niya kanina.Naikuyom ni Felix ang mga kamay at nag igtingan ang panga. Gusto niyang suntukin si Jason ngunit kailangan niyang pigilan ang sarili. "Tsk tsk, walang kuwentang yaya at hinahayaang masira ang buhay ng alaga niya. Kapag nalaman ni Mommy na ganito mo kung alagaan ang paborito niyang anak ay ano sa tingin mo ang gagawin sa iyo?" Amused na pinakatitigan ni Jason ang ginang na hindi pa makatayo mag isa dahil masakit ang paa."Felix, aalis na ako at ayaw kong madamay sa gulo ng pamilya ninyo." Kipkip ni Jessica ang handbag at nagmamadali nang umalis.Lalong nainis si Felix at napahiya na rin sa nobya. Dahil sa galit na nadarama ay naisipa niya ang paa at nakalimutan na naroon pa ang yaya niya."Ops, hindi ko na kasalanan ang ikalawang bukol niya." Natatawa na ani Jason sa halip na maawa sa katulong. Hindi niya lang gusto ito at pakiramdam niya ay may ginawa itong hindi maganda sa kaniya noon. Napaluha si Rowena dahil sa sakit habang sapo ang tagiliran kung saan tumama ang paa ni Felix.
Napamura si Jason at hinawakan ang panga na nasaktan. Mukhang nakagamit ng ipinagbabawal na ang gamot ang lahat kaya wala sa katinuan ang isip. Hindi siya makaganti ay marami ang kakampi nito. Nang makita niyang susugod pa ang iba ay mabilis siyang ngasalita. "Alam kong gumagamit kayo ng droga at tumawag na ako ng pulis!""Pulis?" Magkapanabay na bigkas ng mga kaibigan ni Felix at mukhang natakot na nagkatinginan."Shit, ayaw kong makulong!" Bulalas ng nanuntok kay Jason at nagmamadali nang lumabas ng pinto. Ang iba ay sumunod na rin sa takot na maabutan ng pulis."Hey, wait!" Tawag ni Felix sa mga kaibigan ngunit bilis ng mga ito makatakbo palabad. "Shit, ang akala ko ba ay safe dito sa bahay ninyo?" Inis na bulyaw ni Jessica kay Felix habang isinusuot ang nahubad na dress. Hindi na ito nag abalang magtao habang nagbibihis dahil sa pagmamadali."Babe, kasalanan ng lalaking iyan!" Galit na duro ni Felix kay Jason.Napatingin si Jessica sa lalaking tinuturo ng nobyo. Ngayon niya lang
Pagbalik ni Jason sa bahay ng mga magulang ay ganoon pa rin kung tingnan siya ng guard. Sinamaan niya rin ito ng tingin. "Don’t tell me hindi mo na naman ako kilala?""Puntahan ko lang si Ma'am at sabihing dumating ka na." Mukhang napilitan ani George at hindi pa rin binubuksan ang gate.Mabilis na hinaklit ni Jason sa kuwelyo ang lalaki at pumasok sa loob. "Hindi na kailangan. Next time na humarang ka pa sa daraanan ko ay lalagyan ko na ng bukol iyang mata mo."Tigagal si George at hindi agad nakahuma dahil sa ugaling ipinakita ng lalaki. Malaki na ang katawan nito at mas malakas dahil sa edad nito kumpara sa kaniya. Hindi tulad noong maliit pa ito at isang hila lang sa kamay nito ay napasunod na niya. Kahit ano ang gawin niya dito noon ay nagagawa niya. Pero ngayon, mukhanh siya na ang ibabalibag ng lalaki.Nilakihan ni Jason ng bukas ang gate saka ipinasok ang motorcycle. "Hey, saan ka pupunta?" Tawag ni George sa binata matapos nitong e park ang sasakyan. "Hindi mo pa naisara an
"Isa ka pa!" Bulyaw rin ni Celso sa katulong. "Hindi na siya bata para ipagtanggol at hindi malamang ang tamang asal at mali!"Napahiyang nagyuko ng ulo si Rowena at hindi na nagsalita upang hindi madagdagan ang galit ng ginoo."Felix, matanda ka na at hindi puwedeng nakatago ka lang lagi sa saya ng iyong ina at yaya. Mula bukas ay kailangan mo nang magtrabaho sa kompanya. Magsisimula ka sa ibaba at kailangan mong patunayang karapat dapat kang maging CEO!"Naikuyom ni Felix ang mga kamay at mariing naglapat ang mga labi. Ang alam niya ay siya ang maging CEO pero hindi na kailangang paghirapan ang posisyon. Dahil lang sa pagdating ni Jason ay nagbago ng pasya ang ama. Walang salitang umalis siya at hindi na tinapos ang pagkain."Huwag mong sundan!" Pagalit na sita ni Celso sa katulong. Kung hindi kasi ang asawa niya ay si Rowena ang na spoiled sa anak niya. Pagtingin niya sa asawa ay malungkot ito pero hindi siya magawang sumbatan o magalit dahil alam nitong naputol na ang pisi ng pa
