Chapter: Kabanata 114: Out Of PlaceIlang segundo munang huminga ng malalim si Sarina bago siya tahimik na napabuntong-hininga. Halo-halo ang nararamdaman niya at hindi niya rin alam kung paano iyon ilalarawan.Pagkakita sa kanya ay agad siyang kinawayan ni Jasmine at tinawag. Nakangiting naglakad si Sarina palapit sa mga ito.Habang naglalakad si Sarina sa loob ng grand ballroom ay hindi mabilang ang mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. Halos walang gustong alisin ang tingin sa kanya kahit saglit lang.Mahigpit na kinuyom ni Avionna ang mga kamao. Nakakainis na makita kung paano biglang napunta kay Sarina ang atensyon ng mga taong kanina lang ay halos hindi na matapos-tapos sa pagpuri sa kanya.Sadyang kapag ang dalawang magagandang babae ang dumalo sa iisang event at pareho pang halos magkapareho ang kulay at style ng gown ay natural lang na ikumpara sila ng mga tao.Muling napunta ang atensiyon ng lahat kay Avionna. Pero kahit anong comparison ang gawin ng mga ito ay malinaw na mas lamang na lamang si Sarina.
Huling Na-update: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 113 (Part 2)Sa mismong sandaling iyon ay isang Rolls-Royce ang maayos na huminto sa entrance ng Oriental Haven.Agad na bumaba si Walter at magalang na binuksan ang rear door. Magkasunod na bumaba sina Luke at Luna. Pagkakita pa lang sa paligid ay agad na nagliwanag ang mga mata ng kambal."Whoa, Mommy, it's so pretty here!" Namimilog ang mga mata na nagtakip si Luna ng bibig."Mommy, can we go play by ourselves? We'll come find you soon," paalam ni Luke habang hawak ang kamay ng kakambal.Pagkababa sa sasakyan ay mahinahong tiningnan ni Sarina ang dalawa."Go ahead. Just come back to Mommy soon."Dahil mahigpit naman ang security sa loob ng Oriental Haven ay hindi naman nag-alala si Sarina na may masamang mangyari sa mga bata kaya pinayagan niya ang mga ito.Masayang naghawak-kamay sina Luke at Luna bago tumakbo papunta sa play area.Lumapit si Walter kay Sarina."Miss Sarina, baka po abutin pa si Bossing ng twenty minutes bago makarating dito. You may go inside first if you'd like.""Mm." Tuman
Huling Na-update: 2026-11-26
Chapter: Kabanata 113: A Grand Birthday Surprise"Tanga ka ba? Bago mo pa siya mapatanggal sa trabaho ay ikaw na mismo ang palalayasin dito! Oriental Haven has its own rules. Anyone who causes trouble gets kicked out, no matter how high their status is." Napairap si Avionna habang pinapaliwanag kay Pepper kung bakit hindi na siya pumatol sa staff na nag assist sa kanila.Natigilan si Pepper. "Then what I just did—""You'd better behave yourself while we're here at Oriental Haven. ‘Wag kang gagawa ng gulo at magdadamay sa akin. Or you can just get lost right now!" galit na saway niya kay Pepper.Sobrang sakit na sa ulo na may kasamang tanga. Kung hindi lang kahit paano ay may pakinabang sa kanya si Pepper ay matagal na niya itong pinagsabihang lumayo sa kanya.Napatingin si Pepper sa mga bodyguard na nakapuwesto sa magkabilang gilid ng malawak na hallway. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan dahil matatangkad ang mga ito. Kapag napalayas siya sa isang event na ganito ay siguradong wala nang matitira sa pride niya.Pagdating nila sa top
Huling Na-update: 2026-11-26
