LOGINIsang kulay pula na Ferrari ang huminto sa tapat ng entrance ng Oriental Haven.Bumaba mula rito ang isang babaeng nakasuot ng matingkad na crimson red na backless gown na lalong nagpakita sa sexy at kurbadong katawan nito. Nakalugay sa magkabilang balikat ang brown curls nito habang maingat namang inayusan ng light makeup ang maamo nitong mukha.Bahagya nitong inaangat ang baba habang tinitingnan ang engrande at marangyang Oriental Haven sa harap nito. May maliit na ngiti sa labi ng babae pero halatang-halata ang galit sa mga mata.Pumunta ito sa birthday banquet ng ibang tao na nakasuot ng matingkad na pulang-pula. Hindi na kailangang hulaan pa kung ano ang pakay nito. Gustong agawin ng babae ang lahat ng atensyon ng mga panauhin sa gabing iyon."Avionna, don't be mad. She's just some little bitch who got lucky for a moment. Tonight, we'll win back every bit of face we lost," sabi ni Pepper habang bumababa rin ng sasakyan. Nakasuot ito ng sexy purple slip dress at may mapanuyang ngi
Medyo kinailangan pang magpaliwanag at mangumbinsi ni Sarina bago tuluyang pumayag sina Luke at Luna na buksan ang pintuan. Nakanguso pa ang dalawa habang binubuksan niya ang pintuan.Napangiti nang alanganin si Sarina kay Rick na basang-basa na ang buhok. Hindi niya maipaliwanag ang hiya na nararamdaman sa world class stylist."I'm so sorry about that. Kids don't know any better. Luke, Luna, apologize to him."Agad na lumapit ang kambal kay Rick at nanghingi ng sorry."We're sorry. We didn't mean to splash water in your hair. It's just that we thought you were a bad guy and trying to hurt Mommy."Mabilis na uminit ang ulo ni Rick lalo na kapag may nanggugulo sa maayos niyang hairstyle. Pero nang makita na sobrang cute ang dalawang bata na nagso-sorry sa kanya ay napailing na lang siya habang inaayos ang buhok gamit ang kamay."Forget it. No big deal."Sunod-sunod na pumasok ang buong team sa loob. Mabuti na lang at maluwag ang living room ni Sarina. Kung hindi ay baka hindi magkasiya
Nang marinig na pumayag na si Sarina ay palihim na nag-thumbs-up si Walter sa boss niya sa likod nito. Wala talagang kupas ang boss niya pagdating sa pakikipag negotiate."Alright. I'll have Walter take you over there. I still have some things to wrap up and will arrive a bit later, okay?" Sambit ni Damon at napatingin sa suot nitong relo."Mm." Simpleng sagot lang ni Sarina.Pagkababa ng tawag ay inilapag ni Damon ang phone sa gilid ng table. Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi niya. Para bang katatapos lang niyang makipag-negotiate ng isang malaking deal.Hindi tuloy maiwasang mapatingin sa kanya ang mga taong kasalukuyang ka-meeting niya. Ngayon lang nila nakita ang boss nila na ganoon ang itsura.Kahit sinong makakita sa Boss nila ay iisipin na inlove ito. At the same time ay curious ang lahat kung sino ang babaeng binibigyan nito ng sobrang atensyon.That is the very first time that Damon answered a call during a meeting. Madalas ay ayaw nito ng kahit anong klase ng istorbo d
Tanghali nang biglang nagkaroon ng medical emergency ang isa sa mga pasyente at agad itong isinugod sa operating room. Dahil hindi na naman makaalis si Sarina ay tinawagan niya muna si Damon bago pumasok sa OR."Hello, Damon?" Bati niya."Mm, you stood me up?" kalmadong tanong ni Damon na para bang inaasahan na nito iyon.Napahawak si Sarina sa noo. "I'm really sorry. Nagkaroon ng emergency ang isang pasyente at hindi ako makaalis. I have to go into the operating room.""Mm." Habang abala sa pag-aasikaso ng mga documents ay bahagyang tumingin si Damon sa kanyang relo bago nagtanong. "What are your plans for tonight?""We are going to have a team dinner." Pasimpleng sagot ni Sarina."To celebrate your birthday?" Usisa ni Damon.Saglit na natigilan si Sarina. "You actually remembered that today is my birthday?" Hindi makapaniwala na tanong niya.Dalawang segundo munang natahimik si Damon sa kabilang linya bago muling nagsalita. "Have you booked a place yet?" Sa halip ay usisa nito."Med
“Avionna, you are just lying to me, right? You have feelings for me. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pinaparamdam mo. You asked me out to eat, you hugged me, you asked for my help, you said I was someone you could count on. You even said I was the best person to you in this whole world. Avionna, you love me! You're just scared to admit it in front of them, right? Don't be afraid. I’m here. I'll protect you.”Mahigpit na hinawakan ni Dr. Yang ang magkabilang balikat ni Avionna. Halatang desperado siyang makuha ang sagot na gusto niyang marinig mula rito. Pero iba ang naging sagot nito sa kanya.“Shut up! Shut up! Just shut up!”Pakiramdam ni Avionna ay malapit na siyang tuluyang mawalan ng katinuan. Paulit-ulit niyang itinulak si Dr. Yang habang iwinawasiwas ang mga kamay para hindi ito makalapit.“I don't love you! None of the things you're saying ever happened, and I never did any of that! We're just coworkers, and I never promised you anything! Dr. Yang, wake up!”H
Alam naman ng lahat kung ano talaga ang pakay ni Avionna. Bakit niya ba tinanggap ang surgery na iyon in the first place? Hindi ba at para lang naman talaga makipag kompetensya kay Sarina?Gumamit pa siya ng mga patagong paraan para makuha ang surgery. Sa huli ay nataranta lang siya habang nasa operating table na at muntik pang ikamatay ng pasyente ang nangyari.Hindi ba malinaw na skill problem na nga iyon pagkatapos ay may serious character flaw pa?A skill problem and a serious character flaw!Biglang nanghina ang mga tuhod ni Avionna at napaluhod siya sa sahig nang marinig ang sinabi ni Vice President Yang.Tapos na. Wala na. Everything is over.Tumingin siya kay Sarina at saka sa sarili niya. Pakiramdam niya ay isa lamang siyang malaking clown na nagmukhang katawa-tawa sa harap ng lahat.Nagtama ang mga mata nila ni Sarina. Hindi ito nagsalita pero may bahagyang pangungutya sa mga mata nito.Nang makitang bumagsak si Avionna ay agad na yumuko si Dr. Yang para tulungan siyang maka