Umangat ang isang sulok ng labi ni Jason namg mabasa ang message ng mag asawang kaibigan. Una niyang binata ay message ni Jesabell. "Ano ang breakfast mo today with your family?"Pasimple niyang kinuhanan ng larawan ng larawan ang hawak na baso at send sa kaibigan. "Very clear." Pumalatak siya namg mag send ng angry sticker si Jesabell at hindi natuwa sa kaniyang reply. Mabilis niyang inubos na ang laman ng baso saka ibinulsa ang cellphone at tumigin sa ama. "I'm done, mauna na po ako sa inyo at may meeting ako ngayong umaga.""Pero wala kang nakain, hijo. Hintayin mo muna si Rowena at—""Its ok, dad. Hindi pa po ako gutom at ok na ako sa tubig." Putol niya sa pagsasalita ng ama."Meeting?" Tumawa si Felix, "what kind of meeting ang pupuntahan mo sa isang kanto?" Nang iinsultong tanong niya sa kapatid.Seryusong tinapunan niya ng tingin si Felix. "Paano mo nalamang sa kanto ang punta ko? Hindi mo pa ba naranasang mag attend ng isang meeting at mukha sobrang confuse ka?"Bubuka sana a
"Anak, gising ka na pala. Halika at sumalo ka na sa pagkain." Aya ni Celso kay Jason.Napatingin si Jason sa pagkaing nakahain sa lamesa. Mukhang bilang iyon para sa taong nasa hapag kainan na. Hindi niya akalaing sa yaman ng pamilya ay ang tipid sa pagkain."Kuya, sa iyo na ito. Pasensya na at nasanay ang katulong magluto na para sa amin lang tatlo." Alok ni Felix sa kapatid at diniinan ang huling sinabi."Salamat pero hindi ko gusto ang ganyang pagkain." Nakangiting tanggi niya sa kapatid. '"Son, sabihin mo kung ano ang gusgo mong kainin at ipaluto ko sa katulong." Nahihiyang kausap ni Celso sa binata."Huwag na po, dad. Matanda na ako para asikasuhin pa ng katulong. Isa pa ay hindi ako sanay kumain ng heavy meal." Ngumiti si Jason sa ama at may kasamang pasaring iyon sa kapatid."Tagal mo rin nanirahan sa mahirap na lugar kaya sanay sa simpleng pagkain." Pang aasar na puro ni Felix sa kapatid."Hindi mo masasabi ang buhat natin kaya dapat hindi maarti sa buhay lalo na sa pagkain.
"No..." humigpit ang yakap niya sa asawa. "Please, give me time. Puwedeng kahit isang buwan lang ay iparamdam mo sa kaniya na ina ka niya?" Siya naman ngayon ang nakiusap sa asawa.Napaisip si Lucy at tumigil na sa pag iyak. "Isang buwan lang?" Naniniguro niyang tanong dito.Nakangiting tumango si Celso, "yes. Don't worry, kausapin ko si Felix mamaya paggising niya at ipaunawa ang sitwasyon."Nakangiting gumanti na ng yakap si Lucy sa asawa. Masaya siya dahil siya pa rin mas matimbang sa puso ng asawa kaysa anak nito sa ibang babae.Napangiti si Felix saka nagmulat ng mga mata nang lumabas na ng silid ang mga magulang. Siya pa rin ang magwawagi sa muli nilang pagkikita ni Jason.Napamulat si Jason nang maramdamang may taong nagmamasid sa kaniya. Nang makita si Felix at mataman niya itong pinagmasdan. "Hindi mobna ako kailangang bantayan habang natutulog."Tumalim ang tingin ni Felix sa lalaki at hindi natuwa sa sinabi nito at ang mapang asar na ngiting nakapaskil sa labi nito. "First
Ipinikit ni Jason ang mga mata nang lumapit sa kaniya ang doctor. Hinayaan niyang suriin nito ang mga mata niya,pulso at heartbeat."Maayos naman ang kalagayan niya po maliban sa pananakit ng ulo. Normal lang po iyan sa sakit niya ngayon kaya huwag siyang pilitin na makaalala. Bigyan ko po siya ng gamot na makatulog kapag sumakit ang ulo niya." Kausap ng doctor sa ama ni Jason."Maraming salamat po, doc." Kinamayan ni Celso ang manggagamot."Doc, may iniindang sakit din po si Senyorito Felix."Napamulat ng mga mata si Jason nang marinig ang sinabi ng katulong. Pinakatitigan niya ang ginang at nahuli niya kung paano siya nito titigan. Mas bata sa mga magulang niya ang katulong. "Ah yes please, pakitingnan ang bunso kong anak." Pakiusap ni Celso sa doctor.Nauna nang lumabas ang katulong at sumunod ang doctor."Matagal na ba ang katulong na iyon dito?" tanong ni Jason sa ama.Sandaling natigilan si Celso at nagtatakang napatingin sa anak. "May problema ba sa kaniya, son?""Wala naman
Umupo si Celso sa tabi ng anak at ipinatong ang kanang kamay sa balikat nito. "She's your real mother."Nakahinga nang maluwag si Jason at nagkamali naman pala siya ng iniisip kanina."Almost ten years kaming kasal bago ka dumating sa buhay namin. Ang sabi ng doctor ay maliit ang chance na makabuo kami ng anak dahil laging nakukunan ang mommy mo noon. Naisip kong mag ampon na lang sana noon ngunit ayaw ng mommy mo. Kaya naisip ko na lang naag hired ng surrogate mother."Halos hindi na magawang kumurap ni Jason habang nakikinig sa kuwento ng ama. Mukhang mas madrama ang buhay ng parents kaysa kaniya."Hindi na kami lumayo noon at willing ang katulong namin na siya ang maging surrogate mother dahil mas bata siya kaysa amin at healthy naman. Naging matagumpay ang isinagawa at nabuo ka."Hulaan ko, naging selosa si Mommy?" tanong niya sa ama.Tumango si Celso, "nagkasakit ang mommy mo at hindi ko alam kung bakit nagkaganoon siya nang mag isang taon ka na. Pinagdudahan niya ako na sumisipi