Chapter: The VIP Guest at Oriental HavenIsang kulay pula na Ferrari ang huminto sa tapat ng entrance ng Oriental Haven.Bumaba mula rito ang isang babaeng nakasuot ng matingkad na crimson red na backless gown na lalong nagpakita sa sexy at kurbadong katawan nito. Nakalugay sa magkabilang balikat ang brown curls nito habang maingat namang inayusan ng light makeup ang maamo nitong mukha.Bahagya nitong inaangat ang baba habang tinitingnan ang engrande at marangyang Oriental Haven sa harap nito. May maliit na ngiti sa labi ng babae pero halatang-halata ang galit sa mga mata.Pumunta ito sa birthday banquet ng ibang tao na nakasuot ng matingkad na pulang-pula. Hindi na kailangang hulaan pa kung ano ang pakay nito. Gustong agawin ng babae ang lahat ng atensyon ng mga panauhin sa gabing iyon."Avionna, don't be mad. She's just some little bitch who got lucky for a moment. Tonight, we'll win back every bit of face we lost," sabi ni Pepper habang bumababa rin ng sasakyan. Nakasuot ito ng sexy purple slip dress at may mapanuyang ngi
Huling Na-update: 2026-11-25
Chapter: Kabanata 111: Gustong MakasabayMedyo kinailangan pang magpaliwanag at mangumbinsi ni Sarina bago tuluyang pumayag sina Luke at Luna na buksan ang pintuan. Nakanguso pa ang dalawa habang binubuksan niya ang pintuan.Napangiti nang alanganin si Sarina kay Rick na basang-basa na ang buhok. Hindi niya maipaliwanag ang hiya na nararamdaman sa world class stylist."I'm so sorry about that. Kids don't know any better. Luke, Luna, apologize to him."Agad na lumapit ang kambal kay Rick at nanghingi ng sorry."We're sorry. We didn't mean to splash water in your hair. It's just that we thought you were a bad guy and trying to hurt Mommy."Mabilis na uminit ang ulo ni Rick lalo na kapag may nanggugulo sa maayos niyang hairstyle. Pero nang makita na sobrang cute ang dalawang bata na nagso-sorry sa kanya ay napailing na lang siya habang inaayos ang buhok gamit ang kamay."Forget it. No big deal."Sunod-sunod na pumasok ang buong team sa loob. Mabuti na lang at maluwag ang living room ni Sarina. Kung hindi ay baka hindi magkasiya
Huling Na-update: 2026-11-25
Chapter: Kabanata 110: Damon Hired The World Class Stylist For SarinaNang marinig na pumayag na si Sarina ay palihim na nag-thumbs-up si Walter sa boss niya sa likod nito. Wala talagang kupas ang boss niya pagdating sa pakikipag negotiate."Alright. I'll have Walter take you over there. I still have some things to wrap up and will arrive a bit later, okay?" Sambit ni Damon at napatingin sa suot nitong relo."Mm." Simpleng sagot lang ni Sarina.Pagkababa ng tawag ay inilapag ni Damon ang phone sa gilid ng table. Bahagyang umangat ang gilid ng mga labi niya. Para bang katatapos lang niyang makipag-negotiate ng isang malaking deal.Hindi tuloy maiwasang mapatingin sa kanya ang mga taong kasalukuyang ka-meeting niya. Ngayon lang nila nakita ang boss nila na ganoon ang itsura.Kahit sinong makakita sa Boss nila ay iisipin na inlove ito. At the same time ay curious ang lahat kung sino ang babaeng binibigyan nito ng sobrang atensyon.That is the very first time that Damon answered a call during a meeting. Madalas ay ayaw nito ng kahit anong klase ng istorbo d
Huling Na-update: 2026-11-25

The Governor's Unruly Bride
Governor Jarek Falcon just got himself the biggest problem and her name is Ariella Castaneda.
Sa kagustuhang maisalba ang kanyang political career mula sa isang eskandalo na nagbabanta sa kanyang reputasyon ay napilitan siyang tanggapin ang isang alok: Maging temporary guardian ng bunsong anak ng isang Police General.
Sounds easy, right?
Well… Not when the Police General’s youngest daughter is a walking disaster.
Aria Castaneda is young, wild, stubborn, and practically allergic to rules. She's the kind of girl who can turn a peaceful afternoon into a full-blown controversy. At dahil sa sunod-sunod na kaguluhang kinasasangkutan nito sa edad na disiotso na apektado ang imahe ng amang General ay mukhang kailangan talaga ni Aria ng guardian na may mahabang pasensya.
Unfortunately, Governor Jarek Falcon isn't that kind of man. He's strict, authoritative, and used to getting what he wants. Sanay siyang sinusunod ang bawat utos niya. But Aria seems determined to challenge every single rule he makes.
Until one scandal leads to another and Jarek finds himself in an even bigger predicament—marrying the girl he's supposed to discipline.
But what if Aria's presence in his life isn't just another unfortunate coincidence?
Paano kung bahagi pala si Aria ng isang mas malaking plano para tuluyang pabagsakin ang gobernador?
Now, Jarek is stuck with a troublesome bride, a threatened political career, and enemies who are waiting for the perfect opportunity to destroy him.
Kaya niyang pamunuan ang isang buong probinsya pero kaya kaya niyang kontrolin ang sarili niyang asawa?
Or will his unruly bride be the very reason for his downfall?
Basahin
Chapter: Kabanata 9: Kakayanin Mo Bang Maging Asawa Ako?!Tuloy-tuloy na naglakad si Jarek paakyat sa opisina niya sa bahay. Ang balak niya sana ngayong umaga ay hihintayin at kakausapin lang ang anak ni Chief Castaneda, pagkatapos ay pupunta na siya sa opisina niya sa kapitolyo dahil may mga kailangan pa siyang asikasuhin doon.Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay siguradong hindi siya basta-basta makakaalis sa bahay niya dahil panigurado ay pagkakaguluhan siya ng press dahil sa statement na kakatapos niya lang ilabas sa publiko.Nang nakapasok siya sa opisina ay napasapo siya sa noo habang naglalakad palapit sa table. Nang nakalapit sa table niya ay tumayo siya doon at saka tinukod ang dalawang kamay sa ibabaw. Umangat ang isang kamay niya papunta sa mga labi niya. He can still taste the taste of Ariella’s lips. Hindi naman siguro lipstick iyong nalalasahan niya dahil mukha namang walang suot na lipstick ang babaeng yun. In fact, wala nga itong kahit na anong kolorete sa mukha kaya kitang-kita niya ang natural na itsura nito.Natigil ang
Huling Na-update: 2026-11-25
Chapter: Kabanata 8: Getting MarriedIlang sandali pang nakatitig si Jarek sa mukha ni Aria bago niya nagawang makapagsalita at nagtanong.“What the hell did you just do?”Sa totoo lang ay ramdam pa rin niya ang biglaang paghalik ni Aria sa kanya. Aaminin niya na nagustuhan niya ang halik pero hanggang doon lang. He is still incapable of falling in love. And that’s probably the most confusing and exhausting part of being aromantic. He couldn’t fall in love the way other people did.Huminga ng malalim si Jarek habang nakatitig sa mala anghel na mukha ni Aria. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang hinalikan nito matapos nitong ungkatin ang scandal na kasalukuyan niyang kinasasangkutan.“Can’t you tell?” Tumagilid ang ulo ni Aria at saka ngumisi ng nakakaloko sa kanya. “I just showed the world how desperate Governor Jarek Falcon is to get laid!”Bumungisngis pa ito na para bang masayang masaya at satisfied na satisfied sa ginawa. “Siguradong number one trending ka na sa Pilipinas–oh, wait! Baka hindi lang sa Pilip
Huling Na-update: 2026-11-24
Chapter: Kabanata 7: Live ShowExcited at handang-handa na sa gagawing paliligo sa swimming pool si Aria nang may napagtanto siya.“Sunscreen!” Nakasimangot na nagkamot siya sa pisngi at muling naglakad pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa living room dahil doon niya iniwan ang mga gamit niya.Ang hindi niya inaasahan ay ang madatnan si Jarek sa living room na pinapakialaman ang mga gamit niya. Mas lalong hindi niya inaasahan na makikita niya itong hawak-hawak ang panty niya!Napamura si Aria. Halo-halo na ang mga nasa isip niya. Kanina lang ay naisip niya na baka bakla si Jarek dahil para itong diring-diri nang mahawakan niya ang pang upo nito. Ngayon naman ay parang naiimagine niya pa na gusto nitong amuyin ang panty niya kaya napalakas ang mura niya at agad na sinugod ito para pigilan sa kung anong balak nitong gawin sa panty niya!Hindi inaasahan ni Aria na papatulan siya ni Jarek kahit na hamak na mas matangkad ito sa kanya. Hindi man lang ito nagdalawang isip na takpan ang bibig niya at saka pinigilan
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: Kabanata 6: Another Scandal“‘Wag niyang sabihin na virgin pa sa hawak yung pwet niya?”Hirap na hirap si Aria na pigilan ang tawa niya habang sinusundan ng tingin si Governor Jarek Falcon na madaling-madali sa pag-akyat sa hagdan dahil sa ginawa niyang paghawak at pagpalo sa pisngi ng pang upo nito.Salamat sa mga kaibigan niya na fan na fan ni Jarek dahil nalaman niya na anti-romantic ito at kahit kailan ay wala pang nabanggit na pangalan ng babae sa kahit saang interview. At sa tindi ng stalking skills ng mga kaibigan niya ay imposible na hindi malaman ng mga ito na kahit kailan ay hindi pa ito nagkaroon ng girlfriend. Napapataas na lang tuloy ang kilay ni Aria lalo na ngayon na nakita na niya si Jarek sa personal.The man is undeniably hot. Lalaking lalaki ang tindig lalo na ang kulay nito na moreno. Matangkad at maganda ang katawan. Kung hindi lang siya pinanganak na matangkad ay baka hindi pa siya umabot sa dibdib ni Jarek dahil sa sobrang tangkad nito.“And you are telling me that he never had a girlfrien
Huling Na-update: 2026-11-22
Chapter: Kabanata 5: Kung Ayaw Mong Maging Daddy Ko, Edi Asawa Na Lang!“Kumatok ka na, Primo.”“Ikaw na.”Nagsalubong ang makapal at itim na itim na kilay ni Dante habang nakatingin sa dalawang kasamang bodyguard na sina Lukas at Primo. Pati ba naman sa pagkatok lang sa pintuan ng opisina ni Governor Jarek Falcon ay nagtuturuan pa ang mga ito.Nagkamot sa tenga si Primo habang nakatingin kay Lukas. Pare-pareho nilang alam na masyadong istrikto si Governor Falcon pagdating sa oras. Halos kalahating oras na kasing late ang inaasahang bisita nito kaya siguradong hindi magugustuhan iyon ng istriktong gobernador.Sa tagal nilang nagtatrabaho sa mga Falcon ay kilalang-kilala na nila si Jarek bilang isang istriktong CEO ng Falcon Maritime Group noong hindi pa ito nanunungkulan bilang isang gobernador.“Late nga yung bisita niya tapos mas inuna pang kumain kesa harapin si Gov! Siguradong magtatanong yun kung bakit hindi natin sinabihan yung bisita niya na unahin munang puntahan si Gov bago kumain! Mainit pa naman ang ulo non dahil doon sa scandal!” Tuloy-tuloy n
Huling Na-update: 2026-11-21
Chapter: Kabanata 4: Gusto Mong Anakan Kita?Habang nasa kwarto si Aria ay sinadya niyang bilisan ang pagkilos at ang pag iimpake ng mga gamit. Sinabi niya sa Daddy niya na ‘wag nang mag abala si Governor Falcon na magpadala ng mga tauhan nito sa bahay nila dahil hindi na iyon kailangan. Siya mismo ang pupunta sa bahay nito para masimulan na niyang guluhin ang buhay nito.“Behave, Aria.”Habang naglalakad siya palabas sa bahay nila at hila-hila ang maleta niya ay nakabuntot ang Daddy niya at salita ng salita. Ni isa sa mga bilin nito ay wala siyang balak na sundin. Besides, kaya nga siya naging ganun ka-iresponsable ay dahil nagrerebelde siya dito.Two years ago ay sapilitang kinuha siya ng ama sa kinalakihan niyang mga magulang. Sa loob ng labing walong taon ay nabuhay siya bilang isang anak ng ordinaryong mekaniko at labandera. Isang araw ay bigla na lang sumulpot sa bahay nila si Police General Arthur Castaneda. He claimed that he was her biological father. Ni isa sa mga nakalakihan niyang mga magulang ay hindi man lang nagre
Huling Na-update: 2026-11-13